Rebyuwer: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (PDF)
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- Bagong-DLP-Filipino-DO KOMUNIKASYON, WIKA AT PANANALIKSIK AT KULTURANG PILIPINO (PDF)
- COR 003: Filipino Language and Literature Through History PDF
- 2nd Quarter Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- 2nd Quarter Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
Summary
This document discusses the definition, nature, and functions of language. It also includes the important laws and events in the Filipino language. It includes various examples and tips for studying the topic.
Full Transcript
**Rebyuwer: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino** **Mahahalagang Konsepto sa Wika** **Depinisyon ng Wika** Ayon kay Noah Webster, ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng pasalita at pasulat na simbolo "Ang wika ay masistemang balan...
**Rebyuwer: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino** **Mahahalagang Konsepto sa Wika** **Depinisyon ng Wika** Ayon kay Noah Webster, ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng pasalita at pasulat na simbolo "Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa iisang kultura." - Henry Gleason **Kalikasan ng Wika** **Arbitraryo:** Napagkasunduan ng mga tao sa isang lipunan ang mga kahulugan ng salita. **Dinamiko:** Patuloy na nagbabago ang wika at nadaragdagan ng bagong bokabularyo. **Sinasalitang Tunog:** Ang wika ay pangunahing sinasalita. **Ponolohiya:** Ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga makabuluhang tunog ng isang salita. **Mga Batas Tungkol sa Wika** **Batas Komonwelt Blg. 570:** Nagdedeklara sa Wikang Filipino bilang opisyal na wika. **Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6:** Nagtatakda na ang Wikang Pambansa ay Filipino. **Pagpili ng Wikang Pambansa** Tagalog ang napili bilang batayan ng Wikang Pambansa noong 1937 dahil ito ay may malawak na gamit at mayaman sa panitikan. **Gamit ng Wika** **Emotive:** Ginagamit upang ipahayag ang damdamin. Halimbawa: \"Nalulungkot ako sa kanyang sinapit.\" **Conative:** Ginagamit upang mag-utos o makaimpluwensiya. Halimbawa: \"Wala pa ring tatalo sa Alaska.\" **Informative:** Ginagamit upang magbigay ng impormasyon. Halimbawa: \"Ang buwis ay isang sapilitang kontribusyon.\" **Phatic:** Ginagamit upang magpanatili ng pakikipag-ugnayan. Halimbawa: \"Saan ka pupunta?\" **Labeling:** Nagbibigay ng pangalan o tawag sa isang bagay o tao. Halimbawa: \"Siya ay tinaguriang Hari ng Sablay.\" **Mga Tungkulin ng Wika** **Instrumental:** Ginagamit upang makuha ang mga bagay na kailangan. **Regulatori:** Ginagamit upang gabayan o kontrolin ang kilos ng iba. **Heuristiko:** Ginagamit upang maghanap ng kaalaman. Halimbawa: \"Ano ba ang kinakain ng mga tarsier?\" **Interaksyonal:** Ginagamit upang makipag-ugnayan at mapanatili ang relasyon sa kapwa. **Mga Mahalagang Batas at Pangyayari sa Wika** **Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (1959):** Itinatadhana na ang wikang pambansa ay tatawaging Pilipino. **Batas Komonwelt Blg. 184:** Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa na naglayong pumili ng wikang pagbabatayan ng Wikang Pambansa. **Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (1974):** Ipinatupad ang Edukasyong Bilingguwal, na nagbibigay-diin sa paggamit ng Ingles at Filipino sa mga paaralan. **Mga Halimbawang Tanong** Ano ang kalikasan ng wika na nagpapahiwatig na ito ay patuloy na nagbabago? Sagot: Dinamiko. Sino ang dalubwikang nagsaad na ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos? Sagot: Henry Gleason. Anong batas ang nagsasaad ng pagtuturo ng Wikang Pambansa sa mga paaralan? Sagot: Batas Komonwelt Blg. 570. Ano ang gamit ng wika kapag ito ay ginagamit upang magbigay ng impormasyon? Sagot: Informative. **Mga Gamit ng Wika sa Sitwasyon** **Personal:** Ginagamit upang ipahayag ang sariling damdamin. Halimbawa: \"Mas gusto ko ang pulang kamiseta kaysa sa asul.\" **Imahinatibo:** Ginagamit upang lumikha ng imahinasyon o pantasya. Halimbawa: \"Naku, hulog ka ng langit sa akin!\" **Tip sa Pag-aaral:** - Basahin at unawain ang bawat kahulugan at gamit ng wika. - Gumawa ng flashcards ng mga batas at dalubwikang may kinalaman sa wika. - Magpraktis sa pag-alam ng tungkulin ng wika gamit ang mga halimbawang pangungusap.