Huling Paglalakbay at Paglilitis ni Rizal (PDF)

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng huling paglalakbay ni Rizal sa labas ng bansa at ang kanyang pagbabalik at paglilitis. Tinatalakay dito ang kanyang mga karanasan at pangyayari, at ang mga dokumento na may kaugnayan sa kaso.

Full Transcript

HULING PAGLALAKBAY SA LABAS NG BANSA MULA DAPITAN PATUNGO NG MAYNILA Nagdaan ang barkong España sa Dumaguete at binisita dito ni Rizal ang isa niyang kaibigan na si Herrero Regidor na hukom ng lalawigan. Inoperahan niya sa mata ang isang kapitan ng Guardia Civil. Dumaan sa Cebu at...

HULING PAGLALAKBAY SA LABAS NG BANSA MULA DAPITAN PATUNGO NG MAYNILA Nagdaan ang barkong España sa Dumaguete at binisita dito ni Rizal ang isa niyang kaibigan na si Herrero Regidor na hukom ng lalawigan. Inoperahan niya sa mata ang isang kapitan ng Guardia Civil. Dumaan sa Cebu at inoperahan niya ang mag- asawang Mateo na kanyang nakilala sa Madrid. Dumaan ng Iloilo para mamili at dumalaw sa Molo at nagdaan sa Capiz ang barko. Sa pagdating ni Rizal sa Maynila ay nakaalis na ang barkong Isla de Luzon na sasakyan sana niya patungo ng Espanya. Napilitang tumigil si Rizal sa barkong Castilla sa loob halos ng isang buwan bilang panauhin ni Enrique Estalon, ang kapitan ng barko. Mula sa mga pahayagang nababasa, napag-alaman ni Rizal ang pagsiklab ng Rebolusyong Pilipino at paglaganap ng mga labanan sa palibot ng Maynila. Nangamba siya dahil: naniniwala siyang hindi pa handa ang bayan sa isang madugong rebolusyon at magdudulot lamang ito ng labis na pagdurusa, pagbubuwis ng buhay at pagkasira ng mga pag-aari. magiging sanhi lamang ito ng paghihiganti ng mga Espanyol sa lahat ng mga makabayang Pilipino PAGLISAN PAPUNTANG ESPANYA Agosto 30, 1896 – nakatanggap si Rizal ng dalawang sulat mula kay Gob. Hen. Blanco na nag-eendorso sa kanya sa Ministro ng Digmaan at Ministro ng mga Kolonya, na may kalakip na liham na nag-aalis ng pagkadawit niya sa nagaganap na rebolusyon. Setyembre 2, 1896 – habang siya’y nasa barkong Castilla pa ay sinulatan niya ang kanyang ina - inilipat si Rizal sa barkong Isla de Panay na maglalayag na patungong Barcelona Setyembre 3, 1896 – pumalaot sa Lawa ng Ang barkong Isla de Panay ay dumaan ng Singapore. Pansamantalang bumaba si Rizal sa Singapore at pinayuhan siya ni Don Manuel Camus na isang Pilipinong naninirahan doon na samantalahin na ang pagkakataon upang makatakas. Hindi ito sinunod ni Rizal. Habang si Rizal ay naglalakbay patungo ng Espanya ay lihim na nagpadala ng telegrama si Blanco sa Ministerio ng Digmaan at Mga Kolonya na si Rizal ang Utak ng Himagsikan. Dakilang bayani at henyo man siya, ipinakita ni Rizal na lubos siyang magtiwala. Sa kabila ng marami niyang talino, mortal pa rin si Rizal na maaring magkamali. At isa sa kanyang malaking pagkakamali Sa Kanal Suez ay narinig ni Rizal ang balita ukol sa pagbitay sa mga Pilipinong pinaniniwalaang kasangkot sa himagsikan. Setyembre 28, 1896 – isang pasahero ang nagdala kay Rizal ng masamang balitang aarestuhin siya, sunod sa utos ni Gob. Hen. Blanco, pagdating sa Barcelona. Nagulat sa balitang ito, noon lamang napagtanto ni Rizal na nilinlang lamang siya ng mga opisyal na Espanyol lalo na ni Gob. Hen. Blanco. Setyembre 30, 1896 – ipinaalam kay Rizal ni Kapitan Alemany ang kautusan na siya (Rizal) ay idedetine sa loob ng kanyang kabina hangga’t wala pang ibang kautusang nagmumula sa Maynila. PAGDATING SA BARCELONA BILANG ISANG PRESO Oktubre 3, 1896 – nakarating ang barkong Isla de Panay sa Barcelona, kasama si Rizal bilang isang preso. Ang tanod niya ay hindi na ang kapitan ng barko kundi ang Komander ng Militar ng Barcelona, na walang iba kundi si Heneral Eulogio Despujol. Oktubre 6 – madaling araw ay dinala si Rizal sa nakapanlulumong bilangguan Monjuich. nang gabi ding iyon, inilabas si Rizal sa kulungan para ibalik sa Maynila sakay ng barkong Colon. HULING PAGBABALIK SA BAYAN AT PAGLILITIS ANG HULING PAGBABALIK Sa barkong Colon, si Rizal ay binigyan ng magandang silid sa segunda klase at nasa ilalim ng mahigpit na pagbabantay. Oktubre 8, 1896 – isang opisyal ang nagbalita kay Rizal na ang mga pahayagan sa Madrid ay puno ng ulat tungkol sa madugong rebolusyon sa Pilipinas at sinisisi siya dahil dito. Kinumpiska ng mga Espanyol ang talaarawan ni Rizal noong Oktubre 11 at ng wala silang nakitang anumang bagay sa nilalaman nito na masasabing mapanganib. Noong Nobyembre 2, isinauli kay Rizal ang talaarawan. Sa pagdating ng barkong Colon sa Singapore ay sinikap ni Dr. Antonio Ma. Regidor at Sixto Lopez sa pamamagitan ng isang abogadong Ingles na si Atty. Hugh Fort na bigyan si Rizal ng habeas corpus. Sinimulan ni Fort ang paghahabla sa Hukuman ng Singapore para mailabas si Rizal sa barko. Hindi sinang-ayunan ng Punong Mahistrado Loinel Cox ang kasulatan dahil ang Colon ay may mga lulang hukbong Espanyol sa Pilipinas. At ang barkong pandigma ng isang dayuhang puwersa, ayon sa batas pandaigdigan, ay hindi saklaw ng kapangyarihan ng Singapore. PAGDATING SA MAYNILA Nobyembre 3, 1896 – nakarating ang barkong Colon sa Maynila at tahimik na inilipat si Rizal sa Fort Santiago. Sa panahong ito, ang mga Espanyol ay nangangalap na ng ebidensya laban kay Rizal. Maraming makabayang Pilipino ang pinagmalupitan para maisangkot si Rizal sa nagaganap na digmaan. Si Paciano ay inaresto rin at pinahirapan ngunit wala siyang nilagdaan na anumang pahayag na magsasangkot sa kanyang kapatid. Nobyembre 20 – sinimulan ang paunang imbestigasyon sa kaso ni Rizal na pinamumunuan ni Koronel Francisco Olive. Si Rizal ay sumailalim sa limang araw ng mahigpit na imbestigasyon. Sinagot niya ang mga tanong ng Huwes ngunit hindi siya pinahintulutang harapin ang mga taong tumetestigo laban sa kanya. Dalawang klase ng ebidensiya ang iniharap laban kay Rizal, ang mga dokumento at testimonya. MGA TESTIMONYA Binuo ng mga pasalaysay na testimonya nina: - Martin Constantino - Aguedo del Rosario - Jose Reyes - Moises Salvador - Jose Dizon - Domingo Franco - Deodato Arellano - Ambrosio Salvador - Pedro Serrano - Laktaw - Dr. Pio Valenzuela - Antonio Salazar - Francisco Quison - Timoteo Paez Ang tanging karapatang binigay kay Rizal ng mga awtoridad na Espanyol ay ang piliin ang abogadong magtatanggol sa kanya mula sa listahan ng mapagpipilian niya. Disyembre 8 – isang listahan ng 100 na una at ikalawang tenyente ng Sandatahang Espanyol ang ipinakita kay Rizal. At isang pangalan lamang ang tumawag ng kanyang pansin, ito ay si Don Luis Taviel de Andrade. Don Luis Taviel de Andrade – kapatid ni Ten. Jose Taviel de Andrade Disyembre 11 – ang mga impormasyon hinggil sa kaso ay pormal na binasa kay Rizal sa loob ng kanyang selda, kasama ang kanyang tagapagtanggol. Disyembre 13 – ipinadala ni Dominguez ang mga papeles ng kaso ni Rizal sa Malacañang Nang araw ding iyon, sa tulong ng mga makapangyarihang Dominikong prayle ay naging Gobernador Heneral ng Pilipinas si Gob. Camilo G. de Polavieja, kapalit ni Blanco. Ang pagkawala ni Blanco sa katungkulan ang ngselyo ng kapalaran ni Rizal dahil mas makatao si Blanco kaysa kay Polavieja at isa pa’y naniniwala ang una na si Rizal ay hindi traydor sa Espanya. Disyembre 15 – sumulat si Rizal ng isang manipesto sa taumbayan na nkikiusap na tigilan na ang di-kailangang pagdanak ng dugo at makipaglaban para Kalayaan sa pamamagitan ng edukasyon at pagsisikap. Sa kabutihang palad, hindi naipamahagi ang manipesto ni Rizal sa taumbayan. nailigtas sa kahihiyang maidudulot ng kanyang manipesto sakaling magkamali ang taumbayan sa interpretasyon at di ito sundin ng mga nag-aalsang Pilipino. ANG PAGLILITIS KAY RIZAL Disyembre 26, 1896 – sinimulan ang hukumang-militar ni Rizal sa gusaling Cuartel de España at sa nasabi ding araw, ang desisyon ng korte ay isinumite kay Polavieja. Mga tao sa silid-hukuman: Dr. Jose Rizal (ang akusado) Ten. Taviel de Andrade (ang tagapagtanggol) Kapt. Rafel Dominguez (Huwes Tagapagtanggol) Ten. Enrique de Alcocer (tagapag –usig) Josephine Bracken mga manonood, ilang mamamahayag at maraming kastila Disyembre 28, 1896 – inaprubahan ni Polavieja ang desisyon ng hukumang-military at ipinag- utos na barilin si Rizal sa ganap na 7:00 ng umaga ng Disyembre 30 sa Bagumbayan (Luneta) Dahil sa paglagda ng dokumentong itong nag- uutos ng pagbitay kay dr. Jose Rizal, panghabang-buhay na kinapootan si Polavieja ng mga Pilipino.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser