Summary

This document is a module for Filipino secondary school students. It is about educating students on the importance of loving their country. It covers topics on patriotism and nationalistic values.

Full Transcript

10 Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan – Modyul 5 Pagmamahal sa Bayan CO_Q3_ESP10_Module5 Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 5: Pagmamahal sa Bayan Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon...

10 Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan – Modyul 5 Pagmamahal sa Bayan CO_Q3_ESP10_Module5 Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 5: Pagmamahal sa Bayan Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban samodyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Jesabell Fe C. Lag-asan, Alcero C. Compalas Editor: Annie Rose B. Cayasen Tagalapat: Ivan Paul V. Damalerio Tagapamahala: Estela L. Cariño Benilda M. Daytaca Carmel F. Meris Rosita C. Agnasi Edgar H. Madlaing Rizalyn A. Guznian Sonia D. Dupagan Erlinda C. Quinuan Vicenta C. Danigos Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera Office Address: Wangal, La Trinidad, Benguet Telefax: (074)-422-4074 E-mail Address: [email protected] 10 Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan – Modyul 5 Pagmamahal sa Bayan Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag- aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag- aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan. iii CO_Q3_ESP10_Module5 Alamin Napag-aralan mo sa nakaraang modyul na mahalaga ang buhay dahil kung wala ang buhay, hindi mapahahalagahan ang mas mataas na pagpapahalaga kaysa buhay at hindi makakamit ang higit na mahalaga kaysa buhay. Naging malinaw sa iyo na ang pagbuo ang posisyon tungkol sa mga isyu sa buhay bilang kaloob ng Diyos ay kailangan upang mapatibay ang ating pagkilala sa Kaniyang kadakilaan, kapangyarihan at kahalagahan ng tao bilang nilalang ng Diyos. Sa modyul na ito, mauunawaan mo ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan. Inaasahan din na iyong matutukoy ang mga paglabag sa pagmamahal sa bayan na umiiral sa lipunan. Subukin Panuto: Basahing mabuti ang pahayag. Piliin ang titik na may tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel. 1. Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo? a. pinagkopyahan at pinagbasehan b. pinagmulan o pinanggalingan c. kabayanihan at katapangan d. katatagan at kasipagan 2. Ang ________________ ay tumutukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at damdaming bumibigkas sa isang tao at sa iba pang may pagkakaparehong wika, kultura, at mga kaugalian o tradisyon. a. kalayaan b. katarungan c. patriyotismo d. nasyonalismo 1 CO_Q3_ESP10_Module5 3. Ang sumusunod ay mga pagpapahalaga na indikasyon ng pagmamahal sa bayan maliban sa: a. Laging inuuna ang pansariling kapakanan b. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa c. Pagsulong sa kabutihang panlahat d. Pagpapahalaga sa buhay 4. Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan? a. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya. b. Pagiging tapat sa sarili, sa kapwa, sa gawain at sa lahat ng pagkakataon. c. Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin ng bansa. d. Pag-awit ng Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad. 5. Bakit mahalagang mahalin natin ang ating bayan? a. Biyaya ng Diyos ang pagkalooban tayo ng lipunang kinabibilangan at pamayanang matitirahan. b. Dito tinatanggap at iniingatan natin ang ating mga mahal sa buhay upang hubugin ang ating mga kakayahan. c. Nakilala tayo ng mundo dahil sa talino at angking kagalingan na hinubog sa ating bayang sinilangan. d. Utang natin sa ating bayang sinilangan ang ating kalayaan at pagkakataong hubugin ang ating pagkatao. Panuto: Basahin ang mga pahayag. Lagyan ng plus sign (+) kung ito ay mga angkop na kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan at minus sign (-) kung ito ay nagpapakita ng mga paglabag sa pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 6. Hindi ako matatakot iwasto kapag nilabag ng aking kapwa ang batas. Halimbawa, ang hindi pagtawid ng tama. 7. Pawang katotohanan lang ang aking sasabihin sa aking kapwa. 8. Magsasagawa ako ng clean-up drive sa aking komunidad. 9. Susuportahan ko ang mga produktong lokal. 10. Nanaisin kong manahimik kaysa magsabi ng totoo. 11. Hindi ko sasabihin sa kinauukulan na illegal logging ang ikinabubuhay nina Ondoy dahil ninong ko ang tatay niya. 12. Pipila ako ng maayos at mahinahon kong antayin ang tawag ko. 13. Ipagmamalaki ko sa akong kaibigang banyaga ang mga pagkaing lokal. 14. Magtatanim ako ng mga gulay sa mga bakanteng lote sa aming kapaligiran o sa mga resiklong paso. 15. Sinisikap kong maging totoo at tapat, huwag mangopya at magpakopya. 2 CO_Q3_ESP10_Module5 Aralin 1 Pagmamahal sa Bayan Balikan Sa kasalukuyan, sino ang mga bayani na ipinaglalaban ang karapatan ng ating bansa at nagpapakita ng pagmamahal sa bayan? Ano-ano ang mga katangian nila upang sila ay magtagumpay sa kanilang mithiin para sa bayan? Tuklasin GAWAIN 1: Sino Siya? Panuto: Tukuyin kung sino ang inilarawan. Isulat sa iyong sagutang papel. Siya ay isang Pilipinong makabayan at rebolusyonaryo. Binansagan siyang “Ama ng Himagsikang Pilipino”. Siya ang nagtatag, at lumaon, naging Supremo ng kilusang Katipunan na naglalayong makamtan ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya at nagpasimula ng Himagsikang Pilipino. Kinikilala rin siya ng ilang mga dalubhasa sa kasaysayan bilang unang Pangulo ng Pilipinas, subalit hindi siya opisyal na nakilala. Naulila sa magulang nang maaga sa edad na 14. Naging tindero siya ng rattan at pamaypay na gawa sa papel de hapon. Nagtrabaho din siya bilang clerk, sales agent at bodegits. Nahilig niyang basahin ang mga nobela ni Rizal at nang itinatag ang La Liga Filipina, sumapi siya kasama ni Apolinario Mabini. Noong 1892, matapos dakpin at ipatapon si Dr. Jose Rizal sa Dapitan, itinatag niya ang “Kataastaasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan” (KKK). Noong ika-23 ng Agosto 1896, sa maliit na baryo ng Pugad Lawin sa Balintawak ay tinipon niya ang mga katipunero at isa-isa nilang pinunit ang kanilang mga sedula. 3 CO_Q3_ESP10_Module5 A_____ B________ Suriin Pagmamahal sa Bayan Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa papel na dapat gampanan ng bawat mamamayang bumubuo rito. Tinatawag din itong patriyotismo, mula sa salitang ‘pater’ na ibig sabihin ay ama na karaniwang iniuugnay sa salitang pinagmulan o pinanggalingan. Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at damdaming bumibigkis sa isang tao at sa iba pang may pagkakaparehong wika, kultura, at mga kaugalian o tradisyon. Iba ito sa patriyotismo dahil isinaalang-alang nito ang kalikasan ng tao. Kasama rin dito ang pagkakaiba ng wika, kultura at relihiyon na kung saan tuwiran nating binibigyang-kahulugan ang kabutihang panlahat. Ang Kahalagahan ng Pagmamahal sa Bayan Mahalaga ang pagmamahal sa bayan. Ang pagsasabuhay sa responsibilidad na ito ay umiiral dahil ang tao ay nagmamahal kasama ang kanyang kapwa. Ang pagmamahal na ito ay magiging daan upang makamit ang layunin na gustong maisakatuparan. Pinagbubuklod ng pagmamahal sa bayan ang mga tao sa lipunan. Naiingatan at pinahahalagahan ng pagmamahal sa bayan ang karapatan at dignidad ng tao gayundin ang kultura, paniniwala at pagkakakilanlan. 4 CO_Q3_ESP10_Module5 Mga Pagpapahalaga na Indikasyon ng Pagmamahal sa Bayan ✓ Pagpapahalaga sa buhay ✓ Katotohanan ✓ Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa ✓ Pananampalataya ✓ Paggalang ✓ Katarungan ✓ Kapayapaan ✓ Kaayusan ✓ Pagkalinga sa pamilya at salinlahi ✓ Kasipagan ✓ Pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran ✓ Pagkakaisa ✓ Kabayanihan ✓ Kalayaan ✓ Pagsunod sa batas ✓ Pagsulong sa kabutihang panlahat “Ang dignidad ng persona ng tao ay kasama sa kanyang karapatan na maging bahagi sa aktibong pakikilahok sa lipunang makapag-ambag sa kabutihang panlahat. - San Juan Pablo XXIII (1818 – 1963) Mga Angkop na Kilos na Nagpapamalas ng Pagmamahal sa Bayan 1. Mag-aral ng mabuti. 2. Huwang magpapahuli dahil ang oras ay mahalaga. 3. Pumila ng maayos. 4. Awitin ang Pambansang Awit nang mgay paggalang at dignidad. 5. Maging totoo at tapat, huwag mangopya at magpakopya. 6. Magtipid ng tubig, magtanim ng puno at huwag itapon ang basura kung saan- saan. 7. Iwasan ang anumang gawaing hindi nakatutulong. 8. Bumili ng produktong sariling atin. 9. Kung pwede nang bumoto, isagawa ito nang tama. 10. Alagaan at igalang ang nakatatanda. 11. Isama sa panalangin ang bansa at ang kapwa mamamayan. 5 CO_Q3_ESP10_Module5 Mga Halimbawa ng Paglabag sa Pagsasabuhay ng Pagmamahal sa Bayan ✓ Kung hindi ka nagbibigay-pugay sa bandila o watawat ng ating bansa. ✓ Kung hindi mo tinutupad ang iyong mga tungkulin bilang isang mamamayan. ✓ Kung hindi ka tumatawid sa tamang tawiran at pasiga-siga sa lansangan. ✓ Kung hindi pinahahalagahan ang iyong pag-aaral. ✓ Kung hindi mo pinapahalagahan ang ating kultura at mga tradisyon. ✓ Kung hindi mo tinatangkilik ang mga produktong sariling atin. ✓ Kung ikaw ay nagkakalat ng basura sa lansangan. ✓ Kung isa ka sa pumuputol ng mga puno sa kabundukan na nakasisira sa kalikasan. ✓ Kung isa ka sa humuhuli at pumapatay ng mga hayop na pinagbabawal hulihin. ✓ Kung isa ka sa lumalabag sa mga batas na ipinatutupad ng bansa. Pagyamanin GAWAIN 2: Kahalagan ng Pagmamahal sa Bayan Panuto: Mula sa iyong natutunan tungkol sa aralin, ipaliwanag ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan at isulat ang mga ito sa kahon. Ipaliwanag ito sa pamamagitan ng buong pangungusap. Gawin ito sa iyong sagutang papel. KAHALAGAHAN NG PAGMAMAHAL SA BAYAN 6 CO_Q3_ESP10_Module5 GAWAIN 3: Kilos Suriin Mo! Panuto: Suriin ang bawat kilos. Iguhit ang ☺ kung ito ay nagpapakita ng pagmamahal sa bayan at  kung ito naman ay hindi nagpapakita ng pagmamahal sa bayan. Isulta sa iyong sagutang papel. ______ 1. Paggalang sa nakatatanda at may awtoridad. ______ 2. Pagsunod sa batas at alituntunin ng bansa o institusyong ating kinabibilangan. ______ 3. Laging nahuhuli sa pagpasok sa paaralan. ______ 4. Pagtapon ng basura saan man gusto. ______ 5. Ikinakahiya ang kultura at tradisyon na kinalakihan. ______ 6. Humuhuli at pumapatay sa mga hayop na ipinagbabawal na hulihin. ______ 7. Pag-awit ng Pambansang Awit ng buong puso at may paggalang. ______ 8. Kawalang-galang at pang-aabuso sa inang kalikasan. ______ 9. Pagtulong sa kapwa nang walang hinihinging kapalit. ______ 10.Pagtangkilik sa mga produktong gawa sa Pilipinas. GAWAIN 4: Pangatwiranan Mo! Panuto: Magbigay ng dalawang halimbawa kung paano mo mapatutunayan ang iyong pagmamahal sa bansa sa mga temang nakasaad. Isulat sa iyong sagutang papel. 1. Alamin ang kasaysayan ng sariling bansa. 1. 2. 2. Magkaroon ng kamalayan sa mga isyu na nangyayari sa bansa sa kasalukuyan. 1. 2. 3. Maging aktibo sa programa ng inyong pamahalaan. 1. 2. 7 CO_Q3_ESP10_Module5 4. Mahalin, pahalagahan at gamitin ang sariling wika. 1. 2. 5. Tangkilikin ang sariling produkto. 1. 2. Isaisip GAWAIN 5: Pagbuo ng konsepto tungkol sa Pagmamahal sa Bayan Panuto: Punan ang mga patlang mula sa mga salitang nasa kahon na naaayon sa pangungusap upang makabuo ng konsepto tungkol sa pagmamahal sa bayan. Isulat sa iyong sagutang papel. tagumpay karangalan lumilinang naninirahan mamamayan Bilang isang (1) ______________ ng isang bansa, mahalaga na alam ng bawat isa kung paano maipapakita ang pagmamahal sa bayan. Hindi lamang dahil dito sila (2) _________________ kundi dahil sa ang sariling bansa ang (3) ________________ at nagbibigay ng pagkakakilanlan sa lahat ng naninirahan dito. Ang (4) __________________ ng bansa ay karangalan din ng mga mamamayan nito. Ang bawat (5) _____________________ at kasawian nito ay siya ring kapalaran ng bawat isa sa bansa. 8 CO_Q3_ESP10_Module5 Isagawa Panuto: Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa iyong bayan. Magbigay ng lima (5) na nararapat na kilos na iyong gagawin. Mga paraan ng pagpapakita ko ng aking pagmamahal sa bayan 1. __________________________________________________ 2. __________________________________________________ 3. __________________________________________________ 4. __________________________________________________ 5. __________________________________________________ 9 CO_Q3_ESP10_Module5 Tayahin Panuto: Basahin ang mga pahayag. Lagyan ng  kung ito ay mga angkop na kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan at ☾ kung ito ay nagpapakita ng mga paglabag sa pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Pawang katotohanan lang ang aking sasabihin sa aking kapwa. Magssabi ako ng totoo sa bawat oras. 2. Sinisikap kong maging totoo at tapat, huwag mangopya at magpakopya. Magiging tapat ako sa aking mga aralin. Hindi ako mangongopya at magpapakopya. 3. Magtatanim ako ng mga gulay sa mga bakanteng lote sa amig kapaligiran o sa mga resiklong paso. Tatamnan ko ng mga gulay ang mga lata o lalagyang hindi na ginagamit pati na rin sa mga bakanteng lote. 4. Hindi ko sasabihin sa kinauukulan na illegal logging ang ikinabubuhay nina Ondoy dahil ninong ko ang tatay niya. Bagamat ninong ko ang tatay ni Ondoy, hindi ko sasabihin sa kinauukulan na illegal logging ang ikinabubuhay nila. 5. Hindi ako matatakot iwasto kapag nilabag ng aking kapwa ang batas. Halimbawa, ang hindi pagtawid ng tama. Iwawasto ko ang akong kapwa kapag nasaksihan kong nilalabag nito ang batas tulad ng batas trapiko. 6. Magsasagawa ako ng clean-up drive sa aking komunidad. Hihikayatin ko ang aking mga kapitbahay na panatilihin ang kalinisan sa aming komunidad. 7. Pipila ako ng maayos at mahinahon kong antayin ang tawag ko. Mananatili ako sa aking pila hangga’t hindi natatawag ang aking pangalan o numero. 8. Paninindigan ko ng buong tapang ang pagsasabi ng totoo. 9. Ipagmamalaki ko sa aking kaibigang banyaga ang mga pagkaing lokal. 10. Susuportahan ko ang mga produktong lokal Panuto: Basahing mabuti ang pahayag. Piliin ang titik na may tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel. 11. Ang _________________ ay tumutukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at damdaming bumibigkis sa isang tao at sa iba pang may pagkakaparehong wika, kultura, at mga kaugalian o tradisyon. a. kalayaan b. katarungan c. nasyonalismo d. patriyotismo 10 CO_Q3_ESP10_Module5 12. Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan? a. Pagiging tapat sa sarili, sa kapwa, sa gawain at sa lahat ng pagkakataon. b. Pag-awit ng Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad. c. Paggawa ng paraan upang makatuling sa mga suliranin ng bansa. d. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya. 13. Bakit mahalagang mahalin ng bawat Pilipino ang kanilang bayan? a. Utang natin sa ating bayang sinilangan ang ating kalayaan at pagkakataong hubugin ang ating pagkatao. b. Nakilala siya ng mundo dahil sa talino at angking kagalingan na hinubog sa kaniyang bayang sinilangan. c. Dito tinatanggap at iniingatan ang tao ng kaniyang mga mahal sa buhay upang hubugin ang kanyang mga kakayahan. d. Biyaya ng Diyos ang pagkalooban ang tao ng lipunang kinabibilangan at pamayanang matitirahan. 14. Alin sa mga sumusunod ang hindi indikasyon ng pagmamahal sa bayan? a. Laging inuuna ang pansariling kapakanan b. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa c. Pagsulong sa kabutihang panlahat d. Pagpapahalaga sa buhay 15. Ano ang kahulugan ng ‘pater’ na pinagmulan ng salitang patriyotismo? a. pinagkopyahan at pinagbasehan b. pinagmulan o pinanggalingan c. kabayanihan at katapangan d. katatagan at kasipagan 11 CO_Q3_ESP10_Module5 Karagdagang Gawain Bilang isang mag-aaral, ano ang mga nagawa mo para sa iyong pamilya, paaralan, pamayanan bilang pagpapakita ng iyong malasakit? Isulat sa iyong sagutang papel. 1. Pamilya a. _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ b. _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ 2. Paaralan a. _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ b. _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ 3. Pamayanan a. _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ b. _________________________________________________ _________________________________________________ _________________________________________________ 12 CO_Q3_ESP10_Module5 Susi sa Pagwawasto 15. - ☺ 10. 14. + 15. D 13. + 9. ☺ 14. A 12. + 13. D 8.  12. D 11. - 11. C 7. ☺ 10. - 10. 6.  9. + 9. 8. + 8. 5.  7. + 7. 4.  6. + 6. 5. tagumpay 5. 3.  5. A 4. karangalan 4. 4. A 2. ☺ 3. lumilinang 3. 3. A 2. naninirahan 2. 1. ☺ 2. C 1. mamamayan 1. 1. B Gawain 3 Tayahin Isaisip Pagyamanin Subukin Pamantayan sa Pagwawasto ng Gawain 2 at Gawain 4 sa Pagyamanin at Gawain sa Karagdagang Gawain Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula Pamantayan (10) (8) (6) (4) Kalidad ng Napakahusay Mabuting Matatanggap Kailangang Pagpapaliwanag ang pagpapaliwanag ang isaayos (60%) pagpapaliwanag (katamtamang pagpapaliwanag (malaki ang (buo at pagpapaliwanag) (may kaunting kakulangan, maliwanag) kamalian ang nagpapakita pagpapaliwanag) ng kaunting kaalaman) Kalinisan ng Nakikita ang May isa- May tatlo-apat Hindi nakita gawain kalinisan sa dalawang bahagi na bahagi ng ang kalinisan (30%) kabuuan ng ng gawain na output ang sa kabuuan gawain. hindi nakita ang hindi nakita ang ng gawain. kalinisan. kalinisan. 13 CO_Q3_ESP10_Module5 Sanggunian: Mula sa Aklat Brizuela, Arnedo, Guevara, Valdez, rivera, Celeste, Balona Jr, Yumul, Rito, and Gayola. Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang. Modyul para sa mag-aaral. Unang Edisyon 2015. Mendoza, Giselle. Paglalakbay ng May Mabuting Asal Edukasyon sa Pagpapakatao. KLEAFS Publishing Inc., Block 609 Lot 3 Phase Heritage Homes Loma de Gato Marilao, Bulacan Mula sa Internet Bayaning Filipino, Mga Talambuhay ng mga Makabayang Pilipino, accessed November 23, 2020, https://bayaningfilipino.blogspot.com/2017/06/talambuhay-ni-andres- bonifacio_8.html https://www.powtoon.com/online-presentation/g1BS93LEYQW/esp-grade- 10-module-10/mode=movie&locale=en 14 CO_Q3_ESP10_Module5 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]

Use Quizgecko on...
Browser
Browser