Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultura ng Pilipinas Reviewer PDF
- Metalinggwistik na Pagtalakay ng Wikang Filipino PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kultura (Tagalog) PDF
- Buod ng Talakayan sa mga Kursong Awtkam 1-3 (PDF)
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- Pagsusuri ng Wikang Filipino: Pag-aaral ng Paggamit sa Iba't Ibang Sektor PDF
Summary
Ang dokumentong ito ay isang presentasyon tungkol sa komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino. Ang paksa ay naglalaman ng mga layunin, pinagmulan, at mga katangian ng wika, kabilang ang mga teorya at antas ng wika.
Full Transcript
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Mga Layunin: Nabibigyang kahulugan ang wika. Natutukoy ang kahalagahan ng wika. Nalalaman ang mga pinagmulan ng wika. Naiisa-isa ang mga katangian ng wika. Unang gawain Ano ang pumapasok sa isip mo sa tuwing...
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Mga Layunin: Nabibigyang kahulugan ang wika. Natutukoy ang kahalagahan ng wika. Nalalaman ang mga pinagmulan ng wika. Naiisa-isa ang mga katangian ng wika. Unang gawain Ano ang pumapasok sa isip mo sa tuwing naririnig mo ang salitang wika? Ano ang wika? Latin – Lengua Kastila - Dila Ingles - Language Tagalog – Wika/Lenggwahe Ayon kay Henry Gleason, Ang wika ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura. Sinabi naman ni Thomas Caryle na ang wika ay itinuturing din na saplot ng kaisipan o mas angkop sabihing saplot- kaalaman, ang mismong katawan at baluti ng kaisipan. Marami mang naiisip at nararamdaman di natin maipagkakaila na mas maipapahayag ito sa pamamagitan ng wika. Ayon kay San Buenaventura, Maituturing na ang wika ay pangangailangan ng tao upang mabuhay at mapabilang sa komunidad na kanyang kinabibilangan. Karagdagang kaalaman: Jose Rizal Kung lahat ng likas na bagay ay galing sa Poong Maykapal, bakit hindi ang wika? Naniniwala ang pambansang bayani na kaloob at regalo ng Diyos ang wika sa tao. Charles Darwin Nakikipagsalaparan ang tao kung kaya’t nabuo ang wika. Survival of the fittest, elimination of the weakest. Ito ang simpleng batas ni Darwin. Upang mabuhay ang tao, kailangan niya ng wika. Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin of Language”, sinasaad dito na ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang makalikha ng iba’t ibang wika. Mga kahalagahan ng wika: Ang wika ay behikulo ng kaisipan. Ang wika ay daan tungo sa puso ng isang tao. Ang wika ay nagbibigay ng mga kautusan o nagpapakilala sa tungkulin at katayuan sa lipunan ng nagsasalita. Ang wika ay kasalaminan ng kultura ng isang lahi o maging ng karanasan. Ang wika ay pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupong gumagamit ng kakaibang salitang hindi laganap. Ang wika ay luklukan ng panitikan sa kanyang artistikong gamit. Ang wika ay kasangkapan sa pag-aaral ng kultura ng ibang lahi. Ang wika ay tagapagbigkas ng lipunan. Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika Bow-wow – Ang wika ay mula sa tunog ng hayop. Ding-dong – Ang wika ay nagmula sa tunog ng mga bagay sa paligid. Pooh-pooh – Nalikha ang tunog sanhi ng bugso ng damdamin. Ta-ra-ra-boom de-ay – Nagmula sa mga ritwal na ginagawa ng mga tao. Sing-song – Nagmula sa pagpapakita/pagpapahayag ng emosyon. Yoo-he-ho – Ang tao ay natutong magsalita bunga ng kanyang puwersang pisikal. Ta-ta – Ayon sa teoryang ito ang kumpas o galaw ng kamay ay ginagaya ng dila. Mama – Nagmula sa pinakamadaling pantig ng pinaka mahalagang bagay. Coo-coo – nagmula sa tunog na nililikha ng sanggol. Hocus pocus – Ang wika ay nagmula sa mahika o relihiyosong aspeto ng pamumuhay. Tore ng Babel – Nahalaw mula sa banal na kasulatan. (Genesis 11:1-8) Mga Katangian ng Wika: Masistemang balangkas Sinasalitang tunog Pinipili at isinasaayos Arbitraryo o napagkasunduan Nakabatay sa kultura Ginagamit Makapangyarihan Dinamiko o nagbabago Nanghihiram Nasusulat May antas Antas ng Wika Pormal Impormal Pambansa Lalawiganin Kolokyal Pampanitikan Balbal ANTAS NG WIKA PORMAL PAMBANSA – Salitang madalas gamitin sapagkat nauunawaan ng buong bansa. Hal. Malaya Masaya Sabaw Damit PAMPANITIKAN – Ito ang antas na may pinakamayamang uri. Madalas ito ay ginagamitan ng mga salitang may iba pang kahulugan. Idyoma, tayutay at iba pa. Hal. Sanggunian Tahanan Kabiyak Anak-araw ANTAS NG WIKA IMPORMAL LALAWIGANIN – Salitain o diyalekto ng mga katutubo sa lalawigan. Hal. Adlaw Sanrok Balay Hane!? KOLOKYAL – Salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Madalas ito ay pinapaikli. Hal. Meron (Mayroon) Musta (Kumusta) Bat (Bakit) Penge (Pahingi) Pano (Paano) Pera (Salapi) Bangko (Upuan) San (Saan) BALBAL – Ito ang pinakamababang antas ng Wika. Ito ay binubuo ng salitang kalye na nabuo sa kagustuhan ng isang particular na grupo na magkaroon ng sariling pagkakakilanlan. Hal. Epal (Mapapel) Lespu (Pulis) Chibog (Pagkain) Datung (Pera) Mudra (Nanay/Ina) Jowa (Kasintahan) Gawain blg. 1: Wika (Indibidwal na Gawain) Panuto: Matapos talakayin ang kahulugan, kahalagahan, pinagmulan at katangian ng wika, ipakita ang iyong mas malalim na pag-unawa sa aralin sa pamamagitan ng masining na pagguhit ng larawan na maaaring maging simbulo ng ating wika at ipaliwanag kung bakit ito ang iyong napiling iguhit. Gawin ito sa isang buong papel. (10 puntos) Gawaing pagganap blg. 1: Wika (Pangkatang Gawain) Panuto: Hatiin ang klase sa apat (4) na pangkat. Mula sa tinalakay na Teorya ng pinagmulan ng Wika, ang bawat pangkat ay kinakailangang pumili ng isang teorya na higit nilang pinaniniwalaan pagkatapos ay bumuo ng istorya mula rito at maghanda upang itanghal sa klase ang maikling dula-dulaan. (20 puntos) Pamantayan sa pagmamarka (Rubric): 5 4 3 2 1 Mga Kraytirya pinakama Kahanga- Maayos Katanggap Kailangang husay hanga -tanggap paunlarin 1. Pagganap ng tauhan. 2. Iskrip 3. Kasuotan at props 4. Partisipasyon ng mga miyembro. Kabuuang marka: 20