Summary

This document discusses the different aspects of Filipino nationalism, highlighting the historical context and evolution. It explores the concepts of conservatism, radicalism, and the integral approach to societal changes, especially focusing on the development of the Filipino language.

Full Transcript

**KOMPAN REVIEWER** **Mga pagkakasunod sunod sa tatlong pag-usbong ng nasyonalismosa Pilipinas.**\ **Konserbatibo-** Tumutukoy sa mga taong o grupong nagtataguyod ng tradisyon, umiiral na sistema, o mga umiiral na paniniwala. Karaniwan nilang tinututulan ang malalaking pagbabago o rebolusyonaryong...

**KOMPAN REVIEWER** **Mga pagkakasunod sunod sa tatlong pag-usbong ng nasyonalismosa Pilipinas.**\ **Konserbatibo-** Tumutukoy sa mga taong o grupong nagtataguyod ng tradisyon, umiiral na sistema, o mga umiiral na paniniwala. Karaniwan nilang tinututulan ang malalaking pagbabago o rebolusyonaryong ideya.\ **Radikal** - Tumutukoy sa mga taong naghahangad ng malalaking pagbabago sa lipunan, madalas sa paraang rebolusyonaryo. Karaniwan nilang binabatikos ang umiiral na sistema at naghahangad ng ganap na pagbabago.\ **Integral** - Tumutukoy sa isang pananaw na nagbibigay-diin sa pagkakaisa at kabuuan. Madalas itong naghahangad ng balanseng pag-unlad ng lahat ng aspeto ng lipunan (ekonomiya, kultura, politika). **Instrumental**- ang tawag sa pangangailangan ng tao kung ang wika ang kumakatawan sa kanyang grupong kinabibilangan **Impluwensiyal** - ang tawag sa wika kung natutugunan nito ang mga interes ng tao **Sarbey** ­- isa sa paraan ng pangangalap ng mga datos na kung saan nakukuha ito sa tulong ng isang *questionnaire* na ipamamahagi sa mga kalahok. **Liham para sa kapanayamin** - isa sa mga kinakailangan sa panayam na ang layunin ay makapagbigay ng detalye at manghingi ng pahintulot. **Semi Structural Interview** - uri ng pakikipagpanayam kung saan mayroong talatanungan ang mananaliksik ngunit ginagamit lang itong gabay upang makontrol ang daloy ng usapan. structural interview ay isang uri ng interbyu kung saan ang mga tanong ay maayos na planado at pare-pareho para sa lahat ng kandidato **Indirect interview** (o di-tuwirang interbyu) ay isang uri ng interbyu kung saan ang tagapanayam ay gumagamit ng bukas na istilo ng pagtatanong, na naglalayon na hikayatin ang kandidato o iniinterbyu na magkwento o magbahagi ng impormasyon nang malaya. **Pakikipagpanayam** - ang paraan ng pangangalap ng datos sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa isang tao tungkol sa kanilang buhay. **Tertiary** - ay uri ng datos na halos hindi na makikita sa datos na ito ang orihinal na material. **Nakasulat at di nakasulat** - ang dalawang pangunahing pag-uuri ng pangangalap ng datos Ipinakilala ang wikang Filipino bilang wikang pambansa alinsunod sa **Konstitusyon 1973**. Inilabas ng Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon noong 1959 na ang tawag sa wikang pambansang batay sa wikang Tagalog ay **Pilipino** **1946** nung nakamit ng Pilipinas ang kalayaan sa mga Hapones **Wikang nihongo at Wikang tagalog** and naging Opisyal na wika sa panahon ng mga Hapones *Co-prosperity Sphere in the Greatest East Asia o maskilala bilang "**Asya ay para sa mga Asyano**"* **December 30, 193**7 - naglabas ng isang Kautusang Tagapagpaganap (Executive Order) na nagpapatibay at nagsasaad sa wikang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa. **Artikulo 14, Seksiyon 3: ang Kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa** **pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang Wikang** **Pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong** **wika"** **Wikang tagalog ang batayan sa wikang pambansa noong 1935 at naging wikang opisyal** ng Konstitusyon ng Biak-na-Bato noong Nobyembre 1, 1897 **Pagkakaiba ng Wikang Tagalog, Pilipino, at Filipino.