G8 Aralin 1 3rd GP PDF
Document Details
![AttentiveMars](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-13.webp)
Uploaded by AttentiveMars
Vel Maris School
Tags
Related
- 21st Century Literature From The Philippines and The World PDF
- 21st Century Literature from the Philippines and the World PDF
- 21st Century Literature 1st Quarter Reviewer PDF
- Philippine Postcolonial Period & Contemporary Times Lesson 5 PDF
- SECOND-GRADING-FIL-8-ARALIN-1
- Dark Hours PDF by Conchitina Cruz
Summary
This document discusses various aspects of contemporary Filipino literature, including its relation to popular culture and the use of social media. It examines popular forms of media such as newspapers, comics, and magazines. It also touches upon regional variations and slang.
Full Transcript
IKATLONG MARKAHAN Kontemporaryong Panitikan.. Tungo sa Kultura at Panitikang Popular Kontemporaryo Galing ito sa salitang Medieval Latin na “comtemporarius“. Ang ibig sabihin ng "con" - "together with"(pinagsama) at ang "tempus, tempor" ay - "time" (oras) Kontemporaryo...
IKATLONG MARKAHAN Kontemporaryong Panitikan.. Tungo sa Kultura at Panitikang Popular Kontemporaryo Galing ito sa salitang Medieval Latin na “comtemporarius“. Ang ibig sabihin ng "con" - "together with"(pinagsama) at ang "tempus, tempor" ay - "time" (oras) Kontemporaryo Ang ibig sabihin ng kontemporary ay kasalukuyan, at/o nabubuhay. Maaari ring nangangahulugang moderno, uso, at/o napapanahon Sa kontemporaryong panahon, ang mundo ay nakaranas ng pag-unlad sa teknolohiya at mga kompyuter. Ito rin ang panahon ng pagkakaroon ng internet. Panitikan Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin na littera na nangunguhulugang titik. Panitikang Popular Ang mga panitikang popular ay ang mga panitikan na gumagamit ng mga paksa at kontemporaryong mga bagay mula sa kulturang popular ang pagpatuloy ng Tradisyon sa panitikan sa kabila ng modernisasyon sa pamamagitan ng pagpasok ng teknolohiya. Aralin 1: Mga Dapat Ipabatid sa mga Social Media User Mga Popular na Babasahin Mga Salitang ginagamit sa impormal na Komunikasyon 1. Epekto ng social media a. Sistema mg pakikipag-ugnayan sa mga tao kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at ng mga ideya sa isang virtual na komunidad at network b. Mga apps na ginagamit natin upang makapaglaro at makipag-ugnayan sa ibang manlalaro na kailangang komunekta sa internet 2. Mga gawain ng blogger a. Mga taong gumagawa ng reviews tungkol sa isang bagay gamit ang video b. Nagsusulat o gumagawa ng mga sulatin, larawan, tunog, musika, video at iba gamit ang isang tiyak na website. 3. Paggamit ng hashtag a. Salita o pariralang inuumpisahan gamit ang simbolong # na nakatutulong upang mapagsama-sama sa isang kategorya ang mga tweet sa Twitter o maging mga posts sa Facebook b. Mga napapanahon paksa sa ating social media 4. Responsableng netizens a. Taong may kaalaman sa paggamit ng internet at iba’t ibang website b. Taong aktibong gumagamit ng Internet; taong eksperto sa paggamit ng social network 5. Mahalaga ang netiquette sa paggamit ng social media a. Tamang kaasalan o pag-uugaling dapat ipamalas sa paggamit ng Internet o social media b. Wastong asal ng mga taong may kaalaman sa paggamit ng internet Pagtalakay sa Teksto 1. Alamin ang paggamit ng mga social networking sites. 2. Kinakailangan na maayos ang grammar ng ating mga ipopost sa social media, English man o Filipino. 3. Alamin ang mga netiquette na ating dapat ginagawa kapag tayo ay gumagamit ng internet. 4. Paggamit ng social media tungkol sa mga napapanahong isyu sa ating lipunan 5. Alamin ang risk sa paggamit ng social media (privacy, tagging etc.) 6. Dapat maging reponsable sa paggamit ng internet lalo na ng ating mga sariling social media accounts. Mga Popular na Babasahin Pahayagan Ito ay itinuturing isang uri ng print media. Mayroon itong dalawang klase: ang tabloid – mas maliit na uri ng pahayagan at kadalasang mabibili sa mga bangketa, ito ay maituturin na pangmasa dahil nakasulat ito sa wikang Filipino at iba’t ibang dayalekto; ang broadsheet naman ay kadalasang nakasulat sa wikang Ingles at ang target nitong mambabasa ay ang mga nasa class A at B. Pahayagan Komiks Isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kwento. Ibinibilang ding isang makulay at popular na babasahin na ang layunin ay magbigay-aliw sa mga mambabasa, magturo ng ibang kaalaman at magsulong ng kulturang Pilipino. Komiks Magasin Isang uri ng babasahing popular na kinahumalingan ng mga Pilipino dahil sa aliw na hatid nito at mga impormasyong nakukuha rito. Liwayway ang pinakakilalang magasin sa bansa. Naglalaman ito ng mga maikling kwento at mga nobelang na naging instrumento sa pag-unlad ng panitikan sa Pilipinas. Magasin Mga Salitang Ginagamit Sa Impormal Na Komunikasyon Lalawiganin (Provincialism) - Mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan nito. - Kapansin-pansin sa mga salitang ito na bukod sa iba ang bigkas, mayroon din itong kakaibang tono Halimbawa: Mangan – kain - Pangasinense Ngarud – ekspresyon mula sa mga Ilokano Balbal (Slang) - Ang mga salitang ito ay hindi tinatanggap noong una ng mga nakatatanda at mga taong may mataas na pinag-aralan dahil hindi raw ito magandang pakinggan. Halimbawa: Parak – pulis Yosi – sigarilyo Tsikot – kotse bebot – babae Kolokyal (Colloquial) - Mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at pagkabulgar Halimbawa: Ewan - aywan Nandon – nandoon Lika na – halika na Banyaga - Mga salitang mula sa ibang wika. - Karamihan sa mga ito ay mga pangalang tiyak, teknikal, pang-agham, simbolong pangmatematika o salitang banyaga na walang salin sa Filipino Halimbawa: Sine – Math Term Cosine – Math Term Squareroot – Math Term Satellite – Science Term Palabuuan ng mga salitang Balbal 1. Hinango mula sa salitang 2. Hinango sa Wikang katutubo Banyaga Hal.: Hal.: Gurang – Bikol – Matanda Tisoy, tisay – Espanyol (Meztizo, mestiza) Buang – Bikol – loko-loko Sikyo – Ingles (security guard) Utol – Bisaya - Kapatid Orig – Ingles (Original) Palabuuan ng mga salitang Balbal 3. Binaligtad (Reversed 4. Nilikha (Coined Words) Category) Hal.: Hal.: Espi – esposo – husband Tom-guts = gutom Paeklat – maarte – overacting Astig = Tigas Bonsai – maliit – very small Tsikot = kotse Palabuuan ng mga salitang Balbal 5. Pinaghalo-halo (Mixed 6. Iningles Category) Hal.: Hal.: Jinx – malas Kilig to the bones – paghanga Weird – pambihira In-na-in - nauuso Bad trip – kawalang pag-asa Palabuuan ng mga salitang Balbal 7. Dinaglat (Abbreviated 8. Pagsasalarawan Category) Hal.: Hal.: Lagay –suhol na isinisingit KSP – Kulang sa pansin upang hindi mahalata BRB – be right back Boga – dahil parang baril na bumubuga SML – share mo lang