Summary

This document provides a summary overview of the issue of corruption in the Philippines. It traces the roots of corruption to the Spanish colonial period and examines various forms of corruption in the contemporary context. It examines the prevalence of political dynasties and their impact on governance.

Full Transcript

KORAPSIYON *Kung susuriin ang kasaysayan ng bansa, maaaring sabihing sa panahon ng mga Espanyol nagsimula ang korapsyon. *May mga Espanyol gobernador-heneral din na maituturing na tiwali. *Ang ganitong sistema ay nagbunga ng katiwalian dahil karaniwan, sa bawat pabor na hingin sa padrino ay may k...

KORAPSIYON *Kung susuriin ang kasaysayan ng bansa, maaaring sabihing sa panahon ng mga Espanyol nagsimula ang korapsyon. *May mga Espanyol gobernador-heneral din na maituturing na tiwali. *Ang ganitong sistema ay nagbunga ng katiwalian dahil karaniwan, sa bawat pabor na hingin sa padrino ay may kapalit na suhol, salapi man o anumang mahalagang bagay. *Sa pagkakaroon ng utang na loob sa padrino, ang mga biktima ng ganitong sistema ay mananatiling masugid na tagasuporta ng kanilang padrino kahit na ang huli’y mapatunayan nang tiwali. *Sa paghahari ng mga Espanyol, sumulpot ang lokal na elite o principalia mula sa mga dating datu, rajah at maharlika. *Cabeza de barangay at gobernadorcillo *Marami sa mga pamilyang asendero ang nanatiling bahagi ng alta sociedad sa kasalukuyan, sapagkat mayaman pa rin sila sa salapi at lupain. *Sa mga unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano, ang karapatang maghalal at mahalal ay maaari lamang tamasahin ng mga mamamayang may edukasyon at ari-arian. * Samakatuwid, lalong tumibay ang monopolyo ng mayayaman sa kapangyarihang politikal sa panahong iyon, bagay na nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan. *Sa pamamagitan ng monopolyo nila sa kapangyarihang politikal, naging mahirap para sa mga ordinaryong tao na bantayan at lumahok sa prosesong politikal. *Maituturing na ugat din ng korapsyon ang monopolyo ng iilang dinastiyang politikal sa kapanyarihan at ang kawalan ng sapat na partisipasyon ng mga mamamayan sa prosesong politikal. DINASTIYANG POLITIKAL * Sa aklat na “The Modern Principalia: The Historical Evolution of the Philippine Ruling Oligarchy” (2007) ni Prop. Dante Simbulan, detalyadong sinuri ang pangingibabaw ng mga dinastiya sa sistemang politikal ng bansa. *Ayon sa kaniyang pananaliksik na sumasaklaw mula 1946 hanggang 1963, may 169 dinastiya sa Pilipinas na pinagmulan ng 584 opisyal ng gobyerno, kasama na ang pitong presidente, dalawang bise-presidente, 42 senador, at 147 kinatawan sa Kongreso. * Batay naman sa pag-aaral ng Asian Institute of Management Policy Center noong 2011, mahigit 100 o 68% ng mga kinatawan sa ika-15 Kongreso na nahalal noong 2010, ang may kamag-anak sa ika-12, 13, 14, at 15 Kongreso, o kaya mga lokal na opisyal na nahalal noong 2001, 2004, 2007 at 2010. *Ayon naman sa aklat na “The Rulemakers, How the Wealthy and Well-born Dominate Congress” (2004) nina Shiela Coronel et al., halos isang siglo nang kontrolado ng mga dinastiya ang sistemang politikal ng bansa. * Anila, bagama’t hindi na puro asendero ang mga dinastiyang nakapuwesto, lahat ng mga angkan na ito’y pawang mayayaman at maituturing na bahagi ng noveau riche. *Samakatuwid, malinaw na ang kayamanan at kapangyarihang politikal ay magkaugnay pa rin hanggang kasalukuyan. Corruption (Korapsiyon) ay isang maling gawi o kasanayang kinasasangkutan ng opisyal ng isang institusyon. Ito ay ang pang-aabuso sa hawak na posisyon upang magkaroon ng personal na pakinabang. Graft ay isang anyo ng politica l na korapsiyon kung saan ang opisyal ng pamahalaan ay nagkakamal ng pinansiyal na pakinabang sa hindi tapat o hindi legal na paraan. ANYO O URI NG CORRUPTION 1. Embezzlement o Paglustay - Ito ay pagnanakaw ng pera ng isang taon pinagkatiwalaan nito. Karaniwang it ay ginagawa sa pamamagitan ng paglustay o maling paggamit (misappropriation) ng pondo ng pamahalaan. Ang pangkaraniwang ipinapataw na parusa sa ganito ay panghabambuhay na pagkakakulong. ANYO O URI NG CORRUPTION 2. Bribery o Lagay System - Ito ay ang pag-aalok, pagbibigay, pagtanggap, o paghingi ng ano mang bagay. Upang impluwensiyahan ang mga aksiyon ng isang opisyal o empleyado ng pamahalaan. lsang halimbawa nito ay ang red tape. Ang mga fixer na binabayaran upang mapabilis ang proseso ng dokumento. ANYO O URI NG CORRUPTION 3. Fraud o Pamemeke - Ito ay tumutukoy sa pandaraya o panlilinlang (deception) sa layuning makalamang o makakuha ng salapi o iba pang benepisyo. ANYO O URI NG CORRUPTION 4. Extortion o Pangingikil-lsang illegal na paggamit ng kapangyarihan. Ito ay tumutukoy sa panghuhuthot, panghihingi, o sapilitang pagkuha ng salapi. Karaniwang ginagamit ang blackmailing o pangunguwalta sa pamamagitan ng pananakot. Iba pang uri ng korupsiyon. Maaaring ang mga ito ay 1. Tax Evasion o Pagtakas sa pagbabayad ng kaukulang buwis 2. Ghost Project at Ghost Payroll 3. Evasion of public bidding in the awarding of contracts 4. Passing of contracts 5. Nepotismo at Paboritismo 6. Tong o Protection Money EPEKTO NG KORAPSIYON PAGTITIWALA AT PARTISIPASYON NG MAMAMAYAN SA MGA PROGRAMA NG PAMAHALAAN 1. Nawawalan ng ganang makipagtulungan ang mga mamamayan sa pamahalaan kahit na sila ay may pagnanais na umunlad ang bansa. 2. Nakapag- iisip na makibagay o makiayon na lamang sa maling kalakaran. 3. Lalong tumitindi ang puwang sa pagitan ng mayayaman at mahihirap. ANG KAUGNAYAN NITO SA ASPEKTONG PANGKABUHAYAN AT PANLIPUNAN Mga Epekto sa Kabuhayan 1. Lalong tataas ang presyo ng bilihin dahil babawiin ng mga negosyante ang pangingikil na ginagawa ng mga opisyales. 2. Nauubos ang pondo ng bansa. 3. Mananatiling mababa ang pasahod sa mga empleyado at tataas ang buwis. 4. Babagsak ang ekonomiya ng bansa 5. Ang mga negosyante ay mawawalan ng ganang mamuhunan 6. lmbis na nakalaan ang pondo para sa serbisyo sa mga mamayan ang pondo ay napupunta lamang sa iilan. ANG KAUGNAYAN NITO SA ASPEKTONG PANLIPUNAN AT POLITIKA Mga Epektong Panlipunan at Pampolitika 1. Unti-unting mauubos ang kaban ng bayan 2. Mawawalan ng kredibilidad ang mga pampublikong institusyon at tanggapan 3. Mawawala ang integridad ng mga opisyal. 4. Kapag ito ay naging tradisyon na, patuloy na magkakaroon ng hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan. 5. Ito ay maaaring magdulot ng mga rally at pag-aalsa sa mga taong nais kumawala sa ganitong sitwasyon. 6. Bunga rin ng korapsyon ang kawalan ng tunay na mga partido politikal sa bansa. 7. Isa sa mga pangunahing bunga ng korapsyon ang kawalan ng oportunidad ng mga ordinaryong mamamayan na magkaroon ng espasyo sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan MGA MUNGKAHI NG PARAAN O SOLUSYON 1.Matalinong pagpili ng mga ihahalal sa pwesto. 2. Pagkakaron ng transparency o regular na pag-uulat ng pamahalaan tungkol sa pondo ng bayan. 3. Pagsasabatas ng Freedom of Information Bill. 4. Paigtingin ang pagmomonitor ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) na isusumite ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaan. 5. Patawan ng mabigat na parusa ang mga napatunayang nangurakot. 6. Paigtingin ang pagtuturo ng kasamaan ng graft at corruption sa paaralan. MGA MUNGKAHI NG PARAAN O SOLUSYON 7. Sa kasamaang-palad, wala pa ring enabling law ang constitutional provision na ito dahil laging hinahadlangan ng sangkatutak na political dynasties sa Kongreso. 8. Bukod sa mga institusyonal na pagsisikhay na maisabatas ang isang Anti-Dynasty Bill, ang pagsuporta sa mga grupo ng mga ordinaryong mamamayan na lumalahok sa politika, gaya ng mga partylist, ay epektibong paraan din ng pagpapahina ng dinastiyang politikal. 9. Sa ganitong diwa, ang pagsasagawa ng mga repormang politikal gaya ng pagsasabatas ng konstitusyunal na probisyon na nagbabawal sa mga dinastiyang politikal at mga batas na magpapatibay pa sa representasyon ng mga grupong marginalized (gaya ng sistemang party-list) ay dapat isagawa. 