FILIPINO-SA-PILING-LARANG-Akademikong-Pagsulat.docx

Full Transcript

**FILIPINO SA PILING LARANG** **Susing Konsepto** - Isa sa pinakamahahalagang output ng sinumang mag-aaral ang mga gawaing nauukol sa ***akademikong pagsulat***. - Ito ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami p...

**FILIPINO SA PILING LARANG** **Susing Konsepto** - Isa sa pinakamahahalagang output ng sinumang mag-aaral ang mga gawaing nauukol sa ***akademikong pagsulat***. - Ito ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan. - Ang ***akademikong pagsulat ***ay isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat.  - **Layunin** ng akademikong pagsulat ang *[magbigay ng makabuluhang impormasyon]* sa halip na manlibang lamang. - Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat, ang akademikong pagsulat ay *nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin* sa pagbuo ng sulatin. - Mayroon itong isang paksa na may magkakaugnay na mensahe. - Maayos na inihahanay ang mga pangungusap, talata, at seksiyon upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya at paliwanag ng mga ito. - Ang karaniwang estruktura ng isang akademikong sulatin ay may simula na karaniwang nilalaman ng introduksiyon, gitna na nilalaman ng mga paliwanag, at wakas na nilalaman ng resolusyon, kongklusyon, at rekomendasyon. - Ilan sa mga halimbawa ng akademikong teksto ang [][**abstrak**](https://elcomblus.com/pagsulat-ng-abstrak/), [**bionote**](https://elcomblus.com/pagsulat-ng-bionote/), [**talumpati**](https://elcomblus.com/pagsulat-ng-talumpati/), [**panukalang** **proyekto**](https://elcomblus.com/pagsulat-ng-panukalang-proyekto/), [][**replektibong** **sanaysay**](https://elcomblus.com/pagsulat-ng-replektibong-sanaysay/), [][**sintesis**](https://elcomblus.com/pagsulat-ng-sintesis/), []**[lakbay-sanaysay](https://elcomblus.com/pagsulat-ng-lakbay-sanaysay/), synopsis**, at iba pa. - Ang pagbuo ng akademikong sulatin ay *[nakadepende sa kritikal na pagbasa]* ng isang indibidwal (Arrogante et al. 2007). - Kinikilala sa ganitong uri ng pagsulat ang husay ng manunulat dahil may kakayahan siyang mangalap ng mahahalagang datos, mag-organisa ng mga ideya, lohikal mag-isip, mahusay magsuri, marunong magpahalaga sa orihinalidad ng gawa, at may inobasyon at kakayahang gumawa ng sintesis. - Sa pagsulat ng sulating pang-akademiko, gumagamit ng piling-piling salita at isinasaalang-alang ang target na mambabasa. - Mahigpit din sa paggamit ng tamang bantas at baybay ng salita dahil ang mga sulating ito ay nakatuon sa pagbibigay ng kaalaman. **Akademikong Pagsulat (Academic Writing)** - Isang intelektwal na pagsulat - Nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba't ibang larangan. - Layuning maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ng gawaing pananaliksik. - Ito ay nangangailangan ng mas mataas na antas na kasanayan. Ito ay isang bmakabuluhang pagsasalaysay na sumasailalim sa kultura, reaksyon at opinion base sa manunulat, gayundin ay tintawag din na intelektwal na pagsusulat. - Ito ay meron ding layunin ito ay ang mailahad ng maayos ang mga sulatin at ang tema upang maayos itong maipabatid o maiparating sa mga makakakita o makababasa. - Ito ay isang pagsulat na naglalayong linangin ang mga kaalaman ng mga mag-aaral kaya ito tinawag na intelektwal na pagsulat. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang *tesis, term paper, lab report at iba pa.