Mga Sitwasyong Pangwika (Tagalog) PDF

Summary

Ang handout na ito ay nagpapaliwanag ng iba't ibang sitwasyon ng wikang Filipino sa modernong panahon, partikular sa telebisyon, radyo, diyaryo, pelikula, at iba pang anyo ng kulturang popular. Tinalakay din ang mga konsepto at kasanayan sa komunikasyon, tulad ng kakayahang pangkomunikatibo at gramatika.

Full Transcript

**ARALIN 1: MGA SITWASYONG PANGWIKA** **[SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON]** - **Telebisyon** - ay tinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang naaabot nito. - Sa paglaganap ng **cable o satellite connection** ay lalong dumami ang manonood...

**ARALIN 1: MGA SITWASYONG PANGWIKA** **[SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON]** - **Telebisyon** - ay tinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang naaabot nito. - Sa paglaganap ng **cable o satellite connection** ay lalong dumami ang manonood ng telebisyon saan mang sulok ng bansa sapagkat nararating na nito maging ang malalayong pulo ng bansa at maging Pilipino sa ibang bansa. - Ang magandang balita, **wikang Filipino** ang nangungunang midyum sa telebisyon sa ating bansa. **[SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AT DIYARYO]** - **Radyo** - Filipino rin ang nangungunang wika sa radio. - May mga programa rin sa FM tulad ng Morning Rush na gumagamit ng Wikang Ingles sa pagbo-broadcast subalit nakakarami pa rin ang gumagamit ng Filipino. - **Diyaryo** - ay wikang Ingles ang mga ginagamit sa mga broadsheet at wikang Filipino sa mga tabloid maliban sa People's Journal at Tempo na nakasulat din sa wikang Ingles. - **Tabloid** ang mas binibili sa masa o mga karaniwang tao. **[SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA]** - Ang wikang ginagamit sa Pelikula ay Filipino, Taglish, at iba pang barayti ng wika. - **Tiongson --** ayon sa kanya, maraming babasahin at palabas sa Filipino, ang tila nangingibabaw sa layunin ay mang-aliw, manlibang, lumikha ng ugong at ingay ng kasayahan. **[SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR\ ]** - **FlipTop** - Ito ay pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap. Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang mga bersong nira-rap ay magkakatugma. - **Pick-up Lines** - ay makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas maiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay. ***Halimbawa:**\ *Ampalaya ka ba? -- Kasi kahit anong pait ang nararanasan ko, ikaw pa rin kasi ang SUSTANSYA ng buhay ko! - **Hugot Lines** - ay tinatawag ding love lines o love quotes ay isa pang patunay na ang wika nga ay malikhain. **Halimbawa:** Ang crush ay parang math problem, kung hindi mo makuha, titigan mo nalang.\ \ **ARALIN 2: KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO (KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO O GRAMATIKAL)\ \ [KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO]** - Sa pagtatamo ng kakayahang pangkomunikatibo, kailangang pantay na isaalang-alang ang pagtatalakay sa mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian (gramatika) ng wikang ginagamit sa teksto. **[DELL HYMES\ ]**-  ipinakilala nya ang konseptong kakayahang pangkomunikatibo o *communicative compentence* na nakaapekto nang malaki sa mundo ng lingguwistika.\ \ **[KAKAYAHANG GRAMATIKAL]** - ay pag-unawa at paggamit sa kasanayang ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang mga tuntuning pang-ortograpiya. - **PONOLOHIYA** - \- Makaagham na pag-aaral ng maliit na yunit ng tunog. - **Ponema --** pinakamaliit na yunit ng tunog. - **SEGMENTAL --** tumutukoy sa makabuluhang tunog na nangangahulugan na maaring makapagpabago ng kahulugan ng salita.