KABANATA 1 PDF: Filipino Bilang Wikang Pambansa
Document Details

Uploaded by EnviableAquamarine1459
Nueva Ecija University of Science and Technology
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga paksa patungkol sa Wikang Filipino bilang wikang pambansa. Tinalakay din ang kasaysayan ng wika, gayundin kung paano ito nakaugnay sa kultura ng Pilipinas. Saklaw din ang Ugnayan ng Kasaysayan at Kultura.
Full Transcript
YUNIT 1 YUNIT 1 Mga Paksa: A. Panimula B. Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas C. Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino D. Ang Ugnayan ng Kasaysayan at Kultura E. Ang Relasyon ng Wika, Kultura at Identidad F. Ang Lipunan at Kultura G. Ang Wika at Musika ...
YUNIT 1 YUNIT 1 Mga Paksa: A. Panimula B. Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas C. Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino D. Ang Ugnayan ng Kasaysayan at Kultura E. Ang Relasyon ng Wika, Kultura at Identidad F. Ang Lipunan at Kultura G. Ang Wika at Musika YUNIT I A.PANIMULA A. PANIMULA: Ang daigdig ay multilingguwal na. Ayon kay Pei (2001), mayroong mahigit sa 2,796 ang mga pangunahing wika sa daigdig hindi pa kasama ang iba’t ibang dayalekto o subdayalekto ng mga pangunahing wika. FILIPINO PANIMULA: Sa pagkakaroon ng iba’t ibang wika sa daigdig, natatangi ang bansang Pilipinas ayon kay Lachica (2003), dahil sa pagiging multilingguwal nitong bansa. Wikang Filipino Ang Wikang Filipino sa ngayon ay hindi lamang purong Tagalog, may mga lahok na ito buhat sa iba’t ibang wika, dayalekto at katutubong wika ng Pilipinas kaya patuloy itong mas umuusbong at nadaragdagan. PANIMULA: Sa patuloy na pagsabog ng sibilisasyon, sa panahon ng teknolohiya, ang mga ibinungang imbensyong likha ng pangyayari at karunungan ay lumitaw bilang karagdagang salita sa ating wika. PANIMULA: Global na wika ang Filipino. Ayon sa pananaliksik ni Victoria (2016), mahigit apatnapung (40) na paaralan sa iba’t ibang panig ng daigdig itinuturo na ang Filipino. Wikang Filipino Dahil na rin sa pagiging Global ng wikang Filipino, iba’t ibang bansa na ang nagtuturo nito gaya na lamang ng Germany, United States, United Kingdom, Australia, France, China, Japan, Taiwan, Brunei, Malaysia, at Canada. FILIPINO PANIMULA: Ayon kay Edward Sapir, isang dalubhasa sa wika, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin. FILIPINO PANIMULA: Kung hindi maipahahayag ng tao ang kanyang mga ideya at saloobin, anong uri kaya ng lipunan mayroon tayo? FILIPINO YUNIT I B. Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas B. Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas 1987 Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo XIV SEKSYON 6: Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang wika. 1987 Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo XIV Seksyon 7: Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wika ng rehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing opisyal na pantulong na midyum ng pagtuturo. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabik. Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas Ayon kina Baaco et al.,(2013), ang pagkakaroon ng wikang Pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa bansa gaya ng politikal, sosyolohikal, ekonomikal at higit sa lahat mapagyaman ang estado ng edukasyon sa bansa. Sa paggamit ng ating sariling wika sa edukasyon ay mas magiging madali para sa mamamayang Pilipino ang makahikayat upang makisali sa pakikipagtalastasan at mga talakayan sa loob ng ating silid-aralan. Kasaysayan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas Kasaysayan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas Kasaysayan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas Kasaysayan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas TAGALOG PILIPINO FILIPINO Katutubong Wikang Unang tawag sa Kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng pinagbatayan ng pambansang wika Pilipinas, Lingua franca pambansang wika ng Pilipinas ng mga Pilipino, at isa ng Pilipinas sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ang Ingles. Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas Hindi dapat manatili sa pagiging katutubo ang ating wika, dapat magkaroon ng pag-aaral ukol sa wika hindi lamang sa ating sariling wika gayundin sa pag-aaral sa iba pang wika. Sa pamamagitan ng pag-aaral ay matatanto at matutugunan ang mga kakulangan ng isang wika tungo sa paglinang at pag- unlad. Artikulo XIV, Seksyon 9 ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas Dapat magtatag ang kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga iba’t ibang rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay, at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili. Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas Ayon kay Salzmann (1993), ang wikang Ingles ang pandaigdigang lingua franca. Ang wikang Ingles ay nabigyang saysay lamang ng mga Pilipino sa pagitan ng taong 1898 at 1946, mga taon kung kailan ang Pilipinas ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos. Mula noon, ang wikang Ingles ang naging opisyal na wika ng Pilipinas. YUNIT I C. Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino Ayon kay Gleason (1988), ang wika ay isang masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng taong kabilang sa isang kultura. Ayon kay Rizal, "ang wika ang siyang kaisipan at damdamin ng sambayanan". Bakit patuloy na nahahadlangan ang wikang Filipino bilang wikang panturo? Sa artikulong "Ang Pulitika ng Wikang Panturo” ni Cruz ay mababanaag ang kasaysayan ng wikang Filipino. Mangyari napulitika sapagkat ang mga naghaharing uri sa malakolonyal na lipunan ang siyang nagtatakda ng pamantayan sa paggamit ng wikang panturo. Maaaring napulitika ang wikang panturo sa panahong sinasakop tayo ng mga Amerikano. Ipinagbilin ng Pangulong McKinley sa pamunuan ni Taft na ipagamit ang wikang Ingles bilang tanging wikang panturo mula primarya hanggang tersyarya sa pampublikong paaralan. Ayon sa UNESCO (2003), ang mga batang natutong bumasa at sumulat sa unang wika bago matuto ng ikalawang wika ay mas matagumpay sa pag-aaral kumpara sa mga kamag-aral nilang hindi natutuhan nang lubos ang unang wika (mother tongue). YUNIT I D. Ang Ugnayan ng Kasaysayan at Kultura Ayon kay Palma (2015), maliwanag ang landas na tinatahak sa pag-aaral at pagtuturo ng kasaysayan ng Pilipinas. Ang dahilan ay sapagkat mayroong malaking paniniwala ngayon na upang umunlad ang kultura ng isang malayang bansa, kailangang taluntunin ang kaniyang nakalipas sa ugat ng kaniyang nasyonalismo. Sa talumpati ni Lumbera (1993), makapangyarihan ang puwersang nasyonalismo. Nakapagbubunsod ito ng malalaking pagbabago sa buhay ng isang indibidwal at sa kalagayan na rin ng bayan. Mahalaga ang karanasan ng tao dahil pinatatatag nito ang kaniyang buhay bilang mamamayan ng isang lipunan. Ang kaniyang mga karanasan ay nagsisilbing bahagi ng kaniyang kasaysayan. YUNIT I E. Ang Relasyon ng Wika, Kultura, at Identidad Ang kultura ng bawat tao ay may tatak ng uring kinabibilangan niya at