Lakbay Sanaysay PDF
Document Details
Uploaded by WiseMetaphor
Buenavista Elementary School
Tags
Summary
This document provides an overview of travel essays, including elements, structure, information on different components like the introduction, and tips for writing travel essays. It provides a brief description and overview of the elements of writing a travel essay.
Full Transcript
LAKBAY SANAYSAY Ang lathalaing lakbay- sanaysay ay tinatawag na travel essay o travelogue. Ito ay isang uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga naging karanasan at kasiyahan sa paglalakbay. NONON CARANDANG Ayon kay Nonon Carandang, ito ay tinawag niyang sanaylakbay saan kung an...
LAKBAY SANAYSAY Ang lathalaing lakbay- sanaysay ay tinatawag na travel essay o travelogue. Ito ay isang uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga naging karanasan at kasiyahan sa paglalakbay. NONON CARANDANG Ayon kay Nonon Carandang, ito ay tinawag niyang sanaylakbay saan kung ang terminolohiyang ito, ayon sa kanya, ay binubuo ng tatlong konsepto: sanaysay, sanay, at lakbay. ELEMENTO SA PAGSULAT NG LAKBAY- SANAYSAY Panimula/Simula - Ito ang pinakamahalagang bahagi dahil dito ang inaasahan kung ipagpapatuloy ng mambabasa kanyang binabasang sulatin. Dapat makuha ng may akda ang atensyon at damdamin ng mambabasa. Panimula/Simula a. Panimulang Kataga b. Hook c. Tema d. Larawan GITNA/KATAWAN - Dito naman sa bahaging ito mababasa ang mga mahalagang puntos o idea ukol sa paksang pinili at sinulat ng may-akda. Ipinapaliwanag dito ng maayos at mabuti ang paksang pinag-uusapan o binibigyang pansin. GITNA/KATAWAN a. Karanasan sa paglalakbay b.Larawan ng mga tampok na lugar c. Mga petsa at oras d. Mga gugolin e. Mga transportasyon f. Mga landmark g. Mga tutuluyang pahingahan h. Mga tampok na pagkain Wakas - Sa bahaging ito isinasara ng akda ang paksang nagaganap sa gitna 0 katawan ng isinulat niya. Wakas a. Pangkalahatang karanasan b. Rekomendasyon sa mga manlalakbay MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY 1.Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista. 2.Sumulat sa unang panauhang punto de-bista 3.Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-sanaysay. 4.Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa dokumentasyon habang naglalakbay. 5. Ilahad ang mga reyalisasyon o matutuhan sa ginawang paglalakbay. 6. Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay. Maaaring gumamit ng tayutay, idyoma, o matatalinghagang salita upang higit na maging masining ang pagkakasulat nito. ADYENDA Ayon kay Sudprasert (2014), ang adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong. Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ang isa sa mga susi ng matagumpay na pulong. Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa mga taong kabahagi bago isagawa ang pulong. KAHALAGAHAN NG ADYENDA 1. Ito ang nagsasaad ng sumusunod na mga impormasyon: a. mga paksang tatalakayin b. mga taong tatalakay o magpapaliwanag ng mga paksa c. oras na itinakda para sa bawat paksa. 2. Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad ng pagkakasunod-sunod ng mga paksang tatalakayin at kung gaano katagal pag-uusapan ang mga ito. 3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak na ang lahat ng paksang tatalakayin ay kasama sa talaan. 4. Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa mga paksang tatalakayin o pagdedesisyunan. 5. Ito ay nakatutulong nang malaki upang manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa pulong. MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ADYENDA 1. Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang e- mail na nagsasaad na magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa ganitong araw, oras, at lugar. 2. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo o kung e-mail naman, kinakailangang magpadala sila ng kanilang tugon. Ipaliwanag din sa memo na sa mga dadalo, mangyaring ipadala o ibigay sa gagawa ng adyenda ang kanilang concerns o paksang tatalakayin at maging ang bilang ng minutong kanilang kailangan upang pag-usapan ito. 3. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o paksa ay napadala o nalikom na. Higit na magiging sistematiko kung ang talaan ng adyenda ay nakalatag sa talahanayan o naka-table format kung saan makikita ang adyenda o paksa, taong magpapaliwanag, at oras kung gaano ito katagal pag-uusapan. 4. Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo, mga dalawa o isang araw bago ang pulong. Bilang paalala ay muling ilagay rito ang layunin ng pulong, at kung kailan at saan ito gaganapin. 5. Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong. MGA DAPAT TANDAAN SA PAGGAMIT NG ADYENDA 1. Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay nakatanggap ng sipi ng mga adyenda. 2. Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit na mahahalagang paksa. 3. Manatili sa iskedyul ng agenda ngunit maging flexible kung kinakailangan. 4. Magsimula at magwakas sa itinakdang oras na nakalagay sa sipi ng adyenda. 5. Ihanda ang mga kakailanganing dokumento kasama ng adyenda. KATITIKAN NG PULONG Ang katitikan ay opisyal na record ng pulong ng isang organisasyon, korporasyon, o asosasyon. Ito ay tala ng mga napagdesisyonan at mga pahayag sa isang pulong. MGA LAYUNIN NG KATITIKAN NG PULONG 1. Maitala ang mga mahahalagang detalye o kaganapan sa isang pagpupulong. 2. Magbigay-alam o impormasyon sa mga inaasahan, ngunit hindi nakadalo sa pagpupulong. 3. Magsilbing gabay o paalala sa lahat ng mga detalye o desisyon na pinag-usapan o nangyari sa pulong, kasama ang mga hakbang na kailangang gawin KATANGIAN NG KATITIKAN NG PULONG 1. Dapat binabatay sa agendang unang inihanda ng tagapangulo o pinuno ng lupon 2. Maaaring gawin ito ng kalihim (secretary), typist o reporter sa korte 3. Dapat ding maikli at tuwiran ito. Dapat walang paligoy-ligoy, walang dagdag-bawas sa dokumento, at hindi madrama na parang ginawa ng nobela 4. Dapat ito ay detalyado, nirepaso, at hindi kakikitaan ng katha o pagka-bias sa pagsulat 5. Ito ay dapat na organisado ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga puntong napag-usapan at makatotohanan. Ibig sabihin, hindi pwedeng gawa-gawa o hinokus-pokus ang mga pahayag. 6. Ito ay dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon 7. Dapat ibinabatay sa agendang unang inihanda ng tagapangulo o pinuno ng lupon MGA GAMIT NG KATITIKAN NG PULONG 1. Nagsisilbi itong opisyal na tala hinggil sa napagpasyahan sa pulong at nagsisilbing sipi sa pagbabalik-tanaw ng mga miyembro 2. Naidodokumento nito ang mga kapasiyahan at responsibilidad ng bawat miyembro ng pulong 3. Maaari rin itong gamitin upang tulungang panagutin ang mga kalahok para sa kanilang mga aksiyon at desisyon 4. Nababatid din kung sinu-sino ang aktibo at hindi aktibong dumadalo sa pulong 5. Tumatayo bilang dokumentong batayan para sa susunod na pulong 6. Batayan para sa pagsubaybay sa pag-usad ng mga proyekto sa paglipas ng panahon MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG KATITIKAN 1. Kailan ang pagpupulong? 2. Sino-sino ang mga dumalo? 3. Sino-sino ang hindi dumalo? (Isama ito kung kinakailagan) 4. Ano ang mga paksang tinalakay? 5. Ano ang mga napagpasyahan? 6. Ano ang mga napagkasunduan? 7. Kanino nakatalaga ang mga tungkuling dapat matapos at kailan ito dapat maisagawa? 