Isyung Pangpolitika: Migrasyon PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay isang presentasyon o lesson tungkol sa migrasyon, na partikular na tumutukoy sa mga dahilan kung bakit lumilipat ang mga Pilipino ng tirahan. Tinalakay ang mga konseptong tulad ng flow at stock ng migrasyon, pati na rin ang mga salik na pang-ekonomiya, panlipunan, at pangkapaligiran na nakaimpluwensiya sa desisyong lumipat ng mga Pilipino.

Full Transcript

# Isyung Pangpolitika: Migrasyon ## Migrasyon - Ito ay ang paglipat ng tao mula sa isang pook patungo sa ibang pook upang doon manirahan nang panandalian o pangmatagalan. - Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pa...

# Isyung Pangpolitika: Migrasyon ## Migrasyon - Ito ay ang paglipat ng tao mula sa isang pook patungo sa ibang pook upang doon manirahan nang panandalian o pangmatagalan. - Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente. - Ayon sa Commission on Filipinos Overseas, may tinatayang 8.6 milyong mga Pilipino noong 2009 ang nanirahan sa iba’t-ibang bansa. - Saloob naman ng Pilipinas, nakatatanggap ng pinakamaraming migranteg Pilipino ang malaking lungsod, lalo na sa Kalakhang Maynila. ## Ano ang mga dahilan kung bakit maraming Pilipino ang nangibang pook? - Hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang maghahatid ng masaganang pamumuhay - Paghahanap ng ligtas na tirahan - Panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nang naninirahan sa ibang bansa. - Pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman partikular sa mga bansang industriyalisado ## Alam mo ba na… - Ang ARMM ay isa sa mga pinakamahirap na rehiyon sa boung Pilipinas. - Ito rin ang nakakaranas ng maraming taong lumilipat ng tirahan upang makahanap ng panustos sa pang araw-araw na pangangailangan. ## Ilang Katotohanan Tungkol sa Migrasyon - Tinatayang 232 milyong katao ang nandayuhan sa buong mundo sa kabuuang 3.1 porsiyento ng populasyon sa buong mundo. - Ang 48 porsiyento ng mga imigrante ay kababaihan na halos dumadami pa para maghahanapbuhay. - Karamihan ng mga nandayuhan ay maghahanap ng trabaho. Mahigit pa sa 90 porsiyento ay mga manggagawa kasama ang kanilang mga pamilya. - Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinakamalaking bilang ng mga imigrante na lumabas ng kanilang bansa. - Tinatayang isa sa walong imigrante ay nasa edad 15-24. (HALAW SA ILO: International Labor Organization Facts and Figures) ## Mga Terminolohiya Sa pag-aaral ng migrasyon partikular ng International Migration ay mahalagang maunawaan ang ilang termino o salitang madalas gamitin sa disiplinang ito. Una na rito ay ang pagkakaiba ng flow at stockfigures. ## 1. Flow - Ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada taon. Madalas ditong gamitin ang mga salitang inflow, entries or immigration. - Kasama din dito ang bilang ng mga taong umalis o lumalabas ng bansa na madalas tukuyin bilang emigration, departures or outflows. - Kapag ibinawas ang bilang ng umalis sa bilang ng pumasok nakukuha ang tinatawag na net migration. ## 2. Stock - Ay ang bilang ng nandayuhan na naninirahan o nananatili sa bansang nilipatan. - Mahalaga ang flow sa pag-unawa sa trend o daloy ng paglipat o mobility ng mga tao habang ang stock naman ay makatutulong sa pagsusuri sa matagalang epekto ng migrasyon sa isang populasyon. ## Mga Salik na Nakaimpluwensya sa Migrasyon | ASPEKTO | SALIK NA TUMUTULAK | SALIK NA HUMIHILA | |---|---|---| | PANG - EKONOMIYA | Maaring maglipat-pook kung walang oportunida na makapaghanapbuhay ang isang tao sa kanyang tinitirahang pamayanan. | Maaring maakit ang isang tao na mas mataas na kita sa ibang lungsod o ibang bansa kaya siya maglilipat-pook. | | PANLIPUNAN | Laganap ang krimen sa lungsod na tinitirahan ng isang pamilya kaya nagpasya sila na lumipat sa ibang lungsod | Payapa at tahimik sa lalawigan kaya doon lumipat ng tirahan ang isang pamilya | | PANGKAPALIGIRAN | Maaring dahil sa madalas tamaan ng bagyo ang isang lugar kaya’t nagpasya ang isang pamilya na lumipat sa ibang lalawigan. | Maaring nagpasya ang isang pamilya na lumipat ng lalawigan dahil sa ganda ng tanawin at sariwang hangin. |

Use Quizgecko on...
Browser
Browser