10. Ayon a Article II, Section 26 ng Philippine Constitution: “The state shall guarantee equal access to opportunities for public service and prohibit political dynasties as may be defined by law.” PERFORMANCE TASK # 5 GUMAWA NG DIGITAL MIND MAP TUNGKOL SA EPEKTO NG KORAPSIYON SA PERSONAL, PAMPAMILYA, PANLIPUNAN AT PAMBANSA A4 BONDPAPER Pangalan: Section: Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino Inihanda ni G. Ryandy Coroneza IV. Mga Napapanahong Isyung Lokal at Nasyonal (Unang Bahagi) A. Mga Nagbabagang Suliraning Lokal at Nasyonal! B. Ang Sistemang Ekonomiko ng Pilipinas sa Kasalukuyan C. Kahirapan sa Pilipinas D. Sanhi at Bunga ng Kahirapan Innovating Knowledge. Improving Lives. Innovating Knowledge. Improving Lives. Innovating Knowledge. Improving Lives. Innovating Knowledge. Improving Lives. Tumungo at pakinggan ang awit ni Gary Granada na “Kahit Konti” https://www.youtube.com/watch?v=JtpnaLIte9M Innovating Knowledge. Improving Lives. KAHIT KONTI – GARY GRANADA Hindi naman buong-buo ang hinihiling ko sa iyo Ngunit kahit kapiraso maaring magkasundo tayo Iba't iba ang katuwiran ng tao sa lipunan Maari bang, maari bang umusog-usog ng konti Ngunit ang kailangan lang tayo'y huwag Hati-hati dahil masyadong masikip ang upuan magtulakan At kung iyong kausapin, ako nama'y hindi maselan O kayraming suliranin, oras-oras dumarating At payag matabihan, umusog lang, umusog ng Dahil di kayang lutasin hindi na rin konti pinapansin Ma’ari bang, ma’ari bang umusog-usog ng konti Subalit kung tutuusin, iisa ang dahilan Madadaan sa usapan ang maaring pag-awayan Kaibigan, ayaw nilang umusog ng kahit konti Sakali mang mayron kang napapansin, sabihin lang Hindi naman buong-buo... At kung makatuwiran ako'y uusog din kahit konti O kayraming suliranin... At kung iyong kausapin, ang kadalasang dahilan Kaibigan, ayaw n'yo lang umusog ng kahit konti Gabay na tanong: 1. Ano-ano ang mahihinuha mo sa mga larawang ipinakita? 2. Ano-ano ang mga napapanahong isyung lokal at nasyunal sa ating bansa? 3. Mayroon pa kayang solusyon ang mga isyung kinahaharap natin? Bakit? Innovating Knowledge. Improving Lives. MGA NAPAPANAHONG ISYUNG LOKAL AT NASYONAL Innovating Knowledge. Improving Lives. Ang yunit na ito ay masaklaw na balik-aral sa mga suliraning lokal at nasyonal ng mga mamamayang Pilipino na makatutulong sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral na pag-aralan, suriin, ilarawan at talakayin ang sitwasyon ng kanilang lipunang ginagalawan sa pamamagitan ng paglinang din sa kanilang kakayahan sa pananaliksik at sintesis ng kaisipan na magagamit nila hindi lamang sa pag-unawa sa daigdig kundi paglutas din ng mga suliraning bumabagabag dito Sa pangkalahatan, ang malalim na pag-unawa sa mga sanhi at bunga, at mga puno’t dulo ng mga suliraning lokal at nasyonal ang magbibigay ng “laman” sa mga tatalakayin sa iba’t ibang paraan ng pakikipagtalastasan. Innovating Knowledge. Improving Lives. MGA NAGBABAGANG SULIRANING LOKAL AT NASYONAL Lalong tumutindi ang pangangailangan na maisabalikat ang ganitong misyon (ang tao, mamamayan, at estudyante ay obligadong sipatin ang sanhi at bunga ng mga pagbabago sa daigdig) pagkatapos na sumambulat ang pandaigdigang krisis sa ekonomiya noong 2008, at habang lalong nararamdaman ang mga epekto ng pagbabago ng klima na hatid ng pagkawasak ng kalikasan na bunsod naman ng walang rendang modernisasyon. Nananatiling mahirap ang mga mamamayan sa mga bansang dati nang mahirap dahil nakaasa pa rin sila sa pag-eeksport ng murang hilaw na materyales at lakas paggawa sa mga mauunlad na bansa. Samantala, tumitindi rin ang kahirapan sa maunlad na bansa dahil sa mga programa ng pagtitipid o paghihigpit ng sinturon ng kani- kanilang mga gobyerno matapos na sumambuta ang pandaigdigang krisis noong 2008. Innovating Knowledge. Improving Lives. Dahil sa matinding kahirapan, maraming mamamayan ng bansang mahihirap ang naghahanap ng trabaho sa mga bansang itinuturing na mas maunlad. Katunayan, sa maraming mauunlad na bansa, mas humihigpit ang mga awtoridad sa mga patakaran sa migrasyon, at ilang bansa gaya ng Greece, Great Britain, at France ang may ilang grupong racist ang nananawagan sa pagpapahinto ng migrasyon. Innovating Knowledge. Improving Lives. Isa sa mga suliraning global na nangangailangan ng pagtugon ay ang pagbabago ng klima. Bunsod ng climate change, lalong naging madalas at mapinsala ang mga bagyo at tagtuyot sa iba’t ibang panig ng mundo, at maging sa mga lugar na dati-rati’y hindi binabagyo at hindi rin nakararanas ng tagtuyot. Innovating Knowledge. Improving Lives. Malulutas pa ba ang kahirapan? Gigising ba tayo isang araw na wala nang taong magugutom dahil may sapat ng pagkain para sa lahat? Mawawala rin ba ang taong grasa dahil darating ang panahon na lahat ay may tahanan na? Balang araw, uuwi ba ang mayorya ng mga migranteng Pilipino o mga OFW dahil ang Pilipinas ay may mga sarili ng industriya na makapagbibigay ng disenteng trabaho sa mga mamamayan? Magkakaroon pa ba ng tunay na kapayapaan sa bansa at sa daigdig? Mararating ba natin ang panahon na sa halip na karagdagang armas nukleyar at mga barkong pandigma ay karagdagang paaralan at ospital na ang laging ipapatayo ng gobyerno sa buong mundo? Maaari pa bang maghilom ang sugat ng kalikasan? Reversible pa ba ang pagbabago ng klima? Innovating Knowledge. Improving Lives. Ang pagtalakay sa kontemporaryong isyu at suliranin ay makatutulong din sa paglinang sa mga praktikal na kasanayan sa paglutas ng mga problema, pagsusuri ng datos, paggamit ng estadistika, pananaliksik, paghahambing at iba pa. Isa sa pinakamalubhang suliranin ng mga Pilipino ang mga usaping pang-ekonomiya. Saklaw nito ang suliraning gaya ng kahirapan, agwat ng mayaman at mahirap, migrasyon at disempleyo. Ayon sa ibang ekonomista, bawat pasya ng mga mamamayan at ng mga pamahalaan ay ginagabayan ng kanilang pag-unawa sa mga usaping pang-ekonomiya. Innovating Knowledge. Improving Lives. Talakayin natin ang mga isyung pang-ekonomiya at pangkapaligiran upang bigyang-diin na ang pagkawasak ng kalikasan, ang mga suliraning pangkapaligiran, ay pawang isyung ekonomiko rin. Innovating Knowledge. Improving Lives. ANG SISTEMANG EKONOMIKO NG PILIPINAS SA KASALUKUYAN Mahalagang maunawaan ang sitwasyon ng ekonomiya ng bansa upang makita ang puno’t dulo ng karamihan sa ating mga problema Tumatanggap naman ng puhunan, utang at makinarya/teknolohiya ang Pilipinas mula sa ibang bansa. Kung susuriing mabuti, lugi ang Pilipinas sa ganitong kalakaran dahil sa pangkalahatan, mas malaki ang halaga ng iniimport ng bansa – lalo na ang makinarya/teknolohiya, bukod pa sa mataas na interes ng pautang – kaysa sa halaga ng inilulunsad nito Innovating Knowledge. Improving Lives. Dapat na tandaan na kahit bilyon-bilyong dolyar ang ipinapasok ng mga migranteng Pilipino sa kaban ng Pilipinas ay tila nakakansela naman ng mga suliraning panlipunan na idinudulot nito gaya ng pagkakawatak-watak ng pamilya at iba pang social costs. Kung papansinin, malaya rin nakapagnenegosyo ang mga dayuhan sa bansa, gaya ng pinatutunayan ng kanilang pagmamay-ari sa napakaraming minahan sa bansa na pinayagan ng Mining Act of 1995. Sa madaling sabi, ekonomiyang kolonyal noon – at neokolonyal o malakolonyal naman ngayon – ang namayani at namamayani sa Pilipinas sa pangkalahatan. Innovating Knowledge. Improving Lives. Sa ganitong kalakaran, tila kolonya pa rin ng mas maunlad na bansa ang Pilipinas. Sa sektor ng agrikultura, naririyan pa rin ang sistemang hacienda. Sa ilalim ng kasalukuyang sistema, ang paglago ng ekonomiya sa makroekonomikong antas ay hindi nararamdaman ng nakararaming mamamayan. Kung gagamitin naman ang terminolohiya ni Papa Francisco, maituturing na isang “ekonomiya ng ekslusyon” ang sistemang ekonomiko ng bansa, sapagkat, hindi kasali, hindi saklaw ng kaunlaran at paglago ng ekonomiyang ito ang malaking porsyento ng mahihirap na mamamayan. Innovating Knowledge. Improving Lives. Alejandro Lichauco, Harvard University – umiiiral ang “economic underdevelopment” sa bansa (1988). Ito ay tumutukoy sa kawalang- kakayahan ng isang bansa na “…likhain ang mga kasangkapan sa produksyon: ang mga kagamitan na makapagbubunsod upang sila’y makalikha ng iba pang produkto…mga kasangkapan na magagamit sa paggawa ng karayom at gunting…makina…tela…typewriters at photocopying machines.” Sa pangkalahatan, ito ang pangunahing kaibahan ng Pilipinas sa mga industriyalisadong bansa sa Asya gaya ng japan, South Korea, Taiwan, at China. Ganito ang umiiral na hindi makatuwirang kalakaran ng globalisasyon na isa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ganap na umuunlad ang bansa, marami pa rin ang mahihirap sa arkipelago, at mataas pa rin ang antas ng disempleyo sa Pilipinas. Innovating Knowledge. Improving Lives. KAHIRAPAN SA PILIPINAS Hindi matapos-tapos ang mga talakayan hinggil sa kahirapan dahil sa kabila ng pagkatatatuwa ng ilan ng mga nasa pamahalaan, at sa kabila ng sinasabing paglago ng ekonomiya ng bansa batay sa makroekonomikong datos tulad ng GDP at credit ratings, malaking porsyento ng polupasyon ng bansa ang mahirap. Batay sa datos ng PSA, ang poverty incidence sa mga pamilyang Pilipino noong 2006, 2009, 2012 at 2015 ay 23.4%; 22.9% at 21.6% Kung tutuusin, mas mataas sa aktwal ang bilang ng mahihirap sa bansa dahil ang opisyal na buwanang poverty threshold (minimum na kitang kailangan para matustusan ang mga pangunahing pangangailangan ng isang pamilyang Pilipino na may limang miyembro) na itinakda ng gobyerno ay napakaliit. Innovating Knowledge. Improving Lives. Higit na mararamdaman ang suliraning pangkahirapan kung pag- uusapan ang kuwento ng mga maralita na nagsisikap na makaahon sa gaya ng tinalakay ni Espiritu (2017) sa lathalaing “Buhay at Pagpupunyagi sa Plastikan” o salaysay ng maralitang naghahangad na magkaroon ng sariling buhay tulad ng inilarawan ni Malubay (2017) sa lathalaing “Pira-pirasong pangarap sa Pandi” kapuwa para sa pahayagang Pinoy Weekly. Kung ihahambing naman ang pagpapaunlad ng Pilipinas sa pagpapaunlad ng ibang bansa, lalong makikita ang underdevelopment ng ibang bansa. Innovating Knowledge. Improving Lives. Inihayag ng United Nation (UN) sa 2017 Human Development Report (HDR) na nasa ika-116 na puwesto ang Republika ng Pilipinas sa talaan ng 188 bansa sa buong daigdig na iniraranggo ng pandaigdigang institusyon sa pamamagitan ng Human Development Index (HDI). Sinusukat ng HDI ang pangkalahatang kaunlaran o holistic development batay sa antas ng edukasyon, kalusugan, at kita ng mga mamamayan ng bawat bansa. Bukod sa mga nabanggit na datos hinggil sa kahirapan, ang estadistika hinggil sa malnutrisyon, disempleyo, at iba pa ay maaari ding gamitin upang masuri ang antas ng kahirapan sa bansa. Innovating Knowledge. Improving Lives. Food and NutritionResearch Institute (FNRI) 2017, 26% ng mga batang Pilipino ang malnourished. Sa pagtataya naman ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahirap(KADAMAY), may 30,000,000 Pilipino ang maituturing na maralitang tagalunsod o urban poor. Ayon sa PSA noong Enero 2018, 5.3% o 2.33 milyong Pilipino ang walng trabaho at 18% naman o halos 8 milyon ang underemployed. Innovating Knowledge. Improving Lives. Halos 6,000 Pilipino ang umaalis sa lupang tinubuan araw-araw para magtrabaho sa ibang bansa ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) May mga residente sa mga komuniadad ng mga maralitang Maynila na nagbebenta ng isang bato nila sa mga dayuhan. May ilan din na nagbebenta ng kanilang ngipin, dugo o maging paglahok sa prostitusyon Mahihinuhang habang mabilis na umuunlad ang ibang bansa sa iba’t ibang aspekto (sa antas makroekonomiko man lamang, sapagkat ibang usapan pa kung nakarating o nag-trickle down ba sa mga ordinaryong mamamayan ang progresong ito), nananatiling mabagal kundi man hindi umuusad ang pag-unlad ng Pilipinas. Innovating Knowledge. Improving Lives. SANHI AT BUNGA NG KAHIRAPAN Mailalantad ang mga sanhi ng kahirapan sa Pilipinas kung muling babalikan ang pagsusuri sa sistemang ekonomiko sa bansa. Gaya ng ulat ng Bertelsmann Foundation (2014), isang institusyong nakabase sa Germany ang kontrol ng mga iilang pamilyang elite sa politika at ekonomiya ng bansa ang pangunahing hadlang sa pag- unlad nito at sa paglutas sa kahirapan ng mga mamamayan nito. (dinastiyang politikal) Dahil marami sa mga mambabatas ang asendero o landlord, hindi naging madali ang pagpasa ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Corazon Aquino. Innovating Knowledge. Improving Lives. Dahil sa pagpapalabnaw sa CARP, iniurong ng mismong awtor ng orihinal na bersyon ng CARP (House Bill 400) na si Rep. Bonifacio Gillego ang kanyang sponsorship sa nasabing batas. Dahil hindi naging matagumpay ang CARP, napilitan ang gobyerno na ito’y palawigin pa sa pamamagitan ng CARP Extension with Reforms o CARPER Sa kasalukuyan, konsentrado pa rin sa kamay ng iilang pamilya ang malaking porsyento ng mga lupain sa Pilipinas. Samakatuwid, ang ganitong kawalan ng matagumpay na reporma sa lupa sa Pilipinas, kumpara sa matagumpay na reporma sa lupa sa South Korea, Vietnam at iba pang mga bansa sa Asya, ay isa rin sa mga sanhi ng kahirapan sa Pilipinas. Innovating Knowledge. Improving Lives. Isa pang sanhi ng kahirapan sa bansa ang mataas na disempleyo o unemployment at mataas na antas ng kakulangan ng trabaho o underemployment dahil hinahadlangan ng mga ito ang pagkakaroon ng mga mamamayan ng sapat na kita upang sila’y mabuhay at lagpas pa rito ay magtamasa ng mga oportunidad sa pag-unlad. Sa nakalipas na taon, mula 2009-2012, halos hindi nagbago ang antas ng disempleyo sa bansa, gaya ng ipinakikita ng datos mula sa World Bank Database: 7.5% (2009); 7.3% (2010); 7% (2011); 7% (2012). Noong 2018, bagamat bumaba na sa 5.3% ang antas ng disempleyo, tumaas naman at umabot sa 18% ang underemployed. Innovating Knowledge. Improving Lives. Bukod sa disempleyo, ang kawalan ng sapat na access ng mga mamamayan sa edukasyon, lalo na sa kolehiyo, ang isa pang sanhi ng kahirapan sa bansa. Sa pangkalahatan, trahedya ang idudulot ng ganitong sitwasyon sa bansa dahil kapansin-pansin na maraming mauunlad na bansa ang may mataas na porsyento ng enrollment sa antas tersarya. Sa PHILIPPINE QUARTERLY UPDATE ng World Bank na pinamagatang “Investing in Inclusive Growth Amid Global Uncertainty” (Hulyo 2012), pinatutunayan na mas malaki ang average na kita ng mga graduate ng kolehiyo kaysa sa mga graduate ng hayskul. Innovating Knowledge. Improving Lives. Nagkakaroon ng malawakang protesta ang iba’t ibang non- government organization (NGO) laban sa mga umiiral na kalakaran sa lipunan sapagkat ang mga ito ang sinisisi nila sa pag-iral ng kahirapan sa bansa. Bunsod ng kahirapan, lumalaki rin ang pagkakataon ng mga rebeldeng grupo na mahikayat ang ilang desperadong mamamayan na sumama sa kanila. Bukod sa Pilipinas, mahihirap din o kaya’y hindi pa gaanong umuunlad ang mga bansang may malaking pangkat ng rebelde gaya ng India at Nigeria. Innovating Knowledge. Improving Lives. Innovating Knowledge. Improving Lives. IV. Mga Napapanahong Isyung Lokal at Nasyonal (Unang Bahagi) Unemplyment: May Solusyon Ba? Ang Hamong Kaugnay ng Climate Change Tugon ng Pilipinas sa Climate Change Innovating Knowledge. Improving Lives. UNEMPLOYMENT: May Solusyon ba? Dahil sa matinding kahirapan at mataas na antas ng unemployment sa Pilipinas, marami ang napipilitang mangibang-bansa (bagay na tatalakayin sa Yunit 5) Maraming walang trabaho sa Pilipinas dahil sa kakulangan sa paglinang sa sektor ng agrikultura at industriya sa bansa. Dalawang pangunahing reporma ang maaaring maging gulugod o backbone ng paglutas sa unemployment at sa pag-unlad ng bansa: ang tunay na reporma sa lupa at modernisasyon ng agrikultura, at makabansa at pambansang industriyalisasyon. Innovating Knowledge. Improving Lives. Matagal ng suliranin ng bansa ang kawalan ng reporma sa lupa, ang matibay na kontrol ng iilang pamilya sa mayorya ng lupa ng Pilipinas, ang sistema kahawig sa piyudalismo sa Europa noong (Middle Ages). Tinatayang 60% ng mga lupang agrikultural sa bansa ay kontrolado ng mayayamang pamilya na bumubuo sa 13% lamang ng populasyon ng bansa, at pito sa sampung magsasaka ang walang sariling lupa. Ang ganitong konsentrasiyon ng lupa sa iilang pamilya ang dahilan ng kawalan ng sapat na pagkain ng bansa at ng sapat na trabaho para sa mayorya ng mamamayan (75% ng mga Pilipino ay magsasaka ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, 2008) Innovating Knowledge. Improving Lives. Hindi uunlad ang Pilipinas kung patuloy itong aasa sa sektor ng serbisyo. Ang pagbibigay-prayoridad lamang sa sektor ng agrikultura at industriya ang makapagliligtas sa bansa, gaya ng pinatunayan ng Japan, South Korea, China at iba pang karatig-bansa. Naging pangunahing paksa ng mga obra maestro ng mahuhusay na manunulat sa panitikang Pilipino tulad nina Jose Rizal ( El Filibusterismo), Amado Hernandez (Mga Ibong Mandaragit), at Rogelio Sicat (Tata Selo) ang mga magsasakang inagawan ng lupa, mga magsasakang alipin ng mga asendero, ang mga magsasakang sumisimbolo ng karukhaan at pagkaalipin ng sambayanang Pilipino. Innovating Knowledge. Improving Lives. Malaking bahagi ng mga rebeldeng komunista sa ilalim ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) ay mga magsasakang naaakit sa programa ng mga nasabing grupo na libreng lupa para sa mga magsasaka na isinaad sa “12-point Program” ng Ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Samakatuwid, magdudulot din ng agad na kapayapaan ang implementasyon ng tunay na reporma sa lupa. Sa minimum, sa pamamagitan ng reporma sa lupa ay inaaasahang agad na darami ang trabaho sa sector ng agrikultura. Pagkatapos ng reporma sa lupa, dapat din pasimulan ang modernisasyon ng agrikultura sa bansa. Innovating Knowledge. Improving Lives. Ang modernisasyon ng agrikultura ang magtitiyak ng food self-sufficency ng bansa. Sa kabilang banda, hindi rin magiging ganap ang kaunlaran ng Pilipinas kung makukuntento na lamang ang Pilipinas sa pagpapaunlad ng agrikultura. Kailangang isulong ang pambansa at makabansang industriyalisasyon o pagtatayo ng mga industriyang Pilipino na lilikha ng mga trabaho para sa mga Pilipino at magsusuplay ng mga pangangailangan ng bansa. Ang pamumuno ng pamahalaan sa pambansang industriyalisasyon ang magtitiyak na ang mga likas na yaman ng bansa ay magagamit nang maayos para sa kapakanan ng sambayanan nang di-gaanong nakasisira sa kalikasan. Sa ganitong diwa, kailangang maunawaan natin ang konsepto ng sustenableng kaunlaran. Innovating Knowledge. Improving Lives. ANG KONSEPTO NG SUSTENABLENG KAUNLARAN Bunsod ng paghahangad ng mga dambuhalang korporasyon na palakihin nang palakihin ang kanilang tubo kahit na nangangahulugan ito ng pagkawasak ng kalikasan sa pamamagitan ng walang habas na pagmimina, pagkalbo sa mga kagubatan, overextraction ng tubig, at polusyon sa hangin, lupa at tubig, malinaw na dapat limitahan o kaya’y higpitan ang kanilang mga aktibidad upang maisalba ang kalikasan. Dati-rati, lalo na sa mga unang dekada ng industriyalisasyon sa Europea, tubo at paglago lamang ng ekonomiya ang sinusukat ng mga ekonomista sa tagabalangkas ng patakaran. Innovating Knowledge. Improving Lives. Ginagamit na rin ng United Nation sa Human Development Index: sinusukat na rin ang pagiging sustenableng uri ng pamumuhay ng mga tao sa bawat bansa, ang epekto ng ekonomikong aktibidad ng mga tao sa kalikasan, lagpas pa sa pagsusuri sa makroekonomikong datos na may kaugnayan sa simpleng paglago ng Gross Domestic Product (GDP) at iba pang estadistika na tao lamang ang makararamdam. Innovating Knowledge. Improving Lives. Mga Hamon sa Sustenableng Kaunlaran Isa sa mga pangunahing hamon ng sustenableng kaunlaran ang mabilis na paglobo ng populasyon ng daigdig. Bunsod nito, lalong lumalaki ang pangangailangan, bagay na maaaring lalong magpabilis sa pagkawasak ng kalikasan o kaya’y di sustenableng paggamit ng mapagkukunan. Sa kasalukuyan, laganap na ang kagutuman sa maraming bahagi ng daigdig dahil na rin sa hindi makasunod sa bilis ng paglaki ng populasyon ang bilis ng paglawak ng ani ng mga magsasaka sa buong mundo, ayon mismo sa Food and Agricultural Organization (FAO). Innovating Knowledge. Improving Lives. Ang kahirapan ay nagiging suliranin sa pagkamit ng sustenableng kaunlaran sapagkat para malutas ito, kinakailangan gamitin ng mga mamamayan ng daigdig ang likas na yaman sa kani-kanilang mga bansa. Samakatuwid, hindi ganap na malulutas ang kahirapan kung hindi gagamitin ang mga likas na yaman ng daigdig. Isang hamon sa sangkatauhan ang pagbabalanse sa pangangailangang lumikha ng trabaho at gamitin ang mga likas na yaman ng mundo sa isang banda, at ang pangangailangang isalba ang kalikasan sa tuluyang pagkawasak sa isa pang bansa. Innovating Knowledge. Improving Lives. Kaugnay nito, sa mauunlad at umuunlad na bansa, isa sa mga pangunahing hamon ng sustenableng kaunlaran ang konsumerismo. Tumutukoy ito sa labis na pagkonsumo sa iba’t ibang produkto lagpas sa kinakailangan, at lagpas sa antas na sustenable para sa kalikasan. Cellphone Fastfood chain Kaugnay sa konsumerismo sa gadyet, isang suliranin din ang pagkakaroon ng sustenableng enerhiya. Innovating Knowledge. Improving Lives. Sa kasalukuyan, malaking porsyento ng enerhiya ng daigdig ay nanggagaling sa mga plantang pinatatakbo ng uling, petrolyo, at iba pang fossil fuel na nakasisira sa kalikasan kapag sinusunog. Samakatuwid, ang kosumerismo sa mga gadyet at iba pang appliance na hindi naman talaga gaanong kailangan ay nakadaragdag pa sa problema dahil nangangahulugan ito ng mas mataas na pangangailangan sa kuryente at enerhiya. Innovating Knowledge. Improving Lives. Sapagkat bahagi ng kalikasan ang sangkatauhan, ang pag-iral ng inequality sa kalusugan ay isa ring suliranin para sa pagkamit ng sustenableng kaunlaran. Mas nakahantad o exposed sa iba’t ibang sakit ang mga mahihirap na bansa. Sa konteksto naman ng indibidwal na mamamayan, hindi nila nagagawang mag-ambag nang malaki sa pagkakaroon ng sustenableng ekonomiya dahil wala sila sa wastong pangangatawan at hindi maayos ang kanilang kalusugan. Innovating Knowledge. Improving Lives. ANG HAMON KAUGNAY NG CLIMATE CHANGE Gaya ng sutenableng kaunlaran, konektado sa sitwasyon ng kalikasan ang isyu ng climate change. Bunsod ng global warming, naging masidhi at wala nang padron ang mga pagbabago sa klima sa mga nakaraang dekada. Global warming o ang itinuturong dahilan ng pagbabago sa klima Innovating Knowledge. Improving Lives. Ang pagtaas ng greenhouse gas emission sa atmospera sa mga nakalipas na dekada dahil sa industriyalisasyon ng ngayo’y mauunlad na bansa sa Kanluran at umuunlad na bansa sa Silangan. Malawak at masaklaw ang epekto ng climate change sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay ng mga mamamayan sa buong daigdig.. Higit na ramdam at tuwiran ang epekto ng climate change sa aspektong pang-ekonomiya Innovating Knowledge. Improving Lives. Bunsod ng climate change, naging mas mahirap na ang pagtantiya sa tamang panahon ng pagtatanim. Sa tindi ng pataas ng temperatura sa iba’t ibang lugar, naging normal na ang tagtuyot at desertipikasyon sa maraming panig ng mundo. Sa pangkalahatan, ang climate change ay may negatibong epekto sa seguridad sa pagkain ng daigdig. Innovating Knowledge. Improving Lives. Nagdulot ito ng global na pagtaas sa presyo ng mga karaniwang pagkain o staple ng mga mamamayan sa daigdig gaya ng bigas, mais, at iba pang pagkaing butil. Isa pang aspektong ekonomiko ng climate change ang mataas na gastusin sa disaster risk response at mitigation. Bukod dito, isa pang suliraning ekonomiko na dulot ng climate change ay ang posibleng pagbagal ng paglago ng ekonomiya ng mundo kapag ganap nang ipinatupad ang mga kasunduan sa paglimita ng greenhouse gas emission ng mga bansa. Innovating Knowledge. Improving Lives. Dahil sa likas na kahirapan ng pagpapatupad ng mga kasunduang pandaigdig hinggil sa climate change gaya ng paglilimita ng greenhouse gas emission, may aspektong politikal din ang climate change. Isa pang politikal na usapin kaugnay ng climate change ang pagigiit ng mahihirap na bansang pinakaapektado nito na piliting magbayad- pinsala sa kanila ang mayayamang industriyalisadong bansa. Sa pangkalahatan, apektado rin ng climate change ang aktwal na pamumuhay ng mga mamamayan sa daigdig. Pagbaha Innovating Knowledge. Improving Lives. Sa Pilipinas, pahapyaw na makikita ang ganitong pagbabago sa sistema ng pamumuhay ng mga mamamayan bunsod ng climate change. Ang payaw o hagdan-hagdang palayan sa Cordillera Gayundin, binago ng climate change ang perspektiba ng mga mamamayan hinggil sa kaunlaran. Dahil sa climate change, unti-unting nauunawaan ng tao na ang pangangalaga sa kalikasan ay dapat maging bahagi rin ng mga salik sa kaunlaran, sapagkat walang saysay ang anomang paglago sa ekonomiya kung wawasakin lamang nito ang pagiging sustenable ng daigdig. Innovating Knowledge. Improving Lives. TUGON NG PILIPINAS SA CLIMATE CHANGE Bilang tugon sa climate change, isinabatas ng Pilipinas ang Batas Republika Bilang 9729 o Climate Change Act of 2009. Itinadhana ng nasabing batas ang pagtatatag ng Climate Change Commission sa ilalim ng Tanggaapan ng Pangulo, na siyang tanging ahensiya ng gobyerno na magtatatakda ng mga patakaran at magsisilbing tagapag-ugnay, tagamonitor, at tagasuri ng mga aktibidad ng pamahalaan na magiging pangunahing tagapagpatupad ng mga planong hakbang kaugnay ng climate change. Innovating Knowledge. Improving Lives. Bahagi ng tungkulin ng Climate Change Commission ang pagbuo ng National Climate Change Action Plan (NCCAP) na sumasaklaw sa pitong prayoridad na nakaangkla sa mga pangunahing kahinaan ng bansa: seguridad sa pagkain kasapatan ng suplay ng tubig estabilidad ng kalikasan at ekolohiya seguridad pantao sustenableng enerhiya mga industriya at serbisyong climate-smart paglinang ng kaalaman at kapasidad Innovating Knowledge. Improving Lives. Kaugnay sa seguridad sa pagkain, nililinang ng bansa ang kakayahan ng sistema ng produksyon at distribusyon sa agrikultura at pangisdaan ng bansa, na madaling makarekober sa mga epekto ng climate change. Sa pangkalahatan, ito ang pangunahing patakaran ng pamahalaan: Ihanda ang mga komunidad sa mga epekto ng climate change at mapataas ang antas ng kakayahan ng mga komunidad na makarekober agad sa mga epekto nito (resilience). Innovating Knowledge. Improving Lives. Kapansisn-pansin na wala sa prayoridad ng pamahalaan ang pagbabawas ng greenhouse gas emission dahil maliit lamang ang kontribusyon ng bansa sa global na emisyon kung ihahambing sa emisyon ng iba pang mga mauunlad na bansa. Sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa kahandaan at resilience ng mga komunidad, ipinaaalala ng gobyerno sa bawat mamamayan na ang pagharap sa mga suliraning dulot ng climate change ay magiging epektibo lamang kung ang bawat sektor ng lipunan ay makikipagtulungan sa pagpapatupad ng mga planong aksyon na maganda sa papel ngunit nangangailangan ng ibayong kooperasyon ng madla bukod pa sa pondo. Innovating Knowledge. Improving Lives. Innovating Knowledge. Improving Lives. IV. Mga Napapanahong Isyung Lokal at Nasyonal (Unang Bahagi) Polusyon sa Tubig, Hangin at Lupa Pagmimina sa Pilipinas: Sanhi ng Pagkasira ng Kalikasan, Pakinabang Para sa Iilan Deforestation, Mabilis na Urbanisasyon at iba pa Innovating Knowledge. Improving Lives. Ang Polusyon sa Tubig, Hangin, at Lupa Bukod sa climate change, problema rin ng mga bansa gaya ng Pilipinas ang polusyon. Ang polusyon ay tumutukoy sa pagkakaroon ng contaminant tulad ng kemikal o anupamang bagay na bumabago sa kalagayan ng likas na kapaligiran, at kung gayo’y karaniwang may negatibong epekto. Sa Pilipinas, polusyon sa tubig, hangin at lupa ang higit na kapansin- pansin sapagkat ang mga ito rin ang may direktang impact sa mga komunidad. Innovating Knowledge. Improving Lives. Karaniwang bunga ng industriyal na aktibidad ang polusyon sa tubig ng bansa. Marami sa mga pabrika sa bansa ang walang liquid waste treatment facilities kaya karaniwang ang mga ilog ang nagiging tapunan ng mga duming nagmumula sa mga ito. Bagamat karaniwang isinisisi sa mga informal settler o squatter ang ganitong penomenon, dapat bigyan-diin na sa kahabaan ng Ilog Pasig ay napakarami na ring matataas na gusaling residensyal na ang mayayaman at nasa panggitnang uri lamang ang nakabibili. Innovating Knowledge. Improving Lives. Sa ibang lugar gaya ng Marinduque, ang pagmimina ay isa ring sanhi ng polusyon sa tubig. Kung ang polusyon sa tubig ay nagdudulot ng kontaminasyon ng mga pinagkukunan ng tubig ng mga mamamayan, bukod pa sa kontaminasyon ng mga anyo ng tubig na pinagkukunan ng kabuhayan ng mga mangingisdang Pilipino. Ang polusyon naman sa hangin ay sanhi ng pagdami ng insidente ng pagkakasakit sa baga at sa puso ng mga Pilipino. Innovating Knowledge. Improving Lives. Ang polusyon sa hangin ay karaniwang inaakalang dulot ng mga industriyal na aktibidad. Gayumpaman, ayon sa 2006 National Emission Invenory ng DENR, 65% ng polusyon sa hangin sa bansa ay mula sa mga sasakyan, at 21% lamang ang nagmumula sa mga di-natitinag o stationary sources gaya ng mga pabrika at mga planta ng kuryente na gumagamit ng mga fossil fuel gaya ng coal at petrolyo. Pinakamalala ang polusyon sa hangin sa mga lugar na urban tulad ng Metro Manila. Innovating Knowledge. Improving Lives. Matinding suliranin din ang polusyon sa lupa. Ang polusyon sa lupa sa pamamagitan ng pagtatambak ng mga basura sa ibabaw ng lupa at pagtagas ng mga dumi o kemikal sa ilalim ng lupa. Nagbubunsod ng pagbaba ng produktibidad ng lupa para sa agrikultura ang polusyon sa lupa. Innovating Knowledge. Improving Lives. Samakatuwid, malaki ang epekto nito sa pagkakaroon ng sapat na suplay ng pagkain sa bansa. Bukod sa negatibong epekto nito sa sapat na suplay ng pagkain, ang polusyon sa lupa ay sanhi rin ng mga depekto sa mga sanggol na isinisilang sa mga lugar na kontaminado ang lupa. Marami ring kaso ng pagkakasakit ng mga tao-tulad ng kanser-na naitatala dahil sa polusyon ng lupa na nagdudulot din ng kontaninasyon sa mga pinagkukunan ng tubig at mga pananim. Innovating Knowledge. Improving Lives. PAGMIMINA SA PILIPINAS: SANHI NG PAGKASIRA NG KALIKASAN, PAKINABANG PARA SA IILAN Problemang pangkalikasan din ang mapangwasak na pagmimina sa ilang bahagi ng bansa. Bagama’t nakapag-aambag ng kaunti sa ekonomiya ng bansa ang pagmimina, dapat bigyan-diin na nagdudulot din ito ng maraming suliraning panlipunan at pangkalikasan, gaya ng dislokasyon ng mga katutubong mamamayan na karaniwang pinalalayas sa kanilang lupang ninuno o ancestral domain at mga aksidente sa pagmimina. Innovating Knowledge. Improving Lives. Ang mga epekto ng malawakang pagmimina ay itinala ng isang aklat ng Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM) na inilathala noong 2005. Ang pagmimina ay nagdudulot ng pagkawasak ng natural habitat o tirahan ng mga hayop Pagkalason ng mga ilog at kontaminasyon ng lupa na dulot ng mga tumatagas na kemikal sa mga minahan Pagkawala ng natural na taba ng lupa Peligrong bunga ng mga estrukturang tulad ng dam na maaaring magdulot ng biglaang pagbaha Polusyon dahil sa pagtagas ng kemikal sa mga drainage ng minahan Pagtagas ng petrolyo mula sa mga makinarya at iba pang aparato, pagtagas ng mga kemikal sa waste treatment facilities, pagbuga ng usok ng makinarya sa pagmimina, pagbuga ng alikabok na dulot ng pagdurog sa lupa at mga bato, at paglabas ng methane mula sa mga minahan. Innovating Knowledge. Improving Lives. Maraming pangyayari sa bansa ang magpapatunay na hindi sapat ang mga proteksyong pangkalikasan na ipinatutupad ng malalaking korporasyong nagmimina. Ang matinding pinsala sa kalikasan na dulot ng pagmimina ay maaari sanang maibsan kung ang mga korporasyong nagmimina ay nagbabayad ng sapat na buwis na maaaring magamit sa rehabilitasyon ng mga lugar na napinsala. Sa kasamaang-palad, hindi gaanong malaki ang ambag ng mga korporasyon nagmimina sa GDP ng bansa, at maliit na porsyento lamang dito ang kita sa buwis ng gobyerno. Innovating Knowledge. Improving Lives. DEFORESTATION, MABILIS NA URBANISASYON, AT IBA PA Isa sa mga suliraning pagkalikasan ng bansa ang pagkakalbo ng kagubatan o deforestration. Ayon sa datos ng DERN, tatlong-kapat (3/4) ng archipelago