Kabanata VI: Jose Rizal's Travels (PDF)
Document Details
Uploaded by ReachableArlington
Tags
Summary
This document details Jose Rizal's travels in 1888 and 1889. He visited Hong Kong, Macao, Japan, and the United States, documenting these trips in his diary. He encountered various people, places, and situations during his travels. His experiences offer insight into life during that era.
Full Transcript
SA HONG KONG (1888) Biyernes, Pebrero 3, 1888, umalis si Rizal ng Pilipinas pagkaraan ng anim na buwang pagtigil rito. Sinamahan siya ng kaniyang mga bayaw at pinsan sa aplaya ng Maynila. Tumigil siya sandali sa Hongkong at tumuloy sa Victoria Hotel. Noong ika-11 ng Pebrero, natapat na may pagdiriwa...
SA HONG KONG (1888) Biyernes, Pebrero 3, 1888, umalis si Rizal ng Pilipinas pagkaraan ng anim na buwang pagtigil rito. Sinamahan siya ng kaniyang mga bayaw at pinsan sa aplaya ng Maynila. Tumigil siya sandali sa Hongkong at tumuloy sa Victoria Hotel. Noong ika-11 ng Pebrero, natapat na may pagdiriwang ang mga Tsino, dinalaw niya si Jose Maria Basa sa kaniyang tahanan. Si G. Basa ay isa sa mga kaibigang abogado ni Rizal na ipinatapon ng pamahalaan sa Marianas bunga ng pagkakasangkot ng pangalan nito sa nagyaring pag-aalsa sa Cavite noong 1872. Mula sa Marianas, tumakas sa G. Basa sa Hongkong. Nagkataon naman na nagkatagpo ang landas nila ni Laurel, katiwala ng mga prayleng Dominikano sa Maynila. Sa kaniya napag-alaman ni Rizal na ang mga Dominikano ay nagmamay-ari ng mahigit 700 bahay sa Hong Kong bukod pa sa maraming negosyo sa nabanggit na kolonya. Nagtungo si Rizal sa Macao noong ika-18 ng Pebrero na lulan ng bangkang Kiu-kiang. Kasama niya sa Bangka sina G. Basa, Jose Sainz de Veranda, mga Portuges at Ingles. Si G. Veranda ay dating kalihim ni Gobernador Heneneral Terrero at pinaniniwalaang inatasan ng pamahalaang kastila upang subaybayan ang mga kilos ni Rizal. Page \| 67 Sa Macao, nagtungo ang pangkat sa bahay ni Don Juan Francisco Lecaros. Si Don Juan ay isang Pilipinong nakapag-asawa ng isang Portuges na ang uri ng hanapbuhay ay ang pag-aalaga ng mga halaman. Naging mainit ang pagtanggap sa kanila roon. Pagkaraan ay pinasyalan nila ang teatro, casino at iba pa. Kinabukasan, nilibot nila ang siyudad. Dinalaw din nila ang grotto ni Luis Camoens, tanyag na makata ng Portugal, ang harding botanical, mga basar at mga pagoda. Nang sumunod na araw, lulan muli ng Kiu-kiang, nagbalik sila sa Hongkong. SA HAPON (1888) Noong ika-22 ng Pebrero, 1888, lulan ng barkong Oceanic, nagtungo si Rizal sa bansang Hapon. Labis niyang hinangaan ang kariktan ng kapaligiran tulad ng mga bulaklak at puno at mga payapang mamamayan nito. Sa kaniyang talaarawan, binigyang-pansin niya ang kalinisan, katapatan, kasipagan at pagkamagalang ng mga Hapon. Hindi niya malimutan ang masinop na pananamit at karisma ng mga Haponesa. Araw at gabi, nakabukas ang mga bahay, sa mga otel, makapag-iiwan ang sinuman ng salapi o anumang mamahaling bagay sa mesa nang hindi nawawala. Madalang lamang ang mga pulubi sa lansangan. Ang hindi lamang niya nagustuhan ay ang rickshaw na kung saan ang tao ang humihila sa naturang sasakyan. Nag-aral si Rizal ng wikang Nippongo at ng sining ng pagtatanggol sa sarili. Nakilala rin niya at napalapit sa kaniyang puso si Usui Seiko na tinawag niyang O-Sei-San, isang Haponesang anak ng nagmamay-ari ng isang malaking tindahan ng mga inaangkat na bilihin. Maganda, mabait at matalino si O-Sei-San bukod sa mahusay siyang magsalita ng Ingles. Bago pa lumaon ang kanilang pagmamahalan, ipinasiya niyang magpaalam at tumulak patungong ibang bansa. Nanaig pa rin kay Rizal ang kaniyang tungkulin sa bayan. Mula sa bansang Hapon, lulan ng barkong Belgic ay nagtungo na si Rizal sa San Francisco, California. Isa sa mga pasaherong nakasama niya ay si Tetcho Suehiro, isang Hapon na tulad niya ay umalis sa sariling bayan dahil sa kanyang liberal na kaisipan. Nabanggit ni Rizal kay Techo ang di- wastong pamamalakad ng mga Kastila sa Pilipinas at tungkol sa kaniyang nobela na ipinagbabawal na basahin ng mga awtoridad. Tulad ni Rizal. Sumulat din si Tetcho ng isang nobelang pinamagatang Nankai-no-Daiharan (Storm Over the Southern Sea o Sigwa sa Katimugang Dagat). Sa nobela, si Takayama, ang pangunahing tauhan ay may malaking pagkakahawig kay Ibarra ng Noli Me Tangere. Naglathala din siya ng isa pang nobela na may pamagat na O-unabara (The Big Ocean) na may hawig naman sa El Filibusterismo. Nakasisiyang banggitin na pagkaraan ng isang taong pag-alis ni Tetcho sa Hapon, nagpatibay ang kanilang Saligang Batas noong 1889. Natupad ang kaniyang pangarap. Di naglaon si Techo ay naging kasapi ng lehislatura ng Hapon. Sa kaniyang ilang tala, nabanggit niya ang isang matalinong Pilipino na nagngangalang Rizal na nakasakay niya patungong San Francisco, sa Estados Unidos. Page \| 68 SA ESTADOS UNIDOS (1888) Dumaong ang barko sa San Francisco noong Abril 28, 1888, Sabado ng umaga. Inilagay ang Barkong Belgic sa kuwarantina. Hindi agad pinababa ang mga pasahero ng barko upang masuri kung may taglay silang kolera. Nagulat si Rizal dahil batid niyang walang kolera o anumang epidemiya sa lugar na pinanggalingan nila. Kabilang sa Rizal sa mga pasaherong nagprotesta. Ang Amerikanong Konsul sa Hapon ay nagpatunay na wala ngang epidemya. Ang Gobernador ng Hongkong ay nagpahayag na walang kaso ng kolera sa Tsina. Napag-alaman niya na ang pagpigil sa pagdaong ng barko ay dahil na rin sa pulitika. Ang barko ay may sakay na 643 manggagawang Tsino na pawang mamamasukan sa kampo. Upang makamtan ang boto (dahil malapit na ang halalan) ng mga puti sa California, kailangang pigilan ang pagpasok ng mga Intsik. Napansin ni Rizal na taliwas sa alituntunin, may 700 bagahe ng sedang Intsik ang idinaong nang hindi man lamang sinuri. Ang doktor ng naturang barko ay nanahimik lamang sa isyu ng kuwarantina. Ang mga opisyal pangkalusugan ay kung ilang beses kumain sa barko na sinasabing may dalang kolera. Matapos ang isang linggo, kabilang si Rizal sa pinayagang makababa ng barko, subalit hindi ang mga Tsino at mga Hapones. Sa pananatili sa Amerika, natuklasan niya ang kaunlaran ng bansang ito. Mataas ang antas ng pamumuhay at maraming oportunidad at ang di niya nagustuhan ay ang umiiral na di-pagkakapantay-pantay ng mga lahi. Sumulat siya kay Mariano Ponce at sinabing hindi ganap ang kalayaan sa Estados Unidos, ang mga Hapon at Tsino ay itinuturing na mangmang. May diskriminasyong sa pagitan ng puti at mga negro, ang mga Tsino ay itinuturing na mangmang at ang mga Hapon ay napagkakamalang Tsino ay nadadamay din. Noong 1890, dalawang taong makalipas ang paglalakbay ni Rizal sa Amerika, naimbitahan siya ni Jose Alejandrino, isang mag-aaral ng inhinyeriya sa Belhika at tinanong siya nang ganito, "Ano ang pananaw mo sa Amerika?" "Amerika?" tugon ni Rizal, "Isang malayang bansa subalit para lamang sa mga puti." SA LONDON (1888-1889) Matapos bumisita ni Rizal sa Amerika, nanirahan siya sa Londres, Inglatera mula Mayo, 1888 hanggang Marso 1889. Dito ligtas siyang manuligsa sa kalupitan ng mga Kastila dahil na rin sa kalayuan ng lugar. Pansamantala siyang nanirahan sa tahanan ni Antonio Maria Regidor. Pagkaraan ay lumipat siya sa tahanan ng mag-anak na Beckett pagkat malapit ito sa Museo ng Britanya. Sa mungkahi ni Blumentritt, minarapat niyang manirahan sa siyudad na ito sapagkat sa museo ng naturang siyudad matatagpuan ang Sucesos de las Islas Filipinas (Mga Makasaysayang Pangyayari sa mga Isla ng Pilipinas) ni Dr. Antonio de Morga, dating gobernador ng Pilipinas. Ang aklat na ito ay ukol sa kabihasnan ng mga katutubo ng Pilipinas nang datnan ng mga Kastila at pati na rin ang kasaysayan ng kapuluan sa ilalim ng dayuhang namamahala. Unang nalimbag ang naturang aklat sa Mehiko noong Page \| 69 1890. Ang pagkasalin sa Ingles ay ginawa ni Lord Stanley noong 1868. Binigyan ni Rizal ang aklat ng 679 na mga puna at paliwanag. Ilan sa mga talang binigyang pansin ni Rizal ay ang mga sumusunod: 1. Ang mga sumama sa paglalakbay ni Magallanes ay binubuo hindi ng mga Kastila lamang kundi pati na ng mga Portuges, Malayo, Negro at iba pa. 2. Si Villalobos at hindi si Legazpi ang nagbigay ng Pangalang Filipinas. 3. 4. 5. Ang Maynila ay itinatag noong 1571 at hindi 1572. Si Legazpi ay nakarating sa Cebu noong 1565 at hindi 1564. Hindi lahat ng mga tao sa Pilipinas ay kumilala sa kapangyarihan ng Espanya sapagkat ang mga Muslim sa Mindanao ay hindi panlahatan at pamalagiang nalupig ng mga Kastila. Bago sinulant ni Rizal ang pagbabasa at pagbibigay-puna ng aklat na ito ni Dr. Morga, tinapos niya ang pagsasalin ng Fairy Tales ni Hans Christian Andersen na sinimulan niya noong 1886. Nasa Londres din si Rizal nang isulat niya ang Liham sa mga Kababaihang taga-Malolos na batay sa udyok ni Marcelo H. del Pilar. Sinulat ito ni Rizal sa wikang Tagalog. Sa liham na ito, pinuri niya ang pambihirang paninindigan at katapangan ng mga kababaihang taga-Malolos dahil sa kanilang hangarin na magtayo ng paaralan para sa mga kababaihan. Ipinahayag din niya rito ang mga katangian ng mga babaeng Pilipina at ang pagkakaiba nila sa mga babaing taga-ibang bansa. Tinalakay din ang mga tungkulin ng isang babae sa kaniyang asawa, mga anak at sa bayan. Nakatanggap din si Rizal ng ilang malulungkot na balita buhat sa Pilipinas. Ang ilan ay ang mga sumusunod: 1. Pag-uusig sa mga magsasaka sa Calamba, kasama ang kaniyang pamilya at kamag-anak dahil sa kanilang tapang sa paghingi ng repormang pansakahan; 2. Pagpapatapon ni Gobernador Heneneral Valeriano Weyler kay Manuel I. Hidalgo, asawa ni saturnina sa Bohol na hindi idinaan sa paglilitis; 3. Pagkaaresto at pagkakulong ng kaibigan niyang si Laureano Viado, mag aaral ng kursong madisina sa Unibersidad ng Santo Tomas dahil sa kaniyang bahay ay natagpuan ang kopya ng aklat na Noli Me Tangere. 4. Nabalitaan din niya ang ukol sa petisyong inihain ni Doroteo Cortes, tanyag na mason at abogado kay Jose Centeno, Gobernador Sibil ng Maynila noong Mayo 1, 1888. Ang nasabing "Anti-Friar Petition" ay sinulat ni M.H. Pilar at nilagdaan ng 800 makabayan. Ito ay pinatutungkol sa pagpapaalis sa mga prayle, kabilang na si Arsobispo Pedro Payo (Dominikano) ng Maynila. Nilisan ni Rizal ang Londres sapagkat ang isa sa mga anak na dalaga ni G. Becket na si Gertrude ay nagkaroon ng pag-ibig sa kaniya. Hindi niya nais na dayain ang dalaga sapagkat matimbang pa rin sa kaniya si Leonor Rivera. Marami pang naisulat si Rizal sa panahong ito, kasama na La Vision del Fray Rodriguez bilang kasagutan sa mga artikulong ipinalathala sa Barcelona sa sagisag-panulat na Dimasalang. Isa pang satiriko ang nasulat ang Por Telepono (1889) na laban kay Padre Salvador Font, ang paring namuno sa komisyon at nagsulat ng di-mabuti ukol sa nobela na Noli Me Tangere. Page \| 70 SA PARIS (1889) Noong tagsibol ng 1889, dumating si Rizal s Paris na noon ay napakasaya dulot ng Eksposisyong Unibersal. Libu-libong turista mula sa ibang bansa ang tumira sa mga otel at paupahang bahay. Ikinabahala ito ni Rizal dahil batid niyang mataas na nga ang halaga ng pamumuhay rito, tiyak na mas malaki ngayon ang renta sa mga ito. Pansamantala siyang tumuloy sa bahay ng kaniyang kaibigang si Valentin Ventura sa Blg. 45 Rue Maubeuge. Dito niya inayos ang anotasyon niya ng aklat ni Morga. Lumipat din siya ng bahay at otel nang makailang beses. Dinalaw niya ang kaniyang mga kaibigan dito gaya nina Dr. Trinidad Pardo de Tavera, Dr. Felix Pardo de Tavera at Paz Pardo de Tavera. Ang mga nabanggit ay mga anak ni Don Joaquin Prado de Tavera na ipinatapon noong 1872 sa Marianas at pagkaraan ay tumakas patungong Pransya. Nang pagkalooban ng bagong supling sina Juan Luna at Paz Pardo de Tavera noong Hunyo 24, 1889, pinangalanan nila ang sanggol na Maria dela Paz Blanca Laureana Hermenigilda Juana Luna y Pardo de Tavera at si Rizal ang napili nilang ninong. Tulad nina Felix Hidalgo, Juan Luna, at Felix Pardo de Tavera, sumali rin si Rizal sa Pandaigdigang Eksposisyon tungkol sa patimpalak sa sining noong Mayo 6, 1889 sa Paris. Naging bantog sa eksposisyong ito ang Eiffel Tower, na may 984 na talampakan ang taas. Sa nabanggit na patimpalak, ang likhang sining sa pintura ni Hidalgo ang nagkamit ng ikalawang gantimpala. Sina Juan Luna at Felix Pardo de Tavera ay nagtamo ng ikatlong gantimpala. Ang lahok ni Rizal ay nakapasa sa pamantayan ng patimpalak ngunit di nagkamit ng anumang puwesto. Hindi naman niya ito ikinalungkot dahil ang mahalaga sa kaniya ay napili din siyang kalahok sa patimpalak. Sa Paris madalas niyang nakakasama ang mga Tavera, si Antonio Luna at Nellie Boustead. Isa sa mga maipagmamalaking nagawa ni Rizal ay ang pagkakalimbag niya ng Anotasyon ng Sucesos de las Islas Filipinas ni Morga noong 1889. Pinadalhan niya ng kopya si Blumentritt. Pinuri ni Blumentritt ang ginawang pagsusuri ni Rizal ng aklat subalit pinuna niya ang di-makatarungang pagsusuri ng kasaysayan batay sa kahingiang pamantayan ng kasalukuyang panahon. Ayon pa rin sa kaniya, ang ginawang pagbatikos ni Rizal sa Simbahan ay hindi dapat mangahulugan ng masamang pagtingin sa Katolisismo. Bukod sa anotasyon ng Sucesos, sumulat din siya ng mga sulatin ukol sa kasaysayan. Ilan dito ang Ma-yi (Disyembre 8, 1888); Tawalisi ni Ibn Batuta (Enero 7, 1889); Filipinas Dentro de Cien Años (Ang Pilipinas sa Darating na Sandaang Taon), na nailathala sa La solaridad sa apat na isyu nito (Setyembre 20, Oktubre 31, at Disyembre 15, 1889, at Pebrero 15, 1890); Sobre la Indolencia de los Filipinos (Ang Katamaran ng mga Pilipino), na lumabas sa La Solidaridad sa limang magkakasunod na isyu (Hulyo 15, Hulyo 31, Agosto 1, Agosto 31, at Setyembre 1, 1890); La Politica Colonial on Filipinas (Mga Patakarang Kolonyanismo sa Pilipinas), walang petsa; Historia de la Familia Page \| 71 Rizal de Calamba), walang petsa; at Los Pueblos de Archipelago Indico (Ang mga Tao ng Kapuluang Indian), walang petsa. Sa Paris din planong itatag ni Rizal ang Asosasyong Internasyonal ng mga Filipinohista noong Agosto 1889. Inanyayahan niya ang mga kasapi ng samahang ito na manaliksik sa kaugalian, pulitika at kawikaan ng Pilipinas. Layunin ng asosasyon na "mapag-aralan ang Pilipinas mula sa siyentipiko at pangkasaysayang pananaw." Naging pangulo ng samahan si Dr. Ferdinand Blumentritt (Austriyano); pangalawang pangulo si G. Edmund Plauchut (Pranses); tagapayo sina Dr. Reinhold Rost (Anglo-German) at Dr. Antonio Ma. Regidor (Pilipino-Espanyol); at ang kalihim, si Dr. Jose Rizal (Pilipino). Hindi natuloy ang pampasinayang kumbensyon dahil hindi pinayagan ng pamahalaang Pranses na magkaroon ng mga kumperensya ang mga pribadong organisasyon noong panahon ng pandaigdigang eksposisyon. Sa gitna ng kaniyang pagiging abala, nilisan ni Rizal ang Paris dahil sa masyadong mataas ang pamumuhay sa siyudad na ito dulot ng Pangdaigdigang Eksposisyon. Bukod pa rito, ang masayang buhay-sosyal sa Paris ay lubhang nakasasagabal sa kaniyang pagsusulat. Nang ipaliwanag ni Rizal ang kaniyang pagsusulat. Inanyayahan siya ni Valentin Ventura sa kaniyang tahanan sa Paris nang walang iintindihing gastos ngunit ito ay tinanggihan ni Rizal. Sina Marcelo H. del Pilar at Valentin Ventura na ituturing niyang malalapit na kaibigan ay naniniwala na kaya siya umalis sa Paris ay upang iwasan ang pag-iibigan nila ni Nellie Boustead, isang Protestante. Noong panahon ding iyon, nabatid niyang si Leonor Rivera ay nagpakasal na kay Charles Henry Kipping. SA BELHIKA (1890) Noong ika-22 hanggang 28 ng Enero, 1890, naglakbay si Rizal patungong Bruselya, kabisera ng Belhika. Dito nabalitaan niya mula sa liham nina Juan Luna at Valentin Ventura na ang mga Pilipino sa Madrid ay labis na nahihilig sa pagsusugal. Dahil dito, sumulat siya kay Marcelo del Pilar noong ika 28 ng Mayo, 1890 upang paalalahanan ang mga kababayan niyang nasa Madrid na hindi sila nagtungo sa Europa upang magsugal kundi para magsagawa ng mga hakbangin para sa ikalalaya ng lupang sinilangan. Mula naman kay Paciano nabalitaan niya na ang suliranin ng mga magsasaka sa Calamba ay lalong lumubha. Ang renta sa lupang inuupahan sa asyenda ng mga Dominikano ay lalong itinaas hanggang sa umabot sa pagtutol at hindi pagbabayad ng ama. Nagbunga ito ng paghabla sa pamilyang Rizal sa hukuman. Dahil dito nabawi ang lupang sinasaka nila. Ipinatapon sa Mindoro si Paciano, mga bayaw niyang sina Antonio Lopez (asawa ni Narcisa) at Silvestre Ubaldo (asawa ni Olympia). Si Manuel T. Hidalgo (asawa ni Saturnina) ay makalawang ulit naman naipatapon sa Bohol. Sa harap ng ganitong mga paghihirap na dinadanas ng kaniyang pamilya, binalak ni Rizal na muling bumalik sa Pilipinas. Tutol sa planong ito sina Blumentritt, Jose Maria Basa at Mariano Ponce dahil na rin sa nakaambang panganib. Subalit handa si Rizal sa anumang mangyayari. Habang nasa Bruselya, nagpadala si Rizal ng kaniyang mga artikulo sa La Solidaridad. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod: Page \| 72 1. La Verdad Para Todos (Ang Katotohanan para sa lahat), Mayo 31, 1889. Ito'y ukol sa pagtatanggol ni Rizal sa panunuligsa ng mga Espanyol sa mga katutubong lokal na opisyal na itinuturing nilang walang alam at napakasama. 2. Vicente Barrantes' Teatro Tagalo, Hunyo 15, 1889. Ibinunyag dito ni Rizal na di batid ni Barrantes ang ukol sa sining panteatro ng mga Tagalog. 3. Una Profanacion (Isang Paglalapastangan), Hulyo 31, 1889. Binanggit dito ni Rizal ang tungkol sa pagtanggi ng mga prayle sa pagbigay ng Kristyanong paglibing kay Mariano Herbosa, kaniyang bayaw na namatay sa kolera noong Mayo 23, 1889. 4. Diferencias (Mga Di-Pagkakasundo), Setyembre 15, 1889. Ito'y tugon sa artikulong matatandang katotohanan na nailathala sa La Patria noong Agosto 14, 1889 na nanlalait sa mga Pilipinong humihiling ng pagbabago. 5. Llanto y Risas (Mga Luha at Katawanan), Nobyembre 30, 1889. Sa artikulong ito, makikitang tutol si Rizal sa di-pantay na pagtrato ng mga Kastila sa mga lahi at mababang pagtingin sa mga katutubong Pilipino. Ang planong pagbabalik ni Rizal sa Pilipinas ay nagbago nang mabatid niya mula sa liham ni Paciano na bagamat natalo ang kaniyang pamilya sa kanilang kaso laban sa mga Dominikano, umapela sila sa Kataastaasang Hukuman sa Espanya. Kinakailangan nila ang isang mahusay na abogado na hahawak ng kaso sa Madrid. Agad na sinulatan ni Rizal si Marcelo H. del Pilar noong Hunyo 20, 1890 upang hingin ang serbisyo nito bilang abogado. Upang subaybayan ang kaso ng kaniyang pamilya at mga magsasakang taga-Calamba, nilisan ni Rizal ang Belhika at tumungo ng Madrid. SA MADRID (1890-1891) Dumating si Rizal sa Madrid noong Agosto, 1890. Sinikap niyang makamit ang katarungan para sa kaniyang pamilya at kababayan. Nilapitan niya kaagad ang Asociacion Hispano-Filipino na naitatag ni Miguel Morayta at mga pahayagang liberal na tulad ng La Justicia, El Globo, La Republica, El Resumen at marami pang iba. Kasama sina Marcelo H. del Pilar at Dr. Dominador Gomez (kalihim ng Asociacion Hispano-Filipino), ipinarating ni Rizal sa Ministro ng mga Kolonya na si Señor Fabie ang kawalang katarungang pagpaparusa ni Gobernador Heneral Valeriano Weyler at mga Dominikano sa mga mamamayan ng Calamba. Nilapitan din niya ang mga Kastilang liberal na dating kasapi ng Ministri na sina Becerra at Maura ngunit simpatiya lamang ng mga ito ang natamo niya. Ang pahayagang El Resumen naman ay nagbigay lamang ng komentaryo na ang mga bagay na ito ay bahagi lamang ng patakaran ng mananakop na Kastila kaya nararapat na buksan na lamang nila, ang kanilang palad at magkibit-balikat sa anumang mangyari. Mula sa Leimeritz, nang mabalitaan ni Blumentritt ang nagaganap kay Rizal, pinayuhan niya itong lumapit kay Reyna Maria Cristina at ilahad niya rito ang kaniyang ipinakikipaglaban. Ngunit hindi rin niya ito nasunod, wala siyang mga makapangyarihang kaibigan o sapat na salaping makapaglalapit sa kaniya sa Reyna. Bago magtapos ang taong 1890, nagkaroon ng di-inaasahang kumpetisyon sa pagitan nina Rizal at Del Pilar ukol sa pamumuno. Si Rizal ay nakilala sa kaniyang katalinuhan at si Del Pilar naman sa kaniyang prestihiyoso bilang abogado at bilang patnugot ng La Soliradaridad. Hinikayat ni Rizal ang kaniyang mg kasamahan sa propaganda na tularan at yakapin ang mga idealismong kaniyang pinaniniwalaan upang itaas ang antas ng dignidad ng samahan. Hindi lahat ng kasamahan ni Rizal sa propaganda ay may gayong paniniwala. Nais pa rin ng ibang kasapi na magkaroon ng panahon sa pag-inom ng alak, pagsusugal at pagliliwaliw. Dahil sa di pagkakaroon ng unawaan ukol sa alituntuning dapat ipatupad sa mga kasapi ng La Solidaridad, nagdaos ng halalan ang mga Pilipino sa Madrid. Ginanap ang halalan noong unang linggo ng Pebrero 1891. Nahati sa Rizalista at Pilarista ang pangkat. Layunin ng halalan ng piliin ang karapat-dapat na Responsible, na siyang mamamahala sa pagpapatakbo ng samahan o komunidad ng mga Pilipino sa Madrid. Napagkasunduan nila na kailangan ang dalawang-katlong boto sa kabuuan upang maitanghal sa gayong posisyon. Nakahihigit ang boto ni Rizal sa unang araw ng halalan subalit hindi pa rin nakaabot sa napagkasunduang bilang ang boto. Ganoon din ang nangyri nang ikalawang araw ng halalan. Dahil dito, hinimok ni Mariano Ponce ang ibang Pilarista na ibigay kay Rizal ang kinakailangang boto para sa ikatitibay ng samahan. Sa ganitong pangyayari, nakamtan ni Rizal ang kinakailangang dalawang-katlong bahagi ng boto upang maluklok bilang Responsible. Ngunit si Rizal ay taong may pagpapahalaga sa dangal at dignidad. Magalang niyang tinanggihan ang posisyong kaysa maging sanhi siya ng pagkawatak-watak ng kaniyang mga kababayan sa Madrid. Huminto na rin siya sa pagsulat ng artikulo para sa La Solidaridad. Pinakiusapan siya ng kaniyang mga kaibigan sa Espanya upang ipagpatuloy niya ang kaniyang pagsusulat. Ang kaniyang mga artikulo ay inaabangan na ng mga tao sa mga bansa sa Europa. Dahil sa unti-unting paghina ng La Solidaridad, sinulatan ni Marcelo H. del Pilar si Rizal noong Agosto 7, 1891 upang humingi ng paumanhin sa hidwaang namagitan sa kanilang dalawa. Hiniling din niyang makabalik na ito sa pagsusulat ng artikulo sa La solidaridad. Ipinaliwanag ni Rizal na wala siyang anumang pagtatampo rito. Hindi siya nakasulat sa nasabing pahayagan sapagkat abala siya sa kaniyang nobelang El Filibusterismo (Ang Paghihimagsik). Nais din ni Rizal na bigyan ang iba ng pagkakataon para makasulat. Sa kaniyang pananaw, mas makabubuti kung hindi siya makialam upang manatili ang pagkakaisa ng mga kasapi ng samahan. SA PRANSYA AT BELHIKA (1891) Sinimulan ni Rizal isulat ang nobelang El Filibusterismo sa Calamba noong Oktubre, 1887. Natapos niya ang manuskrito nito noong Marso 29, 1891, bisperas ng paglisan niya sa Biarritz patungong Paris. Ngunit gaya ng naranasan niya sa pagpapalimbag ng Noli, kinapos muli siya ng pantustos sa Fili. Nasa F. Meyer-Van Loo Press, Blg. 66 Kalye Viaanderen sa Gante (Ghent), Belhika na noon ang kopya ng nobela. Pumayag ang imprenta na kahit bayaran sila nang patingi-tingi. Ngunit ang salaping nalikom niya sa pagsasanla ng singsing na ibinigay sa kaniya ni Saturnina ay hindi rin nakasapat sa halaga ng paglilimbag. Labis na ang ginawa niyang pagtitipid upang may magamit sa pag imprenta ng El Filibusterismo. Naisulat niya sa kaibigan niyang si Jose Ma. Basa na noon ay nasa Hongkong, na naisanla na niya ang lahat niyang alahas, naninirahan siya sa mumurahing kwarto at kumakain sa mumurahing restawran. Nalaman ni Valentin Ventura ang suliranin ni Rizal. Si Ventura ay nasa Paris noong mga panahon na iyon. Nagpadala siya ng kinakailangan salapi kay Rizal upang matapos ang pagpapalimbag ng El Filibusterismo. Ang aklat ay lumabas sa imprenta noong Setyembre 18, 1891. Inihandog niya ang nobelang ito sa tatlong paring martir na sina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora. Kaagad na nagpadala ng dalawang kopya ng aklat si Rizal sa Hongkong para kina Basa at isa pang kaibigang niya roon na Sixto Lopez. Ibinigay naman niya kay Ventura ang manuskrito ng El Filibusterismo. Sinamahan pa niya ito ng isa pang kopya ng aklat na nilagdaan. Nais sana ni Rizal na sumulat ng isa pang Nobela na kung saan ay etika at hindi pulitika ang magiging pangunahing diwa. Pagtutuunan niya ng pansin ang mga kaugalian ng mga Pilipino. Inaasahan niya itong magiging mapanudyo. Ngunit di na niya ito natapos. Mayroon na itong 44 na pahina (33 sentimetro x 21 sentimetro). Wala itong pamagat. Ang nobela ay nagsimula sa libing ni Prinsipe Tagulima, anak ni Sultan Zaide ng Ternate, sa Malapad-na-Bato, sa pampang ng Ilog Pasig. Nadakip noon ng mga Espanyol ang sultan sa Moluccas at dinala sa Maynila. Pinangakuan sila ng mabuting trato ngunit hindi tumupad ang mg Kastila. Isa isang namatay ang kaniyang kaanak. May iba pang di natapos na nobela si Rizal. Isa na rito ang Makamisa. Ang nobelang Tagalog na ito ay may istilong mapanudyo. Inilalahad rito ang iba't ibang gawi ng mga tao pagkaraang idaos ang misa. Ang manukristo ay may 20 pahina (34.2 sentimetro x 22 sentimetro). Dalawang kabanata lamang ang natapos. Nasimulan ni Rizal ang isang nobela sa Espanyol tungkol sa buhay sa Pili, isang bayan sa Laguna. Hindi niya nalagyan ito ng pamagat. Ang manuskritong ito ay hindi rin niya natapos. Mayroon itong 147 pahina (8 pulgada x 6.5 pulgada). Isang nobelang walang pamagat ang hindi rin natapos ni Rizal. Ito ay tungkol kay Cristobal, isang mag-aaral na kababalik lamang buhat ng Europa. Binubuo ito ng 34 pahina (8 ½ pulgada x 6/14 pulgada). Sa dalawang kuwaderno, naumpisahang sulatin ni Rizal ang isa pang nobela. Ang unang kuwaderno ay may 31 pahina (35.5 sentimentro x 17 sentimentro). Mayroon namang 12 pahina (22 sentimetro x 17 sentimetro). Gumagamit siya ng mga tauhang nasa langit. Inilarawan din niya ang nakalulungkot na kondisyon ng Pilipinas. Lulan ng SS Melbourne, nilisan ni Rizal ang Marseilles noong Oktubre 1891 upang magtungo sa Hongkong. Dala niya ang isang sulat ng rekomendasyon ni Juan Luna para kay Manuel Camus, isang Pilipinong naninirahan sa Singapore at mga 600 sipi ng El Filbusterismo. Sa paglalakbay na ito kahalubilo niya ang ibang pasaherong nagbuhat sa iba't ibang panig ng. Europa. Siya ay kinalugdan ng kaniyang mga kasamahan dahil sa kaniyang kaalaman sa iba't ibang wika. SA HONG KONG (1891) Dumating siya sa Hong Kong noong Nobyembre 20, 1891. Malugod siyang sinalubong ng kaniyang mga kaibigan, kasama na si Jose Maria Basa. Nanahanan siya sa Blg. 5 Daang D' Aguilar. Pagkaraan nanirahan siya sa Rednaxela Terrace at nagbukas ng klinika para sa mga maysakit sa mata. Tinulungan siya ni Dr. Lorenzo P. Marques, isang mangagamot na Portuges. Sa hong kong, patuloy na nakatatanggap si Rizal ng malulungkot na balita buhat sa kaniyang bayan gaya ng kolera, pag-iilit sa kanilang ari-arian at pang-aabuso ng mga prayle. Dahil dito, sumulat siya noong Disyembre 1, 1891 sa kaniyang mga magulang at humingi ng kapahintulutang makabalik sa Pilipinas. Nagkataon naman sa araw ding iyon, sinulatan siya ng kaniyang bayaw na si Manuel T. Hidalgo at ibinalita ang " deportasyon ng 25 katao sa Calamba, kasama ng kaniyang ama, sina Neneng, Sisa, Lucia, Paciano, at lahat kami." Bago sumapit ang Pasko ng 1891, dumating sa Hong Kong ang kaniyang ama, kapatid na lalaki, at bayaw na si Silvestre Ubaldo. Di nagtagal ay nakarating din ang kaniyang ina at mga kapatid na babae, sina Lucia, Josefa at Trinidad. Napag-alaman ni Rizal na noong nakaraang taon (1890), dinakip ang kaniyang ina ng mga Guardia Civil sa bintang na di nito paggamit ng apelyidong Realonda. Pinaglakad ang kaniyang ina na may 65 taong gulang na mula Maynila hanggang Santa Cruz, Laguna. Sa awa ng gobernador ng Laguna sa nangyari sa kaniya, siya ay pinalaya. Ang pasko ng 1891 ay lubhang napakasaya para sa pamilya Rizal. Ang bagay na ito ay naisulat ni Rizal sa kaibigan niyang si Blumentritt. Ikinalugod ni Rizal ang balita mula kay Mariano Ponce ukol sa pagtatanggol ni Padre Vicente Garcia sa nobelang Noli. Noong ika-7 ng Enero 1891, sinulatan niya ang nasabing pari at ipinahatid niya ang kaniyang pasasalamat. Sa kabila ng mga gawain niya sa klinika, nagawa pa ring isalin ni Rizal ang The Rights of Man (iprinoklama sa Rebolusyong Pranses noong 1789) sa wikang Tagalog. Taong 1891 din nang isulat niya ang A la Nacion Española (Para sa Nasyong Espanyol). Ito ay paghiling sa Espanya na isaayos ang problema ng mga nagungupahan ng lupa sa Calamba. Nakapagpadala rin si Rizal ng ilang artikulo sa pahayagang The Hong Kong Telegraph, na pinapatnugutan ng kaniyang kaibigang si G. Fraizer Smith. Nakarating ang mga sipi ng pahayagang ito sa Pilipinas. Nang malaman ng pamahalaang Kastila na napalalaganap ang mga kaisipan ni Rizal sa pamamagitan ng pahayagang ito, ipinagbawal na nila ang distribusyon nito. Isa sa mga naipalathalang artikulong ni Rizal sa The Hong Kong Telegraph ay ang Una Visita a la Victoria Gaol (Isang Pagbisita sa Kulungang Victoria). Ito ay isang paglalahad na ukol sa una niyang pagdalaw sa bilangguan ng Hong Kong. Naipakita niya ang makabago at makataong sistemang pambilangguan ng mga Ingles na kaiba sa klase ng Sistema sa Pilipinas. Sa hinihingi ng pagkakataon ay kailangang magbalik sa Pilipinas si Rizal sa kabila ng pananagumpay sa kaniyang propesyon, ninais pa rin niyang lisanin ang siyudad na ito upang (1) malaman kung maari pang magbago ang pasya ni Gobernador Heneral Despujol tungkol sa kaniyang proyekto sa Borneo; (2) itatag ang samahang La liga Filipina; na harapin ang mga may kapangyarihan dahilan sa mga paratang sa kaniya at tuloy ay matigil na ang pagpaparusa sa kaniyang pamilya at kababayan. Upang maipaliwanag ang kaniyang proyektong kolonisasyon sa Borneo, isinulat ni Rizal ang artikulong Colonisation du British North Borneo, par de Familles de Iles Philippines (Kolonisasyon ng British North Borneo ng mga Pamilya mula sa mga Isla ng Pilipinas) sa wikang Pranses. Sa higit na kaliwanagan, sumulat din siya ng ng isa pang artikulo na nasa wikang Espanyol ang Proyecto de Colonization de British North Borneo por los Filipinos (Proyekto ng Kolonisasyon ng British North Borneo ng mga Pilipino). Noong Hunyo, 1892, nailathala ang sinulat ni Rizal sa malapad na papel sa Hongkong ang La Mano Roja (ang Pulang Kamay). Ito'y tumatalakay sa pagkondena niya sa madalas na pagsasadya ng sunog sa Maynila. Ang pagtatag ng La Liga Filipina, isang samahan ng mga makabayang Pilipino para sa mga layuning pansibiko ay orihinal na ideya ni Jose Ma. Basa ngunit si Rizal ang sumulat ng konstitusyon nito at nagtatag. Para maikubli sa pamahalaang Kastila ang pinanggalingan nito, isinulat nila rito na ito ay inilimbag sa LONDON PRINTING PRESS, No. 25, Kalye Khulug, London. Ang mga kopyang konstitusyon ng Liga ay pinadala ni Rizal kay Domingo Franco, isang kaibigan sa Manila. Nagpadala si Rizal ng liham kay Gobernador Heneral Eulogio Despujol (ikatlo niya na ito) noong Hunyo 21, 1892 upang pakiuspan siyang patawarin ang kaniyang ama at mga kaanak sa usapin sa lupa sa Calamba at ipaalam na siya ay babalik. Inilagay rin niya ang kaniyang sarili sa ilalim ng proteksyon ng pamahalaang Espanyol. Noong araw ding iyon (Hunyo 21), nilisan nina Rizal at ng kapatid niyang si Lucia, balo ni Herbosa ang Hongkong. Dala nila ang permisong ibinigay ng Espanyol na Konsul-Heneral sa Hongkong. Ang Konsul Heneral din ito ang nagbigay-alam kay Gobernador Heneral Despujol na si Rizal ay "pumasok sa bitag." Hindi sang-ayon ang mga kamag-anak at kaibigan ni Rizal sa plano niyang pagbalik sa Pilipinas. Nangangamba sila sa kaniyang kaligtasan.