FIL 102 PRELIMS (2) PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
These study materials provide a general overview of Filipino orthography, discussing topics such as graphemes, letters, diacritics, and the construction of syllables. It covers various aspects of the Filipino language, from basic elements to examples and applications. It is intended to be used for review or learning purposes.
Full Transcript
ANO ANG ORTOGRAPIYANG PAMBANSA? ORTOGRAPIYA ay nagmula sa salitang ORTOGRAFIA (WASTONG PAGSULAT) - ORTHO salitang Griego na ibig sabihin ay “wasto”. - GRAPHIA salitang Griego/Latin na ibig sabihin ay “pagsulat” - Sining ng tamang pagbaybay at pagsulat ng mga salita ayon sa tamang pamantayan o...
ANO ANG ORTOGRAPIYANG PAMBANSA? ORTOGRAPIYA ay nagmula sa salitang ORTOGRAFIA (WASTONG PAGSULAT) - ORTHO salitang Griego na ibig sabihin ay “wasto”. - GRAPHIA salitang Griego/Latin na ibig sabihin ay “pagsulat” - Sining ng tamang pagbaybay at pagsulat ng mga salita ayon sa tamang pamantayan o gamit. ORTOGRAPIYANG PAMBANSA Mga tuntunin kung paano sumulat gamit ang wikang Filipino MGA TUNTUNIN NG ORTOGRAPIYANG PAMBANSA 1. MGA GRAFEMA - Pinakamaliit nay unit o bahagi ng isang sistema ng pagsulat. - Sa ortograpiyang Filipino… Titik Di-Titik 1.1 TITIK O LETRA - Dalawampu’t walong (28) titik - Binibigkas o binabasa sa tunog-Ingles maliban sa Ñ 1.2 DI-TITIK - Binubuo ng tuldik at bantas - Tuldik o Asento - gabay sa paraan ng pagbigkas ng mga salita - Bantas - kumakatawan sa mga patlang at himig ng pagsasalita sa pagitan ng mga titik at pantig. 2. PANTIG AT PALAPANTIGAN - Pantig-isang yunit ng tunog na binubuo ng isang patinig o kambal-patinig at isa o mahigit pang katinig - Pagpapantig-paraan ng paghati sa isang salita alinsunod sa mga pantig na ipinambuo dito 2.1 PAGPAPANTIG NG MGA SALITA espesyal es‧pes‧yal aklat ak‧lat ospital os‧pi‧tal pansit pan‧sit Kapag may magkasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang una ay isinasama sa sinundang patinig at ang ikalawa ay isinasama sa kasunod na pantig eksperto eks‧per‧to inspirasyon ins‧pi‧ras‧yon Kapag may tatlong magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang dalawa ay sumasama sa sinundang patinig at ang ikatlo ay napupunta sa kasunod na pantig timbre tim‧bre templo tem‧plo sentro sen‧tro Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay M o N at ang kasunod ay alinman sa BL, BR, DR PL, at TR, ang unang katinig (M/N) ay isinasama sa unang patinig at ang sumunod na dalawang katinig ay napupunta sa kasunod na pantig. plano mag‧pa‧pla‧no trabaho mag‧ta‧tra‧ba‧ho close i‧pa‧ko-close Kapag nagsisimula ang salita sa kambal-katinig o kumpol-katinig (consonant cluster), ang katinig at patinig lamang ang inuulit 3. PAGBAYBAY NA PASULAT - “Kung ano ang bigkas, siyang sulat” - ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon Binibigkas na… Isinusulat na Lalake Lalaki Baket Bakit Duon Doon SA PANGHIHIRAM NG SALITA, ESPAÑOL MUNA BAGO INGLES - Higit na umaalinsunod ang wikang Español sa bigkas at baybay na Filipino kaysa Ingles bagáhe (bagaje) vs bageyds (baggage) birtúd (virtud) vs virtyu (virtue) isla (isla) vs ayland (island) MAG-INGAT SA SIYOKOY! - Mga salitang hindi Español at hindi rin Ingles - Hindi matukoy ang pinagmulan aspekto at hindi aspeto imahen at hindi imahe kontemporaneo at hindi kontemporaryo endoso at hindi endorso 3.1 GAMIT NG WALONG BAGONG TITIK C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z - Napakaimportante ng walong bagong dagdag na titik sa Filipino upang maigalang ang mga kahawig na tunog sa mga katutubong wika. Walong dagdag na titik - Ang dating 20 titik ng Abakada ay nadagdagan ng walo pang titik: C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z - Apat ay mula sa mga wika ng ibang bansa C, Ñ, Q, X - Apat ay mula sa mga wika sa Filipinas F, J, V, Z Paano gagamitin ang mga ito sa Filipino? Gamit ng walong bagong titik sa pagbabaybay - Para sa mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita mula sa katutubong wika ng Filipinas ▪ feyu (Kalinga) – pipa na yari sa ▪ fungál (Gad) - punò bukawa o sa tambo ▪ fúllit (Gad) - gupit ▪ jambangan (Tausug) – halaman ▪ fuút (Gad) - tanong ▪ zigattu (Ibanag) – silangan ▪ fúwab (Gad) - hapon ▪ falendag (Teduray) – plawtang ▪ bádju (Itw) – bagyo pambibig ▪ ju (Itw) – dito ▪ vakúl (Ivatan) pantakip sa ulo na yari ▪ pádjanán (Itw) – tiráhan sa damo na ginagamit bílang ▪ jásjas (Iby, Î-wak) – hinga pananggalang sa ulan at init ng araw ▪ jábjab (Iby, Î-wak) – pamaypay ▪ kuvát (Ibaloy) digma ▪ jófan (Gad) – hipan ▪ vuyú (Ibanag) bulalakaw ▪ fidjáw (Gad) – sipol ▪ zigattú (Ibanag) silangan ▪ badjáw (Itw) – bagyo ▪ zinága (Ibanag) dinuguan ▪ pádjanán (Itw) – tirahan ▪ zinanága (Ibanag) pamana ▪ jan (Itw) – saan ▪ majáw (Butuan) maganda ▪ zipíng (Iba) – kambal ▪ marajáw (Surigao) maganda ▪ zitá (Iba) – timog ▪ féffed (Gadang, Yogad) pamaypay ▪ kazzíng (Iba) – kambing ▪ futú (Ibanag Yogad) - pusò ▪ zizzíng (Iba) – dinding na yari sa ▪ futág (Yog) - pusod kawayan ▪ fungán (Yogad) - unan ▪ zinágan (Iba) – dinuguan ▪ fúfulaót (Ayg) - butiki ▪ ziwanán (Iba) – kanan ▪ folóy (Ayg) - kubo ▪ zigû (Iba) – ligo ▪ fánga (Ayg) - palayok Gamit ng walong bagong titik sa pagbabaybay - Para sa mga bagong hiram na salita na babaybayin sa Filipino nag- selfie naka- projector mag- jeep nag- visual aid nagpa- xerox mag- fax - Para sa mga bagong hiram na salita na hindi binabago ang baybay visa zigzag pizza jam - Para sa mga pangngalang pantangi John McDonald Nueva Vizcaya Mexico - Para sa mga katawagang siyentipiko at teknikal chlorophyll zeitgeist quorum Albizia falcataria - Para sa mga mahirap dagliang ireispel bouquet jaywalking quiz pizza PAGREREISPEL Sa pagrereispel - Chart – Tsart - Taxi – Taksi Dapat madagdagan nang higit ang istámbay (stand by), iskédyul (schedule), pulís (police), bóksing (boxing), risés (recess), gróserí (grocery), ánderpás (underpass), háywey (highway), trápik (traffic), grádweyt (graduate), kórni (corny), ármaláyt (armalite), atbp. Huwag magreispel kapag: - Kakatwa o kakatawa ang anyo - Higit na mahirap basahin kaysa orihinal - Nasisira ang kabuluhang kultural - Higit nang popular ang anyo sa orihinal Halimbawa carbon dioxide vs karbon day-oksayd baguette vs baget feng shui vs fung soy habeas corpus vs habyas korpus bouquet vs bukey pizza vs pitsa wifi vs wayfay Pasók ang SK at ST kapag nasa dulo ng salita desk disk test kóntest pest post Kapag ang SK o ST ay nasa unahan o gitna ng salita, madalas itong nahahati. schedule is-ked-yul (iskedyul) scholar is-ko-lar (iskolar) style is-tayl (istayl) Walâng KT. ábstrak (abstract) ádik (addict) konék (connect) korék (correct ) sabjek (subject) MAY TH AT KH ANG MËRANAW Sa digrapong TH at KH, ang H ay kumakatawan sa nagaganap na aspirasyon, o pahingal na pagpapatunog sa katinig at patinig. thínda – magluto lítha – gulay thengéd – pinsan litâ – dagta lítha – gulay khan – kakain pekhawaw – nauuhaw kan – kumain kalokha – pansamantalang tigil khalà – tumawa matháy – matagal/patagalin kalà – laki matáy – mamatay 4. KAMBAL-PATINIG Sa pangkalahatan, nawawala ang unang patinig sa mga kambal-patinig na I+(A, E, O) at U+(A, E, I) kapag siningitan ng Y at W sa pagsulat. acacia akasya indibidual indibidwal teniente tenyente aguador agwador UNANG KATALIWASAN Huwag alisin ang unang patinig kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa katinig sa unang pantig ng salita. tia (ti-a) tIYA o tiya piano (pi-a-no) pIYAno o piyano pieza (pi-e-za) pIYEsa o piyesa fuerza (fu-er-za) pUWErsa o puwersa viuda (vi-u-da) bIYUda o biyuda IKALAWANG KATALIWASAN Huwag alisin ang unang patinig kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa dalawa o mahigit pang kumpol-katinig (consonant cluster) sa loob ng salita. ostIYA (hostia) impIYErno (infierno) leksIYOn (leccion) eleksIYOn (eleccion); biskUWIt (biscuit) engkUWEntro (encuentro) Lumuluwag ang pagbigkas at dumadali ang pagpapantig. IKATLONG KATALIWASAN Huwag alisin ang unang patinig kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa tunog na H. mahIYA (magia) estratehIYA (estrategia), kolehIYO (colegio) rehIYOn (region). IKAAPAT NA KATALIWASAN Kapag ang kambal-patinig ay nása dulo ng salita at may diin ang bigkas sa unang patinig ang orihinal. economía (e-co-no-mi-a) ekonomIYA geografía (geo-gra-fi-a) heograpIYA filosofía (fi-lo-so-fi-a) pilosopIYA MALAKAS NA PATINIG Hindi nagdudulot ng kalituhan ang mga kamabal-patinig na may malakas na unang patinig (A,E, O) idea hindi ideya leon hindi leyon teorya hindi teyorya ideolohiya hindi ideyolohiya 5. PALITANG E/I AT O/U Senyas sa Español o sa Ingles Sa kaso ng E/I, magiging senyas ang E sa mga salitang Espanyol na nagsisimula sa ES upang ibukod sa mga salitang Ingles na halos katunog ngunit nagsisimula sa S. eskándaló (escandalo) vs iskándal (scandal) estasyón (estacion) vs istéysiyón (station) espesyál (especial) vs ispésyal (special) eskuwéla (escuela) vs iskúl (school) estandárte (estandarte) vs istándard (standard) estílo (estilo) vs istáyl (style) eskolár (escolar) vs iskólar (scholar) Hindi kailangang baguhin ang E at O kapag sinundan ng pang-ugnay na (-ng). “babáeng masipag” at hindi “babaing masipag” “biròng masakit” at hindi “birung masakit” Hindi kailangang baguhin ang E at O kapag inuulit ang salitang-ugat. birò-birò at hindi “biru-biro” anó-anó at hindi “anu-ano” alón-alón at hindi “alun-alon” taón-taón at hindi “taun-taon” píso-píso at hindi “pisu-piso” pitó-pitó at hindi “pitu-pito” pátong-pátong at hindi “patung-patong” Mag-ingat dahil may magkaibang kahulugan sálo-sálo—magkakasáma at magkakasabay na kumain salusálo—isang piging o handaan para sa maraming tao bató-bató—paglalarawan sa daan na maraming bato batubató—ibon, isang uri ng ilahas na kalapati halo-halo—pinagsama-sama haluhalo—pagkaing may yelo at iba pang sangkap Kapag nagbago ang katinig kumbensiyon (convencion) kumpisal (confesar) kumbento (convento) kumpiska (confisca) Sa kaso ng O/U ipinahihintulot ang pagpapalit ng O sa U kapag nagbago ang kasunod na katinig sa loob ng pantig. Nagaganap ito sa pagpapalit ng N sa M kapag nag-uumpisa ang kasunod na pantig sa B/V at P/F. Epekto ng Hulapi balae - balaihin hindi balaehin babae - kababaihan hindi kababaehan abo -abuhin hindi abohin takbo -takbuhan hindi takbuhan Huwag baguhin ang dobleng “O” nood panoorin poot kapootan doon paroonan buo kabuoan suot kasuotan salimuot kasalimuotan 6. PAGPAPALIT NG D TUNGO SA R Sa tuntunin ng Balarila, nagiging R ang D kapag sumusunod sa salitang nagtatapos sa patinig o malapatinig o glide (W at Y) Masaya rin Mabigat din Tatayo rin Kakain din Ikaw raw Payag daw Okey raw Gutom daw DIN/RIN at DAW/RAW Sa kasalukuyang tuntunin, hindi ipinagbabawal ang pagpapalit ng din/rin at daw/raw Masaya rin o Masaya din Ikaw raw o Ikaw daw Tatayo rin o Tatayo din Kakain daw o Kakain raw 7. KAILAN NG AT KAILAN NANG Mga Gamit ng “Nang” Ginagamit ang “nang”na kasingkahulugan ng “noong”. “Umaga nang barilin si Rizal. “Nang umagang iyon ay lumubha ang sakit ni Pedro.” Ginagamit ang “nang” na kasingkahulugan ng “upang” o “para”. “Dinala si Pedro sa ospital nang magamot.” “Matulog ka na nang maaga kang magising bukas.” Ginagamit ang nang