Pag-aaral ng Wikang Filipino PDF
Document Details
Uploaded by HonorableNumber
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay may detalyadong balangkas tungkol sa kasaysayan at pag-unlad ng wikang Filipino sa Pilipinas. Sinasaklaw nito ang iba't ibang aspeto ng wika, kabilang na ang mga pamantayan at pag-unlad ng wikang pambansa.
Full Transcript
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO MGA KONSEPTO NG PANGWIKA ARALIN 1- WIKA, WIKANG PAMBANSA, WIKANG PANTURO, WIKANG OPISYAL WIKA MO, HULAAN MO SALITA 1. LODI 2. PETMALU 3. CHAKA 4. KALERKI 5. WALEY Panuto: Ang bawat mag-aaral ay igrupo sa apat na pangkat. Sil...
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO MGA KONSEPTO NG PANGWIKA ARALIN 1- WIKA, WIKANG PAMBANSA, WIKANG PANTURO, WIKANG OPISYAL WIKA MO, HULAAN MO SALITA 1. LODI 2. PETMALU 3. CHAKA 4. KALERKI 5. WALEY Panuto: Ang bawat mag-aaral ay igrupo sa apat na pangkat. Sila ay bubuo ng isang graphic organizer na kung saan ang bawat miyembro ay magbibigay ng sariling pagpapakahulugan tungkol sa wika. ANO ANG WIKA? isang napakahalagang instrumrnto sa komunikasyon at ito ang nagsisilbing behikulo upang umandar ang pakikipagtalastasan natin sa iba’t ibang tao. sa pamamagitan nito, nagkakaintindihan tayo, nakapagpapalitan tayo ng mga pananaw at ideya, pasalita man ito o pasulat. HENRY ALLAN GLEASON JR. ayon sa kanya, ang wika ay isang masistemang balangkas na pinili at isinaayos sa pamaraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura. PAZ, HERNANDEZ AT PENEYRA ito ay isang tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin. Pagsasadula Panuto: Igrupo sa limang pangkat ang mga mag-aaral. Ang bawat grupo ay may nakalaang sitwasyon at lapatan ito ng maikling dula na hindi lalagpas sa tatlong (3) minuto. Sitwasyon 1: Nagpapakita na ang wika at kultura ay hindi mapaghihiwalay. Sitwasyon 2: Nagpapakita na ang wika ay nagbubunsod ng pagkakaisa ng mga mamamayan. Sitwasyon 3: Nagpapakita na ang wika ay mabisang instrument sa pag- iimbak at pagpapalaganap ng karunungan at kaalaman. Sitwasyon 4: Nagapapakita na ang wika ay mahalaga sa komunikasyon ng mga bansa. Sitwasyon 5: Nagpapakita na ang wika ay mahalaga sa pagbubuklod ng pamilya. WIKANG PAMBANSA Isang wikang magiging daan ng pagkakaisa at pag-unlad bilang simbolo ng kaunlaran ng isang bansa. ANO-ANO ANG MGA PAMANTAYA NG ITO? 1934 nagsimula ang adhikaing ito sa isang pagpupulong na isinagawa sa kumbensiyong konstitusyunal noong 1934. nagkaroon ng debate ang mga delegado tungkol sa usapin. nahati ang grupo sa mga taong nagsusulong ng wikang ingles bilang wikang pambansa at ang grupo ni Lope k. Santos na nagmamalasakit sa sariling wika. sinang-ayunan ito ng noo’y pangulo ng pamahalaang komonwealth na si Manuel L. Quezon. 1935 ito ang naging daan upang mabuo ang probisyong pangwika na nakasaad sa article XIV, section 3 ng saligang batas ng 1935 na nagsasabing. ‘ ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay sa mga umiiral na katutubong wika. hangga’t hindi itinatakda ng batas, ang wikang ingles at kastila ang siyang mananatiling opisyal na wika’. 1935 isinulat ni Norberto Romualdez ang batas komonwelt bilang 184 na nagtatag ng surian ng wikang pambansa na siyang naatasang mag-aral tungkol sa mga umiiral na wikang ginagamit sa bansa. base sa kanilang pag-aaral, TAGALOG ang napili dahil pasok ito sa mga pamantayang hinihingi sa pagpili ng wikang pambansa. MGA PAMANTAYAN 1. dapat wika ng sentro ng pamahalaan. 2. dapat wika ng sentro ng edukasyon 3. dapat wika ng sentro ng kalakalan 4. dapat wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan. TAGALOG batayan sa wikang pambansa. PAGPILI surian ng wikang pambansa (SWP) Itinatag noong nobyembre 13, 1936 ng batas pambansa blg. 184. binuo ng saligang batas pambansang asamblea DISYEMBRE 30,1937 sa taong ito, iprinoklama ni Manuel L. Quezon na ang wikang TAGALOG, ito ay base na rin sa rekomendasyon ng Surian ng wikang pambansa at magkakabisa lamang ito pagkatapos ng dalawang taon. 1940 sa taong ito, nagsimula ng ituro ang wikang pambansa batay sa tagalog sa lahat ng pampubliko at pampribadong paaralan. 1946 ipinahayag na ang wikang opisyal sa bansa ay tagalog at ingles sa bisa ng batas komonwelt bilang 570 1954 sa pamamahala ni Ramon Magsaysay, nagsimula ang unang pagdiriwang ng lingo ng wikang pambansa. 1959 mula tagalog ay pinalitan ang wikang pambansa bilang PILIPINO sa bisa ng kautusang pangkagawaran bilang 7. ito ang ginamit sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan pati na rin ang mga dokumento. sa kabila nito, marami pa rin ang tutol sa pagkapili ng tagalog bilang batayan ng wikang pambansa 1972 umusbong ang probisyong pangwika sa saligang batas ng 1973, article XV, section 3, number 2 at mula Pilipino ay napalitan ang pangalan ng wikang pambansa sa Filipino. 1987 sa pamumuno ng dating pangulong si Cory Aquino, pinagtibay ang probisyon ba saligang batas ng 1987, article XIV, section 6 na nagsasabing, ‘ ang wikang pambansa ng pilipinas ay FILIPINO. samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa pilipinas at sa iba pang mga wika’. 1997 itinatag naman ni Fidel Ramos ang pagdiriwang ng buwan ng wikang pamabansa. WIKANG OPISYAL ay ang wika na gagamiting wika sa lahat ng tanggapan sa gobyerno sa anyong pasalita man o lalong lalo na sa anyong pasulat. WIKANG PANTURO ay gagamitin sa sektor ng edukasyon MOTHER TONGUE- BASED MULTI-LINGUAL EDUCATION sa K TO 12 curriculum, ang mother tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula kindergarten hanggang grade 3. 19 NA WIKA TAGALOG YBANAG MAGUINDANONAN ILOKO AKLANON CEBUANO SURIGAONON SAMBAL TAUSUG YAKAN PANGASINENSE WARAY CHAVACANO MARANAW IVATAN KAPAMPANGAN KINARAY-AN BIKOL HILIGAYNON TANONG: Bilang isang mag-aaral sa makabagong panahon, paano nagsisilbing pundasyon ang pag-unawa sa wikang pambansa sa pagkatuto ng iba't ibang wika? Sagutan ang bawat tanong sa pamamagitan ng pagsulat ng "Wikang Panturo" o "Wikang Opisyal" sa patlang na ibinigay. (b). Ibigay ang dahilan sa bawat sagot mo. 1. Ano ang ginagamit na wika sa pagtuturo sa mga paaralan? Sagot: _______________ Dahilan: _______________________________________________ 2. Ano ang ginagamit na wika sa mga opisyal na dokumento ng gobyerno? Sagot: _______________ Dahilan: _______________________________________________ 3. Ano ang wika na ginagamit sa mga batas at legal na proseso sa Pilipinas? Sagot: _______________ Dahilan: _______________________________________________ 4. Ano ang pangunahing wika na ginagamit sa mga opisyal na komunikasyon sa pamahala Sagot: _______________ Dahilan: _______________________________________________ 5. Ano ang wika na ginagamit ng mga guro sa kanilang pagtuturo sa iba't ibang asignatura Sagot: _______________ Dahilan: _______________________________________________ MARAMING SALAMAT SA INYONG PAKIKINIG.........