Summary

These are lecture notes on academic writing in Filipino. They cover Editoryal, Kolum, and Suri-Karikatura. The notes include examples and definitions for each topic.

Full Transcript

MET 3: Aralin 4 1.2. Pagsulat ng Akademikong Sulatin: Editoryal Kolum Suri-Karikatura Guro: Sir Marvin K. Assim, LPT MET 3: Aralin 4 1.2. Pagsulat ng Akademikong Sulatin:  Kahulugan, Bahagi, Uri, at Halimbawa ng Editoryal  Kahulugan, at Halimbawa ng Kolum  Kahulugan ng Suri-Karika...

MET 3: Aralin 4 1.2. Pagsulat ng Akademikong Sulatin: Editoryal Kolum Suri-Karikatura Guro: Sir Marvin K. Assim, LPT MET 3: Aralin 4 1.2. Pagsulat ng Akademikong Sulatin:  Kahulugan, Bahagi, Uri, at Halimbawa ng Editoryal  Kahulugan, at Halimbawa ng Kolum  Kahulugan ng Suri-Karikatura at Teknik sa Paggawa Nito Ano ang Editoryal? Ito ay kumakatawan sa sama-samang paninindigan ng patnugutan ng pahayagan kaya sinasabing kaluluwa ito ng publikasyon. Layunin nito sa pagbibigay kuro-kuro ang magpabatid, magpakahulugan, magbigay-kahulugan, magbigay-puri, at pagpasaya. Binibigyang linaw ng editoryal ang pagkalito ng mga tao ukol sa kasalukuyan isyu o usapin. Nagbibigay pakahulugandin ito sa balita o kaganapan upang malinawan ang kahulugan ng mga pangyayari. Bahagi ng Editoryal  Panimula - dito binabanggit ang isyu o balitang tatalakayin. Mahalaga na ito ay maikli ngunit makatawag-pansin. Matatagpuan sa panimula ang paksa o isyung tatalakayin. Madalas na ito ay batay sa balita o mahalagang pangyayari. Karaniwan na ang paggamit ng tanong, tuwirang-sabi sa panimula.  Katawan - nagbibigay ng pagpapaliwanag, tala, pangyayari, halimbawa para mapalutang ang pananaw ng may-akda sa paksa o isyung pinag-uusapan. Bahagi ng Editoryal  Pangwakas - naglalagom ukol sa mahahalagang puntong binigyang-pansin at bumubuo ng konklusyin. Halimbawa ng Pagpapatibay ng Digital Editoryal Infrastructure sa Pilipinas Habang patuloy na lumalago ang digital ngunit hindi sapat ang mga ito kung mabagal economy ng Pilipinas, malinaw ang ang pagpapatupad. Dapat ding palakasin pangangailangan para sa mas matatag at ang pakikipag-ugnayan sa mga pribadong mas mabilis na internet access. Sa sektor upang mapabilis ang kasalukuyan, maraming lugar sa bansa, lalo pagpapalaganap ng digital infrastructure. na sa mga probinsya, ang hindi pa rin nakakakuha ng maayos na koneksyon sa Kung nais nating maging globally competitive internet. Sa panahong nakasalalay ang at matulungan ang bawat Pilipino na edukasyon, trabaho, at negosyo sa online makasabay sa teknolohikal na pagbabago, platforms, nagiging hadlang ito sa pagsulong mahalaga ang agarang aksyon. Sa huli, ang ng ating bansa sa larangan ng digitalisasyon. isang maayos na internet infrastructure ay hindi lamang magpapabilis ng Ang plano ng gobyerno na magtayo ng mga komunikasyon, kundi magbibigay-daan din karagdagang cell towers at palawakin ang sa mas maunlad na ekonomiya at mas fiber-optic network ay isang hakbang sa inklusibong pag-unlad para sa lahat. tamang direksyon, Uri ng Editoryal 1. Pagsasalaysay – Nagkukuwento ng mga pangyayari o sitwasyon. Binibigyan nito ng detalye ang isang partikular na kaganapan na makabuluhan o may kaugnayan sa kasalukuyang isyu. 2. Paglalahad – Nagpapaliwanag ng isang isyu o paksa nang malinaw at maayos. Layunin nitong magbigay ng impormasyon at linaw sa mga mambabasa. 3. Paglalarawan – Inilalarawan nang masining at detalyado ang isang tao, lugar, bagay, o pangyayari upang magbigay ng malinaw na imahen sa isip ng mambabasa. Uri ng Editoryal 4. Pangangatwiran – Naghahayag ng opinyon o pananaw upang kumbinsihin ang mambabasa sa isang partikular na argumento. Madalas itong gumagamit ng lohikal na paliwanag at ebidensya. 5. Pagtutol – Naglalayong tutulan o ipaliwanag kung bakit hindi tama o makatuwiran ang isang ideya, aksyon, o panukala. Madalas na nagbibigay ito ng alternatibong solusyon. 