nakaiimpluwensiya sa kanyang pag- iisip at ikinikilos. Sa paglilinaw nina Amtalao at Lartec (2015), sa pag-aaral ng kalinangan ng bawat pook hindi maihihiwalay ang pag-aaral sa kultura at identidad. May natatanging katangian ang wika upang maitanghal ang isang natatanging kultura at identidad ng isang bayan. May kapangyarihan ang wika at may wika ang kapangyarihan (de Quiros, 1996). Bagamat makapangyarihan ang wika, nakasalalay rin sa tao ang kapalaran nito, sapagkat ang wika ay parang tubig. Ang hugis ng tubig ay kung ano ang hugis ng sisidlan (San Juan, 2012). pinterest.com Ang kultura, sa payak na kahulugan, ay ang sining, literatura, paniniwala, at kaugalian ng isang pangkat pinterest.com ng mga taong nananahanan sa isang pamayanan. pinterest.com Ayon kay Rubrico (2009), may dalawang uri ng kultura. Ang materyal na kultura at di-materyal na kultura. 1 2 3 KASANGKAPAN KASUOTAN KAGAMITAN 4 5 BAHAY PAGKAIN 1 2 3 KAUGALIAN TRADISYON PANITIKAN 4 5 6 MUSIKA SAYAW PANINIWALA 7 8 9 RELIHIYON PAMAHALAAN HANAPBUHAY YUNIT I F. Ang Lipunan at Kultura Ang kultura ay ang salamin ng lipunan at mabilis itong sumasabay sa pagbabago dahil sa globalisasyon. Nagsulputan ang mga gawaing may makabagong dulog at napalitan ang dating nakasanayan. Nakapaloob sa kulturang ito ang musika, panoorin, kasuotan, pagkain, inumin, at gadgets. MUSIKA: MUSIKA: awiting bayan gaya ng makabagong awitin tulad kundiman ng jazz, k-pop, rap, regae PANLASA/PAGKAIN: pagkain ng dayuhan gaya ng hotdog, pizza, milk tea, hamburger, french fries, chocolate milk tea, at iba pa WIKA/PANANALITA: jejemon, bekimon at iba pang balbal na salita na naiimbento sa kasalukuyan Sa isang pag-aaral ni Tylor (1990), na ama ng antropolohiya winika niya na “ang kultura ay isang kabuuang kompleks na may malawak na saklaw sapagkat kabilang dito ang kaalaman, paniniwala, sining, balyu, at kaugalian ng tao bilang miyembro ng isang lipunan.” Ayon kay Bakhtin, itinampok niya ang karnabal bilang isang pagtatanghal kung saan nakapaloob ang iba't ibang uri ng kultura. YUNIT I G. Ang Wika at ang Musika Ang pagkahumaling at pagtanggap ng mga Pilipino sa awiting novelty ay isang uri ng kultura na niyayakap bunsod ng kasikatan bunga nang malawakang pagtangkilik at adbertismo. Maliit ang tiyansa ng mga awiting may malalim na kahulugan sa panlasa ng mga Pilipino dahil ang mga awiting ini-ere sa mga istasyon ng radyo at tumatagos maging sa telebisyon, pelikula, at patalastas ay awiting may kakaibang tunog o liriko na may kabastusan o may "double meaning" upang makapagbigay lamang ng saya sa mga taga-konsumo. Ito ang awiting novelty. HALIMBAWA NG NOVELTY SONGS Otso Otso Totoy Bibo Jumbo Hot Spaghetti Bulaklak Bayani Vhong Dog Sexbomb Viva Agbayani Navarro Masculados Girls HotBabes Nagiging anestisya sa krisis ang kulturang popular.” -Enrico Torralba Ang novelty song bilang isang kulturang popular ay nagagamit ng mga Pilipino upang magsaya o maglibang nang panandalian ngunit sa likod nito ay pagtakip o pagtakas sa sitwasyon ng tunay na buhay. Dahil sa positibong hatid ng cultural industry sa mga kapitalista ay naging isang produkto ang musika na pinaghugutan ng kasikatan at kita. Napakayaman ng ating tradisyon sa musika hanggang sa kasalukuyan ay umiiinog pa ito upang magkaroon ng repleksyon sa patuloy na nagbabagong hilagyo ng mamamayan, lipunan, at kultura (Carandang, 2006). Dekada ‘70 Masdan mo ang Kapaligiran Asin Awiting bayan na may temang panlipunan at makabayan. Kagaya ng wika… kapag “nagsasalita” ang musika, “nakikinig” ang damdamin.