Document Details

VigilantNovaculite7141

Uploaded by VigilantNovaculite7141

University of Santo Tomas

Tags

Ancient Greece Greek Civilization History Tagalog

Summary

Ang dokumento ay isang presentasyon tungkol sa kasaysayan ng Gresya, na naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga kontribusyong kultural, heograpiya, at relihiyosong aspeto. Kasama rin dito ang mga impormasyon tungkol sa mga Minoans at Mycenaeans. Ito ay nakatuon sa aspetong pang-edukasyon.

Full Transcript

# Ang Gresya ay Nakilala Dahil sa Iba't Ibang mga Bagay ## Mga Ambag ng Ancient Greece * Olympic Games * Olives * Demokrasya * Architecture ## Naging Masagana ang Greece Noong Unang Panahon Ngunit Ano ang Nangyari? # Araling Panlipunan 8: Kasaysayan ng Daigdig ## Klasikal na Kabihasnang Griyego...

# Ang Gresya ay Nakilala Dahil sa Iba't Ibang mga Bagay ## Mga Ambag ng Ancient Greece * Olympic Games * Olives * Demokrasya * Architecture ## Naging Masagana ang Greece Noong Unang Panahon Ngunit Ano ang Nangyari? # Araling Panlipunan 8: Kasaysayan ng Daigdig ## Klasikal na Kabihasnang Griyego Ma'am Patricia Ysabelle R. Cancio Guro sa Araling Panlipunan 8 # Krisis sa Ekonomiya ng Greece * Naghirap ang Greece dahil sa maraming taon ng labis na paggamit ng pera, mahinang patakaran sa pagpapahiram ng pera, at kakulangan ng mga polisiya at reporma. * Nagkaroon ang bansa ng malaking utang at hindi makabayad dito dahil sa kakulangan sa patakaran ng paggamit nito. * Kaugnay ng suliraning ito, nagkaroon ng mataas na antas ng unemployment sa bansa. # Tatlong Mahalagang Panahon | Panahon | Paglalarawan | | ----------- | ----------- | | Early civilizations | Ang mga Minoans (Crete) at Mycenae | | Panahong klasikal | Ang paglago ng sining, literatura, pilosopiya, at dominasyon ng Sparta at Athens | | Hellenistic Age | Imperyong Macedonia, at si Alexander the Great | ## Matatagpuan ang Greece sa Timog Silangan ng Europa at pinalilibutan ito ng kabundukan at tubig. # Heograpiya ng Greece ### Mga Hangganan ng Bansa * Silangan - Aegean Sea * Kanluran - Ionian Sea * Timog - Mediterranean Sea * Timog Silangan - Sea of Crete * Ang bansang ito ay may estratehikong lokasyon para sa kalakalan at pangingisda, kung kaya't mayroon itong mga daungan o look. * Ang heograpikal na komposisyon ng bansa ay mabundok kaya't malubak ang mga daan nito, at isa itong balakid sa mabilis na paglalakbay, paglaganap ng kaisipan, teknolohiya, at komunikasyon. # Heograpiya at Pamumuhay ng Tao * Dahil sa estratehikong lokasyon ng bansa, mahalaga ang karagatan sa pangingisda, bilang depensa nito sa mga mananakop, maging para sa kalakalan at pagsulong ng kultura nito sa mga Mediteranong komunidad. * Nabuo ang mga polis o ang mga independent city-states na mga teritoryong napaghihiwalay ng katubigan at mga bundok. Ang mga ito ay kadalasang walang maayos na komunikasyon at magkakatunggali bunsod ng isolationism. # Mga Kabihasnan ng Gresya ## Ang Mga Minoans ng Crete * Ito ang kauna-unahang kabihasnang umusbong sa Gresiya. * Tinatawag na Cretan ang mga mahuhusay na manlalayag at mga manggagalakal dito, na pinamunuan ni Haring Minos na anak ni Zeus at Europa. ## Ang Mga Minoans ng Crete * Ang Knossos ang maunlad na lungsod na naging sentro ng mga Minoan, na nasira kalaunan dahil sa lindol, pagkasunog, at pananalakay ng mga dayuhan. * Ang mga Minoan ay gumagamit ng bronze sa kanilang mga kasangkapan, at madalas na nakikipagkalakalan ito ng mga palayok, espada, figurines, at iba pang mga sisidlan. * Ang kanilang sistema ng pagsulat ay tinatawag na Linear A. ## Ang Mga Minoans ng Crete * Ang mga Minoans ay may mataas na antas ng kaalaman sa larangan ng arkitektura at inhenyeriya, kaya't marami silang naitayo na lungsod at mga palasyo. * Kapansin-pansin sa mga estruktura nila na walang bakod o anumang harang na pader sapagkat mapayapa ang pamumuhay ng mga pangkat ng tao. ## Ang Mga Minoans ng Crete * Sopistikado ang sining na mayroon ang mga Minoans. Karaniwang kilala ang disenyo ng fresco sa kanila. Ito ay ang