6. Nang-aaliw – Nagbibigay ng saya o aliw sa mambabasa. Karaniwang may magaan na tono at madalas ay naglalaman ng mga kuwento o komento na nakakatawa. Uri ng Editoryal 7. Espesyal na Okasyon – Nakasentro sa mga mahalagang selebrasyon o espesyal na pangyayari, tulad ng mga paggunita o pagdiriwang, at nagbibigay ng mga pananaw tungkol dito. Ano naman ang Kolum? Ang kolum ay regular na lathalain o serye ng mga artikulo sa pahayagan, magasin at iba pang kauri nito. Madalas mayroon nang kilalang heading at byline ng manunulat o editor, na nagbibigay ng ulat o komento ukol sa isang lawak ng interes, politika, teatro at iba pa. Ang kolumnista naman ay taong nagsusulat ng serye sa isang publikasyon. Madalas na ang sinusulat niya ay mga artikulo na naglalaman ng mga komentaryo o opinyon. Ano naman ang Kolum? Ang kolum ay maaaring makita sa pahayagan, magasin at iba pang mga publikasyon, kasama na ang blog. May mga mambabasang umaasang makabasa ng maikling sanaysay na isinulat ng mga tiyak na manunulat na gumagamit ng kaniyang mga pansariling opinyon. Halimbawa ng Kolum Tinig ng Bayan: Ang Laban para sa Malinis na Halalan Ni: Juan Dela Cruz Halimbawa ng Ang ilang halimbawa ng kolum sa Kolum pahayagan ay ang sumusunod: 1. Nagpapayo 2. Fashion Column 3. Suring- basa 4. Food Column 5. Community correspondent 6. Sports Column 7. Critic’s review Ano ang Suri-Karikatura? Ang karikatura ay paglalarawan sa tao na gumagamit ng pagpapayak o pagpapalabis na paraan. Maaaring ang karikatura ay mapang-insulto o mapagbigay papuri. May pagkakataong ginagamit ito sa layuning politikal o kaya naman ay para manlibang. Ang karikatura ng mga politiko ay karaniwang ginagamit sa mga editorial cartoons samantalang ang mga artista ay madalas matatagpuan sa mga magasing mapanlibang. Ano ang Suri-Karikatura? Ang terminong karikatura ay nanggaling sa Italyanong salitang "caricare" na ang ibig sabihin ay "to charge or to load." Kaya ang salitang ito ay maaari ring mangahulugang "loaded portrait." Ayon naman kay Sam Viviano, isang School of Visual Arts Caricature Instructor, ang terminong ito ay tumutukoy sa pagpapakita sa mga tao sa tunay na buhay at hindi sa likhang cartoon (cartoon fabrication) na piksyunal na tauhan. Teknik sa Paggawa ng Suri-Karikatura 1. Pumili ng Makabuluhang Paksa 2. Eksaherasyon 3. Simpleng Simbolismo 4. Mabisang Mga Linyang Panalita 5. Kontrast at Komposisyon 6. Paggamit ng Metapora 7. Mahalagang Detalye 8. Pananatiling Simple 9. Pagpukaw ng Emosyon 10. Pagiging Napapanahon 11. Wastong Pagkakaunawa sa Paksa Pagpapalalim… 1. Paano nagiging epektibo ang isang editoryal sa pagpapahayag ng mga kuro-kuro ukol sa mga kasalukuyang isyu? 2. Paano naiiba ang kolum sa iba pang uri ng lathalain sa pahayagan o magasin, lalo na sa pagbuo ng mga opinyon at komentaryo? 3. Paano nakakaapekto ang mga karikatura sa pananaw ng publiko ukol sa mga politiko o kilalang tao? Pagsasanay Pangkatang Suri- Karikatura at Editoryal  Pumili ng isang kasalukuyang isyu na nais mong talakayin. Maaaring ito ay tungkol sa politika, kalikasan, edukasyon, o kahit anong mahalagang usapin sa lipunan.  Mag-research ukol sa napiling isyu. Alamin ang mga detalye, opinyon ng iba, at mga pangyayari na may kaugnayan sa isyu. Makakatulong ito sa iyo na makabuo ng mas malalim na pananaw.  Isipin ang mensaheng nais niyong iparating sa pamamagitan ng karikatura. Ano ang nais niyong ipakita? Ano ang dapat malaman ng publiko? Pagsasanay Pangkatang Suri- Karikatura at Editoryal  Gumuhit ng karikatura na naglalarawan ng inyong mensahe. Gamitin ang mga elemento ng pagpapayak at pagpapalabis upang ipakita ang iyong opinyon sa isyu. Maaari ring gumamit ng mga simbolo o karakter na kumakatawan sa mga tao o ideya.  Isulat ang isang maikling editoryal na artikulo na naglalarawan ng iyong opinyon sa napiling isyu. Ibigay ang iyong pananaw, mga argumento, at suporta para sa iyong posisyon. Maaaring ilahad ang mga posibleng solusyon o rekomendasyon.  Isama ang inyong karikatura at editoryal na artikulo sa isang piraso ng papel (long bond paper). Siguraduhing maayos ang pagkakaayos ng mga ito upang madaling maunawaan ng mga mambabasa. Pagsasanay Pangkatang Suri- Karikatura at Editoryal Pamantayan: PAMANTAYAN: Pagsusuri ng Isyu 10 Sining ng Karikatura 15 Kalidad ng Editoryal 15 Pagkakaugnay ng Mensahe 5 Pagkamalikhain 5 KABUUAN 50 Maraming Salamat sa inyong pakikinig! - Sir Shugg 

Use Quizgecko on...
Browser
Browser