Kabanata 6: Ang Panulat ni Jose Rizal at Antonio de Morga PDF

Summary

This document discusses Jose Rizal's ideas on rewriting Philippine history and the similarities and differences between the perspectives of Rizal and Antonio de Morga on Filipinos and Philippine culture. It examines different viewpoints on the topics.

Full Transcript

1. Masuri ang mga idea ni Rizal hinggil sa muling pagsulat sa kasaysayan ng Pilipinas 2. Mahambing ang pagkakatulad at pagkakaiba ng pananaw ni Rizal at Morga tungkol sa Filipino at kulturang Filipino Ayon sa pananaliksik, nagkaroon ng maigting na interes si Jose Rizal tungkol sa kul...

1. Masuri ang mga idea ni Rizal hinggil sa muling pagsulat sa kasaysayan ng Pilipinas 2. Mahambing ang pagkakatulad at pagkakaiba ng pananaw ni Rizal at Morga tungkol sa Filipino at kulturang Filipino Ayon sa pananaliksik, nagkaroon ng maigting na interes si Jose Rizal tungkol sa kultura at kasaysayan ng Pilipinas noong siya ay nasa Germany. Siya ay nasa Heidelberg, Germany at doon niya unang narinig ang pangalan ng sikat na Austrian student na si Dr. Ferdinand Blumentritt, isang iskolar na nagbanggit kay Rizal tungkol sa isinulat ni Antonio de Morga na Sucesos de las Islas Filipinas. Sa Germany din naging miyembro si Rizal ng "Berlins Ethnographic Society, Anthropoligical Society, at Geographical Society" kaya't marami siyang naging koneksyon at nagkaroon siya ng pagkakataong magkaroon ng babasahing gawa ng mga iskolar na ito, naging daan din ito upang lalong mapalawak ni Rizal ang kaalaman tungkol sa kulturang Pilipino at ang karanasang di-pantay na pagtrato sa mga Pilipino sa kamay ng mga Espanyol. Ang mga nabanggit na nauna ay nagbigay-daan upang kailangan isulat muli ni Rizal ang kasaysayan ng Pilipinas. Si Antonio de Morga ay naniniwala na ang Katoliko Romano bilang relihiyon ay tunay na matatag bilang sa pagkakatanim nito sa Pilipinas. Tunay ngang maraming naibahagi ang mga Espanyol subalit maaaring idagdag ang mga Portuges, Italyano, French, Griyego pati ang mga Aprikano at Polynesia ay kaibigan ng mga Espanyol na sumakop sa di mabilang na lugar kasama ang Pilipinas. Ang mga naging Katoliko dahil sa mga Espanyol ay hindi maaaring tawaging kabuuan ng Pilipinas sapagkat maaaring may ibang grupo ng mga Pilipino ang hindi nakasama sa ginawang paglipat ng relihiyong Katoliko gaya ng Negrito, mga Igorot at iba pang tribo ang nakatira sa ibang parte ng Pilipinas. Ang mga binanggit ni de Morga na pulo ay dagli ring nangawala gaya ng tinaguriang di-Kristiyano sa Bormeo, Formosa at sa Moluccas. Di-totoong ang mga Pilipino ay walang proteksyon bago dumating ang mga Espanyol, sapagkat ayon din kay de Morga bago masakop ng Espanya ang Pilipinas, ang mga piratang nagnais na sakupin ang mga katutubong Pilipino ay sadyang may armas na kayang depensahan ang kanilang sarili. Ang sibilisasyon ng mga Pilipino ayon kay de Morga base sa kabanata 8 ng kaniyang isinulat ay tunay na makabago kung ibabatay sa kanilang panahon. Maaaring sabihin na ang Cebu, Panay, Luzon at Mindoro ay ipahayag na hindi tunay na nasakop ng mga Espanyol. May mga Espanyol na nagbuwis ng buhay sa panahon ng pananakop subalit mga di matatawaran ang dami ng mga Pilipinong nakipaglaban kumpara sa mga Espanyol. Tinawag ni Morga ang Cebu bilang "City of the Most Holy Name of Jesus" ng isang tinatawag na "Village of San Miguel." Noon, pagsinabi ni de Morga na ang lupa ay ipinagkatiwala bilang encomienda, ito ay nangangahulugang paghahatiin sa mga magiging kapanalig nila, na ng malaman ay naging kabaligtaran dahil kapag ang isang probinsya ay ipinagkatiwala ito ay sa dahilang inabanduna ng manlolokong encomiendero ito ang paghuhusga sa kaniyang kabuktutan. Sa mga unang taon ng mga Espanyol may mga barko na sa Pilipinas, ito ang ebidensya ng katutubong kultura na dati nang balak ng Pilipinas. Ayon kay de Morga, ang pagpapanday noon sa Maynila ay di-matutumbasan ng mga Espanyol na kaugalian at kahusayan ni Panday Pira na walang sinumang nakahigit sa kaniya noong nabubuhay pa. Nakaugalian din na Iaging may libo-libong Pilipino ang tagapana, karamihan ay taga- Bisaya ang kayang magbuwis ng buhay sa panahon na sinasakop ang Ternate ng grupo ng mga Mollucas, ito ay sa pangunguna noon ni Gobernador Dasmarinas. Sa pananaw ni de Morga, dahil sa takot ng mga Espanyol sa tangkang paglaban ng mga Pilipino, sila ay tinanggalan ng mga armas kahit maaari silang salakayin ng mga kalaban, sa kabila nito, kinaya pa rin nilang ipagtanggol ang sarili laban sa mga tulisan. Nabanggit ni de Morga na ang mga Pilipino ay mahilig sa isdang malapit ng mabulok, sinabi rin niyang nasanay ang mga Espanyol na gawing alila at mga tauhan sa pakikipaglaban ang mga katutubong Pilipino. Mahalagang malaman ng mga kabataan ang ibinahagi ni Zeus A. Salazar na ang "Pantayong Pananaw" ay dapat na natutunan ng bawat Pilipino, dapat ay tingnan ang bansa mula sa loob na pagsasalaysay sa mga konsepto, diwa at damadamin ukol sa kapilipinuhan ng kasaysayan ng Pilipinas. Pinapalakas ang "Pantayong Pananaw," ito ay tumutukoy sa panloob na pagkakaugnay-ugnay at pag-uugnay ng katangian, kahalagahan, karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal at karanasan ng isang kabuuang pagkalinangan. Samakatuwid, inaasahan ang isang kabuuang pag-uugnay at kaka-ugnay ng mga kaugalian, kaisipan at kaugalian. Ito ay ilan sa mga batayan na tunay ngang may sibilisasyon na maituturing ang Pilipinas bago pa man dumating ang mga Espanyol. (Ang mga nabanggit sa itaas ay hango sa "Rizal's Life and Minor Writings" ni Austin Craig noong 1929).

Use Quizgecko on...
Browser
Browser