sining ng pagpipinta sa mga plastered wall. * Ang mga fresco ay ang mga larawang mabilisan subalit bihasang naipipinta sa mga pader na basa ng plaster upang kumapit nang husto sa pader ang pigment ng mineral oxide. ## Ang Mga Minoans ng Crete * **Mga Trading Partner:** * Ehipto * Asia Minor * Syria * Cyprus * The Economic System: * Agricultural produce * Palace * Paying Craftsmen * Export * Feeding People * Paying for Imports ## Alamat ni Minos * Ayon sa alamat, nahulog ang loob ni Zeus kay Europa, isang magandang prinsesa. Kinuha niya ang anyo ng isang toro at pinasakay si Europa sa kanyang likuran patungong Crete. * Nagkaroon sila ng tatlong anak, isa roon ay si Haring Minos na nagtayo ng kanyang kaharian sa Knossos. ## Alamat ni Theseus * Ayon sa alamat, may taon sa Athens kung saan napipilitan silang magpadala ng mga babae at lalaking kabataan sa Crete bilang pagkain sa Minotaur na anak ng asawa ni Haring Minos. * Nakatira ito sa isang maze na tinatawag na labyrinth. * Ang anak ni Minos ay nahulog ang loob kay Theseus at tinulungan siyang mapatay ang Minotaur at makalabas nang buhay sa labyrinth. ## Ang Mga Minoans ng Crete * Tinanggap ng mga Minoan ang impluwensiya ng Egypt sa kanilang sining. Ilan sa mga ito ay ang paggamit ng double axe, figure of eight shield, at ang trident. ## Ang Pagbagsak ng mga Minoan * Walang nakakaalam ng tunay na dahilan ng pagbagsak ng Minoan. Ngunit ayon sa ilang teorya, dahil umano ito sa pagsabog ng bulkang Thera na may lakas ng 40 atomic bombs. Sinasabing naglabas ito ng nakalalasong usok, nagdulot ng tsunami, at nagbunsod ng pagbuo ng isla ng Santorini. ## Kabihasnang Mycenaean * Italy * Elea * Sicily * Syracuse * Black Sea * Adriatic Sea * Thrace * Macedonia * Pella * Mt. Olympus * Troy * Aegean Sea * Lesbos * Lydia * Delphi * Thebes * Corinth * Mycenae * Athens * Ionia * Ephesus * Miletus * Sparta * Peloponnesus * Mycenae * Crete * Knossos * Crete * Rhodes ## Kabihasnang Mycenaean * Si Haring Agamemnon ang pinakatanyag na hari ng Mycenae. * Pinahahalagahan niya ang mga ginto mula sa Ehipto sapagkat isa ito sa mga naging trading partners ng Mycenae, kabilang ang Sicily, Phoenicia, Asia Minor, at Mesopotamia. * Ang mga gumagawa ng mga gintong tasa, maskara, bulaklak, alahas at sandata ay tinatawag na mga Artisano. * Linear B ang tawag ng mga Mycenean sa kanilang sistema ng pagsulat. * Sa pakikipagkalakalan, nakuha nila ang paggamit ng barya mula sa mga Lydians. ## Kabihasnang Mycenaean * Ang mga Myceneans ang kilalang pumalit sa mga Minoans. Sila ay namuhay at umunlad sa mainland ng Gresya. * Ang Mycenae ang nangungunang lungsod nila na napalilibutan ng mga pader na umaabot sa kalap na 20 inches. Tinatawag ang ganitong arkitektura bilang citadel. ## Pagbagsak ng Mycenae * Sinasabing ang Mycenae ay bumagsak dahil sa matinding klima na nagdulot ng tagtuyot sa bansa. * Isa pang dahilan ng pagbagsak nito ay ang pagdating ng nomadikong tribo ng mga mandirigma na tinatawag na mga Dorian. ## Pagbagsak ng Mycenae * Kaunti lamang ang naitala sa kasaysayan ng dark ages o pagbagsak ng Mycenae. Tinatayang nasa 500 taon ang walang naisulat na mga tala. * Dito naglaho ang paggamit ng Linear B bilang kanilang sistema ng pagsusulat. ## Panahong Homeriko * Si Homer ay isang kilalang manunulat mula sa Gresiya at tanyag siya dahil sa kanyang mga akda gaya ng Iliad. * Ang akda na ito ay tumutukoy sa paglalakbay ng mga Griyego patungo sa Troy at ang alitan o labanan sa pagitan ng dalawang pangkat na ito. ## Ang Trojan War * Ito ay ang alitan sa pagitan ng tatlong diyosang sina Hera, Athena, at Aphrodite sa kung sino ang tunay na pinakamaganda. * Si Paris, ang prinsipe ng Troy, ang magdedesisyon. Upang manalo, pinainan siya ni Aphrodite at sinabing kapag siya ang nanalo, mapapasakanya ang pinakamagandang babae. * Nakuha ni Aphrodite ang apple of discord, at nakuha ni Paris ang asawa ni Haring Menelaus na si Helen. ## Ang Trojan War * Sa pagkahiya sa pagkawala ng kanyang asawa, hiningi ni Haring Menelaus ang tulong ni Haring Agamemnon upang maibalik si Helen sa kanya. * Sa kanilang pagdating sa Troy, nahirapan silang makapasok dahil sa kapal ng pader na pumapaligid dito, kaya’t naisipan nilang mag-iwan ng kabayo na gawa sa kahoy. * Sa pag-aakalang ito ay regalo, ipinasok ng mga taga-Troy ang kabayo at nagsaya. * Sa kanilang pagtuloy ay sinalakay sila ng mga Griyego at ginawang mga alipin. ## Panahong Homeriko * Isa pa sa mga akda ni Homer ay ang Odyssey na tumatalakay sa pagbabalik ni Haring Odysseus pabalik sa Greece. * Ito ay tungkol sa sampung taon na paglalakbay na puno ng iba't ibang kuwento ng kababalaghan at pagpupunyagi. * Nakauwi rin si Odysseus upang hindi maikasal sa iba ang kanyang asawa. # Relihiyon ng Greece * Ang mga Greko ay kilala sa pagkakaroon ng polytheistic na relihiyon. Marami silang sinasamba na mga diyos at diyosa na may katangian din ng mga tao. # Greek Mythology * Ang mitolohiya ay nagpapaliwanag ng pinagmulan ng tao at ng kanyang mundo. * Kinikiliti ang imahinasyon ng taong maraming katanungan. * Nagpapakita ito ng awtoridad at legitimacy, maging ang pagbibigay aliw. # Greek Mythology * Sinasabing ang mga diyos at diyosa ng mga Griyego ay nakatira sa Mt. Olympus. # Zeus * Siya ang pangunahing diyos at pinuno ng Mt. Olympus. * Siya ang diyos ng kalangitan, kidlat, at hustisya. * Si Zeus ang tinaguriang god of all gods at ang diyos ng kaayusan at kapalaran. * Kilala rin si Zeus sa katangian niyang pagiging babaero at pagkakaroon ng mainitin na ulo. * Ang simbolo na iniuugnay kay Zeus ay ang eagle at bull. # Hera * Si Hera ang kilalang reyna ng mga diyos at ng langit. * Siya ang Diyosa ng kababaihan, kasal, at diyosa para sa mga nanay. * Ilan sa mga kilalang katangian ni Hera ay ang pagiging selosa at mapaghiganti. * Ang simbolo na iniuugnay sa kanya ay ang peacock. # Hades * Si Hades ang kilalang diyos ng impiyerno at ng kamayatan. * Siya ang asawa ni Persephone at may alaga siya na cerberus o aso na may tatlong ulo. # Poseidon * Si Poseidon ang diyos ng karagatan, lindol, bagyo, at tagtuyot. * Sa ilang pagsasalarawan sa kanya, siya ay makikitang nakasakay sa kabayo o kung minsan ay dolphin. * Ang simbolo ni Poseidon ay ang trident. # Aphrodite * Si Aphrodite ang diyosa ng pa-ibig, kagandahan, pagnanasa (desire), at fertility. * Sinasabing si Aphrodite ay nagmula sa sea foam. * Ang simbolo ni Aphrodite ay ang mansanas at kalapati. # Apollo * Si Apollo ang Diyos ng Araw, liwanag, pagpapagaling, musika, tula, propesiya, archery, at katotohanan. * Nakikita niya ang kinabukasan. * Oracle of Delphi - nagbibigay ng propesiya # Athena * Siya ang Diyosa ng Katalinuhan, Digmaan, at Handicrafts * Siya ay nagmula sa sumasakit na ulo ni Zeus. * Ang simbolo na kumakatawan sa kaniya ay ang kuwago. # Ares * Si Ares ang diyos ng digmaan, pagkagalit, dahas o violence, at pagdanak ng dugo (blood lust) * Ang simbolong kumakatawan sa kanya ay ang vulture at makamandag na ahas. # Demeter * Siya ang Diyosa ng fertility, agrikultura, kapaligiran, at mga panahon. * Siya ang ina ni Persephone. # Artemis * Diyosa ng pangangaso, ng mga dalaga, at ng buwan # Hermes * Kilala siya bilang diyos na mabilis kumilos. * Siya ang mensahero ng mga diyos. # Hephaestus * Siya ang panday ng mga diyos, diyos ng apoy, at asawa ni Aphrodite. # Dionysus * Diyos ng alak at kasiyahan # Hestia * Diyosa ng tahanan * Kilala bilang Goddess of hearth # Eros * Anak ni Aphrodite * Siya ang Diyos ng pag-ibig at pagnanasa # Eris * Diyosa ng kaguluhan * Siya ang may kasalanan ng Trojan War # Morpheus * Diyos ng panaginip at pagtulog # Nemesis * Diyosa ng paghihiganti # Prometheus Bound * Si Prometheus ay isang titan na pinarusahan dahil sa pagbibigay niya ng apoy sa mga mortal na tao. * Bilang parusa siya ay iginapos kung saan araw-araw siyang pinupuntahan ng isang malaking ibon na araw-araw ring kumakain sa kanyang atay. * Matapos nitong kainin ang kanyang atay, ito ay muling babalik sa dati at mauulit muli ang pagkain kinabukasan.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser