Antique National School Edukasyon sa Pagpapakatao 9 PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Antique National School
Tags
Summary
This document appears to be a learning activity sheet (LAS) or lesson plan for a Philippine secondary school subject, Edukasyon sa Pagpapakatao 9. It is covering topics on civil society, media, and the roles of different institutions in society, particularly focusing on roles in community development and ethical values and principles.
Full Transcript
![](media/image2.png)**Antique National School** San Jose, Antique **EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9** **UNANG MARKAHAN** **GAWAING PAMPAGKATUTO 4** 1\. Natutukoy ang mga halimbawa ng lipunang sibil at ang kani-kaniyang papel na ginagampanan ng mga ito upang makamit ang kabutihang panlahat. (EsP9PL...
![](media/image2.png)**Antique National School** San Jose, Antique **EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9** **UNANG MARKAHAN** **GAWAING PAMPAGKATUTO 4** 1\. Natutukoy ang mga halimbawa ng lipunang sibil at ang kani-kaniyang papel na ginagampanan ng mga ito upang makamit ang kabutihang panlahat. (EsP9PL -Ig - 4.1) 2\. Nasusuri ang mga adhikaing nagbubunsod sa mga lipunang sibil upang kumilos tungo sa kabutihang panlahat. (EsP9PL -Ig - 4.2) 3\. Nahihinuha na: (a). Ang layunin ng Lipunang Sibil, ang likas-kayang pagunlad, ay isang ulirang lipunan na pinagkakaisa ang mga panlipunang pagpapahalaga tulad ng katarungang panlipunan, pangekonomiyang pagunlad (economic viability), pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran, kapayapaan, pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan (gender equality) at ispiritwalidad. (b). Ang layunin ng media ay ang pagpapalutang ng katotohanang kailangan ng mga mamamayan sa pagpapasya. (c). Sa tulong ng simbahan, nabibigyan ng mas mataas na antas ng katuturan ang mga materyal na pangangailangan na tinatamasa natin sa tulong ng esatdo at sariling pagkukusa. (EsP9PL -Ih - 4.3) 4\. Natataya ang adbokasiya ng iba't ibang lipunang sibil batay sa kontribusyon ng mga ito sa katarungang panlipunan, pangekonomiyang pag-unlad (economic viability), pakikilahok ng mamamayan, pangangalaga ng kapaligiran, kapayapaan, pagkakapantay ng kababaihan at kalalakihan (gender equality) at ispiritwalidad (mga pagpapahalagang kailangan sa isang lipunang *sustainable*) b. Nakapagsasagawa ng mga pananaliksik sa pamayanan upang matukoy kung may lipunang sibil na kumikilos dito, matukoy ang adbokasiya ng lipunang sibil sa pamayanan, at matasa ang antas ng pagganap nito sa pamayanan. (EsP9PL -Ih - 4.4) **II. ARALIN/KONSEPTO** Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng mga batas upang matiyak nito na matutugunan ang mga pangangailangan sa lipunan. Magkagayon man, sa maraming pagkakataon ay nagkukulang ang pamahalaan sa layuning ito. **Lipunang Sibil** Ang kusang pag-oorganisa ng ating mga sarili tungo sa sama-samang pagtuwang sa isa't-isa. Hindi ito isinusulong ng mga pulitiko o ng mga negosyante na may pansariling interes. Ito ay ibinubunsod ng pagnanais ng mga mamamayan na matugunan ang kanilang mga pangangailangan na bigong tugunan ng pamahalaan at kalakalan (business). Ang lipunang sibil ay nagsasagawa ng mga pagtugon na sila mismo ang nagtataguyod, kung kaya nagkakaroon ng likas kayang pag- unlad (sustainable development) na hindi tulad ng minadali at pansamantalang solusyon ng pamahalaan at kalakalan. Halimbawa: 1994- Peace Advocates Zamboanga -- adbokasiyang palakasin ang ugnayan ng mga Kristiyano at Muslim. **Katangian ng iba't-ibang Anyo ng Lipunang Sibil** 1. Pagkukusang-loob. Walang pumilit, nanakot, o nanggipit sa mga kasapi nito upang makisangkot. 2. Bukas na pagtatalastasan. Walang pinipigilan o dinidiktahan sa pagpapahayag ng saloobin. 3. Walang pang-uuri. Hindi isinasaalang-alang ang kalagayang panlipunan ng mga kasapi: 4. Pagiging organisado. Sapagkat nagbabago ang kalagayan ayon sa mga natutugunang pangangailangan, nagbabago rin ang kaayusan ng organisasyon upang tumugma sa kasalukuyang kalagayan. 