Full Transcript

Wika at teorya Kahulugan at Kahalagahan ng Wika Ito ang pinakadakilang kaloob ng Diyos sa sansinukob para maiba ang tao sa bawat nilalang NIYA. Ayon kay Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa komuni...

Wika at teorya Kahulugan at Kahalagahan ng Wika Ito ang pinakadakilang kaloob ng Diyos sa sansinukob para maiba ang tao sa bawat nilalang NIYA. Ayon kay Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang kultura. Kahulugan at Kahalagahan ng Wika Ayon sa awtoridad, noong unang panahon, gumagamit ang tao ng mga senyas, krokis at grapiko subalit hindi nagging epektibo ito dahil kulang ang mensaheng gustong iparating ng nagsasalita, paano uunlad ang sambayanan? Kahulugan at Kahalagahan ng Wika Maging berbal o di-berbal na paraan ng pagpapahayag, sa mga talatang pampanitikan, (maging ito’y pinakamatayog na tala sa literature), talang pampulitikal, ekonomikal, sensya, pansimbahan at panlipunan man, isang instrument lamang ang gamit ang WIKANG BUHAY. Kahulugan at Kahalagahan ng Wika Ito ang ginagamit na midyum ng tao upang maipahayag niya ang kanyang pangangailangan, damdamin at iniisip. Lubhang mahalaga ang wika. Ito ang nagsisilbing lakas na bumibigkas sa bayan. Pinatotohanan din ng mga sosyo-linggwist na ang wika ang pangunahing salik sa pagbabago at kaunlaran ng isang lipunan. Kahulugan ng Wika Bilang Diskurso Masistemang istruktura ng sinasalitang tunog. Isang Sistema o kaparaanan. Sintaks, may kaanyuan, at pagkakasunod-sunod. Binubuo ng piling sagisag at mga kaugalian/kultura. Kahulugan ng Wika Bilang Diskurso Pagbigkas, kaya kailangan ang ppagsasanay. Kailangan sa pagkakaunawaan (Pagbasa / Pagsulat) Kaugnay ang kalinangan ng lugar na pinanggagalingan Nagbabago at may pagpapalit Ang mga Gamit o Function ng Wika (Michael A.K Halliday) Ito ang ginagamit sa araw araw nating pamumuhay, mula pagtulog hanggang sa paggising, kaya naman sobrang mahalaga ang wika sa ating buhay dahil sa iba’t ibang tungkuling ginagampanan ng wika sa buhay ng isang tao. Ang mga Gamit o Function ng Wika (Michael A.K Halliday) 1. Instrumental- ito ay nagaganap na tungkulin ng wika sa pagpapangalan, pagbabansag, panghihikayat, pagbibigay ng panuto, pagtaya, pagmumungkahi, pag-uutos at pagpilit para mangyari o maganap ang mga bagay bagay at pagalawin ng tagapagsalita ang kanyang kapaligiran Ang mga Gamit o Function ng Wika (Michael A.K Halliday) 2. Regulatory- ang pag-ayon, pagtutol, pagsagot sa telepono at pagsunod sa panuto ay nagaganap para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap, kontrolin ang kilos at isip ng tao. Ang mga Gamit o Function ng Wika (Michael A.K Halliday) 3. Interaksyon- nagaganap ang ganitong tungkulin sa pagbibiro, pagbati, pag-anyaya at pagpapaalam upang mapanatili ang pakikipagkapwa-tao o relasyong panlipunan, o pakikipagtalastasan kung kailangan. Ang mga Gamit o Function ng Wika (Michael A.KQ Halliday) 4. Personal- upang maipahayag ang katauhan ng isang tao tulad ng pagsigaw, pagmumura, pagsali sa talakayan, debate, paghingi ng paumanhin ay tungkuling personal ng wika. Ang mga Gamit o Function ng Wika (Michael A.K Halliday) 5. Heuristiko- nagaganap naman ang tungkuling ito kung ang layuning ay makahanap ng mga impormasyon at mga bagay-bagay sa tulong ng sarili o ng iba gaya ng pakikipanayam, pagtatanong sarbey at pananaliksik. Ang mga Gamit o Function ng Wika (Michael A.K Halliday) 6. Impormatib/Representasyonal- kabaligtaran naman ito ng heuristiko sapagkat ang layunin ng tungkuling ito ay upang makapagbigay ng impormasyon sa iba. Ang mga Gamit o Function ng Wika (Michael A.K Halliday) 7. Imahinasyon- kadalasan itong nagagamit sa pagsulat ng alinmang akdang pampanitikan. Mga Kakayahan ng Wika 1. Ang wika ay pasalita at sa gayo’y binubuo ng mga tunog. 2. Ang wika’y binubuo ng mga napagkaugaliang sagisag. Mga Kakayahan ng Wika 3. Taglay ng wika ang kaayusan ng paghahanay. 4. Ang wika ay napag-aaralan at natututunan. Mga Kakayahan ng Wika 5. Natututuhan ang isang wika sa pamamagitan ng pagsasanay. 6. Ang wika ay kaugnay ng kalingan at kultura. 7. Bawat wika ay katangi-tangi. Mga Kakayahan ng Wika 8. Nagbabago ang wika a. Dala ng paglipas ng panahon. b. Dahil sa pagkakalayo-layo o pagtitipon-tipon sa iba’t ibang pook. c. Nasa pagpapakahulugan sa ilang salita sa pagkakaiba ng gawain. d. Bunga ng pagkakaiba ng pakay o patutungkulan ng pagpapahayag Antas ng Wika 1. PORMAL- kabilang ditto ang mga salitang kinikilala at ginagamit nang higit na nakararaming tao particular na ang mga nakapag-aral, dalbhasa at nagtuturo ng wika. 2. IMPORMAL- kabilang naman ang mga salitang simple, palasak at ginagamit sa pang- araw-araw na pakikipag-usap sa mga kakilala at kaibigan sa antas na ito. Dalawang uri ng pormal na wika 1. Pambansa- salitang ginagamit sa pamahalaan, mga opisyal ng wika at itinuturo sa paaralan. 2. Pampanitikan- ang mga salitang ginagamit sa mga akdang pampanitikan tulad sa mga maikling kuwento, tula, dula, nobela at iba pa. Apat uri ng impormal na wika 1. lalawiganin- ginagamit sa isang particular na lugar o pook. 2. kolokyal- paggamt ng mga salitang karaniwan o madalas gamitin sa impormal na pakikipag-usap. 3. balbal- katumbas ng slang sa salitang ingles 4. bulgar- ito ang mga salitang masakit sa pandinig tulad na na lang ng mura. MGA TEORYANG MAKAAGHAM HINGGIL MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA Sa pamamagitan ng mga teorya ay maliliwanagan ang kaisipan kung alin sa mga salaysay na ito ang makatotohanan at kung alin ang salig sa mga sinaunang tradisyon na batay sa mga haka-haka lamang. MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA 1. Biblikal. Ayon sa Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya't walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang mga tao. Naghangad ang tao na higitan ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit, at nagtayo ng pagkataas-taas na tore. MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA 1. Biblikal. Mapangahas at mayabang na ang mga tao, subalit pinatunayan ng Diyos na higit Siyang makapangyarihan kaya sa pamamagitan ng Kaniyang kapangyarihan, ginuho Niya ang tore at ginulo ang wika ng mga tao MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA 1. Biblikal. Ginawa Niyang magkakaiba ang wika ng bawat pares o pangkat, at dahil hindi na magkaintindihan ay naghiwa-hiwalay ang mga tao ayon sa wikang sinasalita. (Genesis 11:1-8) MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA 2. Babble Lucky Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga walang kahulugang bulalas ng mga tao na nasuwertehang nakalikha at iniugnay sa mga bagay-bagay sa paligid. MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA 2. Babble Lucky Sa pagbubulalas ng tao, sinuwerte lamang daw siya nang ang mga hindi sinasadya at walang kabuluhang tunog na kaniyang nalikha ay naiugnay sa mga bagay-bagay sa paligid na kalaunan ay naging pangalan ng mga iyon. MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA 3. Bow-wow Ang wika ay nagsimula sa panggagaya ng mga tao sa mga tunog na likha ng kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa mga bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutuhan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito. MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA 4. Coo-coo Tinutukoy nito ang mga tunog na nalilikha ng mga sanggol na ginagaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid. Mataas at komplikadong antas ang wikang kailangan niya hindi lamang para mabuhay bagkus upang magampanan ang iba't ibang tungkulin sa kaniyang buhay. MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA 5. Charles Darwin Nakikipagsalaparan elimination of the weakest. Ito ang simpleng batas ni Darwin. Upang mabuhay ang ang tao kung kaya't nabuo ang wika: survival of the fittest, tao, kailangan niya ng wika. MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA 5. Charles Darwin Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na "On the Origin of Language", sinasaad dito na ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kaniya upang makalikha ng iba't ibang wika. MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA 6. Dingdong Ito ay kahalintulad ng teoryang bow-wow subalit ang mga tunog ay nagmumula sa mga bagay-bagay sa kapaligiran. Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA 6. Dingdong Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado lamang sa mga tunog na likha ng kalikasan kundi maging sa mga bagay na likha ng tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna'y nagpabago-bago at nilapatan ng iba't ibang kahulugan. Simbolismo ng tunog ang tawag dito ni Max Muller. MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA 7. Eureka! Ayon kay Boeree (2003), ang ating mga ninuno ay may idea ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Nang nalikha ang mga idea na iyon, mabilis iyong kumalat sa iba pang tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay-bagay. Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA 8. Hey you! Ayon sa lingguwistang si Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang kontak. MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA 9. Hocus Pocus Maaari raw kasing noo'y tinatawag ng mga unang tao ang mga hayop sa pamamagitan ng mga mahikal na tunog na kalaunan ay naging pangalan ng bawat hayop. MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA 10. Haring Psammatichos Sinasabi sa paniniwalang ito na bilang hari ng Ehipto, gumawa ng isang eksperimento si Psammatichos kung paano nga ba nakapagsasalita ang tao. May dalawang sanggol siyang pinalaki sa loob ng kuweba at mahigpit na ipinag-utos na hindi dapat makarinig ang mga ito ng anumang salita. MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA 10. Haring Psammatichos Sa paglipas ng panahon, ano at nakapagsalita raw ng "Bekos" ang dalawang bata na ang ibig sabihin ay tinapay. Sa maikling sabi, "likas na natututuhan ng tao ang wika kahit hindi ituro" ang pinanghahawakan ng teoryang ito. MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA 11. La-la Mga puwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang magsalita. MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA 12. Mama Tinutukoy nito ang unang sinasabi ng sanggol, na dahil hindi niya masabi ang s0alitang ina o ang Ingles na mother, sinasabi niya ang mama kapalit ng mother. Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng pinakamahahalagang bagay. MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA 12. Mama Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una'y hindi nila masasabi ang salitang mother ngunit dahil ang unang pantig ng nasabing salita ang pinakamahalaga, diumano, una nilang nasasabi ang mama bilang panumbas sa salitang mother. MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA 13. Plato Nalikha ang wika bunga ng pangangailangan. Necessity is the mother of all invention. Sa paniniwalang ito, gaya ng damit, tirahan at pagkain, pangunahing pangangailangan din ng tao ang wika kung kaya't naimbento ito ng tao. MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA 14. Pooh-pooh Pinaniniwalaan sa teoryang ito na napabubulalas ang tao dahil sa mga masidhing damdamin. Samakatuwid, natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito, nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa. MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA 14. Pooh-pooh Pinaniniwalaan sa teoryang ito na napabubulalas ang tao dahil sa mga masidhing damdamin. MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA 15. Ta-ra-ra-boom-de-ay Ang teoryang ito ay nagsasabi na ang wika ng tao ay galing sa mga tunog na nilikha sa mga ritwal na nagbabago-bago at binigyan ng ibang kahulugan katulad ng pagsasayaw, pagtatanim, atbp. Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA 15. Ta-ra-ra-boom-de-ay Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pag- aani, pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA 15. Ta-ra-ra-boom-de-ay Kaakibat ng mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw at incantation o mga bulong. Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag- ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalauna'y nagbabago-bago at nilapatan ng iba't ibang kahulugan. MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA 16. Teoryang Sing-song Isang teorya na ang mga unang salita ay mahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami. Naniniwala ang lingguwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas- emosyonal. MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA 17. Ta-ta Ayon sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kaniyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna'y nagsalita. MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA 17. Ta-ta Tinatawag itong ta-ta na sa wikang Pranses ay nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga namang nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta. MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA 18. Yo-He-Yo Pinaniniwalaan ng lingguwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kaniyang puwersang pisikal. Hindi nga ba't tayo'y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo'y nag-eeksert ng puwersa. MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA 19. Yum-yum Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksiyon. MGA TEORYA HINGGIL SA PINAGMULAN NG WIKA 19. Yum-yum Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng dila. Katulad halos ng teoryang ta-ta ang paliwanag ng mga proponent ng teoryang ito sa pinagmulan ng wika.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser