EsP9_q3_CLAS1_KatarungangPanlipunan_PDF
Document Details
![WorldFamousAstrophysics](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-3.webp)
Uploaded by WorldFamousAstrophysics
Schools Division of Puerto Princesa City
2021
Tags
Related
Summary
This document is a set of contextualized learning activities sheets (CLAS) for Grade 9 Filipino. It covers social justice concepts in the context of the Filipino Curriculum. The document includes questions related to the topic.
Full Transcript
PANGALAN:_____________________________________ BAITANG/SEKSYON:___________________________ ____ 9 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Kwarter III – Linggo 1 Katarungang Panlipunan CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS SCHOOLS DIVISION...
PANGALAN:_____________________________________ BAITANG/SEKSYON:___________________________ ____ 9 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Kwarter III – Linggo 1 Katarungang Panlipunan CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 9 Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS) Kwarter III – Linggo 1: Katarungang Panlipunan Unang Edisyon, 2021 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa Contextualized Learning Activity Sheets na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang- aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa Contextualized Learning Activity Sheets na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran. Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa Bumubuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets Manunulat: Raquel T. Cahigan Pangnilalamang Patnugot: Analen N. Gerbolingo Editor ng Wika: Alvin G. Buñag Tagawasto: Lodgie Sornito Tagasuri: Shirley F. Lilang, Loida A. Sernadilla PhD at Luz L. Javarez Tagaguhit: Romelyn G. Toquero Tagalapat: Raquel T. Cahigan at Charles Andrew M. Melad Tagapamahala: Servillano A. Arzaga CESO V SDS Loida P. Adornado PhD ASDS Cyril C. Serador PhD CID Chief Ronald S. Brillantes EPS-LRMS Manager Shirley F. Lilang EPS- EsP Eva Joyce C. Presto PDO II Rhea Ann A. Navilla Librarian II Pandibisyong Tagasuri ng LR: Ronald S. Brillantes, Mary Jane J. Parcon Armor T. Magbanua, Maricel Zamora, Charles Andrew M. Melad, Glenda T. Tan at Joseph Aurello Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS) Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City Telephone No.: (048) 434 9438 Email Address: [email protected] Aralin Katarungang Panlipunan MELC: Nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan (EsP9KP-IIIc-9.1) Nakapagsusuri ng mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga tagapamahala at mamamayan (EsP9KP-IIIc-9.2) Mga Layunin: 1. Naiisa-isa ang mga batayan ng katarungang panlipunan. 2. Natutukoy ang mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga tagapamahala at mamamayan. 3. Naipaliliwanag ang mga batayan ng katarungang panlipunan. Subukin Natin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Ang paggalang sa karapatan ng iyong kapitbahay ay batayan ng isang___________. A. Makatarungang panlipunan C. Mapayapang pamayanan B. Makatarungang komunidad D. Makatao 2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI batayan ng makatarungang panlipunan? A. Pagkilala at paggalang sa mga karapatan ng ibang tao B. Pagkilala sa karapatan ng bawat miyembro ng pamilya C. Ang hustisya ay para lamang sa mga mayayaman at kilalang tao D. Pag-unawa na ang pagbatikos o pagpuna sa iba na kulang ng batayan ay kawalan ng katarungan 3. Alin sa sumusunod ang mga nagpapakita ng paglabag sa katarungan ng panlipunan ng mga tagapamahala at mamamayan? I. Hindi makatarungang pasahod sa mga empleyado. II. Pagbabalewala sa mga mga health protocols na ipinatutupad ng gobyerno ngayong panahon ng pandemya. III. Hindi pagtanggap ng lagay o suhol ng isang opisyal sa isang mayamang negosyante o ng isang indibidiwal. IV. Pagsumbong sa kinauukulan sa mga anomalya sa pagbibigay ng ayuda na nakikita sa isang barangay opisyal o iba pang namumuno sa gobyerno o ahensya ngayong panahon ng pandemya. A. I at II B. II at IV C. III at IV D. I at IV 1 4. Sinusunod ang mga health protocols na ipinatutupad ng ating gobyerno sa tuwing nagbibiyahe sapagkat ________________. A. Gusto ko lang C. Para walang mahabang usapan B. Nararapat sundin D. Para mapadali ang lahat ng bagay 5. Bakit isinasaalang-alang ng katarungang panlipunan ang paggalang sa dignidad ng tao? A. Dahil kailangang gawin natin B. Dahil binubuo ng tao ang lipunan C. Dahil mahalaga ang pakikipagkapwa D. Dahil may halaga ang tao ayon sa kaniyang kalikasang taglay bilang tao Ating Alamin at Tuklasin Paghawan ng Balakid Ang Katarungang panlipunan ay ang pagbibigay ng maayos na ugnayan ng tao sa kaniyang kapuwa at iba pang nasa lipunan. Ang Tagapamahala ay tumutukoy sa taong namumuno sa kaayusan ng ugnayan ng tao sa kanyang kapuwa at ugnayan sa lipunan katulad ng mga Administrator, Manager, politiko at iba pang responsable sa kaayusan ng kaniyang nasasakupan. Ang Mamamayan naman ay tumutukoy sa mga tao o grupo ng tao na kasapi ng isang komunidad o lipunan. Naaalala mo pa ba ang iyong napag-aralan na kung saan ay natutuhan mo na mahalaga ang pagsisikap ng bawat tao sa pagkamit at pagpapanatili ng kabutihan panlahat sa lipunan? Isinasaad dito na ang pagsasabuhay ng mga moral na pagpapahalaga na magpapatatag sa lipunan at ang pangunahin sa mga moral na ito ay ang katarungang panlipunan. Bakit mahalaga sa ating pakikibahagi sa lipunan ang pagkakaroon ng katarungang panlipunan? Paano ka tutugon sa hamon ng pagsasabuhay ng katarungang panlipunan? Ano ang Katarungang Panlipunan Ang katarungan ay nararapat na ibigay sa bawat indibidiwal. Bakit nga ba kailangan nating maging makatarungan sa ating kapuwa? Dahil tayo ay namumuhay sa lipunang ating kinabibilangan at ang pagiging makatarungan ay nagpapakita ng pagmamahal sa kapuwa. Halimbawa, ang paninira natin sa ating kapitbahay ay isa ring pagsira natin sa ating sariling pagkatao. 2 Samakatuwid, ang katarungang panlipunan ay tumutukoy sa pagbibigay nang maayos na ugnayan ng tao sa kaniyang kapuwa at sa iba pang nasa lipunan. Dahil dito, ang katarungan ay isang mahalagang pundasyon ng panlipunang pamumuhay dahil mahalaga ang tao at makatarungan na ibigay natin sa kaniya ang nararapat at hindi naka-ugnay sa kung anong klaseng tao siya o anoman ang kaniyang situwasyon o katayuan sa buhay. Hindi dapat malabag ang kaniyang dignidad bilang tao. Ano nga ba ang indikasyon ng makatarungan o hindi makatarungang ugnayan sa kapuwa? Narito ang ilang batayan ng makatarungang panlipunan Pagkilala at paggalang sa mga karapatan ng ibang tao Pag-unawa na ang pagbatikos o pagpuna na kulang ng batayan ay kawalan ng katarungan Nauunawaan ang bawat situwasyon sa obhektibong paraan upang makakilos nang makatarungan ayon sa hinihingi ng situwasyon Pagkilala sa karapatan ng bawat miyembro ng pamilya Pagkakapantay-pantay ng hustisya ng bawat isa Mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga tagapamahala at mamamayan: Tagapamahala: o Pagtikom ng bibig sa mga anomalya sa pagbibigay ng ayuda na nakikita sa isang barangay opisyal o iba pang namumuno sa gobyerno o ahensya ngayong panahon ng pandemya o Pagpabor ng isang opisyal sa mga proyektong tinututulan ng mamamayan dahil sa masamang dulot nito o Pagtanggap ng lagay o suhol ng isang opisyal sa isang mayamang negosyante o ng isang indibiduwal o Pagpapaalis sa mga mamamayan sa isang lugar na walang sapat na permiso o Hindi makatarungang pasahod sa mga empleyado Mamamayan: ✓ Pagkuha ng walang paalam sa isang bagay na pagmamay-ari ng kapuwa. ✓ Pagtitinda ng mga produktong labis ang presyo sa suggested retailer price na ibinigay ng Department of Trade ang Industry katulad ng presyo ng gulay at karne sa pamilihang bayan. ✓ Pagbabalewala sa mga mga health protocols na ipinatutupad ng gobyerno ngayong panahon ng pandemya katulad ng hindi pagsusuot ng face shield and face mask at pagdalo sa mga pagtitipon ng walang pahintulot galing sa Inter-Agency Task Force. (Pinagkunan: Sheryll T. Gayola, et al., Edukasyon sa Pagpapakato 9, Pasig City: Department of Eduaction, 2015, 136-142). 3 Tayo’y Magsanay Gawain 1 Panuto: Unawaing mabuti ang mga pahayag.Tukuyin kung ito ay nagpapakita ng pagiging makatarungan tao. Lagyan ng tsek (/) sa hanay ng “TAMA” kung ito ay nagpapakita ng pagiging makatarungang tao at sa hanay ng “MALI” kung ito ay hindi nagpapakita ng pagiging makatarungang tao. Mga pahayag TAMA MALI 1. Iginagalang ko ang mga karapatan ng aking mga kapwa mag-aaral 2. Nagbibigay ako ng anumang hindi magandang komento o puna sa isang tao kahit na wala akong nakikitang sapat na basehan 3. Naiintindihan ko ang mga sakripisyo ng ating mga Frontliners ngayong panahon ng pandemya 4. Ako ay nagpapaalam sa aking kapatid kapag gusto kong hiramin ang kanyang sapatos. 5. Nabigyan ng hustiya ang pagkamatay ng isang batang nasagasaan ng sasakyan na pagmamay-ari ng gobyerno Gawain 2 Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga batayan ng katarungang panlipunan at isulat sa hugis puso kung ang pahayag ay nagsasaad ng katarungang panlipunan at sa Trash Bin naman kung hindi nagsasaad ng katarungang panlipunan. Hindi pagkilala at paggalang sa mga karapatan ng ibang tao. Pagbatikos o pagpuna sa iba na kulang ng batayan ay kawalan ng katarungan. Nauunawaan ang bawat sitwasyon sa obhektibong paraan upang makakilos nang makatarungan ayon sa hinihingi ng sitwasyon. Pagkilala sa karapatan ng bawat miyembro ng pamilya. Ang hustisya ay para lamang sa mga mayayaman. Malinaw na ba sa iyo ang mga palatandaan ng makatarungang panlipunan? 4 Ating Pagyamanin Gawain 1 Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga situwasyon na nagpapakita ng paglabag sa katarungang panlipunan na nasa loob ng kahon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa graphic organizer. A. Labis-labis ang halaga na isinumite ng isang barangay hinggil sa pondo ng mga proyekto na may kaugnayan sa ipinatutupad na Health Protocols ng ating gobyerno ngayong panahon ng pandemya. B. Inuunang bigyan ng ayuda ni Kapitan Tiago ang kaniyang mga kapatid bago ang kanyang mga nasasakupan sa barangay. C. Pagtitipon tipon ng mga magkakaibigan sa bahay ng kanilang kaibigang Balikbayan noong nakaraang araw. D. Pakikilahok sa mga rally para sa mga magsasaka patungkol sa isyu ng mababang presyo ng bigas E. Kinuha ni Basyang ang alahas ng kaniyang kaibigan ng walang paalam. TAGAPAMAHALA MAMAMAYAN 1. 3. 2. 4. 5. PAGLABAG SA KATARUNGANG PANLIPUNAN 5 Gawain 2 Panuto: Unawaing mabuti ang mga situwasyon sa HANAY A.Piliin sa kahon ang mga batayan ng makatarungang panlipunan na isinasaad ng bawat sitwasyon.Isulat ang titik ng tamang sagot sa HANAY B. A. Karapatang mag-aral B. Karapatang magpakasal C. Kilos ng isang makatarungang tao D. Pagkakapantay pantay ng hustisya ng bawat isa. E. Ito ay nagpapakita ng pagiging responsableng mamamahayag F. Nararapat na ibigay ng pamahalaan ang serbisyong maayos para sa mamamayan Hanay A Hanay B 1.Sinisikap kong hindi mag-ingay kapag may mga kaklase akong nag-aaral dahil__________ 2.Ngayong panahon ng pandemya, sinisikap ng mga frontliners ang dekalidad na paglilingkod para sa mga mamamayan dahil _______ 3.Ang mga mamahayag ay nagbibigay ng kanilang opinyon na may sapat na batayan at totoo dahil____________________ 4.Binisita ng guro ang kaniyang mag-aaral na hindi nakakukuha ng mga modyul, ito ay nagpapakita ng ________ 5.Pagtugon sa hustisyang hinihingi ng pamilyang naging biktima ng karahasan sa isang barangay Naging matagumpay ba ang iyong pag-aaral sa araling ito? Nawa’y nakatulong ito upang patuloy na magkaroon ng magandang ugnayan sa ating kapuwa atating mapanatili ang pagiging makatarungang tao. Ang Aking Natutuhan Panuto: Punan ng tamang sagot ang bawat patlang. Piliin ang sagot sa loob ng Horizontal scroll. Katarungang Panlipunan Kapwa Lipunan Katarungan Mamamayan Pundasyon Nalalaman mo na ang 1. _________________________ ay nagbibigay ng kaayusan sa ugnayan ng tao sa kaniyang 2.__________ at lipunan. Kung kaya ang 3.______________ ay isang mahalagang 4.____________ ng panlipunang pamumuhay dahil mahalaga ang tao at makatarungan na ibigay natin sa kanya ang nararapat at hindi natin malabag ang mga katarungang panlipunan lalo na ng mga namamahala at ng mga 5._____________________. 6 Ating Tayahin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Anong batayan ng makatarungang panlipunan ang angkop sa “Paggalang sa karapatan ng mga guro”? A. Pagkilala sa karapatan ng bawat miyembro ng pamilya B. Pagkilala at paggalang sa mga karapatan ng ibang tao C. Pagkakapantay-pantay ng hustisya ng bawat isa D. Paggalang sa Katungkulan 2. Ang sumusunod ay palatandaan ng isang makatarungang tao MALIBAN sa isa. A. Iginagalang ko ang karapatan ng aking kapitbahay B. Kinikilala at iginagalang ko ang mga karapatan ng mga tao sa aming barangay C. Nauunawaan ko na ang pagbatikos sa iba na kulang ng batayan ay kawalan ng katarungan D. Hindi ko inuunawa ang bawat sitwasyon sa obhektibong paraan upang makakilos nang makatarungan ayon sa hinihingi ng sitwasyon. 3. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng paglabag sa katarungang panlipunan ng mga tagapamahala at ng mga mamamayan? I.Pagbibigay ng dagdag na leave benefits para sa mga empleyado II.Pagsunod sa mga health protocol sa tuwing papasok sa trabaho III.Paggamit ng sasakyan ng kanyang kapatid na hindi nagpapaalam IV.Pananahimik sa mga katiwaliang nasasaksihang nangyayari sa ahensya ng gobyerno lalo na ngayong panahon ng pandemya A. I at II B. II at IV C. III at IV D. I at IV 4. “Ayaw ni Nena na pinag-uusapan ang isang tao kung wala itong sapat na batayan”, Ito ay nagpapahayag ng _____________________ A. Pag-unawa na ang pagbatikos o pagpuna sa iba na kulang ng batayan ay kawalan ng katarungan. B. Pagkilala sa karapatan ng bawat miyembro ng pamilya. C. Pagkilala at paggalang sa mga karapatan ng ibang tao. D. Pagkakapantay-pantay ng hustisya ng bawat isa. 5. Ang paggalang sa dignidad ng tao ay isinasaalang-alang ng katarungang panlipunan sapagkat __________. A. May halaga ang tao ayon sa kaniyang kalikasang taglay bilang tao B. Mahalaga ang pakikipagkapwa C. Binubuo ng tao ang lipunan D. Kailangang gawin natin 7 Susi sa Pagwawasto Subukin 1. A 2. C 3. A 4. B 5. D Tayo’y Magsanay Gawain 1 TAMA MALI 1 / 2 / 3 / 4 / 5 / Gawain 2 Heart Shape Pagbatikos o pagpuna sa iba na kulang ng batayan ay kawalan ng katarungan Nauunawaan ang bawat sitwasyon sa obhektibong paraan upang makakilos nang makatarungan ayon sa hinihingi ng sitwasyon Pagkilala sa karapatan ng bawat miyembro ng pamilya Trash Bin Hindi pagkilala at paggalang sa mga karapatan ng ibang tao Ang hustisya ay para lamang sa mga mayayaman. Ating Pagyamanin Gawain 1 1.A 2.B 3.C 4.D 5.E Gawain 2 1.A 2.F 3.E 4.C 5.D Ang Aking Natutuhan 1. Katarungang panlipunan 4. Pundasyon 2. Kapwa 5. Mamamayan 3. Katarungan Ating Tayahin 1. B 2. D 3. A 4. A 5. A Sanggunian Aklat Gayola, Sheryll T., Geoffrey A. Guevarra, Maria Tita Y. Bontia, Suzanne M. Rivera Edukasyon sa Pagpapakatao 9.Pasig City: Department of Education,2015. 8 FEEDBACK SLIP A. PARA SA MAG-AARAL Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI 1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito? 2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang nakasaad para sa iba at ibang gawain para sa iyong pagkatuto? 3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito? 4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan (kung Opo, ano ito at bakit?) B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito? Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit) Wala Contact Number : __________________________________ PANGALAN NG PAARALAN: Pangalan at Lagda ng Guro: Pangalan at Lagda ng Magulang o Tagapatnubay: Petsa ng Pagtanggap ng CLAS: Petsa ng Pagbalik ng CLAS: 9