\ \ 1. **Klaster -** binubuo ng dalawang magkaibang katinig sa isang pantig. **HAL.** Pluto Globo Traysikel Tayp 2\. **Pares Minimal --** mga salitang halos magkatunog subalit magkaiba ang kahulugan. **HAL.** Pala- Bala Titik -- Titig\ \ 3. **Diptonggo -** salitang nagtatapos sa patinig (a,e,i,o,u) at malapatinig na /w/ at /y/ na magkasama sa isang pantig.\ **HAL.** Bahay Apoy Awtoridad\ \ 4. **Digrapo --** binubuo ng letrang NG.\ **HAL.** ngipin bango langit - **SUPRA-SEGMENTAL -** Yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. 1. **Diin** **HAL. HA**pon ( Afternoon ) ha**PON** ( Japanese ) 2. **Tono o Intonasyon** **HAL.** Talaga? ( TANONG ) Talaga. ( PAHAYAG ) 3. **Haba** **HAL.** Magnana.kaw (TAO) Mag.na.na.kaw ( GAGAWIN ) 4. **Hinto o Antala** **HAL.** Hindi ako ang salarin. Hindi, ako ang salarin. - **MORPOLOHIYA** - Makaagham na pag-aaral ng maliit na yunit ng salita. - **Morpema -** maliit na yunit ng salita. - **Asimilasyong di -- ganap -** Walang pagbabagong naganap sa anyo ng salita sa transpormasyon ng ponemang (ng) sa posisyon ng panlapi. - **Asimilasyong ganap -**kapag ang unang ponemang inuunlapian ay naasimilang ganap na tunog ng panlapi. - **Pag-uulit na di -- ganap -** ang tawag kapag ang inuulit lamang ay ang unang pantig ng salitang-ugat. - **Pag-uulit na ganap -** ang tawag kapag inuulit ang salitang-ugat. - **SINTAKS** **Ayos ng pangungusap:** 1. **Karaniwan -** kung nauuna ang panaguri kaysa sa simuno. 2. **Di -- Karaniwan-** kung nauuna ang simuno bago ang panaguri. - **SIMUNO --** paksa sa pangungusap. - **PANAGURI -** ang nagbibigay kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. - **SEMANTIKS -** - **KONOTASYON --** malalalim ang pagpapakahulugan. - **DENOTASYON --** literal ang pagpapakahulugan. **ARALIN 3: KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBONG MGA PILIPINO: KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIKO\ ** - **DELL HYMES --** siya ang linggwistang gumamit ng acronym na "SPEAKING'' upang isa-isahin ang mga dapat isaalang-alang upang magkaroon ng mabisang pakikipagtalastasan. **S - (SETTING) --** Ang lugar o pook kung saan nag-uusap o nakikipagtalastasan ang mga ito. **P -- (PARTICIPANT) --** Ang mga taong nakikipagtalastasan.\ **E -- (ENDS) --** Mga layunin o pakay ng pakikipagtalastasan. **A -- (ACT SEQUENCE) --** Ang takbo ng usapan. **K -- (KEYS) --**Tono ng pakikipag-usap.\ **I -- (INSTRUMENTALITIES)** -- Tsanel o midyum na ginagamit, pasalita o pasulat. **N -- (NORMS)** -- Paksa ng usapan. **G -- (GENRE) --** Diskurso ng ginagamit, kung nagsasalaysay, nakikipagtalo, o nangangatwiran. - **KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIKO** - Pagbibigay pansin sa kung ano ang angkop na gamiting wika na naka depende sa iba't ibang konteksto. **ARALIN 4: KAKAYAHANG PRAGMATIK AT ESTRATEDYIK** - **Verbal** - ang tawag sa komunikasyon kapag ito ay ginagamitan ng wika o salita at mga titik. - **Di - verbal** - kapag hindi ito gumagamit ng salita bagkus ginagamitan ito ng mga kilos o galaw ng katawan. **ANYO NG DI-VERBAL NA KOMUNIKASYON** 1. **Kinesika (Kinesics) -** Ito ang pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. - **Ekspresyon ng mukha (pictics)** -- Ito ang pag-aaral sa ekspresyon ng mukha upang maunawaan ang mensahe ng tagapaghatid. - **Galaw ng mata (Oculesics)** - Ito ay pag-aaral ng galaw ng mata. - **Vocalics** -- Ito ang pag-aaral ng mga di lingguwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita. - **Pandama o paghawak ( Haptics)** -- Ito ay pag-aaral sa mga paghawak o pandama na naghahatid ng mensahe. 2. **Proksemika (Proxemics)** -- Ito ay pag-aaral ng komunikasyon gamit ng espasyo, Ito ay tumutukoy sa layo ng kausap sa kinakausap. 3. **Chronemics** -- Ito ay pag-aaral na tumutukoy kung paanong ang oras ay nakaapekto sa komunikasyon. - **Kakayahang Istratedyik -** Isa pang kakayahang pangkomunikatibo na dapat taglay ng isang mahusay na komyunikeytor. **ARALIN 5: KAKAYAHANG DISKORSAL** - **Diskorsal** - Saklaw nito ang pagkakaugnay ng serye ng mga salita o pangungusap na bumubuo ng isang makabuluhang teksto. **ANIM NA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA NG KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO (CANARY AT CODY (2000)** 1. **Pakikibagay (Adaptability)** - Kayang magbago ng pag-uugali at layunin upang maisakatuparan ang pakikipagugnayan. 2. **Paglahok sa Pag-uusap (Conversational Involvement)** - Kaya ng isang taong gumamit ng kaalaman tungkol sa kahit anong paksa na nakikisalamuha sa iba. 3. **Pamamahala sa Pag-uusap (Conversational Management)** - Kaya ng isang taong pamahalaan ang paguusap. 4. **Pagkapukaw-damdamin (Empathy)** - Kakayahang ilagay ang damdamin sa katauhan ng ibang tao. 5. **Bisa (Effectiveness)** - May kakayahan ang isang taong mag-isip kung epektibo at nauunawaan ang kanyang pakikipag-usap. 6\. **Kaangkupan (Appropriateness)** - May kakayahan ang isang taong iangkop ang kanyang wika sa sitwasyon, lugar ng pinangyayarihan ng usapan at taong kausap - **ARALIN 6: INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO\ \ MGA HAKBANG SA PAGBUO NG PANANALIKSIK** 1. **Pagpili ng Mabuting Paksa** - Ang unang hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay ang masusing pag-unawa sa paksa at mga kaugnay na gawaing ibibigay ng guro. - Nararapat na ang paksa ay pinag-isipang mabuti at dumaan sa isang maingat na pagsusuri upang matiyak na makabubuo ng isang makabuluhang sulatin. 2. **Pagbuo ng Pahayag ng Tesis (Thesis Statement)** - Ito ang pahayag na magsasaad ng posisyong sasagutin o patutunayan ng iyong bubuoing pananaliksik, dito inilalahad ang pangunahing ideya ng paksa. 3. **Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya** - Kakailanganin mong bumisita sa mga aklatan upang mangalap ng iyong mga sanggunian, maaaring mula sa internet, mga aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin, web site, at iba pang nalathalang materyal na ginamit. 4. **Paghahanda ng Tentatibong Balangkas** - Ito ay nagbibigay direksiyon sa pagsasaayos ng iyong mga ideya at pagtukoy kung ano-anong materyal pa ang kailangang hanapin. **5. Pangangalap ng Tala o Note Taking** \- magtala ng mahahalagang impormasyong magagamit sa susulatin. Gumamit ng index card na paglalaanan ng mga tala.\ \ 6. **Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline** **-** Dito na susuriing mabuti ang inihandang tentatibong balangkas upang matiyak kung may mga bagay pang kailangang baguhin o ayusin. 7. **Pagsulat ng Burador o Rough Draft** - ang isang sulating pananaliksik ay dapat magkaroon ng **introduksiyon** na kababasahan ng mga ideyang matatagpuan sa kabuoan ng sulatin, ang **katawan** na kababasahan ng pinalawig o nalamnan ng bahagi ng iyong balangkas, at ang iyong **kongklusyon** na siyang nagsasaad ng buod ng iyong natuklasan sa pananaliksik. 8. **Pagwawasto at Pagrebisa ng Burador** - l-proofread o basahing mabuti at iwasto ang mga bagay na kailangang iwasto sa iyong burador. - **Pinal na Bibliograpiya -** Pinal na pagpapangkat-pangkat ng mga ginamit na sangunian gamit ang iba't ibang estilo ng pagsulat nito. 9. **Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik** - Pagkatapos pagdaanan at isagawa nang mabuti ang naunang walong hakbang, ngayon ay nakatitiyak ka na ng isang mainam na sulating pananaliksik. I-type na ito gamit ang pormat na ibinigay ng iyong guro. **\ **

Use Quizgecko on...
Browser
Browser