5. May isinusulong na pagpapahalaga. Ang isinusulong nito ay hindi pansariling interes kundi kabutihang panlahat -- katotohanan at espiritwalidad. **Media** Anumang bagay na "nasa pagitan" o namamagitan sa nagpadala at pinadalhan ay tinatawag sa Latin na medium (o media kung marami). Kung maramihan at sabay-sabay ang paghahatid na ginagawa natin, tinatawag natin itong mass media: diyaryo, radyo, telebisyon, pelikula o internet Sa pagpapalutang ng mahahalagang impormasyon ay napananatili mo ang ikabubuti ng iba pang kasapi ng lipunan. **Pangunahing layunin ng media** Ang pangunahing layunin ng media ay magsulong ng ikabubuti ng bawat kasapi ng lipunan. Ito ang dahilan kung bakit tungkulin ng media ang pagsasabi ng buong katotohanan, at kagyat na pagtutuwid sakali mang may naipahatid na maling impormasyon na maaaring maging batayan ng iba sa pagpapasya ng ikikilos. Ang media ay pinaglalagakan lamang ng mga katotohanang kailangan ng lipunan para sa ikabubuti ng bawat kasapi nito. Hindi ikabubuti ninuman ang kasinungalingang bunga ng pagdadagdag-bawas sa katotohanan. **Halimbawa: "Bayan Mo, Ipatrol Mo"** ng ABS-CBN -- inilunsad bago ang halalan 2007. Ipinakita ng ABS-CBN sa mga karaniwang mamamayan kung paano ipararating sa nakararami ang nakalap na mahalagang impormasyon o balita gamit ang kani- kanilang cellphone. Sa ganitong paraan ay maaaring palutangin ng media, habang nangyayari ang katiwalian o pandaraya sa halalan. **Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin na nagbibigay ng impormasyong may kinalaman hindi lamang sa halalan, kundi maging sa iba't-ibang sakuna at trahedya, pagsasaayos ng mga daan, at pagtatayo ng mga "community center".** **Simbahan** Gaano man karami ang iyong matamo para sa sarili, makararamdam ka pa rin ng kawalan ng katuturan. Sa pagiging mananampalataya mo ay hindi nawawala ang iyong pagkamamamayan. Sa katunayan, ang iyong pananampalataya ay naisasabuhay mo sa pamamagitan ng pagtuwang sa lipunan, at pagtugon sa panawagan ng lahat na, "Paki lang." **Halimbawa:** ***Couples for Christ*** -- nakapagpatayo ng kauna-unahang pabahay ("Gawad Kalinga Project") para sa isang mahirap na mag-anak sa Bagong Silang, Caloocan City noong 1999. ***Seventh Day Adventist Church*** sa Pilipinas ay bumuo ng organisasyong tumututol sa paninigarilyo noong 1982. Pinaigting ng Department of Health (DOH) noong 1994 ang kampanyang 'Yosi Kadiri" at naging Batas Pambansa noong 2003 ang pagbabawal sa pagpapatalastas ng paninigarilyo. Papa Juan Pablo II: "Ang kapangyarihan ng media ay hindi isang lakas na nananalasa kundi isang pag- ibig na lumilikha." Malala Yousafzai: walong taong gulang nang magsimulang sumulat ng blog na naglalarawan kung gaano kadelikado ang mag-aral sa gitna ng panggigipit ng mga Taliban. Ngayon kapag may nagagawing Taliban sa kanilang bayan, hinaharap ito ng mga kabataang babae at buong tapang nilang idinedeklarang "Ako si Malala." **III. PAGSASANAY** **Gawain 1:** May naaalala ka bang mga organisasyon na dumayo sa inyong lugar upang maghatid ng kawanggawa o tulong? Nabiyayaan ka na ba ng ganitong paglilingkod-bayan? Anong serbisyo o tulong ang naipaabot sa inyo? *Panuto:* 1\. Gumawa ng talaan ng mga natatandaan mong kahalintulad na gawain sa inyong lugar. +-----------------+-----------------+-----------------+-----------------+ | **Pangalan o | **Uri ng | **Panahong | **Pananaw ng | | uri** | paglilingkod** | inilaan** | mga tao tungkol | | | | | sa resulta o | | **ng | | | epekto ng | | organisasyon** | | | serbisyo o | | | | | kawanggawa** | +=================+=================+=================+=================+ | **1)** | | | | +-----------------+-----------------+-----------------+-----------------+ | **2)** | | | | +-----------------+-----------------+-----------------+-----------------+ | **3)** | | | | +-----------------+-----------------+-----------------+-----------------+ 2\. Sagutin ang tanong na ito: Ano kaya ang nagtutulak sa mga taong ito upang magpakaabala at magpakagastos, gayong hindi naman nila kamag-anak o kakilala ang kanilang mga tinutulungan? Ipaliwanag. **GAWAIN 2:** Kilalanin Mo Ito! **Panuto: Suriin ang mga layunin na nakalista sa ibaba at isulat sa tsart kung saanito napabilang (**lipunang sibil, media, at simbahan**). Numero o bilang lamang ang isulat sa tsart. Gumamit ng ibang papel para sa iyong sagot.** **1. Layunin nito na makapagbigay ng tamang impormasyon sa nakakarami upang mahubog ng tamang pag- iisip, opinion, layunin at kaalaman ng mga tao.** **2. Layunin nitong maghatid balita sa mga tao at magbigay impormasyon.** **3. Layunin nito na magbigay ng impormasyon kung ano ang mga nangyayari sa ating paligid, mapa- local man o internasyonal.