8. Mayroon bang kasunod na kaugnay (follow-up) na pulong? Kung mayroon, kailan, saan at bakit kailangan? MGA BAGAY NA HINDI NA KAILANGAN PANG ISAMA SA KATITIKAN NG PULONG 1. Ang mosyon na nailatag ngunit hindi sinusunugan 2. Ang mosyon para sa pagbabago na sinusunugan, ngunit hindi pinayagan ng opisyal na tagapamahala 3. Ang bilang ng boto ng sumang-ayon at di-sumang- ayon sa isang mosyon 4. Ang pamamaraan ng pagboto ng mga kalahok, maliban kung hihilingin ng isang kalahok na itala ang paraan ng kanyang pagboto Ayon kay Sylvester (2015), kung hindi gagawin ang katitikan ng pulong, makikitang hindi pare-pareho ang rekoleksyon ng mgakalahok sa mga naganap. Maaari ring magkaiba-iba na sila ng ideya sa mga napagkasunduan PORMAT NG KATITIKAN NG PULONG Walang istandard na pormat para sa pagsulat ng katitikan ng pulong, subalit mahalagang isama ang mga sumusunod na detalye: Petsa Oras Lokasyon ng pulong Aytem sa agenda Desisyon Mga napagkasunduan Pangalan ng mga taong nagtaas ng mosyon at sumusog Pangalan ng opisyal na tagapamahala o chairperson at, Pangalan ng kalihim MGA MAHAHALAGANG BAHAGI NG KATITIKAN NG PULONG 1. Heading Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o kagawaran. Makikita rin dito ang petsa, ang lokasyon at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong. 2. Mga kalahok o dumalo Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng pulong gayundin ang pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin. Maging ang pangalan ng mga liban o hindi nakalahok ay nakatala rin dito. 3. Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong Dito makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay nagpatibay o may pagbabagong isinagawa sa mga ito. 4. Action items o usaping napagkasunduan Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinatalakay. Inilagay rin sa bahaging ito kung sino ang taong nanguna sa pagtatalakay ng isyu at maging ang desisyong nabuo ukol dito. 5. Pabalita o patalastas Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit mayroon mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo tulad halimbawa ng mga suhestiyong adyenda para sa susunod na pulong ay maaaring ilagay sa bahaging ito. 6. Iskedyul ng susunod na pulong Itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang susunod na pulong. 7. Pagtatapos Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong. 8. Lagda Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kailan ito isinumite. MGA DAPAT TANDAAN NG TAONG NAATASANG KUMUHA NG KATITIKAN NG PULONG 1. Hangga't maaari ay hindi participant sa nasabing pulong. 2. Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong. 3. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong. 4. Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong. 5. Nakapokus o nakatuon lamang sa nakatalang adyenda. 6. Tiyaking ang katitikan ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at kompletong heading. 7. Gumamit ng recorder kung kinakailangan. 8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos. 9. Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan. 10. Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan pagkatapos ng pulong. GABAY SA PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG 1. Bago ang pulong, lumikha ng isang template na siyang susundan at basahin ang ginawang agenda 2. Habang nagpupulong, itala ang mga mahahalagang mapag-uusapan. 3. Pagkatapos sumulat, repasuhin ang sinulat. Kung may mga hindi matandaang detalye ay lumapit sa kinauukulan pagkatapos ng pagpupulong. Ipakita at papirmahan ang pinal na kopya sa bawat miyembro na dumalo POSISYONG PAPEL Isa itong detalyadong ulat ng polisiyang karaniwang nagpapaliwanag, nagmamatuwid o nagmumungkahi ng isang partikular na kurso ng pagkilos Ang posisyong papel ay isang sanaysay na naglalahad ng opinyon hinggil sa isang usapin, karaniwan ng awtor o ng isang tiyak na entidad tulad ng isang partidong politikal. Ang mga posisyong papel ay inilalathala sa akademya, sa politika, sa batas at iba pang domeyn. Mga layunin ng Posisyong Papel Ang posisyong papel ay isang salaysay na naghahayag ng posisyon, pananaw o opinyon ng may akda o entidad ukol sa isang napapanahon o kontrobersyal na paksa. Inilalathala ang posisyong papel sa iba't ibang sangay tulad ng akademya, pulitika, batas, at iba pang larangan. Ang balangkas ng posisyong papel ay payak at naghahayag ng pananaw o mungkahi ng sumulat ukol sa nasabing paksa. Mga Larangan sa Posisyong Papel Sa Akademya Nagbibigay daan ang mga posisyong papel sa akademya upang talakayin ang mga umuusbong na paksa nang walang eksperimentasyon at orihinal na pananaliksik na karaniwang makikita sa isang akademikong pagsulat. Sa Politika Pinakapaki-pakinabang ang mga posisyong papel sa konteksto kung saan mahalagang nakadetalye ang pag-unawa ng pananaw ng isang entidad; sa gayon, karaniwan itong ginagamit sa mga kampanya, organisasyong pampahalaaan, sa mundo ng diplomasya, at sa mga pagsisikap baguhin ang mga kuro-kuro (eg. sa pamamagitan ng pamamathala ng lingkurang bayan) at branding ng mga organisasyon. Sa Batas Sa pandaigdigang batas, ang terminolohiyang ginagamit para sa isang posisyong papel ay Aide- mémoire. Ang isang Aide-Mémoire ay isang memorandum na naglalahad ng mga maliliit na punto ng isang iminumungkahing talakayan 0 di- pinagsasang-ayunan, na ginagamit lalo na sa mga di-diplomatikong komunikasyon. Katangian ng Posisyong Papel Іто ау maging nararapat na pormal ang formат, mga gamit ng Termino. Organisado ang pagkakasunod-sunod ng ideya. Ibinibigay ng maliwanag ang panig na pinapaboran ngunit ipinakikitang nagsisiyasat siya sa magkakaibang panig. Mayroong inilalahad na ebidensya na mapagkakatiwalaan. MGA BATAYAN NG POSISYONG PAPEL Depinadong Isyu - Ang mga posisyong papel ay hinggil sa mga koontrobersyal na isyu, mga bagay na pinagtatalunan ng tao. Ang isyu ay maaaring mula sa isang partikular na okasyon sa isang nagaganap na debate. Klarong Posisyon - Liban sa pagbibigay-kahulugan sa isyu, kailangang mailahad nang malinaw ng awtor ang kanyang posisyon hinggil doon. Minsan, ang posisyon ay kwalipayd upang maakomodeyt ang nagsasalungatang mga argumento, ngunit hindi maaari ang posisyong malabo o ang indesisyon. Mapangumbinsing Argumento - Hindi maaaring ipagpilitan lamang ng awtor ang kanyang paniniwala. Upang makumbinsi ang mga mambabasa, kailangang magbigay ng awtor ng matalinong pangangatwiran at solidong ebidensya upang suportahan ang kanyang posisyon. - Kailangan niya ring maisaalang-alang ang mga posibleng nagsasalungantang argumento na maaaring kanyang sang-ayunan o kontrahin. a. Matalinong Katwiran Upang matiyak na masusundan ng mambabasa ang isang argumento, kailangang malinaw na maipaliwanag ang mga pangunahing puntong sumusuporta sa posisyon. b. Solidong Ebidensya Ang awtor ay kailangan ding magbanggit ng iba't ibang uri ng ebidensyang sumusuporta sa kanyang posisyon. Ilan sa mga ito ang anekdota, awtoridad estadistika. c. Kontra-argumento Kailangan ding isaalang-alang ng awtor ang mga salungatang pananaw na maaaring kanyang iakomodeyt o pabulaanan. 4. Angkop ang Tono - Isang hamon para sa mga manunulat ng posisyong papel ang pagpili ng tono sa pagsulat na nagpapahayag nang sapat ng kanilang mga damdamin at nang hindi nagsasara ang komunikasyon. ANG PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL 1.Pumili ng paksa. 2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik. 3. Hamunin ang iyong sariling paksa. 4. Ipagpatuloy ang pangungulekta ng mga sumusuportang ebidensya. 5.Gumawa ng balangkas. a. Ipakilala ang iyong paksa sa pamamagitan ng kaunting kaligirang impormasyon. Gawin ito hanggang sa iyong tesis na pahayag na naggigiit sa iyong posisyon. b. Magsalita ng ilang posibleng pagtutol sa iyong posisyon. c. Kilalanin at suportahan ang ilang salungatna argumento (kung mayroong dapat na iakomodeyt sa iyong posisyon) d. Ipaliwanag kung bakit ang iyong posisyon ang siya pa ring pinakamainam sa kabila ng lakas ng mga kontra-argumento. e. Lagumin ang iyong argumento at ilahad muli ang iyong posisyon. 6. Isulat na ang iyong posisyong papel. Mga Bahagi ng Posisyong Papel PANIMULA KATAWAN KONKLUSYON Mga Hakbang sa Pagsulat n Posisyong Papel 1. Bumuo ng thesis statement. 2.Isulat ang introduksyon. 3. Isulat ang katawan ng posisyong papel. 4. Isulat ang konklusyon ng posisyong papel. 5. Banggitin ang mga sanggunian o references. 6. I-proofread ang iyong ginawang posisyong papel. Mga Kailangan sa Pagbuo ng Posisyong Papel 1. Gumamit ng katibayan upang suportahan ang iyong posisyon tulad ng ebidensyang istatistikal, petsa at mga kaganapan. 2. Patunayan ang iyong posisyon sa tulong ng mga kapani-paniwalang sanggunian o pangunahing pinagkukunan ng sipi at kung saan ito ay maaaring patunayan ng mga katotohanan at ng masaklaw na paraan ng pangangatwiran. Maaari kang pumili ng isang isyu kung saan mo binuo ang isang opinyon. Gayunman, nangangailangan ang pagsulat na tong isang kritikal na pagsusuri. PANUKALANG PROYEKTO Isang proyektong sistematiko at pinag-aralan. Ginagawa ito kapag kailangan itong marebyu ng isang indibidwal o grupo para sa kanyang aprubal. DR. PHIL BARTLE (2011) Ang panukala ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano ng gawaing ihaharap sa tao sa isang komunidad o samahan. Kaya ang panukalang proyekto ay isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao 0 samahang pag-uukulan nitong siyang tatanggap at magpapatibay nito. Kailangan nitong magbigay ng impormasyon at manghikayat ng positibong pagtugon mula sa pinag- uukulan. Walang lugar sa sulating ito ang pagsesermon, pagyayabang, o paglilinlang, sa halip, ito ay kailangang maging tapat at totoo sa layunin nito. BESIM NEBIU (2002) Ang panukalang proyekto ay isang detalyadong deskripsyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin. Project justification detalyadong pagtalakay sa dahilan at pangangailangan sa proyekto Activities and implementation timeline panahon sa pagsasagawa ng proyekto, at kakailanganing resorses Human, material, and financial resources required kakailanganing resorses ANG ISANG PANUKALANG PROYEKTO AY MAARING INTERNAL O EKSTERNAL Internal - yaong inihahain sa loob ng kinabibilangang organisasyon. Eksternal - isang panukala para sa organisasyong di-kinabibilangan ng proponent. ANG ISANG PANUKALANG SPROYEKTO AY MAAARING SOLICITED O UNSOLICITED. Solicited - tinatawag din itong invited o imbitado. Unsolicited- tinatawag din itong prospecting. MAYROON DING TINATAWAG NA MAIKLI AT MAHABANG PANUKALANG PROYEKTO. Maikling proyekto - mayroon lamang dalawa hanggang 10 pahina na kadalasan ay nasa anyong liham lamang. Mahabang proyekto - naglalaman ng mahigit sa sampung pahina. MGA DAPAT GAWIN BAGO ANG PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO 1. Pag-interbyu sa dati at inaasahang tatanggap ng benepisyo. 2. Pagbalik-tanaw sa mga naunang panukalang proyekto. 3. Pagbalik-tanaw sa mga ulat sa ebalwasyon ng mga proyekto. 4. Pag-organisa ng mga focus group. 5. Pagtingin sa mga datos estadistika. 6. Pagkonsulta sa mga eksperto. 7. Pagsasagawang mga sarbey at iba pa. 8. Pagsasagawa ng mga pulong at porum sa komunidad. PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO AT ANG MGAELEMENTO NITO I.Titulo ng Proyekto kasama sa pahinang ito ang titulo ng proyekto, pangalan ng nagpapanukalang organisasyon, lugar at petsa ng preparasyon ng panukala at ahensyang pinaglalaanan ng panukala. II. Nilalaman idagdag ang pahina ng nilalaman kung ang proposal ay aabot ng 10 o higit 14 pang pahina. III. Abstrak inaasahang makikita sa abstrak ang pagtalakay sa suliranin, layunin, organisasyon na responsible sa implementasyon, pangunahing aktibidad ng proyekto at ang kabuuang badyet. IV. Konteksto ang bahaging ito ay naglalaman ng sanligang sosyal, ekonomiko, politikal, at kultural ng panukalang proyekto. V. Katwiran ng Proyekto Ito ang pinakarasyonal ng proyekto. Nahahati ito sa apat na sub-seksyon. 