Mga Panunungkulan sa Pilipinas (PDF)

Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng impormasyon ukol sa mga panunungkulan nina Carlos P. Garcia, Diosdado Macapagal at Ferdinand Marcos. Ang mga isyu at suliranin sa panahon ng kanilang mga termino ay inilarawan. Ito ay nagbibigay ng maikling paglalarawan sa kanilang serbisyo.

Full Transcript

**ANG PANUNUNGKULAN NI CARLOS P. GARCIA (MARSO 18, 1957-DISYEMBRE 30, 1961)** Noong Marso 17, 1957 habang si Carlos P. Garcia ay nasa ibang bansa at dumadalo sa osang mahalagang kumprehensiya ay tumanggap siya ng tawag na kailngan niyang umuwi agad, sapagkat ang Pangulong Magsaysay ay nasawi sa isa...

**ANG PANUNUNGKULAN NI CARLOS P. GARCIA (MARSO 18, 1957-DISYEMBRE 30, 1961)** Noong Marso 17, 1957 habang si Carlos P. Garcia ay nasa ibang bansa at dumadalo sa osang mahalagang kumprehensiya ay tumanggap siya ng tawag na kailngan niyang umuwi agad, sapagkat ang Pangulong Magsaysay ay nasawi sa isang sakuna. Ipinagpatuloy niya ang walong buwang panunungkulan ni Pangulong Magsaysay. Nangaki siyang ipagpapatuloy niya ang mga sinimulan ng kanyang pinalitan. Dahil sa halalan ng taon ding iyon, siya pa rin ang inilaban ng Partido Nacionalista bilang pangulo at si Jose B. Laurel Jr. ang kanyang Pangalawang Pangulo. Siya ay nagwagi sa naturang halalan ngunit hindi ang kanyang panglawang pangulo. Sa halip, si Diosdado Macapagal, ang kandidato ng Patido Liberal, ang nanalo. **Mga Suliraning Kanyang Kinaharap** 1. Naging suliranin sa bansa ang lumalalang kakulangan sa reserbang dolyar (Suliranin sa Pananalapi) 2. Naging mahina ang kalakalan sa Pilipinas 3. Hindi makatarungang pakikitungo ng mga Amerikano sa manggagawang Pilipino sa mga base militar 4. Hindi pantay na paggawad ng katarungan sa mga Pilipino at Amerikanong nagkasala sa loob ng base militar 5. Pagbibintang na ang mga Pilipino ay nagnanakaw sa mga base militar **Ang Panunungkulan ni Diosdado P. Macapagal\ (Disyembre 30, 1961 -- Disyembre 30, 1965)** "Walang bagay na imposible kapag ginustong mangyari." Ito ang kawikaang akmang-akma sa buhay ni Pangulong Diosdado Macapagal. Sino ang magsasabing ang isang mahirap ng tagabukid ay magiging isang pangulo ng Pilipinas? Dahil sa kanyang, tiyaga, talino, at maalab na pagmamahal sa bayan ay nakamit niya ang katagumpayan at nahalal na pangulo ng bayan noong 1961. **Mga Suliraning Kanyang Kinaharap:** 1. Katiwalian sa pamahalaan 2. Paghihirap ng mga magsasaka dahil sa pagbabayad ng upa sa lupang sakahan 3. Kakulangan sa hanapbuhay at tirahan 4. Paglaganap ng kriminalidad 5. Paglala ng polusyon 6. Paghahabol ng Pilipinas sa Sabah **Ang Panunungkulan ni Ferdinand E. Marcos Sr.\ (Disyembre 30, 1965-Pebrero 25, 1986)** Nagwagi sa naganap na halalan noong Nobyembre 9, 1965 si Ferdinand Marcos Sr. bilang Pangulo at si Fernando Lopez bilang Pangalawang Pangulo. Sila ay kapwa kabilang sa Partido Nacionalista. Noong araw na siya ay nanumpa bilang pangulo noong Disyembre 30, 1965 ay ipinahayag niya sa taong-bayan na "ang Pilipinas ay magiging dakilang muli" sa panahon ng kanyang panunungkulan. **Mga Suliraning Kanyang Kinaharap:** 1. Lumaganap ang krimen sa bansa 2. Paggamit ng kapangyarihan at karahasan para sa pansariling interes 3. Katiwalian sa bansa 4. Pagtaas ng bilang ng mamayang naghihirap

Use Quizgecko on...
Browser
Browser