bílang pang-angkop ng inuulit na salita “Barilin man nang barilin si Rizal ay hindi siyá mamamatay sa puso ng mga kababayan.” “Siya ay umawit nang umawit.” Ginagamit ang nang para sa pagsasabi ng paraan “Tumakbo siya nang mabilis.” Gamitin lagi ang batas ng wika nang tama. 8. PAGBABALIK SA TULDIK Hinihikayat ang paggamit muli ng mga tuldik: na pahilís (ˊ) paiwà (`), at pakupyâ (ˆ). Wastong pag-unawa sa diwa ng pangungusap. Tinanggap ni Floyd ang hamon ni Pacman. Tinanggap ni Floyd ang hamón ni Pacman. Tinanggap ni Floyd ang hámon ni Pacman. láya 1: [Bik, Hil, Seb, War] uri ng lambat na gamit sa pangingisda 2: [Twl, Isi, Gad] luya layá [Ilk, Itw, Iba]: luya layâ 1: [Tag] walang disiplina 2: [Bik] bunga ng niyog 3: [Kin, Seb, War] tuyông dahon o sanga 4: [Iba] inahing baboy lâ-ya [Bik]: luya layà [Tag]: libertad Dahil nagpapasok na tayo ng ibang lahok o word entri mula sa ibang wika sa Filipinas, at nakikisalamuha tayo sa ibang pangkat sa filipinas na may ibang wika, kailangan maging maingat at considerable tayo sa mga bigkas. Dahil may mga salita na pareho ang ispeling o baybay kapag isinulat pero magkaiba ang bigkas at kahulugan. At kung hindi natin icoconsider yun, puwedeng maiba ang ibig sabihin. Speaking of bigkas, naaalala nyo pa po ba ang mga paraan ng pagbigkas? Sa Filipino. Tubo-pipe, tubo-interes/grow, tubo-sugarcane PARAAN NG PAGBIGKAS SA TULDIK NA DAPAT GAMITIN FILIPINO malúmay pahilís ( ́ ) malumì paiwà ( ̀ ) mabilís pahilís ( ́ ) maragsâ pakupyâ ( ̂ ) Malúmay Nagtatapos sa Patinig Nagtatapos sa Katinig dalága nánay babáe silángan saríli kilábot táo tahímik sampalatáya kapisánan Malumì batà (child) dalamhatì talumpatì kulasisì dambuhalà labì Mabilís Nagtatapos sa Patinig Nagtatapos sa Katinig takbó bulaklák isá katawán malakí alagád batubató alitaptáp Maragsâ kaliwâ salitâ dukhâ butikî sampû panibughô tatlumpû DAGDAG NA GAMIT NG PAHILIS - para sa mahabang salita páligsáhan nagkálitúhan báligtáran pasíntabì namímintanà Kamáynilàan - “Ma-” na may pahilis mádapâ, nádapâ másagasáan, násagasáan máligtás, náligtás - simbolo sa impit na tunog sa loob ng isang salita na nagaganap sa Bikol at mga wika sa Cordillera. lî-muhen (Tiboli) ibong nagbibigay ng babala ang huni tî-sing (Tiboli) singsing bû-ngaw (Bikol) bangin, na iba sa búngaw, ▪ Bikol din para sa sakit na luslós. kasâ-lan (Bikol) kasalanan bâ-go (Bikol) bágo hû-lung (Ifugaw) patibong sa daga mâ-kes (Ibaloy) pagbatì sâ-bot (Ibaloy) dayuhan ANG SCHWA Tunog na matatagpuan sa Mëranaw, Pangasinan, Ilokano, mga wika sa Cordillera, Akëanon, Kiniray-a at iba pang wika sa bansa ë Dagdag ito sa mga tuldik na paiwà (`), pahilís (ˊ ), at pakupyâ (ˆ) wën (Ilokano) katapat ng oo kën (Ilokano) katapat ng din/rin këtkët (Pangasinan) katapat ng kagat silëw (Pangasinan) katapat ng ilaw Panagbënga (Kankanaëy) panahon ng pamumulaklak tëlo (Mëranaw) katapat ng tatlo matëy (Mëranaw) katapat ng matagal sëlëd (Kinaray-a) katapat ng loob yuhëm (Kinaray-a) katapat ng ngiti gërët (Kuyonon) katapat ng hiwa 9. GAMIT NG GITLING Sa inuulit na salita anó-anó kani-kaniya aráw-áraw balu-baluktót gabí-gabí pabálik-bálik sirâ-sirâ nagkawasák-wasák ibá-ibá pagbali-baligtarín maya-maya pabula-bulagsák pali-palíto Sa Paghihiwalay ng Katinig at Patinig - Nagtatapos sa katinig ang naunang pantig - Nagsisimula sa patinig ang kasunod na pantig pag-ása hay-iskúl ágam-ágam intér-aksiyón mag-isá lip-istík pang-apat Ilang maling gawi ng marami nag punta (Wasto: nagpunta) pinag-sama (Wasto: pinagsama) magisa vs mag-isa Kapag inuunlapian ang pangngalang pantangi pa-Mandaluyong taga-Itogon maka-Filipino Kapag salitang banyaga at nása orihinal na baybay ang kasunod pa-cute o pakyut ipa-cremate o ipakrimeyt maki-computer o makikompiyuter Sa Bagong Tambalan lipat-bahay pusong-martir bigyang-búhay amoy-pawis bagong-salta Sa Kasunod ng “De” de-kolór de-máno de-kahón de-bóla de-láta de-bóte Sa Kasunod ng “Di.” di-mahapáyang-gátang di-mahúgot-húgot di-mahipò di-kágandáhan di-maitúlak-kabígin di-maliparáng-uwák Mag-ingat Wasto Hindi Wasto iba-iba iba’t iba iba’t-iba isa’t isa isa’t-isa PALAGITLINGAN KAILAN GINAGAMIT ANG GITLING? Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigt sa isang pantig ng salitang-ugat. araw- araw gabi-gabi isa-isa apat-apat buwan-buwan sari-sarili kabi-kabila masayang-masaya dala-dalawa Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan. mag-alis pag-alis nag-isa may-ari mag-aral tag-init pang-ubo mang-uto pag-asa Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama pamatay ng insekto - pamatay –insekto kahoy sa gubat - kahoy-gubat lakad at takbo - lakad-takbo Bahay na aliwan - bahay-aliwan Dalagang taga bukid - dalagang-bukid o Subalit,kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang kahulugan,hindi na gagamitan ng gitling ang pagitan nito. dalagambukid ( Fish ) buntunghininga kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao,lugar,brand o tatak ng isang bagay o kagamitan,sagisag o simbolo.Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling. maka-Diyos mag-Pal maka-Rizal mag-Sprite maka-Pilipino mag-Corona pa-Baguio mag-Ford taga-Luzon mag-Japan taga- Antique Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan. mag-Johnson magjo-Johnson mag-corona magco-Corona mag-ford magfo-Ford mag-jogging magjo-jogging mag-Japan magja-Japan kapag ang panlaping ika ay iniunlapi sa numero o pamilang. ika-3 n.h. ika-10 ng umaga ika-20 na pahina ika-9 ng buwan ika-12 na kabanata kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction isang- kapat ( 1/4 ) lima’t dalawang-kalima ( 5- 2/5 ) tatlong –kanim (3/6 ) kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang bana o asawa. Vilma Santos-Recto Gloria Macapagal-Arroyo Levita Manglapuz- Castro Sa pagitan ng panlapi at salitang hiram mag-meeting nag-ford naka- text nag – blog Sa pagitan ng salitang mala at salitang-ugat na nangangahulugang nakakatulad. mala-rosas mala-makopa mala-kandila Pamalit sa salitang hanggang 1-10 ng Mayo 3:00 – 5:00 ng hapon Lunes- Biyernes Pagitan ng magsa at salitang nangangahulugang maging magsa- pusa magsa –aso magsa- hayop Sa pagpapantig ng salita Pi-li-pi-no Bu-hay ha-la-man WASTONG GAMIT NG MGA SALITA 1. Gamit ng MAY at MAYROON Ginagamit ang MAY kung ito’y sinusundan ng mga sumusunod na bahagi ng pananalita: Pangngalan- May prutas siyang dala. Pandiwa- May kumakatok sa labas. Pang-uri- May matalino siyang anak. Pantukoy na mga- May mga lalaking naghihintay sa iyo. Pang-ukol na sa- Maysa-ahas pala ang kaibigan mo. Ginagamit ang MAYROON kung ito’y: Sinusundan ng isang kataga o ingklitik Mayroon ba siyang pasalubong? Mayroonnga ba silang bagong sasakyan? Sinusundan ng panghalip palagyo Mayroon siyang kotse. Mayroon kaming palaisdaan sa Bulacan. Mayroon tayong pagsusulit bukas. Nangangahulugang “mayaman” Ang pamilya ni Carol ay mayroon sa kanilang lalawigan. Siya lamang ang mayroon sa aming magkakapatid. 2. Gamit ng NG at NANG Ginagamit ang NG bilang: Katumbas ng “of” ng Ingles Si Mang Manding ang puno ng aming samahan. Makulay na ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan. Pang-ukol ng layon ng pandiwa Umiinom siya ng gatas bago matulog. Naglalaro ngchess ang magkakapatid. Pang-ukol ng tagaganap ng pandiwa sa tinig blintiyak Hinuli ng pulis ang mga nanloob sa kanilang bahay. Ginawa ng mga estudyante ang kanilang proyekto. Ginagamit ang NANG bilang: Katumbas ng “when” sa Ingles Kumakain kami ng hapunan nang dumating si Tiyo Berting. Tapos na ang palabas nang pumasok ng tanghalan si Ben. Katumbas ng “so that” o “in order to” sa Ingles Mag-aral kayo nang mabuti nang kayo’y makapasa. Magsumikap ka nang ang buhay mo’y guminhawa. Kapag napagigitnaan ng dalawang magktulad na pandiwa Siya ay tawa nang tawa. Kumain nang kumain ang nagugutom na bata. Gamit ng KUNG DI at KUNDI kung di –“kung hindi” o if not Aalis na sana kami kung di ka dumating. Kundi –except Walang sinuman ang pwedeng manood kundi iyong mga may ticket lamang. Gamit ng WALISIN at WALISAN Walisin –bagay na aalisin o lilinisin(sweep the dirt) Walisin ninyo ang mga kalat sa sahig. Walisan –lugar na aalisan ng kalat o lilinisan(to sweep the place) Walisan ninyo ang sahig. Gamit ng HATIIN at HATIAN Hatiin –partehin o “to divide” Hatiin mo sa anim ang pakwan na nasa lamesa. Hatian –ibahagi o “to share” Hatian mo ang iyong kapatid sa tsokolateng bigay ng iyong ama. Gamit ng IWAN at IWANAN Iwan –huwag isama o “to leave something or somebody” Iwan mo na lang ang kotse sa garahe. Iwanan –ibigay, bigyan o “to leave something to somebody” Iwanan mo kay Joy ang susi ng kotse. Gamit ng SUNDIN at SUNDAN Sundin –pagsunod sa payo o pangaral(to obey) Sundin mong lagi ang sinasabi ng iyong mga magulang dahil para rin iyon sa iyong kabutihan. Sundan –gayahin o pumunta sa pinuntahan ng iba(to follow) Sundan mo ang kabayanihang ipinakita ng iyong ama sa bayan. Sundan mo siya at baka siya maligaw. Gamit ng PINTO at PINTUAN Pinto –bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas. May kumakatok. Buksan mo nga ang pinto. Pintuan –bahaging kinalalagyan ng pinto Natanggal ang pinto sa pintuan. Kailangan mong dumaan sa may pintuan Gamit ng HAGDAN at HAGDANAN Hagdan –baytang na inaakyatan at binababaan. Nagmamadaling inakyat ni Marvin ang hagdan. Hagdanan –bahaging kinalalagyan ng hagdan. Ilagay mo ang hagdanan tapat ng bintana. Gamit ng OPERAHIN at OPERAHAN Ooperahin –tiyak na bahagi ng katawan na titistisin Ooperahin ang tiyan ni Rey sa Sabado Ooperahan –taong sasailalim sa pagtitistis Ooperahan si Rey sa tiyan sa Sabad Gamit ng NAGPAKASAL at NAPAKASAL Nagpakasal- mga punong abala para sa okasyon Sina Aling Juana at Mang Juan ay nagpakasal ng kanilang anak na babae. Napakasal- nag-isang dibdib Si Jessie at Joan ay napakasal na noong nakaraang araw. Gamit ng BINASAG at NABASAG Binasag- intensyunal o sinadya ang kilos o paggawa Dahil sa matinding galit ay binasag ni Ben ang hawak nitong baso. Nabasag- hindi sinasadyang gawin ang kilos o insidenteng ang pagkabasag Nabasag ang pinggang nasagi ng pusa. Gamit ng NAPATAY at NAMATAY Napatay- pinaslang o sadyang pagpaslang Napatay ng mga pulis ang magnanakaw. Napatay ng mga pulis ang magnanakaw. Namatay- natural na pagkamatay dahil sa karamdaman o insidente Namatay siya dahil sa sakit na kanser. Gamit ng IWAN at IWANAN Iwan- “to leave” Hindi ko kayang iwan ka. Iwanan- “to leave something to somebody” Iwanan ng baon ang iyong anak. Gamit ng SUBUKIN at SUBUKAN Subukin –“to try” Subukin ang galing niya sa Martial Arts. Subukan – manmanan ang ginagawa Subukan natin ang ginagawa ng mga bata sa kanilang silid Gamit ng SINA at SILA Sina- ay pantukoy Sina Joy at Rizza ay aking mga kaibigan. Sila – ay panghalip Sila ay aakyat ng Baguio para magbakasyon. TAGA at TIGA Walang unlaping tiga-. Taga- ang dapat gamitin. Ginagamit ang gitling sa unlaping taga- kung sinusundan ng pangngalang pantangi. Gamit ng KINA at KILA Kina-pantukoy walang salitang Kila Gamit ng KUNDI at KUNGDI Kundi- “except” Walang sinumang maaring mag-may-ari ng bahay na ito kundi ikaw. Kungdi- “kung hindi” Hindi ko sana siya pinahiraman ng pera kung-di mo siya sinamahan. PAGPILI NG BATIS NG IMPORMASYON FACT OR BLUFF 1. Higit na matagal ang buhay ng kababaihan kaysa kalalakihan. BLUFF. Life Span. (2018) www.medicalfact.com 2. Hindi nakatitingala ang mga baboy sa kalangitan. FACT. Animals and facts. (2017) 3. Higit sa tatlong beses ang vitamin C na makukuha sa balat ng bayabas kaysa kalamansi. FACT. Home Remedies. (2017) www.homeremedies.com 4. Noong Abril 12, 1455, napatunayang may mga ‘Alien’ species na nakarating sa mundo. BLUFF. Walang gadget na nakatutukoy ng alien sightings sa taong 1400’s 5. Maaaring lumutang ang paper clip sa baso na puno ng tubig. FACT. Science experiments. (2017) Mga bagong kaalaman na natanggap mula sa mga nababasa, naririnig at napapanood na napoproseso ayon sa sariling karanasan. Maaari ding ang mga ito ay mga kaisipang nabubuo sa isipan o representasyon at interpretasyon sa mga bagay sa paligid sanhi ng kaayusan, laki, bigat, hugis, kulay, bilang at iba pa. Mga teorya, kuro-kuro, datos, kaalaman, kahulugan, kilos, obserbasyon, persepsyon at iba pa. Ang ANALAMAK ay mga kaisipang natutuhan bunga ng pagproseso ng impormasyon o maaaring natamo o natanggap mula sa maraming naging karanasan. Samantala, ang TODAS ay mga kaalamang kinokolekta, sinusuri, inuunawa at pinaglalaanan ng sapat na panahon upang makabuo ng impormasyon. TATLONG HANGUAN 1. Hanguang primary (primary sources) ayon kina Bernales, et al. (2012) na ayon kina Mosura, et al. (1999) ay: Mga indibidwal o awtoridad Mga grupo o organisasyon tulad ng pamilya, asosasyon, union, fraternity, katutubo o mga pangkat minorya, samahan, simbahan at gobyerno Mga kinagawiang kaugalian tulad ng relihiyon at pag-aasawa, sistemang legal at ekonomik at iba pa, at Mga pampublikong kasulatan o dokumento tulad ng konstitusyon, batas, kautusan, kontrata at ang lahat ng orihinal na tala, katitikan sa korte, sulat, journal at talaarawan. 2. Hanguang sekondarya (secondary sources) Mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensaykolpidya, taunang-ulat o yearbook, almanac at atlas Mga nalathalang artikulo sa journal, magasin, pahayagan at newsletter Mga tesis, disertasyon at pag-aaral ng pisibiliti, nailathala man ang mga ito o hindi, at Mga monograph, manwal, polyeto, manuskrito at iba pa. 3. Hanguang elektroniko o ang internet Sa ngayon ay ang internet ang itinuturing na pinakamalawak at pinakamabilis na hanguan ng mga impormasyon o datos. Sa isang click lamang ng daliri ay may mayamang impormasyon ka nang makukuha. Halimbawa nito ay ang iba’t ibang aplikasyon at platforms tulad ng YouTube, Google at Yahoo. PAGBASA interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Isa itong pagpapakahulugan ng mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan. Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina. Ayon kay William S. Gray, ang tinaguriang Ama ng Pagbasa, may apat na hakbang sa pagbasa: 1. pagbasa sa akda 2. pag-unawa sa binasa 3. reaksyon sa binasa 4. pag-uugnay ng mga dating kaalaman sa mga bagong kaalaman mula sa binasa. Mga Uri ng Pagbasa a. MASUSING PAGBASA. Saklaw nito ang mapanuri at kritikal na pagbasa. Nakatuon ito sa pag-aaral ng nilalaman at estruktura ng teksto. Dito ay sinusuri at binibigyan ng wastong interpretasyon ang mga tiyak na detalye ng isang akda. b. MASAKLAW NA PAGBASA. Ito ay pagbasang nakatuon sa pag-unawa sa pangkalahatang nilalaman ng teksto. Hindi maaari dito ang pabaha-bahaging pagbasa sa paksa sapagkat ito ay pag-aaral sa kabuoan ng isang akda, at hindi sa mga tiyak o espisipikong detalye. c. TAHIMIK NA PAGBASA. Mata lamang ang gamit dito. Hindi ito ginagamitan ng bibig kaya di lumilikha ng anumang tunog. Walang interaksyon sa pagitan ng bumabasa at nakikinig. Ito ay sariling pagbasa. d. MABAGAL NA PAGBASA. Sapat na panahon ang kailangan sa pagbasang ito. Umaayon ito sa pag-aaral ng gramatikang Filipino dahil tinatalakay rito ang ugnayan ng salita sa mga salita sa loob ng pangungusap o mga salitang bumubuo sa isang teksto kaya napakahalagang pagtuonan ng interes ang mga salita sa akda. Hindi naman ito under time pressure na pagbasa, sa halip ay study speed kung tawagin, dahil ito ay ang unang bilis sa pagbasa. e. MABILIS NA PAGBASA o Scanning ito tumutukoy sa pagkuha at pagpili ng mga pangunahin at tiyak na detalyeng pangkaisipan sa akdang binasa. Ang paghahanap ng isang tiyak na impormasyon sa libro o anumang babasahin ang halimbawa nito. Ito ay palaktaw-laktaw na pagbubuklat sa libro at pag-ukol nang mabilisang pagsulyap sa binabasa. Nakatuon ang mga mata ng mambabasa sa partikular na impormasyong hinahanap sa isang tiyak na pahina ng materyal. o Skimming ito naman ang tawag sa pinaraanan at pinakamabilis na pagbasang magagawa ng isang tao. Binubusisi muna ng mambabasa ang kabuoan ng aklat bago tuluyang basahin. Ito ay pahapyaw na pagbasa sa kabuoan ng seleksyon at nilalaktawan ang mga detalyeng hindi masyadong mahalaga. Layunin nitong makuha ang pangkalahatang impresyon o kaisipan na nakalahad sa akda. PAGBUBUOD Isang paraan ng papapaikli ng anumang teksto o babasahin. Ito ay paglalahad ng mga kaisipan at natutuhang impormasyong nakuha sa tekstong binasa. Ito ay hindi sulating orihinal, hindi ito kailangang maging sariling akda. Wala ritong isasamang sariling opinyon o palagay hinggil sa paksa. Ang isasaad lamang dito ay kung ano ang nasa teksto. Kaya kailangang panatilihin ang mga binanggit na katotohanan o mga puntong binigyang-diin sa akda. Sa pagbubuod ay kinukuha lamang ang pinakamahahalagang kaisipan ng teksto. Kung maikling kuwento ang binubuod o nilalagom, kailangan ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Hindi dapat padampot-dampot ang pagpapahayag ng mga bahagi. Kailangang maging malinaw ang pagpapahayag. Kung ang teksto naman ay isang ekspositori, maaaring ilahad ang mga dahilan at katwirang ginamit upang maayos at mabisa ang paglalahad. PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG BUOD 1. Basahing mabuti ang buong akda upang maunawaan ang buong diwa nito. 2. Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahin at pinakamahalagang kaisipan ng talata. 3. Isulat ang buod sa paraang madaling unawain. 4. Gumamit ng sariling pananalita. 5. Hindi dapat lumayo sa diwa at estilo ng orihinal na akda. PARAPHRASING AT OUTLINING PARAPHASE pagsasabing muli ng nakuhang idea mula sa ginamit na sanggunian gamit ang sariling pangungusap. Maaari itong tingnan bilang salin ng orihinal na pinagmulan ng idea o kaya ay pagpapasimple ng tekstong binasa upang mas madaling maunawaan ng babasa. Tulad ng direktang sipi, ang mga materyal na pinarapreys ay kailangang sundan ng dokumentasyong nakapaloob sa ginawang hawig (Arrogante, 2009). BAKIT GINAGAMIT ANG PARAPHASE? Nais gumamit ng mga impormasyon sa note card at umiwas sa panggagaya Nais iwasan ang masyadong paggamit ng direktang sipi Nais gamitin ang sariling boses sa paglalahad ng impormasyon PAGBABALANGKAS O OUTLINING sistema ng isang maayos na paghahati-hati ng mga kaisipan, kaalaman at datos ayon sa tataluntuning lohikal na pagkakasunod-sunod bago ganapin ang paunlad na pagsusulat. Ito ang pinakakalansay ng isang sulatin na nagsisilbing hulmahan ng kalalabasang porma ng isang katha. Nagsisilbi rin itong gabay sa matalinong pag-abante ng bawat puntong tatalakayin. ANG BALANGKAS AY INUURI SA TATLO: 1. Papaksang balangkas - mga punong kaisipan lamang na isinulat sa salita o parirala 2. Papangungusap na balangkas - binubuo ng mahahalagang pangungusap na sadyang mga bahagi na ng sulatin 3. Patalatang balangkas - binubuo ng grupo ng mga pangungusap na nagbubuod sa mga gagawing talata