1.Pagpapahayag sa Suliranin 2. Prayoridad na Pangangailangan 3. Interbensyon 4. Mag-iimplementang Organisasyon VI. Layunin Tandaan na sa pagbuo ng isang layunin, ikinokonsidera ang mga sumusunod: 1. Dapat isa lamang ang masaklaw na layunin ng panukala; 2. Dapat na konektado ang masaklaw na layunin sa bisyon ng pagpapaunlad o pagpapabuti; at 3. Dapat napatutunayan ang merito ng kontribusyon ng layon sa bisyon. VII. Target na Benepisyaro Ipakikita sa bahaging ito kung sino ang mga makikinabang sa panukalang proyekto at kung paano sila makikinabang dito. VIII. Implementasyon ng Proyekto Ipapakita sa bahaging ito ang iskedyul at alokasyon ng resorses. 1. Iskedyul 2. Alokasyon 3. Badyet 4. Pagmonitor at Ebalwasyon 5. Pangasiwaan at Tauhan 6. Mga Lakip MGA DAPAT GAWIN SA PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO JEREMY MINER & LYNNMINER (2008) A. PAGSULAT NG PANIMULA NG PANUKALANG PROYEKΤΟ 1. TUKUYIN ANG PANGANGAILANGAN SA KOMUNIDAD, SAMAHAN, KOMPANYANG PAG-UUKULAN NG IYONG PROJECT PROPOSAL 2. KUMALAP NG MGA IDEYANG MAGAGAMIT SA PAG-UUMPISA PANUKALANG PROYEKTO. 3. ITALA ANG MGA KAILANGAN NA GAWAIN UPANG MALUTAS SULIRANIN. PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN Naglalaman ng suliraning nararanasan ng pamayanan, kompanya, o organisasyong pag-uukulan nito at kung paanong makatutulong sa kanilang pangangailangan ang panukalang proyektong iyong isasagawa. B. PAGSULAT NG KATAWAN NG PANUKALANG PROYEKΤΟ 1. LAYUNIN 2. PLANONG DAPAT GAWIN 3. BADYET TANDAN SA PAGGAWA NG BADYET PARASA PANUKALANG PROYEKTO: a. Gawing simple at malinaw ang badyet upang madali itong maunawan ng ahensiya o sangay ng pamahalaan 0 institusyon na mag-aaproba magsasagawa nito. b. Pangkatin ang mga gastosin ayon sa klasipikasyon nito upang madaling samahin ang mga ito. c. Isama sa iyong badyet maging ang huling sentimo. Ang mga ahensiya, sangay ng pamahalaan, o maaaring kompanya na magtataguyod ng nasabing proyekto ay kadalasang nagsasagawa rin ng pag aaral para sa itataguyod nilang proposal. d. Siguraduhing wasto 0 tama ang ginawang pagkukuwenta ng mga gastusin. Iwasan ang mga bura o erasure sapagkat ito nangangahulugan ng intergridad at karapat-dapat na pagtitiwala para sa iyo. C. PAGLALAHAD NG BENEPISYONG PROYEKTO AT MGA MAKIKINABANG NITO Mahalagang maging espesipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang makikinabang sa pagsasakatuparan ng layunin. Maaaring isama rito ang katapusan 0 kongklusyon ng iyong panukala. BALANGKAS NG PANUKALANG PROYEKTO Ang gagamiting balangkas ay nakadepende sa may-akda na naghahain nito. Bahagi ng panukalang proyekto ang abstrak o executive summary ng panukala lalo na kung medyo may kahabaan ang isinulat na papel (Nebiu, 2002). Sa ibang pormat ay naglalagay rin ng mga kalakip o appendices. 1. PAMAGAT NG PANUKALANG PROYEKTO 2. NAGPADALA 3. PETSA 4. PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN 5. LAYUNIN 6. PLANO NG DAPAT GAWIN 7. BADYET 8. ΡΑΑΝΟ ΜΑΡΑΡΑΚΙΝΑΒΑNGAN NG PAMAYANAN/ SAMAHAN ANG PANUKALANG PROYEKTO PICTORIAL ESSAY O LARAWANG - SANAYSAY Ito ay isang uri ng pagsulat na ginagamitan ng mga larawan na may kaugnayan sa bawat isa. Umiikot sa isang tema o paksain na kinapapalooban ng opinyon o saloobin ng isang manunulat. Maaari itong personal na paniniwala sa isang partikular na isyu, usapin o paksa na mayroong repleksyon ng kultura, paniniwala, tradisyon, pulitika at iba pang mga tema ng sulatin. Maaari itong maging simple o malikhaing pagsulat. Ang larawang sanaysay, na tinatawag sa Ingles na pictorial essay o photo essay, ito ay isang uri ng sulatin na naglalayong maipabatid ang nilalalaman ng isang akda sa pamamagitan ng mga nakahanay na larawan na sinusuportahan ng mga deskripsyon o kapsyon. Ito ay isang koleksyon o limbag na mga imahe o larawang inilalagay sa isang partikular na pagkakasunod-sunod upang ipahayag ang mga pangyayari, mga damdamin, at mga konsepto sa pinakapayak na paraan. Kagaya ng iba pang uri ng sanaysay, gumagamit ito ng mga pamamaraan sa pagsasalaysay. Maaaring gamitin mismo ang binuong larawan o di kaya'y mga larawang may maikling teksto o kapsyon. Ang mga imaheng ito ang nagbibigay-kulay at kahulugan sa mga kaisipang nais iparating ng teksto. Karaniwang umiikot lamang ito sa isang paksa o tema kaya't mahalagang ang mga serye ng larawan ay magkakaugnay. Dapat din itong pinag-isipang mabuti sapagkat ito ang magpapakita ng kabuoan ng kwento o kaisipang nais ipahayag. Mga Katangian ng Larawang-Sanaysay MGA KATANGIAN 1. Malinaw na Paksa 2. Pokus 3. Orihinalidad 4. Lohikal na Estraktura 5. Kawilihan 6. Komposisyon at Mahusay na Paggamit ng Wika 1. Malinaw ang paksa- Dapat makita agad ng mga mambabasa ang sentral na ideya ng larawang sanaysay. 2. May Pokus- Hindi pwedeng pabago-bago ang daloy 0 proseso ng kuwentong nakapaloob sa larawang sanaysay. Kailangang magkaroon ng isang layunin upang hindi magulo ang takbo ng isinusulat. 3. Orihinal- Mas masarap basahin ang mga akdang bago sa paningin at panlasa ng mga mambabasa kaya marapat lamang na susulating larawang sanaysay ay maging kakaiba. 4. May Lohikal na Estruktura - Magandang basahin ang isang akda kung ito ay may magandang daloy o proseso ng pagkakasunud-sunod ng pangyayari o kuwento. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Larawang- Sanaysay 1. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes. 2. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin. 3. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa. 4. Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga pagpapahalaga o emosyon ay madaling nakapupukaw sa damdamin ng mambabasa. 5. Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit ang larawan, mabuting sumulat ka muna ng kuwento at ibatay rito ang mga larawan. 6. Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga larawan. Tandaan na higit na dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa mga salita. 7. Palaging tandaan na ang larawang-sanaysay ay nagpapahayag ng kronolohikal na salaysay, isang ideya, at isang panig ng isyu. 8. Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing, komposisyon, kulay, at pag-iilaw. Kung minsan, mas matingkad ang kulay at matindi ang contrast ng ilang larawan kompara sa iba dahil sa pagbabago ng damdamin na isinasaad nito. 9. Maglapat ng isang hamon o konklusyon sa hulihang bahagi ng iyong sanaysay. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Larawang-Sanaysay 1. Pumili ng Paksa - Sundin lahat ng pamantayang itinakda ng nagpapagawa ng akda upang ito ay maging maayos. 2. Isaalang-alang ang Audience - Kilalanin ang inyong target na mambabasa. Alamin ang kanilang gusto at interes. 3. Tiyakin ang iyong layunin sa pagsulat at gamitin ang iyong mga larawan sa pagkakamit nito. 4. Kumuha ng maraming larawan. 5. Piliin at ayusin ang mga larawan sa lohikal na pagkakasunud- sunod.Kailangang magkaroon ito ng lohikal na istruktura upang maging maayos ang daloy ng bawat ideya at mapagtagumpayan nang buo ang layunin nito. 6.Isulat ang iyong teksto sa ilalim o sa tabi ng bawat larawan - Kailangang magkaroon ng deskripsyon o kapsyon ang bawat larawang gagamitin sa larawang-sanaysay. Ito ay makadaragdag sa kung ano talaga ang gusting tumbukin o nais palitawin ng isinusulat na larawang- sanaysay.