Kabanata 3 Modyul 1: Mga Gawi ng Pangkomunikasyon ng mga Pilipino PDF
Document Details
Uploaded by StainlessVector
NEUST
Tags
Related
- Komunikasyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultura ng Pilipinas Reviewer PDF
- COR 003: Filipino Language and Literature Through History PDF
- 2nd Quarter Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- 2nd Quarter Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga gawaing pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino. Kasama rito ang mga paksa tulad ng tsismisan, umpukan, talakayan, pagbabahay-bahay, pulong-bayan, di-berbal na komunikasyon, at mga lokal na ekspresyon.
Full Transcript
KABANATA 3 Modyul 1 MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO MGA PAKSA: A. Tsismisan B. Umpukan C. Talakayan D. Pagbabahay-bahay E. Pulong-bayan F. Komunikasyong Di -Berbal G. Mga Ek...
KABANATA 3 Modyul 1 MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO MGA PAKSA: A. Tsismisan B. Umpukan C. Talakayan D. Pagbabahay-bahay E. Pulong-bayan F. Komunikasyong Di -Berbal G. Mga Ekspresyong Lokal A. TSISMISAN Ang tsismisan ay isa sa mga gawaing pangkomunikasyon na bahagi ng kulturang Pilipino. Sa katunayan, ang gawaing ito ay makikita sa bawat barangay sa ating bansa. Tila isa itong gawaing hindi maiwas-iwasan ng mga Pilipinong tinatawag na tsismis na nagmula sa salitang Espanyol na chismes na tumutukoy sa isang kaswal na kumbersasyon tungkol sa buhay ng ibang tao na ang impormasyon ay maaaring totoo o madalas ay hindi. Ito ay kadalasang kinabibilangan ng dalawa o “ higit pang mga kalahok na ang isa o iba ay tagapakinig lamang o maaaring ang lahat ay may kanya-kanyang tsismis na dala- dala na karaniwang isinasagawa ng mga taong walang trabaho o may maluwag na panahon para paglaanan ito. Ang mga taong kalahok sa ganitong gawaing pangkomunikasyon ay itinuturing na kapalagayang-loob na ang isa’t isa sapagkat ang tsismisan ay relasyonal. B.UMPUKAN Ang Umpukan ay impormal na paglalapit ng tatlo o higit pang kalahok kung saan ang bawat isa ay nagbabahaginan ng impormasyon. Sa lipunang Pilipino, ang madalas na magkakaumpukan ay magkakamag-anakan, magkakaibigan at magkakapitbahay na palagay na ang loob sa isa’t isa. Samakatwid, ang ganitong anyo ng gawing pangkomunikasyon ay maituturing na relasyonal. Ang mga nagiging kalahok sa umpukan ay kusang lumalapit para makiumpok, mga sadyang nagkakalapit- lapit o mga niyayang lumapit. Sa pagkakataong hindi kakilala ang lumalapit siya ay masasabihang isang usisero. Isa sa mga kilalang umpukan sa bansa ay ang kultura ng salamyaan sa Lungsod ng Marikina. Sa pag-aaral ni Prop. Jayson Petras (2010), ay kanyang binalikan ang kasaysayan ng salamyaan bilang bahagi ng kalinangang Marikenyo at ipinaliwanag niya ang bisa nito bilang talastasang bayan. (2010), ang salamyaan ay isang silungan kung saan ang mga Marikenyo, partikular na ang mga matatanda ay magkakasamang nagkukuwentuhan, nagsasalu-salo, at namamahinga. Ang salamyaan ay walang dingding at tangi ang mahahabang mesa na nagsisilbing papag- pahingahan at tarima o maliit na upuang kahoy ang mayroon na itinuturing ng mga taga-Marikina bilang sapat at angkop na slideserve.com C. TALAKAYAN Ang talakayan naman ay tumutukoy sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng mga kalahok sa nasabing usapan na binubuo ng tatlo o higit pa. Kalimitang tinatalakay sa ganitong gawaing pangkomunikasyon ang mga problema na layuning bigyang-solusyon o patakarang nais na ipatupad. Sa talakayan, nahahasa ang kakayahan sa pagsasalita at pangangatwiran ng mga taong kalahok dito. Ang talakayan ay maaaring isagawa sa pormal at ‘di pormal na pamamaraan. Sa pormal na anyo ng talakayan, may malinaw na patakarang sinusunod ang bawat kalahok, samantalang sa ‘di pormal na anyo nito ay malaya ang bawat isa na magpahayag ng kani- kanilang opinyon o saloobin hinggil sa isyu, suliranin o programang nais na isakatuparan. Ilan sa mga halimbawa ng pormal na talakayan ang: panel discussion lecture forum (panayam) simposyum D. PAGBABAHAY- BAHAY Ang pagbabahay-bahay ay kalimitan naman na isinasagawa sa mga sitwasyong nangangailangan ng impormasyon ang isang indibidwal o organisasyon ukol sa kalagayan o sitwasyon ng komunidad gamit ang pagtatanong-tanong bilang nito ay ang pagsasagawa ng pag- aaral na may kinalaman sa pag-alam ng bilang ng populasyon at kalagayan ng pamumuhay ng mga Pilipino na kadalasang isinasagawa ng National Statistics Office at pagtatanong- tanong ukol sa pt-br.facebook.com E. PULONG BAYAN Sa kulturang Pilipino, ang pulong bayan ay isang pangkomunikasyon Pilipino na isinasagawa kung may nais ipabatid ang mga kinauukulan tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng komunidad. Sa pulong-bayan ay malayang nagpapalitan ng kuro-kuro ang mga kinauukulan at mamamayan ng bayan ukol sa mga usapin tungkol sa bayan gaya ng kalagayan ng mamamayan, kalikasan, trabaho at seguridad. Ang kalayaang makapagpahayag ng opinyon o saloobin ng bawat kalahok sa pulong na ito ay isang instrumento upang ganap na matugunan ang problema gayundin ito ay tanda ng isang bayang may matatag na demokrasya. F. KOMUNIKASYONG DI- BERBAL Ang KOMUNIKASYONG komunikasyong DI-BERBAL ‘di-berbal ay paraan ng pagpapabatid ng kahulugan o mensahe sa pamamagitan ng samo’t saring bagay maliban sa mga salita. Ito ay isang karaniwan at lahat ng uri o kapamaraanan ay ginagamit upang ipahayag ang mensahe ng hindi ginagamitan ng salita. IBA’T IBANG ANYO NG KOMUNIKASYONG DI BERBAL 1. KINESIKA Pamamaraan ng komunikasyon gamit ang kilos ng katawan. 2. PROKSEMIKA Pamamaraan ng komunikasyon na ginagamitan ng espasyo. 3. VOCALICS Komunikasyong naipararating gamit ang tono ng pagsasalita. 4. CHRONEMICS Komunikasyong nakabatay sa panahon o oras. 5. HAPTICS Komunikasyong nakabatay sa pandama. 6. SIMBOLO (ICONICS) 7. KULAY May pagkakaiba ba ang… PAGTATAMPO (TAMPO) PAGMUMUKMOK (MUKMOK) PAGMAMAKTOL (MAKTOL) PAGDADABOG (DABOG) PAGTATAMPO (TAMPO) Damdaming dala ng pagkabigo sa isang bagay na inaasahan sa isang malapit na tao gaya ng kapatid, magulang, kamag-anak, kasintahan, o kaibigan. PAGMUMUKMOK Ito ay(MUKMOK) komunikasyong naipaparating sa pamamagitan ng pagsasawalang-kibo. Ito ay bunga ng pagkasuya at pagdaramdam. Palatandaan nito ang pagsasantabi ng sarili sa sulok, o paglayo sa karamihan. PAGMAMAKTOL Akto (MAKTOL) ng pagpapahayag na ang layunin ay ipakita ang pagrereklamo, paghihimagsik o pagtutol sa paggawa ng isang bagay na labag sa kalooban. Ito ay kakikitaan ng pag- ungol, pagbuka-buka ng labi o pagbulong-bulong na sinasadyang ipakita sa taong pinatatamaan ng mensahe. PAGDADABOG (DABOG) Paglikha ng ingay gaya ng pagpadyak ng paa, pagbalibag ng pinto, pagbagsak ng mga bagay-bagay at iba pang ingay na intensyonal na ginagawa ng taong nagdadabog. Bunsod ito ng paghihimagsik sa sapilitang pagsunod na nagpapahiwatig ng pagkainis, pagkayamot, galit, at poot. Narito naman ang kahulugan ng ilang komunikasyong ‘di berbal sa lipunang Pilipino na nilikom ni Maggay( 2002), na may kaugnayan sa galaw ng mata (oculesics) at iba pang galaw o kilos ng katawan (kinesika): KOMUNIKASYONG ‘DI BERBAL KAHULUGAN Salubong ang kilay Galit, mainitin ang ulo; masungit;naiinis Isang kilay ang nakataas Suplado, isnabero, mapagmataas, tumututol, nanlalait Taas noo Matibay ang paninindigan; walang ikinahihiya Kunot noo Mabigat ang suliranin; naguguluhan; inis; malalim ang iniisip Malagkit ang tingin Nang-aakit Pagbaba ng tingin Nahihiya; gumagalang kung nakatatanda Malayo ang tingin Nag-iisip; may dinaramdam Di makatingin ng diretso May itinatagong lihim; may kasalanan Kindat Preskong paghanga; lihim na pagkakaunawaan Matang nanlilisik Papatay ng tao; nawalan ng bait G. MGA EKSPRESYONG LOKAL Ganito ang paglalarawan nina San Juan et al. (2018) sa bagay na ito: Ang mga ekpresyong lokal ay mga salita o pariralang nasasambit ng mga Pilipino dahil sa bugso ng damdamin kagaya ng galit, yamot, gulat, takot, dismaya, tuwa o galak. Likas sa ating mga Pilipino ang bumulalas ng iba’t ibang ekspresyong may iba’t ibang kahulugan depende sa konteksto ng komunikasyon, pamamaraan ng pagkakasabi o taong pagsasabihan ng nasabing ekspresyon. Sa ating lipunan, madalas nating marinig ang mga salitang: Susmaryosep! Ina ko po! Bahala na! Hay Naku! D’yos ko po! Ano ba yan! Charot! Echos! Char! Eh di wow! Ikaw na! Grabe! Grabe! MARAMING SALAMAT!