ang kagubatan. Batay sa pananaliksik ng grupong Kalikasan, pagmimina ang sanhi rin ng deforestration dahil pinapayagan ng Mining Act of 1995 ang mga korporasyong nagmimina na mamutol ng puno sa mga lugar na saklaw ng kanilang operasyon. Innovating Knowledge. Improving Lives. Innovating Knowledge. Improving Lives. Bunga ng malawakang pagkawasak ng mga kagubatan, ang maraming lugar sa Pilipinas mula sa Marikina Valley at Rodriguez, Rizal, sa Luzon, hanggang sa Davao City sa Mindanao, ay nawalan na ng natural na proteksyon sa bagyo at baha. Gayundin, nagdudulot nang pagguho ng lupa sa ilang lugar ang malawakang deforestation. Bukod dito, maraming species ng hayop ang namemeligrong malagay sa listahan ng endangered species ang maraming hayop na nakatira at kumukuha ng pagkain sa mga kagutaban ng bansa. Innovating Knowledge. Improving Lives. Ang deforestation, gaya ng polusyon, ay problema dulot ng mabilis na urbanisasyon. Ang urbanisasyon ay tumutukoy sa paglawak ng saklaw ng mga lugar na urban sa isang bayan o bansa. Ayon sa ulat ng World Bank noong 2017, maaaring umabot sa 102 milyong Pilipino ang nakatira sa mga lugar na urban pagdating ng 2050. Ang ganitong mabilis na urbanisasyon ay ibinubunga ng konsentrasyon ng debelopment ng imprastraktura, trabaho, industriya, at iba pa sa iibang lugar lamang. Innovating Knowledge. Improving Lives. IV. Mga Napapanahong Isyung Lokal at Nasyonal (Unang Bahagi) Basura, Baha at iba pang Problema Komunikasyon at mga Suliraning Lokal at Nasyonal Innovating Knowledge. Improving Lives. Innovating Knowledge. Improving Lives. BASURA, BAHA AY IBA PANG PROBLEMA Sa mga lugar na urban, ay karaniwang problema ang basura, na karaniwan na isa rin sa dahilan ng pagbabara ng mga kanal at estero, at nakapagpapalala sa baha kapag tag-ulan. Maaari itong lutasin sa pamamagitan ng waste management o paglimita, pagbabawas o kaya’y wastong pagtatapon ng mga basurang likido at solido na naglalayong panatilihin ang kalinisan ng kapaligiran, at tiyakin na ang mga likas na yaman ng daigdig ay magiging sustenable para sa mga susunod na henerasyon. Innovating Knowledge. Improving Lives. Hangga’t maaari, kailangan ng materials recovery facility (MRF) upang maisagawa nang maayos ang segregasyon. Bukod sa wastong pagtatapon ng basura, ang paglilimita o pagbabawas ng basura ay bahagi rin ng waste management. reduce, reuse, at recycle Limitado ang kapasidad ng mundo sa paglikha ng bagong sanitary landfill para sa basurang hindi maaaring i-recycle. Innovating Knowledge. Improving Lives. Ayon kay Ma. Teresa Oliva, program officer ng Environmental Studies Institute ng Miriam College , apat “E” ang kailangan upang makapagplano ng maayos na waste management ang bawat komunidad: Education - edukasyon Engineering - inhinyeriya Enterprise - negosyo Enforcement – pagpapatupad ng batas Innovating Knowledge. Improving Lives. KOMUNIKASYON AT MGA SULIRANING LOKAL AT NASYONAL Bilang mga mag-aaral ng komunikasyon sa Filipino, isang kahingian na maunawaan ang mga tinalakay sa suliraning lokal at nasyonal Mahalaga ang papel ng komunikasyon, ng pakikipagtalastasan sa paglalarawan, sa pagtalakay, at paghanap ng mga solusyon sa mga problema ng ating komunidad at ng buong bansa. Sa antas ng lokal at nasyonal na gobyerno, mahalaga ang komunikasyon upang matiyak na matitipon ang input mula sa mga komunidad para sa pagpaplano ng mga patakaran at aksyon ng pamahalaan hinggil sa mga nabanggit na suliraning lokal at nasyonal. Innovating Knowledge. Improving Lives. Susi rin ang komunikasyon sa iba’t ibang paraan upang mapalaganap ang impormasyon hinggil sa bagong patakaran ng gobyerno kaugnay ng mga isyung panlipunan. Sa lebel naman ng akademiya o unibersidad na kinabibilangan ng mga estudyante ng komunikasyon, walang pananaliksik na maisasagawa nang maayos at mabisa kung walang pagmamasid, pagtatanong, pakikisalamuha, pakikipag-usap, pakikipagtalakayan, at pakikipamuhay sa mga komunidad ng mga kapuwa Pilipino. Samakatuwid, mahalaga ang kasanayan sa komunikasyong Filipino sa pagbabahagian ng salaysay at karanasan sa iba’t ibang pangkat sa mga komunidad na ating kinabibilangan. Innovating Knowledge. Improving Lives. MARAMING SALAMAT! Innovating Knowledge. Improving Lives. KonKomFil RYANDY B. CORONEZA V. Mga Napapanahong Isyung Lokal At Nasyonal (Ikalawang Bahagi) A. Globalisasyon: Isang Depinisyon B. Ang Alamat ng Globalisasyon C. Migrasyon: Problema o Solusyon? D. Mga Panimulang Epekto ng Migrasyon E. Mga Isyung Politikal F. Kontemporaryong Sistemang Politikal ng Pilipinas G. Mga Porma ng Korapsyon H. Mga Ugat ng Korapsyon I. Mga Dinastiyang Politikal J. Mga Bunga ng Korapsyon K. Mga Solusyon sa Korapsyon Panoorin at pakinggan: https://www.youtube.com/watch?v=DFJZUCg3_DQ Walang Natira – Gloc 9 Introduksyon Sa yunit na ito, bibigyan konteksto ang komunikasyon sa Filipino sa pamamagitan ng paglalahad ng mga suliraning kinahaharap ng bansa sa lokal at nasyonal na antas. Hinati sa dalawang bahagi ang pagtalakay sa mga reyalidad ng lipunang Pilipino sa yunit na ito. Ang unang bahagi, tatalakayin ang globalisasyon bilang proseso ng integrasyon ng iba’t ibang bahagi ng buhay ng tao-mula sa politikal, ekonomiko hanggang sosyo-kultural na epekto nito. Bahagyang uugatin ang kasaysayan ng globalisasyon at ng mga milyahe (milestones) kaugnay nito. Sa ikalawang bahagi naman ng aralin, pag-uusapan ang mga sanhi at bunga ng korapsyon sa kontekstong Pilipino. Tatalakayin din ang ginagampanang tungkulin ng dinastiyang politikal sa pagpapanatili ng korapsyon sa Pilipinas. Sa huli, maglalahad ng ilang mungkahi upang solusyunan ang problemang ito sa bansa. Pagtitibayin ng yunit na ito ang ginagampanang tungkulin ng Filipinisasyon ng komunikasyon sa paglalapit ng ugat at mungkahing solusyon sa mga Pilipino tungo sa paglutas ng mga kontemporanyong suliranin sa lipunan. GLOBALISASYON: ISANG DEPINISYON Sa payak na pananalita, ang globalisasyon ay tumutukoy sa proseso ng malayang pagpapalitan ng mga produkto, kultura, at kaalaman ng mga bansa. – Colgate – Coke – Patis na gawa sa Thailand – Restawrant sa NYC na may dinuguan at adobo sa menu Hindi lamang produkto, kultura, at kaalaman ang maaaring ibahagi at ipagpalitan sa ilalim ng globalisasyon. May kakayahan na ang mga tao na magpalipat-lipat ng lugar ng tirahan o kaya’y trabaho dahil na rin sa pag-unlad ng teknolohiya sa mabilis na transportasyon. Sa paaralan, globalisasyon ang pangunahing dahilan na nagtutulak sa pagkakaroon ng mga student at faculty exchange program. ANG ALAMAT NG GLOBALISASYON Walang eksaktong petsa na maituturing na simula ng proseso ng globalisasyon Ang modernong porma ng globalisasyon ng kalakalan ay naging pormal lamang sa paglagda ng maraming bansa sa tinatawag na General Agreement on Tariffs and Trade (GATT) na malao’y naging pormal na organisasyong tinatawag na World Trade Organization (WTO) noong 2014. Bukod sa GATT-WTO, mahalaga rin ang papel ng mga internasyunal na institusyong pinansyal gaya ng World Bank at International Monetary Fund (IMF) sa globalisasyong ekonomiko. Sa mga nakalipas na dekada, napakalaking porsyento ng pambansang budyet ang inilaan ng Pilipinas sa pagbabayad ng utang, ngunit habang tumatagal ay palaki rin nang palaki ang utang ng bansa. Kung globalisasyon naman sa aspektong politikal ang pag-uusapan, maituturing na ang pagtatatag ng UN pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang panandang bato o milestone. Itinatag ng mga bansa ang UN bilang tanda ng kanilang pangako sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagkakaisa ng daigdig, pagkatapos ng mapaminsalang digmaan na kumitil sa milyon-milyong buhay at nagwasak ng bilyon- bilyong dolyar na halaga ng ari-arian. Sa pamamagitan ng UN ay nagkaroon ng estruktura ang isang entidad na may limitadong kapangyarihang sumasaklaw sa halos lahat ng bansa sa daigdig. Ang UN General Assembly (UNGA) ay taunang pagpupulong tuwing Setyembre, dito tinatalakay ang usapin na nakaaapekto sa kapakanan ng nakararaming mamamayan sa daigdig. Ang aspektong sosyo-kultural ng globalisasyon naman ay maaaring ugatin sa panahon ng kolonyalismo at imperyalismo na lalong nagpatibay sa ugnayan ng mga bansa sa Kanluran at Silangan. Bagama’t isang mapait at marahas na panahon ang kolonyalismo at imperyalismo, nagbigay ito ng pagkakataon sa Kanluran at sa Silangan na magkapalitan ng kultura. Sa kasalukuyan, ang globalisasyong sosyo-kultural ay lalong pinasigla ng mabilis na takbo ng teknolohiya sa komunikasyon at transportasyon. Ngunit sa kabila ng maraming mabuting bunga ng globalisasyon sa aspektong sosyo-kultural, partikular sa mga umuunlad na bansa, hindi rin mapasisinungalingan ang negatibong epekto nito sa pamamaraan ng pamumuhay ng mga tao. Ayon sa Endangered Language Project, 40% ng 7,000 wikang umiiral sa bansa ang nasa peligro ng pagkawala bunsod ng patuloy na pag-igting ng globalisasyon na ang pangunahing wikang isinusulong ay Ingles. MIGRASYON: PROBLEMA O SOLUSYON? Gaya ng nabanggit na, isa sa mga bunga ng kahirapan sa bansa ang migrasyon Maraming mamamayan ang naghahangad na mangibang- bayan sapagkat mas maraming oportunidad para sa pagkakaroon ng mas magandang trabaho sa ibayong- dagat. Ang migrasyon ay maaari din namang maganap sa loob ng bansa lamang. Sa pangkalahatan, sa konteksto ng Pilipinas, mas malaking phenomenon ang migrasyong eksternal. Kapag sinuring mabuti, tila hindi rin solusyon sa kahirapan ang migrasyong eksternal, sa halip, nagdudulot din ito ng maraming problema. Ang estadistika sa tumataas na halaga ng perang padala (remittance) ng mga OFW sa mga nakalipas na taon – na nagpapakitang halos umabot sa 20 beses ang laki ng remittances mula noong 1989 hanggang dalawang dekada pagkatapos – ay nagpapatunay na may aktwal na pakinabang ang bansa sa migrasyon, kung aspektong pinansyal ang susuriin, ayon sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Ikinukubli ng LEP o Local Enterprise Partnership ang kahinaan ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagsasampa ng limpak-limpak na remittance na nagiging dahilan upang hindi na mapansin ang pagkabansot ng mga lokal na industriya Bunsod ng lumalaking remittance ay tila bantulot ang gobyerno ng Pilipinas na buhayin at palakasin ang sektor ng pagmamanupaktura sa pamamagitan ng pagdaragdag ng suporta sa mga industriya. Kuntento na ang gobyerno sa remittance at tila hindi nagsisikhay na palakasin ang mga domestikong industriya, lalo pa’t ang remittance ay nagpatuloy sa paglaki kahit pagkatapos ng pagsambulat ng pandaigdigang krisis na nagsimula noong 2008. Ang malaking remittance ng mga OFW ay nagsisilbi ngang salbabida ng sisinghap-singhap na ekonomiya ng bansa, ngunit ito’y itinataguyod habang kinalilimutan ang sektor ng idustriya na may potensyal ding mag-ambag sa paglago ng ekonomiya. Sa pangkalahatan, mas nagbebenepisyo ang mga bansang pinagtatrabahuhan ng mga OFW kaysa Pilipinas, dahil ang bawat migranteng Pilipino ay katumbas ng nawalang skilled na manggawang propesyunal. Dahil sa migrasyon, nagagawa rin ng mga mauunlad na bansang tulad ng Singapore na mamili ng mas murang lakas-paggawa gaya ng pinatutunayan ng kanilang pagbibigay-prayoridad sa pagkuha ng mga kasambahay na Cambodian at iba pang mamamayan na handang magtrabaho sa sweldong mas mababa pa sa tinatanggap ng mga Pilipinong kasambahay. Sa pananaliksik ni Tan (2013), pinatunayan na nakapag- ambag nang malaki ang mga migranteng manggagawa sa paglago ng ekonomiya ng pinakamayang bansa batay sa Real Gross Domestic Product (RGDP). MGA PANLIPUNANG EPEKTO NG MIGRASYON Lalong mapatutunayan ang pinsala ng migrasyon, kapag sinipat ang mga panlipunang epekto nito sa bansa. Sa ilang pananaliksik na pinondohan ni Friedrich Ebert Stiftung (FES), inisa-isa ni Alcid (c.2005) ang napakaraming panlipunang epekto ng migrasyon tulad ng “exodus ng mga nars, kasama na ang mga dating doctor”, bagay na inaasahang “hahantong sa malubhang krisis sa sistemang pangkalusugan…” at ang “negatibong impact ng migrasyon sa mga pamilyang Pilipino, lalo na sa mga bata.” Hinggil sa pagdami ng mga nasirang pamilya (broken families) sa hanay ng mga OFW, ipinanukala ni Senador Miriam Defensor- Santiago ang Senate Bill 1779 noong 2007. Ayon sa nasabing panukalang-batas, maraming ulat mula sa POEA, Overseas Workers Welface Administration (OWWA), at mga Non-Government Organization (NGO), ang nagpapatunay na ang suliraning gaya ng “pumalyang kasal (broken marriages), adiksyon sa droga, imoralidad sa seks, krimen, pagpapakamatay o psychological breakdowns” ay maiuugnay “sa pangmatagalang paghihiwalay ng mga mag-asawa at ng kanilang mga anak” na malinaw na bunga ng migrasyon. Panghuli, dapat bigyan-diin na mayorya sa mga OFW ay nasa kasibulan ng buhay, sa kanilang mga prime year. Nangangahulugan ito na sa halip na nakapag-ambag sa pag-unlad ng Pilipinas sa panahong pinakaproduktibo sila, ang mga migrante’y pinagsasamantalahan ng mauunlad na bansa na nakikinabang nang husto sa kanilang kabataan at kahusayan. Mismong ang National Statistical Coordination Board (NSCB), sa isang ulat ay nagtanong na, “Kailan natin mabibigyan ng oportunidad sa trabaho ang pangkat na ito ng mga kabataan na marami’y katatapos pa lamang ng kolehiyo upang sila’y direktang makatulong sa paglago ng ating ekonomiya sa halip na ekonomiya ng ibang bansa? Kalian natin maiibsan ang social cost ng Pinoy diaspora?” Sa pangkalahatan, pinigilan at binansot nito ang pag-unlad ng mga industriya sa Pilipinas sapagkat nahirati na ang gobyerno sa pagdepende sa remittance. Sa ganitong diwa, hinihikayat ang mga awtoridad ng Pilipinas at iba pang bansang Third World na suriing mabuti ang kanilang patakaran sa migrasyon at humanap ng alternatibong landas patungong kaunlaran na hindi na magsasakripisyo sa yamang tao ng bansa, sa altar ng tubo at ginhawa para sa mayayamang bansang mapagsamantala. GAWAIN 6 PAGSULAT NG LIHAM: ISIPIN NA KAYO AY MAY PAMILYANG OFW, ITANONG NINYO ANG KANIYANG KALAGAYAN AT IKUWENTO ANG KALAGAYAN NG BANSA A4 HANDWRITTEN ITUPI SA TATLO ANG SULAT KAPAG IPAPASA MGA ISYUNG POLITIKAL Sinasabing likas na may politika sa alinmang gawain ng tao. – Ngunit ano nga ba ang politika? – Bakit interesado ang marami sa mga isyung politikal? Maraming suliranin sa ating bansa gaya ng katiwalian at mga dinastiyang politikal ay malinaw na mga suliraning politikal. Sa kabanatang ito ay bibigyang-pokus ang mga isyung politikal. Sa unang aralin ay ilalarawan at susuriin ang kontemporanyong sistemang politikal ng Pilipinas bilang batayan ng mas masaklaw sa pagtalakay sa mga isyung politikal tulad ng demokratisasyon, katiwlian at malakas na impluwensya ng mga dinastiyang politikal sa bansa, sa susunod na mga aralin. KONTEMPORANYONG SISTEMANG POLITIKAL NG PILIPINAS Naitaboy ng mga Pilipino ang Japanese at sa huling mga linggo ng labanan noong Ikawalang Digmaang Pandaigdig ay muling bumalik ang mga Amerikano sa Pilipinas Noong Hunyo 4, 1946 ay ipinahayag ng mga Amerikano ang diumano’y wakas ng kanilang okupasyon ng Pilipinas ngunit ayon sa ilang mamamayan, ang tanikala ng kolonyalismo ay makikita pa rin sa kotemporanyong sistemang politikal ng bansa. Hinggil sa aktwal na panghihimasok ng mga dayuhan, partikular ng gobyerno ng U.S. sa politika ng bansa, maraming kontemporanyong pangyayari ang maaaring suriin Samantala, ang pagiging elitista ng kasalukuyang sistemang politikal ay kitang-kita pa rin. Kapansin-pansin na malaking porsyento ng mga posisyong ehekutibo at lehislatibo sa antas lokal o nasyonal man ay kontrolado ng mga prominenteng angkan o dinastiyang politikal. Samakatuwid, kahit maaaring tumakbo ang halos kahit sinong mamamayan na nakababasa at nakasusulat, napakaliit ng pagkakataon nila magtagumpay laban sa kapangyarihan at impluwesya ng iilang mayayamang angkan sa bansa. Kapansin-pansin din na ang mismong gobyerno ay kinikilala ang pag-iral ng ganitong sistema. PORMA NG KORAPSYON Sa simpleng pagpapahayag, katiwalian ang anumang transaksyon na gumagamit ng salapi ng bayan para sa personal na kapakinabangan. Mga Ugat ng Korapsyon Kung susuriin ang kasaysayan ng bansa, maaaring sabihing sa panahon ng mga Espanyol nagsimula ang korapsyon. May mga Espanyol gobernador-heneral din na maituturing na tiwali. Ang ganitong sistema ay nagbunga ng katiwalian dahil karaniwan, sa bawat pabor na hingin sa padrino ay may kapalit na suhol, salapi man o anumang mahalagang bagay. Sa pagkakaroon ng utang na loob sa padrino, ang mga biktima ng ganitong sistema ay mananatiling masugid na tagasuporta ng kanilang padrino kahit na ang huli’y mapatunayan nang tiwali. Sa paghahari ng mga Espanyol, sumulpot ang lokal na elite o principalia mula sa mga dating datu, rajah at maharlika. Cabeza de barangay at gobernadorcillo Marami sa mga pamilyang asendero ang nanatiling bahagi ng alta sociedad sa kasalukuyan, sapagkat mayaman pa rin sila sa salapi at lupain. Sa mga unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano, ang karapatang maghalal at mahalal ay maaari lamang tamasahin ng mga mamamayang may edukasyon at ari-arian. Samakatuwid, lalong tumibay ang monopolyo ng mayayaman sa kapangyarihang politikal sa panahong iyon, bagay na nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan. Sa pamamagitan ng monopolyo nila sa kapangyarihang politikal, naging mahirap para sa mga ordinaryong tao na bantayan at lumahok sa prosesong politikal. Maituturing na ugat din ng korapsyon ang monopolyo ng iilang dinastiyang politikal sa kapanyarihan at ang kawalan ng sapat na partisipasyon ng mga mamamayan sa prosesong politikal. DINASTIYANG POLITIKAL Sa aklat na “The Modern Principalia: The Historical Evolution of the Philippine Ruling Oligarchy” (2007) ni Prop. Dante Simbulan, detalyadong sinuri ang pangingibabaw ng mga dinastiya sa sistemang politikal ng bansa Ayon sa kaniyang pananaliksik na sumasaklaw mula 1946 hanggang 1963, may 169 dinastiya sa Pilipinas na pinagmulan ng 584 opisyal ng gobyerno, kasama na ang pitong presidente, dalawang bise-presidente, 42 senador, at 147 kinatawan sa Kongreso. Batay naman sa pag-aaral ng Asian Institute of Management Policy Center noong 2011, mahigit 100 o 68% ng mga kinatawan sa ika-15 Kongreso na nahalal noong 2010, ang may kamag-anak sa ika-12, 13, 14, at 15 Kongreso, o kaya mga lokal na opisyal na nahalal noong 2001, 2004, 2007 at 2010. Ayon naman sa aklat na “The Rulemakers, How the Wealthy and Well-born Dominate Congress” (2004) nina Shiela Coronel et al., halos isang siglo nang kontrolado ng mga dinastiya ang sistemang politikal ng bansa. Anila, bagama’t hindi na puro asendero ang mga dinastiyang nakapuwesto, lahat ng mga angkan na ito’y pawang mayayaman at maituturing na bahagi ng noveau riche. Samakatuwid, malinaw na ang kayamanan at kapangyarihang politikal ay magkaugnay pa rin hanggang kasalukuyan. MGA BUNGA NG KORAPSYON Isa sa mga pangunahing bunga ng korapsyon ang kawalan ng oportunidad ng mga ordinaryong mamamayan na magkaroon ng espasyo sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan Pangawalang bunga ng korapsyon ang pagliit ng pondo na maaaring magamit ng pamahalaan para sa mga serbisyong panlipunan gaya ng pabahay, edukasyon, transportasyon, at kalusugan. Bunga rin ng korapsyon ang kawalan ng tunay na mga partido politikal sa bansa. Sa pangkalahatan, ang pagtamlay ng suporta ng mga mamamayan sa gobyerno, at ang pagtamlay ng kanilang partisipasyon sa halalan at iba pang prosesong politikal ay epekto rin ng monopolyo ng mga dinastiya sa kapangyarihang politikal. Ang mababang kalidad ng demokrasya sa bansa ay mauugat sa pagkakaroon ng makapangyarihang dinastiya. MGA SOLUSYON SA KORAPSYON Sa ganitong diwa, ang pagsasagawa ng mga repormang politikal gaya ng pagsasabatas ng konstitusyunal na probisyon na nagbabawal sa mga dinastiyang politikal at mga batas na magpapatibay pa sa representasyon ng mga grupong marginalized (gaya ng sistemang party-list) ay dapat isagawa. Ayon a Article II, Section 26 ng Philippine Constitution: “The state shall guarantee equal access to opportunities for public service and prohibit political dynasties as may be defined by law.” Sa kasamaang-palad, wala pa ring enabling law ang constitutional provision na ito dahil laging hinahadlangan ng sangkatutak na political dynasties sa Kongreso. Bukod sa mga institusyonal na pagsisikhay na maisabatas ang isang Anti-Dynasty Bill, ang pagsuporta sa mga grupo ng mga ordinaryong mamamayan na lumalahok sa politika, gaya ng mga partylist, ay epektibong paraan din ng pagpapahina ng dinastiyang politikal. Ang pagsasagawa ng voter’s education forum, sa panahon ng eleksyon at pagkatapos nito, ay makatutulong din sa pagpapalakas ng partisipasyon ng mga mamamayan sa politika, na makapagpapahina naman sa kapangyarihan ng mga dinastiya. MARAMING SALAMAT! Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino Inihanda ni Ryandy Coroneza VI. Mga Tiyak na Sitwasyong Pangkomunikasyon Maikling (muling) Pagtalakay sa Kahalagahan ng Komunikasyon Mga Antas ng Komunikasyon Mga Tiyak na Halimbawa ng Sitwasyong Pangkomunikasyon Innovating Knowledge. Improving Lives. Introduksyon Panoorin: https://www.youtube.com/watch?v=36zrJfAFcuc “Why the only future worth building includes everyone” Innovating Knowledge. Improving Lives. Tumatalakay ito sa kahalagahan ng pagkakaisa upang makamit ang isang makabuluhang kinabukasan Suriin at pagnilayan ang ginagampanang tungkulin ng komunikasyon na may pokus sa pag-unawa, sa pagtugon sa pangangailangan ng kapwa, at pagpapaunlad ng ugnayan ng mga tao, komunidad at bansa. Bigyang-pansin din ang gamit ng komunikasyon upang mabisang makapagpahayag ng mahahalagang mensaheng may kakayahang magtulak sa mga tao na kumikilos para sa ikabubuti ng lahat. Sipatin din ang tungkulin ng midya at teknolohiya sa pagpapalaganap ng mensahe sa ika-21 siglo. Innovating Knowledge. Improving Lives. MAIKLING PAGTALAKAY SA KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON Nasa puso ng pang-araw-araw na transaksyon ng tao ang komunikasyon Upang maging sistematiko at lalong mabigyan ng konteksto ang pagtalakay sa komunikasyon sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pinaggagamitan nito. Innovating Knowledge. Improving Lives. KOMUNIKASYON BILANG PAGHUBOG NG OPINYON NG MADLA Malaki ang ginagampanang tungkulin ng komunikasyon sa paghubog ng opinyon o “consensus” ng mga tao. Ginagamit ng mga gobyerno sa buong mundo ang komunikasyon upang palaganapin ang isang kaisipan hinggil sa mga programa nito upang mapabilis ang pagtanggap ng mga mamamayan. Lubos na mapapadali ang pagpapalaganap ng mga mensaheng ito sa pamamagitan ng midya gaya ng radyo ng telebisyon. Innovating Knowledge. Improving Lives. KOMUNIKASYON BILANG PANLINANG NG UGNAYAN Isang tungkulin din ng komunikasyon ang luminang ng ugnayan at relasyon. Komunikasyon din ang nagpapatibay sa ugnayan ng mga miyembro ng isang komunidad. Pinagtitibay ng komunikasyon ang ugnayan ng mga bansa gaya ng patuloy na nagaganap sa pagitan ng mga miyembro ng ASEAN Commnunity Innovating Knowledge. Improving Lives. KOMUNIKASYON BILANG PAGHAHATID NG IMPORMASYON AT PAGPAPALAGANAP NG KULTURA Innovating Knowledge. Improving Lives. MGA ANTAS NG KOMUNIKASYON Intrapersonal na Komunikasyon Interpersonal na Komunikasyon Pangkatang Komunikasyon Pampublikong Komunikasyon Pangmadalang Komunikasyon Innovating Knowledge. Improving Lives. MGA TIYAK NA HALIMBAWA NG SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON Pangkatang Komunikasyon (Roundtable at Small Group Discussion) Pampublikong Komunikasyon (Lektyur at Seminar, Worksyap, Kombensyon, Kongreso at Komperensiya) Pangmadlang Komunikasyon (Programa sa Radyo at Telebisyon, Video Conferencing, Komunikasyon sa Social Media) Innovating Knowledge. Improving Lives. Pasalitang Pag-uulat sa Maliit at Malaking Pangkat Ano ang layunin ng komunikasyon? Paano padarainin ang impormasyon? Sino at ilan ang kalahok? Gaano katagal ang dapat na ilaang oras sa pakikipag-usap? Nangangailangan ba ng materyales o kagamitan ang epektibong komunikasyon? Anong katangian ng tagapagsalita ang hinihingi ng sitwasyon? Innovating Knowledge. Improving Lives. MARAMING SALAMAT! Innovating Knowledge. Improving Lives.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser