KABANATA 6-KOMUNIKASYON PDF
Document Details
Uploaded by GuiltlessSymbolism44
Tags
Summary
This module discusses communication in the Filipino academic context. It covers the definition, types, and models of communication, as well as the different types of communication noises and the factors affecting communication.
Full Transcript
MODYUL: FIL-01 – KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO KABANATA 6: KOMUNIKASYON A. Naiisa-isa ang mga uri, modelo at mga dapat isaalang-alang sa usaping komunikasyon. B. Naipapakita ang epektibong paraan ng pagsasaproseso ng komunikasyon....
MODYUL: FIL-01 – KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO KABANATA 6: KOMUNIKASYON A. Naiisa-isa ang mga uri, modelo at mga dapat isaalang-alang sa usaping komunikasyon. B. Naipapakita ang epektibong paraan ng pagsasaproseso ng komunikasyon. C. Napahahalagahan ang wika bilang pangunahing sangkap sa usaping komunikasyon. A. KAHULUGAN NG KOMUNIKASYON Tumatakbo ang buhay ng isang tao sa mekanismo ng pakikipag-ugnayan sa iba. At sa ganitong natural na sistema makikita ng potensyal na dala ng komunikasyon. Ang komunikasyon ay paghahatid ng mahahalagang impormasyon sa isang paraang masining upang maging mabisa at mahusay na maipahayag ng tao ang kaniyang palagay, saloobin at ideya sa kapwa, anoman ang paksang inaakala niyang mahalagang pag-usapan. (Verdeber, 1987) Nakaugat ito sa salitang Latin na “Communis” na nangangahulugang “karaniwan” o “panlahat”. Maituturing itong intensyonal o konsyus na paggamit ng anomang simbolo at makabulugang tunog. Makikita rito ang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitang ng mga simbolokong hudyat na maaaring bernal o di-berbal. (Bernales et. al., 2002) Ang pagpapabuti sa kasanayang resebtib at ekspresib ang tanging susi upang maging mabisang komuinikator. 1 MODYUL: FIL-01 – KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO Sa kabilang banda, hindi sapat na batid natin paano gamiting ang komunikasyon, kinakailangang maging kagamitan ito upang makamit ang ikabubuti nang lahat. At mangyayari ang mga ito kung magigin tapat, nakasandig sa katotohanan ang mga pahayag, at may tapang na ilahad ang hindi tamang impormasyon o pangyayari nang sa gayon ay magbunga ng dalisay na epekto ito sa transpormasyong intelektwal, sosyal at ispirtual sa ating lipunan. TATLONG URI NG INGAY SA KOMUNIKASYON Ang tatlong uri ng ingay sa komunikasyon na ito ay tumutukoy sa iba't ibang aspeto ng ingay o tunog na nagmumula sa iba't ibang mga pinagmulan o dahilan sa konteksto ng komunikasyon. Narito ang paliwanag para sa bawat isa: 1. Pisikal na Ingay: Ito ay mga tunog o ingay na nagmumula sa pisikal na kaligiran. Halimbawa nito ang tunog ng kotse na umaandar, tunog ng mga kagamitan sa paligid (tulad ng pagkabasag ng plato), tunog ng ulan, tunog ng hangin, at iba pang pisikal na bagay na nagdudulot ng tunog. Ang mga pisikal na ingay ay maaaring makaapekto sa komunikasyon sa pamamagitan ng pagpapahirap sa pag-unawa ng mensahe o pagkakaroon ng abala. 2. Pisyolohikal na Ingay: Ang pisyo-lohikal na ingay ay may kaugnayan sa mga tunog na nagmumula sa loob ng katawan ng tao. Ito ay kasama ang tunog ng hininga, pagsasalita, tawa, pag-ubo, at iba pang tunog na nagmumula sa katawan. Ang pisyo-lohikal na ingay ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa emosyon, kondisyon ng katawan, at iba pang pisyo-lohikal na aspeto ng tagapagsalita. Halimbawa, ang pagbabago ng tono ng boses o pag-ubo ay maaaring magpahayag ng kaba o pagkapagod ng isang tao. 3. Siko-lohikal na Ingay: Ito ay mga tunog o ingay na nagmumula sa kaisipan, damdamin, o estado ng isang tao. Ito ay nagreresulta mula sa kung paano iniintindihan, pinapansin, o iniisip ng isang tao ang mensahe. Ang siko-lohikal na ingay ay maaaring magbunsod ng pag-unawa o hindi pag- unawa sa mensahe, at maaaring magdulot ng pagtatalo o pagkaka-misinterpret. Sa kabuuan, ang tatlong uri ng ingay na ito ay nagpapakita ng iba't ibang aspeto ng komunikasyon na maaaring makaapekto sa paraan ng pag-unawa, pagtanggap, at pagpapahayag ng mensahe. Ito ay nagpapakita na ang komunikasyon ay mas malalim kaysa sa simpleng pagsasabi ng mga salita, at may mga hindi berbal na elemento na naglalaro sa likod ng bawat usapang nagaganap. 2 MODYUL: FIL-01 – KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO B. SANGKAP AT PROSEO NG KOMUNIKASYON 1. Nagpadala ng Mensahe / Sender Tao o pangkat na pinagmumulan ng mensahe. 2. Mensahe / Impormasyon Nais ipabatid. Dalawang uri ng mensahe: 1. Mensaheng pangnilalaman o panglinggwistika 2. Mensahe relasyunal mensaheng di-berbal 3. Daluyan / Tsanel ng mensahe Midyum sa pakikipag-ugnayan. Dalawang uri ng daluyan o tsanel 1. Daluyang Sensori – paggamit ng pandama gaya ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pandama. 2. Daluyang Institusyunal – paggamit ng elektroniko tulad ng laptop, e-mail, mobile phone, telepono. 4. Tagatanggap ng Mensahe / Receiver Nagbibigay kahuluga o nagdi-decode sa mensaheng natanggap. 5. Tugon / Pidbak Sagot sa mensaheng natanggap. Tatlong uri ng tugon. 1. Tuwirang tugon 2. Di-tuwirang tugon 3. Naantalang tugon 6. Potensyal na sagabal / Communication noise o filter Salik sa hindi pagkakaunawaan. Apat na uri: 1. Semantikong sagabal – kaguluhan sa salita, pasulat o pasalita. 2. Pisikal na sagabal 3. Pisyolohikal 4. Saykolohikal 3 MODYUL: FIL-01 – KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO C. URI NG KOMUNIKASYON 1. KOMUNIKASYONG INTRAPERSONAL Pansarili. Ito ang siyang batayan ng dalawa pang uri ng komunikasyon. Kabilang sa uring ito ang paglilimi, pag-alala, pagdama, mga prosesong nagaganp sa internal nating katauhan. 2. KOMUNIKASYONG INTERPERSONAL Tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng isa, dalawa o maliit ng pangkat ng tao nang napananatili ang direktang ugnayan. Nagsisilbi itong panghubog sa ating pakikipag-ugnayan sa ating kapwa. 3. KOMUNIKASYONG PAMPUBLIKO Pakikipag-ugnayan sa malaking pangkat ng tao. Hindi na direkta ang koneksyon ng tagapagsalita sa mga tagapakinig. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang midyang pangmasa gaya ng radyo, dyaro, telebisyon, at pelikula. Maaaring maganap ang tatlong ito sa dalawang uri rin ng komunikasyong ito; ang Berbal at Di-berbal. Berbal na komunikasyon kung gumagamit ng salita sa anyong pasalita o pasulat, habang ang Di-berbal na komunikasyon ay uri ng pakikipag-ugnayan nang walang ginagamit na salilta, pawang kilos ng katawan at iba pang simbolikong hudyat. Napakalaki ng elementong di-berbal sa usapin ng komunikasyon. Tinatayan 70 posiyento ngisang karaniwang kumbersasyon ang binubuo ng di-berbal na element (Maggay, 2002). IBA’T IBANG ANYO NG DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON: 1. Kinesika (Kinesics) Kilos at galaw ng katawan. Bahagi nito ang ekspresyon ng mukha, galaw ng mata, kumpas ng mga kamay, at tindig ng katawan. 2. Proksemika (Proxemics) Oras at distansya sa pakikipag-usap. Ang layo at lapit ng magkausap ay mayroon ipinapahiwatig sa di-berbal na komunikasyon. Nakadepende ito sa ugnayan ng mga nag-uusap sa isa’t isa. 3. Pandama (Haptics) Itinuturing na isa sa mga pinakaunang anyo ng komunikasyon. Nagsasaad ito ng positibong emosyon o pakikiramay sa mga hindi magandang karanasan. Halimbawa, pagtapik sa balikat, pagkaway ng kamay kung parating o paalis, o pagyakap sa kausap. 4. Paralanguage Tumutukoy sa tono ng tinig at kalidad at bilis ng pagsasalita. 4 MODYUL: FIL-01 – KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO 5. Katahimikan Ang pagsasawalang-kibo ay nagpapahiwatig ng di-berbal na komunikasyon. Maaaring upang ipahiwatig ang pagkadismaya o pagtatampo. 6. Kapaligiran Lugar kung saan nag-uusap. Isa rin ito sa nakaaapekto sa komunikasyon na maihahanay sa di-berbal na komunikasyon. Halimbawa, paraan ng pakikipag- usap sa loob ng paaralan, silid-aklatan, parke, o mall. D. MGA PARAAN NG PAGPAPABUTI SA KOMUNIKASYON BERBAL Kinakailangang bago makapagpadala ng mensahe ang isang tao sa ibang tao, isipin niya muna kung ano ang mensaheng ipadadala niya, paano niya iyong ipadadala, ano-anong salita ang kaniyang gagamitin, paano niya iyon isasaayos upang maunawaan, sa anong daluyan niya iyon paraanin at ano ang inaasahan niyang reaksyon ng pagpapadalhan niya ng mensahe. Ilan lamang ito sa mga dapat isaalang-alang upang makamit ang isang maayos na pakikipag-ugnayan. KATANGIAN NG MABUTING TAGAPAKINIG 1. Ang mabuting tagapakinig ay nakikinig na nakatingin sa kausap 2. Ang mabuting tagapakinig ay hindi nagbibigay ng payo 3. Ang mabuting tagapakinig ay hindi sumisira ng pagtitiwala 4. Ang mabuting tagapakinig ay tinatapos ang isang usapang may kinahinatnan. 5. Ang mabuting tagapakinig ay nagpapakita ng kabutihang loob kung siya ay pinagkakatiwalaan ng nagsasalita. IBA’T IBANG URI NG MASAMANG TAGAPAKINIG 1. Pseudo listener – Mula sa salitang Griyego na “Pseudo” na nangangahulugang hindi totoo, ang Pseudo listener ay hindi totoong nasa estado ng pakikinig, ipinapakita niya lamang ang kaniyang pagkainteresado ngunit ang totoo’y hindi niya iprinoproseso ang mga natatanggap na detalye. 2. Selective listener – Piling impormasyon lamang ang kaniyang tinatanggap. Maaring itong ginagawa nang nasa kamalayan o wala. Sa katunayan, ito ay kakayahan sapagkat naihihiwalay nila ang nais nilang pakinggan sa hindi. 3. Ambusher – Nakikinig sa intensyong makapagbato ng argumento, insult o atakeng pampersonal sa tagapagsalita. 4. Defensive listener – Ipinagpapalagay nila na para sa kanila ang mga impormasyon o komentong naririnig mula sa tagapagsalita. 5 MODYUL: FIL-01 – KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO 5. Insensitive listener – Tagapakinig na walang ipinapakitang empatiya o pagsasawalang bahala sa emosyon ng tagapagsalita. MGA PARAAN NG TAMANG PAKIKINIG 1. Ibigay ang buong atensyon sa nagsasalita o sa iyong kapartner. 2. Huwag alalahanin ang anumang ingay na maaring makasagabal sa proseso ng komunikasyon. 3. Maghanap ng mga bagay at mga bagong impormasyon na maari kang maging interesado sa sinasabi ng nagsasalita. 4. Huwag mong ipalagay na alam mo na ang sinasabi ng taong nagsasalita. 5. Sundan ang sinasabi ng nagsasalita at unawain ng mensahe nito sa pamamagitan ng pagbuo ng tema o pag-kategorya sa nilalaman ng komunikasyon. IBA PANG PARAAN NG TAMANG PAKIKINIG 1. Eye Contact - Dapat nakatingin ka sa mata ng kausap mo para maramdaman niya na seryoso ka sa sinasabi mo. 2. Body Contact - ang simpleng pag tapik sa balikat o konting galaw ng kamay habang nagsasalita ay nakakadagdag ng pag kakaayos ng pagbibigay ng impormasyon. 3. Maayos na pakikinig - dapat nakkinig din ang nagsasalita para alam niya ang pinag- uusapan. E. MGA MODELO NG KOMUNIKASYON Sa usaping modelo ng komunikasyon naipapakita ang iba’t ibang maaaring maging daloy na pakikipag-ugnayan. Samakatuwid, malaya at walang iisang daloy ang komunikasyon. 1. MODELONG SMR – Modelo ni Berlo Linear ang prosesong ito. Binibigyang-diin nito ang direksyon ng proseso sa pinanggalingan (S) tungo sa tagatanggap (R). Nakadepende sa proseso ng encoding at decoding ang pananatili ng ugnayan. 6 MODYUL: FIL-01 – KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO 2. MODELO NI ARISTOTLE SA PAGTUKLAS NG MENSAHE Kaugnay ito sa sub-prosesong enkowding. Nakatatawid ang aplikasyon nito sa ano mang anyo ng diskurso, pasalita man o pasulat. Binibigyang-diin dito na anomang mensaheng matatanggap ay kinakailangang tukalasin, isaayos at suriin bago ihatiad. 3. MODELO NI SCHRAMM Bawat taong sangkot sa isang sitwasyonng pangkomunikasyon ay may kani- kaniyang field of experience na maaaring makaapekto sa bisa ng pakikipag- ugnayan. Kung gayon, mas maraming tagapagpadala ng mensahe at mas maraming tagatanggap ay may mas malaking porsiyento nang pagiging epektibo ng komunikasyon. 4. MODELONG KONTEKSTUWAL-KULTURA Kultura bilang sentro na element sa sikilikal na proseso ng komunikasyon. Samakatuwid, malaki ang impluwensiya ng konteksto at kultura sa komunikasyon. 7 MODYUL: FIL-01 – KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO MODELONG KONTEKSTUWAL-KULTURA 5. MODELONG HELIKAL NG KOMUNIKASYON NI FRANK DANCE Matutunghayan dito ang impluwensiya ng mga nagaganap na pagbabagong panlipunan sa komunikasyon. Nakaraan ang pinag-uugatan ng pagbabago sa komunikasyon sa kasalukuyan habang ang kasalukuyan naman ang batayan ng komunikasyon sa infinite na hinaharap. 8 MODYUL: FIL-01 – KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO 6. MODELONG FANKSYONAL NI REUSCH AT BATESON, 1951 Function o tungkulin ng komunikasyon ang binibigyang diin sa modelong ito. May apat na antas ng komunikasyong isinasaalang-alang dito; 1. Intrapersonal (1) 2. Interpersonal (2) 3. Pangkatan (3) 4. Hanggang Kultural (4) Habang tumataas ang antas ay mas dumarami ang taong sangkot sa apat na gawain; 1. Pagsusuri (E) 2. Pagpapadala (P) 3. Pagtsatsanel (C) 4. Pagtatala (R) 9 MODYUL: FIL-01 – KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO Smith, J. (2010). Understanding Communication. ABC Publishing. Garcia, M. A. (2015). Verbal and Non-Verbal Communication in Interpersonal Relationships. In R. Lopez (Ed.), Communication Studies: Contemporary Perspectives (pp. 45-63). XYZ Publishers. Rodriguez, L. M. (2018). Improving Verbal Communication: Strategies for Effective Workplace Conversations. Communication Quarterly, 66(3), 285-302. 10