Summary

This document appears to be a collection of Tagalog poems, likely part of an anthology or a compilation of student work. It contains short verses, each with a title. The poems explore themes of love, longing, and remembrance, using imagery from nature and everyday life. It's a piece of Philippine literature.

Full Transcript

# KAY SELYA ## SAKNONG 1-22 ### 1 Kung pagsaulan kong basahin sa isip ang nangakaraang araw ng pag-ibig, may mahahagilap kayang natititik liban na kay Selyang namugad sa dibdib? Pagsaulan=pagbalikan, alalahanin Mahagilap=mahahanap ### 2 Yaong Selyang laging pinanganganiban, baka makalimot sa p...

# KAY SELYA ## SAKNONG 1-22 ### 1 Kung pagsaulan kong basahin sa isip ang nangakaraang araw ng pag-ibig, may mahahagilap kayang natititik liban na kay Selyang namugad sa dibdib? Pagsaulan=pagbalikan, alalahanin Mahagilap=mahahanap ### 2 Yaong Selyang laging pinanganganiban, baka makalimot sa pag-iibigan; ang ikinalubog niring kapalaran sa lubhang malalim na karalitaan. Pinanganganiban=kinatatakutan Karalitaan=kahirapan ### 3 Makaligtaan ko kayang 'di basahin, nagdaang panahon ng suyuan namin? kaniyang pagsintang ginugol sa akin pinuhunan kong pagod at hilahil? Suyuan=pag-iibigan Hilahil=problema ### 4 Lumipas ang araw na lubhang matamis at walang natira kundi ang pag-ibig, tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib hanggang sa libingan bangkay ko'y maidlip. ### 5 Ngayong namamanglaw sa pangungulila, ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa, nagdaang panaho'y inaalaala, sa iyong larawa'y ninitang ginhawa Namamanglaw=nalulungkot ### 6 Sa larawang guhit ng sintang pinsel, kusang inilimbag sa puso't panimdim nag-iisang sanlang naiwan sa akin, at 'di mananakaw magpahanggang libing Panimdim=isipan Sanla=alaala/bilin ### 7 Ang kaluluwa ko'y kusang dumadalaw sa lansanga't nayong iyong niyapakan; sa Ilog Beata't Hilom na mababaw, yaring aking puso'y laging lumiligaw. ### 8 Di mamakailang mupo ng panimdim sa puno ng manggang naraanan natin; sa nagbiting bungang ibig mong pitasin, ang ulilang sinta'y aking inaaliw. ### 9 Ang katauhan ko'y kusang nagtatalik sa buntung-hininga nang ika'y may sakit, himutok ko noo'y inaaring-langit, paraiso naman ang may tulong-silid. Himutok=hinagpis ### 10 Nililigawan ko ang iyong larawan sa Makating ilog na kinalagian; binabakas ko rin sa masayang d'ungan, yapak ng paa mo sa batong tuntungan. ### 11 Nagbabalik mandi't parang hinahanap, dito ang panahong masayang lumipas; na kung maliligo'y sa tubig aagap, nang hindi abutin ng tabsing sa dagat. Tabsing=tubig tabang/talsik ng tubig sa dagat ### 12 Parang naririnig ang lagi mong wika: "Tatlong araw na 'di nagtatanaw-tama," at sinasagot ko ng sabing may tuwa. "Sa isa katao'y marami ang handa." ### 13 Ano pa ngat walang di nasisiyasat Ang pag-iisip ko sa tuwang kumupas; sa kagugunita, luha'y lalagaslas, Ang taghoy kong "O, nasawing palad!" Taghoy=daing/panaghoy ng isang taong lumuluha ### 14 Nasaan si Selyang ligaya ng dibdib? ang suyuan nami'y bakit di lumawig nahan ang panahong isa niyang titig ang siyang buhay ko, kaluluwa't langit Di lumawig=di natuloy/di nagtagal ### 15 Bakit baga ngayong kami maghiwalay ay di pa nakitil yaring abang buhay? kung gunitain ka'y aking kamatayan, sa puso ko Selya'y, 'di mapaparam 'di mapaparam=di malilimutan ### 16 Itong 'di matiis na pagdaralita nang dahil sa iyo, O nalayong tuwa, ang siyang umakay na ako'y tumula, awitin ang buhay ng isang naaba Naaba=naapi ### 17 Selya'y talastas kot malalim na umid, Malamlam ang musa kot malumbay ang tinig; 'di kinabahagya kung hindi malait, palaring dinggin mo ng tainga't isip. ### 18 Ito'y unang bukal ng bait kong kutad na inihahandog sa mahal mong yapak; tanggapin mo nawa kahit walang lasap, nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat. Kutad=kulang sa karanasan ### 19 Kung kasadlakan man ng pula't pag-ayop, tubo ko'y dakila sa puhunang pagod; kung binabasa mo'y isa mang himutok ay alalahanin yaring naghahandog. ### 20 Masasayang Nimfas sa lawa ng Bai, Sirenas, ang tinig ay kawili-wili, kayo ngayo'y siyang pini pintakasi ng lubhang mapanglaw na musa kong imbi. Nimfas=diwata ng kalikasan Pintakasi=sinasamba ### 21 Ahon sa dalata't pampang na nagligid, tonohan ng lira yaring abang awit na nagsasalitang buhay ma'y mapatid, tapat na pagsinta'y hangad na lumawig. Dalata=malapit sa pampang ### 22 Ikaw na bulaklak niring dili-dili, Selyang sagisag mo'y ang M.A.R. sa Birheng mag-ina'y ipamintakasi ang tapat mong lingkod na si F.B. Dili-dili=isipan

Use Quizgecko on...
Browser
Browser