** **WIKANG TAGALOG** Ang wikang Tagalog ang kaunahang nagiging batayan ng wikang pambansa sa Pilipinas. Ang Tagalog ay isang katutubong wika na ginagamit ng mga Tagalog, isang etnolingguwistikong grupo sa Luzon. **WIKANG PILIPINO** Pinalitan ang **Wikang Pambansa na Tagalog** patungo sa **Wikang Pambansa na Pilipino** noong 1959 dahil sa layuning maging mas inklusibo at pambansa ang wika, upang hindi ito ituring na limitado lamang sa rehiyong Tagalog. Para magkakaroon din ng mas pambansang identida, maka-iwas sa rehiyonalismo, at pagpapalawak ng wika upang makit ang pagkakaisa. Ang pagpapalit ng pangalan patungong \"Pilipino\" noong 1959 ay layong gawing mas malawak at pambansang simbolo ang wika, na sumasalamin sa layuning pagkaisahin ang lahat ng Pilipino. Ang paggamit ng pangalang **\"Pilipino\"** ay inilaan upang palawakin ang saklaw ng wika, upang hindi ito maikabit lamang sa mga Tagalog. **WIKANG FILIPINO** Bilang bahagi ng pagpapaunlad ng wikang pambansa, pinagtibay ang Bagong Alpabetong Filipino na may 28 titik: A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, Ñ, NG,O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, at Z. Ayon kay Virgilio Almario, dinagdagan ang mga titik ng alpabeto upang maisulat ang mga tunog na wala sa Tagalog ngunit binibigkas sa ibang mga wikang katutubo. Ang mga titik F, J, V, at Z ay kumakatawan sa mga tunog na ginagamit sa Ivatan, Ibanag, Ifugao, Kiniray-a, Mëranaw, Bilaan, at iba pang wikang katutubo. Itinakda ng Saligang Batas ng 1987 na ang wikang pambansa ay tatawaging **Filipino**, hindi lamang Pilipino, upang ipakita na ito\'y nagbabago at umuunlad kasama ng lipunan. Ang \"Pilipino\" ay masyadong nakatuon sa Tagalog, na nagiging sanhi ng hindi pagkakabuklod ng ibang rehiyon. Ang \"Filipino\" ay pormal na kinilala bilang isang **inklusibong wika** na kinapapalooban ng mga salita mula sa iba\'t ibang wika ng Pilipinas, tulad ng Cebuano, Ilocano, Waray, Hiligaynon, at iba pa. **IMPLUWENSIYAL AT INSTRUMENTAL** **IMPLUWENSIYAL** Tumutukoy sa paggamit ng wika upang maimpluwensyahan ang pananaw, damdamin, o desisyon ng iba. Layunin nito ang magpakilos, magpabago ng opinyon, o magbigay ng inspirasyon. Madalas ginagamit sa retorika, talumpati, at komunikasyong persuwasibo. **INSTRUMENTAL** Tumutukoy sa paggamit ng wika bilang kasangkapan upang matugunan ang praktikal na pangangailangan. Layunin nitong mag-utos, magbigay ng impormasyon, o magturo upang maisakatuparan ang isang gawain. Madalas ginagamit sa mga patakaran, manwal, at direktang utos HALIMBAWA: Nagagamit din ito ng mga makapangyarihan upang maitago ang katotohanan sa publiko. **(IMP)** **Bahagi rin nito ay ang isinasagawa ng mga negosyante sa tulong ng mga patalastas, poster, tarpaulin, at billboard upang tangkilikin ang kanilang mga produkto. (IMP)** **Sa larangan ng edukasyon, mas napapadali sa tulong ng wika ang paghahatid ng kaalaman at ang mga impormasyon ay madaling naipapasa sa mga mag-aaral o susunod na henerasyon, lalo na ang kasaysayan at kultura ng bansa o grupong kinabibilangan. (INS)** **Sa larangan ng advertising/marketing, nahihikayat nito ang mga tao na sumunod sa anumang anunsyo, balita, at pahayag. (IMP)** **Wika ang pamamaraan ng mga taong namamahala upang maipahatid ang kanilang mensahe sa mga tao. Nagagamit din ito ng mga makapangyarihan upang maitago ang katotohanan sa publiko. (IMP)** Ayon sa aklat na **"Filipino Nationalism: Various Meanings, Constant and Changing Goals, Continuing Relevance"** ni Jose V. Abueva (1999), ang nasyonalismong Filipino ay maaaring ipakahulugan sa iba\'t ibang paraan, na nagbabago batay sa konteksto ng panahon at pangangailangan ng bansa. Subalit, nananatili itong isang mahalagang konsepto sa paghubog ng identidad ng mga Pilipino at sa pagtataguyod ng kalayaan, pagkakapantay-pantay, at kaunlaran. Ilan sa mga pangunahing tema ng nasyonalismong Filipino ay ang sumusunod pagmahal sa bayan, pagtaguyod ng kalayaan at kasarinlan, pagkakaisa ng mga Pilipino, pagkapantay-pantay at Pagpapabuti ng Kalagayang Panlipunan at Pangkabuhayan**.** "GOOD LUCK "

Use Quizgecko on...
Browser
Browser