Antropolohiya Handout PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This handout provides an overview of anthropology, its various branches (physical anthropology, cultural anthropology, linguistic anthropology, psychological anthropology), and their key concepts. It also touches upon the concept of social status and institutions, as well as, cultural impact of language.
Full Transcript
Antropolohiya Ang aghamtao o antropolohiya ([Aleman](https://tl.wikipedia.org/wiki/Aleman): *Anthropologie*, [Kastila](https://tl.wikipedia.org/wiki/Kastila): *antropología*, [Portuges](https://tl.wikipedia.org/wiki/Portuges): *antropologia*, [Ingles](https://tl.wikipedia.org/wiki/Ingles): *anthrop...
Antropolohiya Ang aghamtao o antropolohiya ([Aleman](https://tl.wikipedia.org/wiki/Aleman): *Anthropologie*, [Kastila](https://tl.wikipedia.org/wiki/Kastila): *antropología*, [Portuges](https://tl.wikipedia.org/wiki/Portuges): *antropologia*, [Ingles](https://tl.wikipedia.org/wiki/Ingles): *anthropology*) (mula sa salitang [Griyego](https://tl.wikipedia.org/wiki/Wikang_Griyego) na *anthropo* \"pagiging tao\" + *logia* \"salita\") ay ang pag-aaral sa lahi ng [tao](https://tl.wikipedia.org/wiki/Tao). (Tingnan ang henerong [*Homo*](https://tl.wikipedia.org/wiki/Homo).) [Holistiko](https://tl.wikipedia.org/wiki/Holismo) ito sa dalawang kamalayan: inaalala nito ang lahat ng tao sa lahat ng panahon at sa lahat ng kasukatan ng sangkatauhan. Nasa gitna ng usapin sa antropolohiya ang [kultura](https://tl.wikipedia.org/wiki/Kultura) at ang kaisipan na bumalangkas ang ating uri o espesye sa isang pangkalahatang kakayahan na isipin ang daigdig sa pamamagitan ng mga simbolo, upang ituro at matutunan ang mga gayong simbolo sa pamamagitan ng lipunan, at ibahin ang anyo ng mundo---at ating sarili---na nakabatay ANTROPOLOHIYA Pinag-aaralan ang mga tao sa mga aspeto mula sa biyolohiya at kasaysayan ng ebolusyon ng Homo sapiens hanggang sa mga tampok ng lipunan at kultura na tiyak na nakikilala ang mga tao sa iba pang mga species ng hayop. MGA SANGAY NG ANTROPOLOHIYA PISIKAL NA ANTROPOLOHIYA Ito ay nakatuon sa biyolohiya at ebolusyon ng sangkatauhan. Talakayin ito nang higit na detalyado sa artikulo ng ebolusyon ng tao. 2\. ANTROPLOHIYA NG KULTURA Ang pag-aaral ng mga lipunan at kultura sa buong mundo. Iniaaral ang naiiba ang istrukturang panlipunan, pamantayan, pang-ekonomiyang at relihiyosong organisasyon, sistema ng pagkamag-anak, sistema ng pag-aasawa, kasanayan sa kultura, mga pattern sa pag-uugali,. 3\. LINGGWISITIKONG ANTRPOLOHIYA Sangay ng antropolohiya na nag-aaral ng pagkakaiba-iba ng mga wika sa iba\'t ibang kultura sa mundo at kung paano nakakaapekto o naaapektuhan ng mga kultura at lipunan sa buong mundo. 4\. SIKOLOHIKAL NA ANTROPOLOHIYA Kabilang sa mga lugar ng interes ay ang personal na pagkakakilanlan, pagiging makasarili, pagiging aktibo, memorya, kamalayan, damdamin, pagganyak, pag-unawa, kalusugan ng kaisipan. ![](media/image1.png) Ang **kahulugan ng status ng lipunan** ay ang **katayuan o ang posisyon ng isang indibidwal sa lipunan**. May dalawang uri ang status. 1. 2. Ang **Lipunan** ay ang mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may isang batas, tradisyon at pagpapahalaga. ***Ang Status ay nakapaloob sa Elemento ng Istrukturang Panlipunan.*** **Istrukturang Panlipunan** **Institusyon** - Sistemang Organisadong ugnayan ng isang lipunan. ** Uri ng mga Institusyon** - - - - - **Social Groups **- Dalawa o higit pang taong may parehong katangian, nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan. ** Dalawang uri ng Social Group** - - **Status** - Katayuan o posisyon ng isang indibidwal sa lipunan. ** Dalawang Uri ng Status** - - **Gampanin (Roles)** - Tinutukoy ng gampaning ito ang mga karapatan, obligasyon at mga inaasahan ng lipunang ddkanyang ginagalawan. Ang **wika** ay isang sistema ng komunikasyon na ginagamit ng mga tao upang maipahayag ang kanilang mga kaisipan, saloobin, at impormasyon. Ito ay binubuo ng mga tunog, simbolo, at mga patakaran na nagbibigay-kahulugan sa mga salita. Ang wika ay isang mahalagang bahagi ng kultura at identidad ng isang grupo ng mga tao. Ito ay nagbibigay-daan sa mga tao na magkaunawaan at magkaintindihan. Mga katangian ng wika: \- Sinasalitang katangian: Ang wika ay nagpapahayag ng mga kaisipan at saloobin sa pamamagitan ng mga tunog at mga salita. \- Arbitraryo: Ang mga salita ay walang likas na kaugnayan sa mga bagay na ipinapahayag nito. \- Natutunan: Ang wika ay natutuhan ng mga tao sa pamamagitan ng pag-aaral at karanasan. \- Dinamiko: Ang wika ay patuloy na nagbabago at nag-aadapt sa mga pangangailangan at pagbabago ng lipunan. \- Gamit sa komunikasyon: Ang wika ay ginagamit ng mga tao upang magkaunawaan, magpahayag, at magkaroon ng ugnayan sa isa\'t isa. \- Ang wika ay sinasalita \- Ang wika ay kabuhol ng kultura \- Ang wika ay nagbabago \- Ang wika ay malikhain \- Ang wika ay makapangyarihan \- Ang wika ay makapangyaarihan lumikha \- Ang wikaa aay may kapangyarihan makaapekto sa kaisipaan at paaagkilos **Kahalagahan ng wika:** \- Pagpapahayag ng kultura: Ang wika ay nagbibigay-daan sa mga tao na ipahayag ang kanilang kultura, tradisyon, at paniniwala. \- Pagkakaroon ng ugnayan: Ang wika ay nagpapahintulot sa mga tao na magkaroon ng ugnayan at komunikasyon sa iba\'t ibang sektor ng lipunan. \- Pagsasalin ng kaalaman: Ang wika ay ginagamit upang maipasa ang kaalaman at impormasyon mula sa isang henerasyon patungo sa susunod. \- Pag-unlad ng lipunan: Ang wika ay mahalagang salik sa pag-unlad ng isang lipunan, sapagkat ito ang midyum ng edukasyon, pagsasaliksik, at pagpapaunlad ng mga teknolohiya. \- Pagpapalaganap ng kapayapaan: Ang wika ay nagbibigay-daan sa pagkakaroon ng maayos na komunikasyon at pagkakaunawaan sa pagitan ng mga tao, na naglalayong magdala ng kapayapaan at pagkakaisa. **EBOLUSYON AT PROBISYONG** **PANGWIKA SA KASAYSAYAN NG** **WIKANG PAMBANSA** **\"Ang wika ay makapangyarihan\... Ang wika ay maaaring gamitin tungo sa pagbabago ng mga panlipunang gawi.\"** **-Adrienne Rich** POKUS - Natutukoy ang kasaysayan ng Wikang Pambansa at mga hakbang na nagtaguyod sa pagkakaroon ng sariling wika; - Naiisa-isa ang mga batas pangwika at mga probison nito; at - Nakikilala at naipagmamalaki ang tatak ng isang wikang Filipino. SIMULAN NATIN\..... Minsan sa aking paglalakad patungo sa gusali ng susunod kong klase ay may mga mag-aaral akong nadaanang OJT na nagtatalo hinggil sa isang tanong sa Biodata kung ano ang kanilang ilalagay sa Nationality, Tagalog, Pilipino o Filipino. Sa una ay natawa ako ngunit bigla akong nalungkot sapagkat sa simple lamang na katanungan hinggil sa sarili nilang identidad ay tila sila ay nalilito. Marahil sa panahon ng kanilang pag-aaral ay nakalimutan nila agad ang isang tagpo sa kanilang buhay kung paanong naghirap ang ating mga pinuno na magkaroon ng sariling identidad at magkaroon ng iisang wikang kakatawan sa atin. **PAG USAPAN NATIN\...** Ang Pilipinas ay binubuo ng 1,707 mga pulo at ito ay nahahati sa tatlong malalaking pangkat, ang Luzon, Visayas at Mindanao. Ang tatlong malalaking pangkat na ito ay kinabibilangan ng labing anim (16) na rehiyon. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang napakaraming wika. Ayon sa listahan ni Grimes at Grimes (2000) mayroon nakatalang 168 na buhay na wika sa bansa, samantalang sa sensus ng NSO noong 2000 mayroon itong 144 na buhay na wika. Batay kay Sibayan (1974) humigit kumulang 90% ng populasyon sa bansa ay nagsasalita ng isa sa siyam na pangunahing wika. Matatagpuan sa Pilipinas ang humigit kumulang na walumpung wikain (80). Siyam rito ang sa ngayon ay kinikilalang pangunahing wika. Tagalog Ilocano Bicolano -------------- --------- ----------------------------- Kapangpangan Pangasinense Bisayang Waray Cebuano Maranao Bisayang Hiligaynon Sa kasaysayan ng Pilipinas, nagdaan tayo sa iba\'t ibang proseso para sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Sa paglipas ng mga taon, bago pa man nakamit ang kalayaan, ang mga taong naninirahan sa Pilipinas ay maraming wikaing ginagamit. to ang naging dahilan upang hindi magkaunawaan ang mga mamamayan na siyang naging sanhi ng alitan at samaan ng loob. Batay sa kasaysayan, may mga dayuhang may iba\'t ibang dalang kulturang pangwika tulad ng Indones, Malay, Tsina, India at Arabia na nakaimpluwensya sa mga Pilipino na nagpalubha nang husto sa mga suliranin, sa di pagkakaunawaan ng mga mamamamayan. Hindi rin napahinuhod ng mga dayuhan ang mga mamamayang Pilipino na sumunod sa kanilang kagustuhan, ginamit ng ating mga bayani ang kanilang katapangan, paninindigan at karapatan upang maipakita ang kanilang pagkakaisa. Ito ang naging dahilan upang ang damdaming makabansa at ang pagkakaroon ng sariling wika ay nadama na natin bago pa man tayo sakupin ng mga Kastila. Narito ang mga pangyayaring nagmarka sa kasaysayan: **1897** Batay sa saligang Batas sa Pakto Biak na Bato, may ginamit na itong probisyon na nagsasaad ng ganito: \"Ang wikang Tagalog ang siyang magiging opisyal na wika sa Pilipinas.\" **1903** Pagkatapos ng pananakop ng mga Amerikano, naging maalab ang pagnanasa ng pagkakaroon ng sariling wika at maraming samahang pangwika ang lumitaw tulad ng Kapulungan ng Wikang Tagalog, Aklatang Bayan, Samahan ng Mananagalog at iba pa. **1915** Ang Akademya ng Wikang Tagalog ay gumawa ng panghihiram ng mga salita mula sa iba\'t ibang katutubong wika sa Pilipinas. Layunin nitong mapayaman ang Tagalog. **1925** Bunga ng pag-aaral ng Monroe Educational Commission at sa pagsuporta ng Amerikanong bise-gobernador ng Pilipinas noon, lumabas ang Panukalang Batas Blg. 557 na nag-uutos na gamiting panturo ang mga katutubong wika simula sa taong 1932-1933. **1935** Sa Saligang Batas ng Pilipinas (Seksyon 3, Artikulo XIV), nasasaad na ang kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. **1936** Batay sa talumpati ni Pangulong Manuel L. Quezon sa Asembleya Nasyonal, nagtagubilin siya ng paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) na siyang mangunguna sa pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas at kanyang pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 184 na kumikilala sa kanilang mga tungkulin; - Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may kalahating milyong Pilipino; - Pagsuri at pagtiyak sa ponetika at ortograpiyang Pilipino; - Paggawa ng paghahambing at pag-aaral ng talasalitaan ng pangunahing Dayalekto. - Pagpiling katutubong wika na siyang magiging batayan ng Wikang Pambansana dapat umaayon sa: a. Pinakamaunlad at mayaman sa panitikan b. Wikang tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming Pilipino. **1937** Hinirang ni Pangulong Manuel L. Quezon ang pitong pantas-wika na Pilipino upang bumuo ng kauna-unahang pamunuan ng Surian ng Wikang Pambansa. Ang pitong napili ay kakatawan sa pitong lalawigan ng iba\'t iba ang katutubong wika. +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | Jamie C. De Veyra | Tagapangulo | (Bisaya-Samar) | +=======================+=======================+=======================+ | Cecilio Lopez | Tagalog | Kalihim at | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | | | Punong | | | | | | | | Tagapagpaganap | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | Santiago Fonacier | locano | Kagawad | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | Casimiro E. Perfecto | | Kagawad | | Bicol | | | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | Hadji Butu | Muslim | Kagawad | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | Filimon Sotto | Cebu- Hiligaynon | Kagawad | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | Felix Salas Rodriquez | | | | Hiligaynon | | | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ Dalawa sa mga hinirang ng pangulo ang hindi nakaganap ng kanilang tungkulin. Sina Haji Butu at Filimon Sotto. Ang una ay pumanaw na at ang huli ay dahil na sa kanyang kapansanan. Pinalitan sila bilang karagdagang kagawad sa lupon, sila ay sina: Lope K. Santos Tagalog Jose I. Zulueta Pangasinan Zoilo Hilario Kapampangan Isidro Abad Sa mga bumuo sa Surian ng Wikang Pambansa, mapapansin na ito ay mula sa iba\'t ibang rehiyon na nagsasalita ng iba\'t ibang wikain. Sa ginawang ito, maiiwasan ang pangingibabaw ng rehiyonalismo. Sa pag-aaral na isinagawa, Tagalog ang halos nakatutugon sa hinihinging Batas Komonwelt Blg. 184 kung kayat itinagubilin na pagtibayin na ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas. Ilang dahilan kung bakit Tagalog ang napiling batayang wika ay ang sumusunod: 1.Mas marami ang nakapagsasalita at nakauunawa ng Tagalog kumpara sa ibang wika. 2.Mas madaling matutunan ang Tagalog kumpara sa ibang wikain sapagkat sa wikang ito, kung ano ang bigkas ay siyang sulat. - 3.Tagalog ang ginagamit sa Maynila at ang Maynila ang sentro ng kalakalan sa Pilipinas. 4.Ang wikang Tagalog ay may historikal na basehan sapagkat ito ang wikang ginamit sa himagsikan na pinamunuan ni Andres Bonifacio. 5.May mga aklat na pangramatika at diksyunaryo ang wikang Tagalog. Dahil sa pagsusumikap na ito ni Pangulong Manuel L Quezon na magkaroon tayo ng pagkakakilanlan, siya ay hinirang na \"Ama ng Wikang Pambansa.\" **1940** Sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263, ang pangulong Manuel L. Quezon ay pinahintulutan ang pagpapalimbag ng Diksyunaryong Tagalog-Ingles at ng Balarila ng Wikang Pambansa. Sa kautusan ni Kalihim George Bocobo, ipinag-utos niya na ituro ang wikang Pambansa sa mga paralang pampubliko at pampribado. Sa taon ding ito pinagtibay na ang wikang Pambansa ay isa nang wikang opisyal ng Pilipinas **1959** Sa bisa ng kautusang Pangkagawaran Blg.7, ipinag-utos ng Kalihim Jose Romero ng kagawaran ng Edukasyon na kailan ma\' y tutukuyin ang wikang pambansa, ang salitang PILIPINO ang siyang gagamitin. 1970 Batay sa resolusyon Bilang 70, ang wikang pambansa ay naging wikang panturo sa elementarya, kolehiyo at unibersidad. **1972** Batay sa Kautusang Panlahat Blg. 17 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, ipinag-utos niya na limbagin sa Pilipino at Ingles sa Oficial Gazette at gayon din sa mga pahayagang may malawak na sirkulasyon bago idaos ang plebesito para sa ratipikasyon ng Saligang Batas. **1973** Sa Saligang Batas, Artikulo XV, seksyon 3, ganito ang nakasaad. Ang saligang batas na ito ay dapat ipahayag sa wikang Ingles at Pilipino, ang dapat na mga wikang opisyal at isalin sa bawat dayalektong sinasalita ng mahigit na limampung libong taong-bayan, at sa Kastila at Arabic. Sakaling may hidwaan, ang tekstong Ingles ang mananaig. Ang pambansang Asembleya ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaulad at pormal na adaptasyon ng panlahat na wikang pambansa na makikilalang Filipino. Sa talumpating binigkas ng Pangulong Marcos sa pagsasara ng pansiyam na pambansang gawaing pangkapulungan, binigyang-diin niya ng paggamit ng bilinggwal. **1974** Nilagdaan ng Kalihim Juan L. Manuel ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 na nagtatadhana ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyon bilang bilinggwal sa mga paaralan na magsisimula taong aralan 1974-1975. **1978** Nilagdaan ng kalihim Juan L. Manuel ng edukasyon ang kautusang Pangministri Blg. 22 na nagtatadhana na ang Filipino ay bahagi ng kurikulum na pangkolehiyo, simula sa unang Semestri nang taong 1979-1980. Ituturo ang anim na yunit ng Filipino sa kolehiyo at 12 na yunit sa mga kursong Edukasyon sa lahat ng mataas na edukasyong institusyon. **1986** Nang sumiklab ang Edsa Rebolusyon noong Pebrero 25, sa taong ito, nang maluklok ang pangulong Corazon C. Aquino bilang pangulong Pilipinas ay nabagong muli ang konstitusyon. **Sa Konstitusyon ng Pilipinas, Artikulo XIV, Seksyon 69, binigyang din ang tungkol sa wika.** **Sek. 6** Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin salig sa umiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wikang panturo sa sistemang pang-edukasyon. **Sek. 7** Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo,ang mga wikang opisyal Ng Pilipinas ay Filipino at hanggat walang itinadhana ang batas, Ingles. Ang mga Wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at Opsyunal ang Kastila at Arabic. **Sek. 8** Ang konstitusyong ito ay dapat na ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat Isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila. **Sek. 9** Itatatag ng kongreso ang isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng ibat ibang rehiyon at larangan ng karunungan na magsasagawa, makikipag-ugnayan at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika, para mapaunlad, mapalaganap at mapangalagaan ang mga wikang ito. Sa taong din ito ipinag-utos ng Kalihim ng Edukasyon, Kultura at Palakasan, Lourdes R.Quisumbing, sa Kautusan Big.52 ang paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan kaalinsabay ng paggamit ng Ingles na nakatakda sa patakaran ng Edukasyon Bilinggwal. Kaugnay nito, sa rekomendasyon ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (SWP) sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 na nagtataka ng Bagong Alpabeto at patnubay sa pagbaybay ng wikang Filipino. ANG EBOLUSYON NG WIKANG FILIPINO Kung papaanong ang text message ay naipapadala mula sa isang cellphone tungo sa isa pa ay misteryong sinasagot ng agham. Subalit sa pasalitang pakikipagtalasasan, ang wika ang tagapagdala ng ideya tungo sa mabisang pakikipag-ugnayan. Kung kaya, ang pagkakaroon ng isang pambansang wika ay tulay upang ang isang bansa ay magkaisa at makamit ang minimithing kaunlaran. Ayon kay Dr. Aurora Batnag (Kabayan, 2001) sapagkat ang Pilipinas ay multilinggwal at multicultural, nabubuklod ang ating mga watak-watak na isla ng lisang mithin na ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng ibá\'t- ibang rehiyon kundi gayon din sa isahang midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan ang papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa. Ang Baybayin na tinatawag ring Alibata ay malaon nang ginagaming ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga Kastila. Ayon kay. Jose Villa Panganiban (1994) ang alibata ay malaganap na ginagamit noong 1300 sa mga pulo ng Luzon at Kabisayaan samantalang Sanskrito ang ginagamit sa Mindanao at Sulu. Ang mga epiko ng mga Bisaya, Tagalog, Iluko, Ipugaw at Bikol ay nasusulat sa alibata; samantalang ang mga epiko ng Magindanaw ay nasusulat sa Sanskrito. Lumilitaw na bagamat hindi pa matatawag na bansa ang ating mga lupain noong mga panahong iyon malinaw na may pundasyon ng panitikan at kulturang umiral na ginagabayan ng mga wika ng bawat pangkat-etniko. Sa artikulo ni Senador Blas Ople na lumabas sa pahayagang Kabayan noong Ika-17 ng Agosto, 2001 ipinahayag niya na ang ebolusyon ng pambansang wika ay isa sa mga matatagumpay na kabanata sa kasaysayan ng bansa mula nang ito ay ipanganak bilang kauna-unahang republikang konstitusyunal noong 1898. Idinagdag naman ni Dr. Batnag sa kanyang artikulong may pamagat na \"Wikang Filipino: Kasangkapan sa Pagpapahayag ng Ideolohiyang Filipino\" na nalathala rin sa nabanggit na pahayagan na mahigit isang daang taon na ang nakalilipas, sariling wika - ang Tagalog, at di ang wika ng mga dayuhan \- ang ibinabandilang tagapagpahayag ng mga mithin ng Himagsikang Pilipino at naging opisyal na wika ng bagong tatag na Konstitusyon ng Malolos. Ayon kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang Tagalog Pilipino / Filipino: Do they Differ? sa bisa ng Executive Order No 134 na nilagdaan ni Pangulong Quezon noong Ika-30 ng Disyembre, 1937 ay kinilala ang Tagalog bilang basehan ng pagbubuo ng Wikang Pambansa. Idinagdag niya na Starting in 1940, the Tagalog- based national language was taught in all public and private schools. The language Pilipino was the Filipino National Language (in 1943) that was based on Tagalog beginning in 1959 when Department order No. 7 was passed by then Secretary Jose Romero of the Department of Education. The same name (Pilipino) was also used for the official language, the language for teaching and subject national language starting 1959. This stopped only when Filipino was approved as the national language. Filipino was the name used to call the national language in 1987 Constitution. Ngunit ano ba ang pagkakaiba ng Pilipino sa Filipino? Ayon pa kay Constantino: It was apparent that Pilipino was also Tagalog in concept and structure and there was no Pilipino language before 1959. Also, there was no Filipino language before 1973. Pilipino is different from Filipino even though both became national languages because these are different concepts - one was based on only one language and the other on many languages in the Philippines, including English and Spanish. Samakatuwid, teknikalidad sa Saligang Batas ang naghihiwalay sa Pilipino at Filipino bukod pa sa ang Pilipino ay wikang nakabatay lamang sa Tagalog bilang Pambansang Wika samantalang ang Filipino ay ang kabuuang bunga ng ebolusyon ng wikang Pilipino kasama ang pagbabago dulot ng impluwensiya ng wikang Kastila at Ingles. Ayon naman sa aklat na Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? (2000, Bob Ong) hanggang ngayon ay mahirap pa ring resolbahin ang isyu sa Wikang Pambansa dahil iba-iba pa rin ang sinasabi sa mga dyaryo, magazine at libro ukol dito. Idinagdag pa sa aklat na si dating Governor Osmeña ay nagpahayag na hindi patas kung pipiliting mag-Tagalog ang mga hindi-Katagalugan. Pero ipinaliwanag din sa aklat na: sa dating ginawang survey sa Ateneo de Manila University, 98% na ng mga Pilipino ang kayang umintinding Tagalog, samantalang 51% lang ang nakakaintindi ng English. Patunay lamang na malagana na ang paggamit ng Filipino sa kasalukuyan sa ating bansa. Batay na rin sa Saligang Batas noong 1987, binago ng Surian ng Wikang Pambansa na kilala ngayon bilang Komisyon ng Wikang Pambansa ang ang pagbabaybay ng mga pantig sa Wikang Filipino halaw sa alfabetong English. Nagkaroon din ng mga pagtatalo ukol dito subalit sa kasalukuyan ang Modernong Alfabetong Filipino ay binubuo 28 letra kasama ang N na hango sa Kastila at ang Ng na hago sa sinaunang Baybayin (Alibata). Noong taong 2001 ay nagpalabas ang Komisyon ng Wikang Filipino ng pamantayan sa wastong paggamit ng mga hiram na titik at pagsasalin ng mga salita mula sa ibang dayuhang wika. Subalit taong 2007 nang muling ipahinto ng bagong pamuuan ng KWF, ang pagpapalaganap ng mga pamantayang ito sapagakat maging ang mga dalubwika sa ibat-ibang pamantasan ay nagtatalo pa ukol dito. ANG WIKANG FILIPINO AT ANG ISYU NG GLOBALISAS YON Ayon kay Dr. Pamela Constantino (Kabayan, Marso 14, 2003\) sa artikulo niyang may pamagat na \"Folklore at Wika\' hindi na bago ang globalisasyon sapagkat matagal na tayong nasa ilalim ng globalisasyon sa anyo ng kolonisasyon, migrasyon at ekonomikong globalismo. Napailalaim na tayo sa mga makapangyarihang bansa mula pa noong ika-16 na siglo hanggang sa kasalukuyan. Ang ating mga kababayan ay nasa ibat-ibang panig na ng mundo at marami nang korporasyong multinasyonal ang matagal nang nagpapatakbo ng negosyo sa ating bansa. Hindi na rin bago sa atin ang mga terminong privatization, oil deregulation, IMF-Worldbank, CNN, Coke, McDonald\'s, import liberalization at iba pa. Idinagdag pa niya mula pa sa pagpapalit ng siglo ay ginagamit na ang at pangunahing midyum na ng edukasyon at opisyal na komunikasyon ang Ingles. Kung kaya ano pa nga ba ang bago sa isyu ng globalisasyon at Wikang Filipino? Bakit muling tinututulan ang deklarasyon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na paigtingin ang pag-aaral ng English sa paaralan na nakasaad sa E.O 210? Ayon sa Samahan ng mga Kolehiyo at Unibersidad sa Filipino (SANGFIL) sa artikulong nalathala sa pahayagang Kabayan noong Pebrero 12, 2003, ang hakbang na ito ng pangulo ay sumasalungat sa mga siyentipiko at makabagong prinsipyo sa edukasyon partikular ang katotohanang mas mabilis matuto mga bata sa ikalawang wika kapag literado na sila sa sariling wika. Naniniwala ang SANGFIL na hindi makatutulong na hindi dapat sisihin sa Wikang Filipino ang paghina ng kakayahan ng mga mag-aaral sa English. Sa pahayagan ding Kabayan noong Pebrero 14, 2003 ay nagpalabas ng manipesto ang Sentro sa kahusayan sa Filipino, Komisyon ng Lalong Mataas na Edukasyon ng DLSU na nagsaaad na ang English ay hindi solusyon sa problema ng edukasyon sa Pilipinas. Nakasaad sa manipesto na matagal nang panahong ginagamit ang English bilang pangunahing wikang panturo ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nananatili pa rin ang problema ng bansa sa ekonomiya at edukasyon. Dapat nating alalahanin na ang sagot sa mga ganitong problema ay nakasalalay sa pagpapatibay ng karunungan ng mamamayan at ito ay makakamit sa wikang Filipino. Ang ganitong ideya ay pinatutunayan ng mga lokal at internasyunal ng mga riserts (pananaliksik) na mas mabilis ang pagkatuto ng mga bata kapag sa sariling wika nag-aral at ng mga bansang umuunlad na gamit ang sariling wika sa pagsasalin ng kaalaman. Nabanggit din sa manipesto na posibleng ang pahayag ni GMA ay pagtalikod sa responsibilidad ng pamahalaan na bigyan ng pagkakataon ang mamamayan na paunlarin ang buhay sa sariling bayan bagkus ay pinapag-aral tayo ng Wikang English upang ipagtabuyan tayo sa ibang bansa. Isa itong nakalulungkot na senaryo na habang tayo ang tambakan ng produkto ng iba\'t-ibang mga bansa, ang atin namang inieeksport sa kanila ay mga OFW\'s upang maiangat ang ekonomiya ng ating bansa. Ganun pa man, upang makalangoy sa dikta ng globalisayon, hindi rin naman dapat ipagwalang bahala ang pag-aaral ng English bilang universal na wika. Ayon kay Satoko Iwasaki, isang guro sa Tokyo, Japan, batay sa istatistiks noong 1996, ang wikang Chinese ay ginagamit ng 999 milyong tao, 487 milyon ang gumagamit ng English, 457 milyon ang gumagamit ng Hindu, 401 milyon ang nagsasalita ng Spanish at 280 milyon naman ang gumagamit ng wikang Russian. Patunay ito nang paglaganap ng English. Subalit, malinaw na dapat itanim sa isipan ng mga mag-aaral na ang pag-aaral ng English ay bahagi ng pagtatangka nating matuto sa larangan ng teknolohiya at hindi kailan man bilang bahagi ng pagpapailalim sa imperyalismong US. Ayon kay Paolo Freire sa aklat niyang A Pedagogy for Liberation (1987), because of the political problem of power, you need to learn how to command the dominant language, in order for you to survive in the struggle to transform the society. Kung kaya ang pagbabago ng lipunan tungo sa pag-unlad ng mamamayan ay nangangailangan ng pag-aaral ng English sa antas na ang bansa ay makakasabay sa daloy ng mundo nang hindi nalilimot ang sariling kultura at pagkatao.