* - ito ay may sinusunod na partikular na kumbensyon. Layunin nito namaipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa. - Ito ay may sinusunod na partikular na kumbensyon. Layunin nito namaipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa. - Ito ay nangangailangan ng higit na mataas na antas ng mga kasanayan. Kailangang malinang at mapaunlad ang kritikal na pag-iisip, pagsusuri, paggawa ng sintesis, at pagtataya. - Ayon kay **KARENGOCSIK (2004)**. Ang akademikong pagsulat ay ginagawa ng mga iskolar at para sa mga iskolar. Ang akademikong pagsulat ay nakalaan sa mga paksa at mga tanong na kinagigiliwan ng akademikong komunidad. Ang akademikong pagsulat ay dapat maglahad ng importanteng argumento. **Bakit mahalagang matutuhan ang akademikong pagsulat?** - Nakaaangat sa iba dala ng mahigpiy na kompetisyon sa larangan ng edukasyon at pagtatrabaho. - Sa pag-aaral, mahalagang masagot ang pagsusulit na nangangailangan ng masusing pagpapaliwanag, makbuo ng organisadong ulat, makapagtala ng mga resulta ng pagsusuri at eksperimentasyon at makalikha ng papel pananaliksik **AKADEMYA** - Tumutukoy sa institusyong pang-edukasyon na maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas na kasanayan at karunungan. - Elementong bumubuo rito ay mga mag-aaral, guro, administrador, gusali, kurikulum, atbp. - Gamit ang WIKA bilang instrument naisasakatuparan ang anumang adhikain, mithiin at misyon. - Mula sa salitang Pranses na **academie**, sa Latin na **academia**, at sa Griyego na **academeia.** - Itinuturing na isang institusyon ng kinikilala at respetadong mga iskolar, artista at siyentista na ang layunin ay isulong, paunlarin, palalimin at palawakin ang kaalaman at kasanayang pangkaisipan upang mapanatili ang mataas na pamantayan ng partikular na larangan. - Isang komunidad ng mga iskolar. - Nalilinang ang mga kasanayan at natutuhan ang mga kaalamang kaugnay ng larangang pinili: kasanayan sa pagbasa, pakikinig, pagsasalita, panonood at pagsulat na napauunlad sa pagsasagawa ng mga gawain sa larangan. - ANALISIS, PANUNURING KRITIKAL, PANANALIKSIK AT EKSPERIMENTASYON. - Gabay ang etika, pagpapahalaga, katotohanan, ebidensya at balanseng pagsusuri. - Ginagamit sa paraang pasalita o pasulat bilang wika ing intelektwalisasyon - Paggamit ng Wikang Filipino: upang mapagbuti ang hangaring magiging epektibo ang pagkatuto ng mag-aaral. **Mapanuring Pag-iisip** - Paggamit ng kaalaman, kakayahan, pagpapahalaga at talion upang epektibong harapin ang mga sitwasyon at hamon sa buhay-akademiko at maging sa mga gawaing di-akademiko. **Akademiko vs. Di-akademiko** - Ang salitang akademiko o *academic* ay mula sa mga wika ng Europeo (Pranses:*academique,* Medie al Latin: *academicus*) noong gitnang bahagi ng ika-16 siglo. Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon, o larangan ng pagaaral na nagbibigay-tuon sa pagbasa, pagsulat, at pag-aaral, kaiba sa praktikal o teknikal na gawain. ([www.oxforddictionaries.com](http://www.oxforddictionaries.com/)) - Hindi na bago sa mga akademikong institusyon ang salitang akademik o akademiko, bagamat halos nakatuon ito sa mataas na edukasyon sa kolehiyo. Isa itong pangalan na tumutukoy sa tao (halimbawa, "Nagmiting ang mga akademik."). Kung minsan ginagamit na rin ang salitang akademisyan bilang katumbas nito. Isa rin itong pang-uri na tumutukoy sa gawain, (akademikong aktibidad) at bagay (akademikong usapan at institusyon). Halos katumbas din ng akademikong institusyon ang akademiya. - Sa akademya nalilinang ang mga kasanayan at natutuhang mga kaalamang kaugnay ng larangang pinagkakadalubhasaan. Kasanayan sa pagbabasa, at pagsulat ang napapaunlad sa pagsasagawa ng mga gawain sa larangan. Analisis, panunuring kritikal, pananaliksik, eksperimentasyon ang mga isinasagawa dito. - Ginagabayan ito ng etika, pagpapahalaga, katotohanan, ebidensya, at balanseng pagsusuri. Sa kabilang dako, ang di- akademikong gawain ay ginagabayan ng karanasan, kasanayan at *common sense.* ![](media/image2.png) ![](media/image4.png) **Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat** 1. **Obhetibo** - Batay sap ag-aaral at pananaliksik ang mga datos na gagamitin - Iwasan ang pagiging subhetibo o personal na opinion o paniniwala sa paksang tatalakayin - Ha. Batay sa aking pananaw/ayon sa aming haka-haka o opinion 2. **Pormal** - Iwasan ang paggamit ng mga salitang balbal o kolokyal - Salitang pormal na madaling maunawaan ng mambabasa at ang paglalahad ng mga kaisipan impormasyon ay malinaw. 3. **Maliwanag at Organisado** - Talata: pilimpili ang pag-uugnay ng mga parirala; kakikitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap. - Ang punong kaisipan o main topic ay dapat mapalutang o mabigyang-diin. 4. **May Paninindigan** - Hindi dapat pabgao-bago ang paksa - Layuning mapanindigan ang paksang isusulat - Maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisisyasat ng mga datos sa napiling paksa 5. **May Pananagutan** - Bigyan ng nararapat na pagkilala ang ginamit na sanggunian ng mga nakalap na datos o impormasyon (isa itong paraan ng pagpapakita ng paggalang sa mga taong naktulong sa iyo bilang bahagi ng etika ng akademikong pagsulat uoang higit na mapagtibay ang kahusayan at katumpakan sa pagsusulat. **LAYUNIN SA PAGSASANAY SA AKADEMIKONG PAGSULAT** 1. **Makapagsasagawa ng wastong pangangalap ng mga imporamasyon at malikhaing pagsasagawa ng ulat.** - Ang wastong pangangalap ng mga impormasyon at datos ay nangangailangan ng kasanayan sa pagbabasa at pagsuri ng iba't ibang sanggunian katulad ng diksiyonaryo, encyclopedia, annual journals, almanac, atlas, magasin, academic journals, mga libro, pahayagan, at tesis at disertasyon. Mahalaga ang paggamit ng mga ito sa matagumpay na pangangalap ng impormasyon. Dapat ding matutuhan ang wastong pagbuo ng bibliyograpiya o listahan ng mga ginamit na aklat at pagbanggit sa mga paglalahad ng impormasyon mula sa mga taong kinauukulan upang maiwasan ang direktang pangongopya ng mga impormasyon o plagiarism. Sa pagkatuto ng wastong pangangalap ng impormasyon at pagbuo ng bibliyograpiya, kinakailangan din na malikhaing maipakita ang ulat na binuo upang maging nakapanghihikayat ang pagbasa ng pag-aaral o sulatin. 2. **Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba\'t ibang uri ng teksto na magagamit sa mga gawain ng akademikong pagsulat.** - Ang mag-aaral ay nararapat na nagtataglay ng tatlong antas ng pag-unawa sa pagbasa. Una, ang pagkakaroon ng literal na pagpapakahulugan kung saan ang mambabasa ay nakauunawa ng mga salita ng wikang ginamit. Pangalawa, pagbasa nang may pag-unawa. Ang mag-aaral ay nakapagbibigay ng pagpapakahulugan gamit ang paghihinuha at komprehensiyon sa ipinapahayag na mensahe ng awtor. Pangatlo, pagbasa nang may aplikasyon. Matapos ang pagbasa, dapat ay naisasagawa sa isang pagkilos ang mensahe ng teksto na maaaring pasulat o pag-uulat. 3. **Natatalakay ang mga paksa ng naisasagawang pag-aaral ayon sa pananaw ng may-akda kasabay ang pag-unawa ng mag-aaral bilang mambabasa.** - Ang mag-aaral ay inaasahang marunong magsuri ng ibang akda na makatutulong sa kanyang pag-aaral---kritikal sa pag-iisip, obhetibo sa pagtalakay sa paksa, organisado ang mga ideya at kaisipan, nakatutukoy ng sanhi at bunga, nakapaghahambing, nakabubuo ng konsepto, at nakalulutas ng suliranin para sa ikabubuti ng kanyang sulatin. 4. **Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa tinalakay na pagksa nga mga naisagawang pag-aaral.** - Ang pamanahong papel ay output ng mga mag-aaral bilang pagtupad sa pangangailangan ng kanilang kurso. Bilang isang kritikal at mapanuring mag-aaral, kailangang makapagsagawa ng pagsusuri sa mga naisagawa nang pag-aaral upang maging batayan ang mga ito sa pagbuo ng sariling konsepto na magiging daan sa pagpapalawak ng pagsasanay at pagbuo ng sariling papel pananaliksik. 5. **Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng iba\'t ibang anyo ng akademikong sulatin.** - Inaasahang mapahuhusay pa ang kasanayan ng mag-aaral upang makasusulat ng iba't ibang sulatin sa larangan ng akademikong pagsulat. 6. 6\. **Matukoy na ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso na lumilinang sa pagiging inobatibo ng mag-aaral sa pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon.** - Mahalagang katangian na dapat ding taglayin ng mag-aaral sa pagsulat ang pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon bilang isang paraan ng pagpapabuti sa kondisyon ng tao at lipunan. Sa ganito, lalabas at malilinang ang pagiging inobatibo ng mag-aaral sa kanyang pagsulat tulad ng pagiging malikhain para sa kanyang mambabasa. 7. 7\. **Napahahalagahan at naiingatan ang mga nagawang sulatin sa pamamagitan ng paggawa ng portfolio.** - Ang portfolio ay kalipunan ng mga sulating naisulat para sa pangangailangan ng kursong Akademikong Pagsulat. Ang kalagayan, ayos, at dating nito ay sumasalamin sa pagpapahalaga ng mag-aaral sa kanyang sarili. Batay sa isinagawang pagtalakay, paano malilinang ang kasanayan ng mag-aaral sa akademikong pagsulat gamit ang mga pang- akademikong gawain sa paaralan.   1. Makilahok sa mga paligsahan gaya ng pagsulat ng sanaysay, paggawa ng dyaryo at iba pang pang-akademikong patimpalak. 2. Magkaroon ng kawilihan sa mga gawaing pananaliksik na makapaglilinang ng kasanayan sa pag-oobserba at pag-aanalisa ng datos. 3. Patuloy na magsanay sa pagsulat ng mga liham korespondensya, katitikan ng pulong at memorandum**.** **Iba't Ibang uri ng Akademikong Sulatin** - - Abstrak - Sintesis/Buod - Bionote - Panukalang Proyekto - Talumpati - Agenda - Katitikan ng Pulong - Posisyong Papel - Replektibong Sanaysay - Pictorial Essay/Photo Essay - Lakbay-Sanaysay Ang akademikong sulatin ay isang intelektwal na pagsulat. Makatutulong ito sa pagpapataas ng kaalaman sa iba't ibang larangan. Ito ay para din sa makabuluhang pagsasalaysay na sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon at opinyon base sa manunulat. Ginagamit din ito upang makapagpabatid ng mga impormasyon at saloobin. Ang akademikong sulatin ay maaaring, naglalahad, nagsasalaysay, naglalarawan at nangangatuwiran. Ang mga sulatin ay maaaring magkaiba ayon sa anyo, katangian at gamit nito. Ang ilan sa mga halimbawa ng akademikong sulatin na naglalahad ay; 1. Abstrak 2. Sinopsis 3. Buod 4. Bionote Ang mga halimbawa naman ng akademikong sulatin na nangangatuwiran ay ang mga sumusunod: 1. Panukalang proyekto 2. Posisyong papel 3. Talumpati Ang mga sulating akademiko naman na naglalarawan ay; 1. Lakbay Sanaysay 2. Photo essay 3. Replektibong sanaysay Nasa talahanayan sa ibaba ang iba't ibang uri ng **sulating akademiko** ayon sa **layon**, **gamit** at **katangian** nito. +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | | **Ito ay karaniwang | **Hindi gaanong | | | ginagamit sa pagsulat | mahaba, organisado | | | ng akademikong papel | ayon sa** | | | para sa tesis,papel | | | | siyentipiko at | **pagkakasunod | | | teknikal, lektyur at | sunod** | | | report.** | | | | | **ng nilalaman.** | | | **Layunin nitong | | | | mapaikli o mabigyan | | | | ng buod ang mga | | | | akademikong papel.** | | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | **Sintesis** | **Ang kalimitang | **Kinapapalooban ng** | | | ginagamit sa mga | | | | tekstong naratibo | **overview ng akda.** | | | para mabigyan ng | | | | buod, tulad ng** | **Organisado ayon | | | | sa** | | | **maiklling kwento.** | | | | | **sunod sunod na** | | | | | | | | **pangyayari sa | | | | kwento.** | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | **Bionote** | **Ginagamit para sa | **May | | | personal profile ng | makatotohanang** | | | isang tao, tulad ng | | | | kanyang academic | **paglalahad sa | | | career at iba** | isang** | | | | | | | **pang impormasyon | **tao.** | | | ukol sa kanya.** | | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | **Memorandum** | **Maipabatid ang mga | **Organisado at | | | impormasyon ukol sa** | malinaw** | | | | | | | **gaganaping | **para maunawaan ng** | | | pagpupulong o | | | | pagtitipon. | **mabuti.** | | | Nakapaloob dito ang | | | | oras, petsa at lugar | | | | ng gaganaping | | | | pagpupulong.** | | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | **Agenda** | **Layunin nitong | **Pormal at | | | ipakita o ipabatid | organisado** | | | ang paksang | | | | tatalakayin sa | **para sa kaayusan | | | pagpupulong na | ng** | | | magaganap** | | | | | **daloy ng | | | **para sa kaayusan ng | pagpupulong..** | | | at organsadong | | | | pagpupulong.** | | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | **Panukalang** | **Makapaglatag ng | **Pormal, nakabatay | | | proposal sa | sa** | | **Proyekto** | proyektong nais | | | | ipatupad. Naglalayong | **uri ng mga | | | mabigyan ng resolba | tagapakinig** | | | ang mga prolema at | | | | suliranin.** | **at may malinaw | | | | ang** | | | | | | | | **ayos ng ideya..** | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | **Talumpati** | **Ito ay isang | **Pormal, nakabatay | | | sulating | sa** | | | nagpapaliwanag ng | | | | isang** | **uri ng mga | | | | tagapakinig** | | | **paksang naglalayong | | | | manghikayat, tumugod, | **at may malinaw | | | mangatwiran at | ang** | | | magbigay ng kabatiran | | | | o kaalaman.** | **ayos ng ideya.** | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | **Katitikan ng** | **Ito ay ang tala o | **Ito ay dapat na** | | | rekord o | | | **Pulong** | pagdodokumento ng | **organisado ayon sa | | | mga** | pagkakasunud-sunod ng | | | | mga puntong napag-** | | | **mahahalagang | | | | puntong nailahad sa | **usapan at | | | isang pagpupulong.** | makatotohanan.** | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | **Posisyong Papel** | **Ito ay naglalayong | **Ito ay nararapat | | | maipaglaban kung ano | na** | | | ang alam mong tama. | | | | Ito ay nagtatakwil ng | **maging pormal at** | | | kamalian na hindi | | | | tanggap ng | **organisado ang** | | | karamihan.** | | | | | **pagkakasunod-sunod* | | | | * | | | | | | | | **ng ideya.** | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | **Replektibong** | **Ito ay uri ng | **Isang replektib | | | sanaysay kung saan | na** | | **Sanaysay** | nagbabalik-tanaw ang | | | | manunulat at | **karanasang personal | | | nagrereplek. | sa** | | | Nangangailangan ito | | | | ng reksyon at opinyon | **buhay o sa mga | | | ng manunulat.** | binasa** | | | | | | | | **at napanood.** | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | **Pictorial Essay** | **Kakikitaan ng mas | **Organisado at may** | | | maraming larawan o | | | | litrato kaysa sa mga | **makabuluhang** | | | salita.** | | | | | **pagpapahayag sa | | | | litrato** | | | | | | | | **na may 3-5 na** | | | | | | | | **pangungusap.** | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | **Lakbay** | **Ito ay isang uri ng | **Mas madami ang | | | sanaysay na | teksto** | | **Sanaysay** | makapagbabalik-tanaw | | | | sa paglalakbay na | **kaysa sa mga | | | ginawa ng | larawan.** | | | manunulat.** | | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+

Use Quizgecko on...
Browser
Browser