** **4. Upang matututo ang mga tao sa paggawa ng kabutihan at salita ng Diyos.** **5. Layunin nito na hubugin at iukit ang moralidad sa ating lipunan.** **6. Layunin nito na malaman ng lipunan ang pamantayan ng Diyos.** **7. Layunin nito ang pagtuturo ng tamang paraan ng pamumuno ay sa pamamagitan ng pagiging mapagkumbaba, mabuting halimbawa, at pagkakaroon ng debosyon sa kapakanan ng iba.** **8. Layunin nito ang pagbibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan.** **9. Pagbibigay -- lunas sa suliranin ng karamihan.** **10.Tugunan ang mga pangangailangan ng mga mamayan na hindi natugunan** **Layunin ng Lipunang Sibil** **Layunin ng Media** **Layunin ng Simbahan** ------------------------------- ---------------------- ------------------------- hal. 8 1 4 **IV. PAGTATAYA** **PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangugusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa sagutang papel.** **1. Paano matutugunan ang pangangailangan ng isang tao kung sakaling nagawa na ng gobyerno ang lahat na dapat gawin ngunit kulang pa rin ito?** **a. Maghintay kung kailan darating ang tulong.** **b. Magnanakaw upang may pambili ng makakain** **c. Mangibang bayan o bansa upang maghanap ng trabaho** **d. Sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng grupo na may tunguhing mag-aabot ng tulong o magtuturo sa komunidad ng mga programa ng alternatibong pangkabuhayan.** **2. Anong anyo ng lipunang sibil ang mga nabanggit na halimbawa facebook, twitter, at instagram?** **a. simbahan b. pulitika c. lipunang sibil d. media** **3. Sa paanong paraan makamit ang kabutihang panlahat?** **a. sa pagpanalangin sa mga nangangailangan.** **b. sa pagsabi ng mabuti sa mga nangangailangan.** **c. sa pagkilala at pagsuri sa mga pangangailangan ng mamamayan.** **d. sa pakikilahok sa mga lipunang sibil na nagsusulong ng pagtugon sa pangangailangan ng nakararami.** **4. Ano ang pangunahing adhikain ng media bilang isang anyo ng Lipunang Sibil?** **a. Tungkulin nito ang pagsabi ng katotohanan at ang pagtutuwid ng maling impormasyon na maaaring batayan sa pagpapasya ng aksyong gagawin.** **b. Hindi isinasaalang-alang ang kalagayang panlipunan ng mga kasapi.** **c. Walang pinipigilan o dinidiktahan sa pagpapahayag ng saloobin** **d. Hindi ito nagsusulong ng pampolitikang hangarin ng sino mang nasa pamahalaan.** **5. Ito ay ang pagpapahalaga ng isinulong ng lipunang sibil upang makamit ang kabutihang panlahat MALIBAN sa:** **b. Nauunawan ng lipunang sibil ang mga kalagayan ng mga mahihirap.** **c. Mahalaga ang karapatang pantao, at ang pantay-pantay na pagtingin sa batas.** **d. Ang lipunang sibil ay kadalasang nakapanig sa mga miyembro ng lipunan na nasa mababang antas.** **6. Alin ang HINDI nagsusulong ng kabutihang panlahat?** **a. pulitika b. simbahan c. lipunang Sibil d. fraternity at gang** **7. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng halimbawa ng isang organisasyon ng lipunang sibil? a. Pagnanais ng mga mamayan na matugunan ang kanilang mga pangangailangan na bigong tugunan ng pamahalaan at kalakalan.** **b. Nailalagay natin sa mas mababang antas ang kabuluhan ng mga material na bagay na ating tinatamasa.** **c. Ang pagtugon ng mga simbahan sa iba't ibang kalagayan ng piling mamamayan.** **d. Pag organisa ng ating mga sarili tungo sa pagka watak-watak ng bawat isa.** **8. Hindi ikabubuti ninuman ang kasinungalingang bunga ng pagdadagdagbawas sa katotohanan. Ang pahayag na ito ay\_\_\_\_\_\_\_.** **a. Tama, dahil ang pagsisinungaling ay nakadepende sa sitwasyon.** **b. Tama, dahil ang pagbaluktot sa katotohanan ay isang panlilinlang.** **c. Mali, sapagkat ang lahat ay nagkakasala at hindi karapat-dapat sa katotohanan** **d. Mali, kung ang katotohanan ay makakasama sa kalusugan ng isang tao ay panatilihin na lamang ito na lingid sa kanyang kaalaman.** **9. Ang Gabriela ay isang grupo ng kababaihan sa Pilipinas na naging isang pampolitikong partido. Sa kanilang pagsulong ay naisabatas ang mga sumusunod, MALIBAN sa:** **a. Anti-trafficking of person Act (2003)** **b. Rape victims Assistance and protection Act (1998)** **c. Anti-Violence Againts Women and Their Children act (2004)** **d. Naglalathala ng alternatibong pahayagan, at nagsasaliksik sa ugnayan Kristiyano at Muslim** **10. Ito ay tinatawag na medium kung marami at naghahatid ng balita para sa lahat ng mga mamamayan.** **a. ICT b. Media c. Internet d. Simbahan**