GCAS 10 Aralin Pakikinig Midterm PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
- Business Communication Skills - Listening and Types of Listening PDF
- FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO Modyul 5: Pakikinig at Pagsasalita PDF
- Unit 4 Listening Skills PDF
- Filipino 11 Q2 W2 M4 Kakayahang Lingguwistiko
- Listening and Non-Verbal Skills Communication PDF
- Listening and Non-Verbal skills communication Handouts PDF
Summary
This document appears to be an educational material on listening skills, covering various aspects including the definition, process, and levels of listening in Filipino. It discusses hearing vs. listening, different types of listening, and factors that influence listening comprehension. It may be a study guide or a lesson plan.
Full Transcript
**[GCAS 10 Aralin Pakikinig Midterm]** **[Kahulugan at Kahalagahan]** Malaki ang pagkakaiba ng *hearing* and *listening* sa wikang Ingles. Ang hearing ay limitado lamang sa pagtanggap ng pandinig sa mga tunog, samantalang ang listening ay kinapapalooban din ng pagkilala sa mga tunog, pag-alala sa...
**[GCAS 10 Aralin Pakikinig Midterm]** **[Kahulugan at Kahalagahan]** Malaki ang pagkakaiba ng *hearing* and *listening* sa wikang Ingles. Ang hearing ay limitado lamang sa pagtanggap ng pandinig sa mga tunog, samantalang ang listening ay kinapapalooban din ng pagkilala sa mga tunog, pag-alala sa naririnig at pagbibigay-kahulugan o pag-iinterpret sa tunog na narinig. Sa wikang Filipino, walang magkaibang katawagang ipinanunumbas sa *hearing* at *listening*. Pakikinig lamang ang itinutumbas natin sa dalawa. Magkagayon man, sa kabanatang ito, ang katawagang pakikinig na tatalakayin ay iyong katumbas ng listening. Ang pakikinig, kung gayon, ay isa makrong kasanayang pangkomunikasyon na kinasasangkutan ng sensoring pandinig at pag-iisip. Hindi lamang tainga ang gumagana sa pakikinig. Matapos matanggap ng tainga ang isang tunog, agad na ipinadadala ng mga *auditory nerves* ang signal ng tunog na iyon sa ating utak. Lalapatan ng ating utak ang signal na iyon ng kahulugan o interpretasyon at kanya iyong tatandaan o aalalahanin. Sa madaling salita, ang pakikinig ay kumbinasyon ng pandinig, ng pagpapakahulugan at ng pag-alala. **[Proseso at Antas]** Ang pakikinig ay isang kompleks na proseso. Magkagayon man, sa kabanatang ito ay tatalakayin ang prosesong ito sa payak na paraan. Ang proseso ng pakikinig ay nahahati sa iba t ibang yugto ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga ito. Ang unang yugto ay ang ***resepsyon*** o pagdinig sa tunog. Ano ang nangyayari sa yugtong ito\' Ika nga, maipipikit mo ang iyong mga mata ngunit hindi mo maisasara ang iyong tainga. Lagi itong bukas sa mga tunog na nagsisilbing *stimuli*. Ang mga *wave stimuli* na iyon ay nagdaraan sa auditory nerves patungo sa utak. Ang eksaktong proseso ng mga pangyayari sa prosesong ito ay di-hamak na mas komplikado pa kaysa sa inilahad sa simpleng paglalarawang ito. Ngunit para sa layunin ng pagtalakay sa kabanatang ito, mahalaga nang malaman na ang pagdinig sa tunog ay unang yugto pa lamang sa proseso ng pakikinig. Ang ikalawang yugto ay ang ***rekognisyon*** o pagkilala sa tunog. Ito mang yugtong ito ay isang komplikadong proseso. Bakit! Paano nangyayari ito? Kahit naririnig pa lamang natin ang tunog, gumagana ang ating isip. Maaaring iniuugnay agad natin ang tunog sa mga tao sa bagay-bagay. Ang ikatlong yugto ay ang ***pagbibigay-kahulugan sa tunog*** na narinig at nakilala. Ang yugtong ito ay nakabatay sa dalawang naunang yugto at kung gayo\'y mahigpit na nauugnay sa dalawa. Ngunit ang pagbibigay-kahulugan sa tunog ay higit na diskriminatib na yugto. Halimbawa, kapag narinig ng isang ina ang isang uha at nakilala niyang iyo\'y mula sa kanyang sanggol na nasa silid, maaari siyang mataranta o hindi sa pagpunta sa silid ng bata. Tatantyahin pa kasi niya kung ano ang kahulugan ng uhang iyon. Nagugutom kaya ang bata? Basa kaya ang lampin niya? Bigla lamang kaya siyang nagising! Nakagat ng insekto kaya? Nasaktan? Natakot? Sa paraan ng pag-uha ng bata, sa lakas niyon, sa timbre ng uha o maging sa himig ng uha ay maaari niyang mahaka ang kahulugan ng uha ng kanyang sanggol. Sa madaling salita, may iba pang palatandaan o pantulong sa pagbibigay- kahulugan ng tunog maliban sa tunog mismo. Ang pakikinig ay mayroon ding mga antas o lebel. Ang mga ito ay ang sumusunod: 1. ***[Appreciative na Pakikinig]*** Gamitin ito sa pakikinig upang maaliw. Mahusay na halimbawa nito ang pakikinig ng mga awit sa radyo o konsyerto. 2. ***[Pakikinig na Diskriminatori]*** Kritikal na pakikinig ito. Ginagamit ito para sa organisasyon at analisis ng mga datos na napakinggan. Sa antas na ito, inuunawa at inaalala ng tagapakinig ang mga impormasyong kanyang napakinggan. 3. ***[Mapanuring Pakikinig]*** Ebalweytib o selektib ang pakikinig na ito. Mahalaga rito ang konsentrasyon sa napakinggan. Bukod sa pag-unawa ng napakinggan, ang tagapakinig ay bumubuo ng mga konsepto at gumagawa ng mga pagpapasya ng balyu sa antas na ito. 4. ***[Implayd na Pakikinig]*** Sa antas na ito, tinutuklas ng isang tagapakinig ang mga mensaheng nakatago sa likod ng mga salitang naririnig. Ang hindi sinasabi nang tuwiran ay inaalam ng tagapakinig sa lebel na ito. 5. ***[Internal na Pakikinig]*** Pakikinig ito sa sarili. Ang pinagtutuunan ng pansin sa lebel na ito ay ang mga pribadong kaisipan ng isang indibidwal na pilit niyang inuunawa at sinusuri sa antas na ito. **[Mga Elementong Nakaiimpluwensya at mga Sagabal]** Upang maging isang epektib na tagapakinig o kung nais nating maging epektib ang ating tagapakinig, kailangan nating isaalangalang ang ilang elementong nakaiimpluwensya sa proseso ng pakikinig. Ang maingat at matalinong pagsasaalang-alang sa mga ito ay karaniwang humahantong sa epektib na komunikasyon; samantalang ang pagwawalang-bahala naman sa mga ito ay karaniwang nagbubunga ng miskomunikasyon. Anu-ano ang mga elementong ito! Paano ang mga ito\'y nakaiimpluwensya sa pakikinig\' a. ***[Oras]*** Sadyang may oras na ang ating pandinig ay handang handing makinig, ngunit may oras ding kulang iyon sa kahandaan o di kaya\'y ganap na walang kahandaan. Subukin mong kausapin ang isang taong bagong gising pa lamang sa umaga, mabilis kaya niyang mauunawaan ang iyong sinasabi! Paano kung isang hatinggabi ay nakikipagusap ka sa kapatid mong inaantok na\' Maipopokus pa kaya niya ang kanyang atensyon sa iyo. Tawagan mo ang kaibigan mo sa madaling-araw at ibilin mo ang mga kinakailangan niyang dalhin sa inyong klase? Madadala kaya niya ang lahat ng iyon! Ano ang nararamdaman ng mga mag-aaral sa klase nila pagkatapos ng oras ng pananghalian! Ganap pa ba ang pagkatuto nila ng kanilang mga liksyon sa oras na iyon? b. ***[Channel ]*** Madalas, ang daluyan ng tunog ay nagiging sagabal sa pakikinig. Kapag ika\'y nakikipag-usap sa telepono o radyo, nagiging malabo ang pagkakarinig mo sa mga ilang salita minsan, hindi ba\' Ang pakikipag usap nang harapan ay hindi katulad ng pakikipagusap sa cellular phone. Alin sa dalawa ang mas madaling makinig sa kausap? Kung gayon, kung nais ng isang taong maging malinaw ang pagdinig sa kanyang mensahe, naga-adjust siya depende sa kung ano ang channel na gamit niya. Ikaw, paano mo magagawang malinaw ang pagkarinig sa iyong mensahe ng iyong kausap a) nang harapan, b) nang malayuan c) nang malapitan, d) sa telepono, e) sa radyo, f) sa cellphone at g) kung gagamit ka ng mikropono? c. ***[Edad]*** Iba\'t iba ang antas ng kasanayan sa pakikinig ng bawat tao. Isang batayan ng pagkakaiba-iba ng antas ng kanilang kasanayan ay ang edad. Karaniwang mahina pa ang kakayahan ng mga bata sa pagbibigay. kahulugan ng narinig samantalang karaniwang humihina na ang pandinig ng mga matatanda. Kung gayon, kailangan mong maging maingat sa pagpili ng salitang gagamitin at kailangang bagalan mo nang kaunti ang iyong pananalita kung nais mong maging malinaw sa isang bata ang pagdinig ng isang mensahe. Madalas naman ay kinakailangang mong lakasan at bagalan ang pagsasalita kung nais mong maging malinaw ang pagdinig ng isang matanda sa iyong mensahe. d. ***[Kasarian]*** Paanong ang kasarian ay nakaiimpluwensya sa proseso ng pakikinig May mga tao kasing higit na nakikinig sa babae kung paanong may iba namang sa lalaki. Kung ano ang preperensya nila, malamang na higit na magiging epektib ang pakikinig nila kung ang nagsasalita ay ang kasariang higit nilang *preferred*. Madalas din, kapag babae ang nagsasalita ay nagiging mapalabok siya. Maaari iyong makatulong sa epektib na pakikinig ng ibang tao samantalang sa ilan ay sagabal ang palabok ng pananalita ng isang babae. Karaniwan namang maikli at tuwiran kung magsalita ang mga lalaki. Para sa iba, nakakatulong iyon sa kanilang epektib na pakikinig ngunit para naman sa ilan ay nagiging suliranin iyon. e. ***[Kultura]*** Hindi maihihiwalay ang kultura sa pakikinig. Sa pagbibigay kahulugan sa mga tunog na naririnig, ang isang tao ay laging naiimpluwensyahan ng kulturang kanyang kinamihasnan at kinalakhan. Kapag narinig ng isang Pilipino, halimbawa, ang maingay na pagnguya ng isang kostumer sa isang restawran, maaari niyang ipalagay iyong kabastusan o kawalan ng modo ng kostumer. Ngunit para sa Intsik na mayari ng restawran, ipinapalagay niya ang ingay sa pagnguya ng kanyang kustomer bilang pagpapahalaga sa sarap ng nakahaing pagkain. Bakit nagkaiba ang Pilipino at Intsik ng pagpapakahulugan sa tunog na narinig nila! Ang sagot, magkaiba kasi ang kanilang kultura. f. ***[Konsepto sa Sarili]*** Ang konsepto sa sarili ng iba\'t ibang tao ay maaari ring makaimpluwensya sa proseso ng komunikasyon. lba-iba ang konsepto sa sarili ng bawat tao. Kung gayon, maaari ring magkaiba-iba ang pagpapakahulugan nila sa mga tunog na naririnig nila. Pansinin ang naging tugon ng dalawang babae sa sinasabi ng kani-kanilang asawa: Lalaki: *Ang bango mo ngayon ha..* Babae: *Talaga? Salamat naman at napansin mo.* Tagpo 2: Lalaki: *Ang bango mo ngayon ha..* Babae: *Ang ibig mong sabihin ngayon lang ako mabango?* Ano ang konsepto o pananaw ng unang babae sa kanyang sarili? Gayon din ba ang konsepto o pananaw ng ikalawang babae sa kanyang sarili? Paano nakaimpluwensya ang kanilang konsepto sa pagpapakahulugan nila sa mensaheng kanilang narinig? Samantala, may mga salik din na maaaring magsilbing mga sagabal sa pakikinig. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod. 1. ***[Mga Suliraning Eksternal ]*** 2. ***[Mga Suliraning Mental]*** Ilang halimbawa nito ay ang preokupasyon o pag-iisip ng ibang bagay tulad ng mga problema o pangangarap nang gising. Maikakategorya rin sa ilalim nito ang pananakit ng ulo at kakulangan ng pag-iisip. 3. ***[Iba pang mga Tanging Salik]*** May iba pang ispesyal na salik na maaaring maging sagabal sa pakikinig. Iba-iba ang uri nito kaya isasailalim na lamang natin ang mga ito sa tanging kategoryang ito. Ilan sa mga ito ay ang labis na pagiging mahirap o kompleks ng isang konsepto, o labis na kadalian niyon na maaaring kawalan ng interes ng tagapakinig, lubos na magkasalungat na opinyon ng nagsasalita at tagapakinig at distraksyong biswal tulad ng *mannerisms* at ang anyo ng nagsasalita. **[Paano Magiging Epektibong Tagapakinig]** Lahat ng tao ay kailangang mapakinggan, kung paanong lahat din ng tao ay kailangang makapagpahayag ng sarili. Ang epektib na pakikinig ay hindi likas sa tao. Ito ay isang gawain, isang kasanayang nalilinang. Kailangang linangin ng bawat tao ang kanyang kasanayan sa pakikinig upang ang lahat magkaroon ng epektib na komunikasyon. Ngunit paano ito maisasakatuparan? Narito ang ilang mungkahi: a. **[Pakinggan hindi lamang ang mga salita kundi maging ang mga kahulugan. ]** b. **[Tulungan ang kausap na linawin ang kanyang mensahe. ]** c. **[Ipagpaliban hanggat maaari ang iyong mga paghuhusga.]** d. **[Kontrolin ang mga tagong emosyunal sa naririnig. ]** e. **[Pagtuunan ang mensahe. ]** f. **[Patapusin ang kausap.]**