ESP-9-Q1-WEEK-3-PRINSIPYO-NG-SUBSIDIARITY-SOLIDARITY PDF

Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga konsepto ng subsidiarity at solidarity sa lipunan. Ipinapakita rin kung paano ito naaangkop sa mga mamayan at pamahalaan. Tinalakay din sa dokumento ang mga kaugalian ng mga tao sa lipunan.

Full Transcript

Ang proyekto ng pinuno ay hindi proyektong para sa kanyang sarili. Ito ay proyektong para sa kanya at para sa kanyang pinamumunuan. PRINSIPYO NG PAKIKIPAGTULUNGAN (SUBSIDIARITY) Tutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na magawa nila ang makapagpapaunlad sa kanila....

Ang proyekto ng pinuno ay hindi proyektong para sa kanyang sarili. Ito ay proyektong para sa kanya at para sa kanyang pinamumunuan. PRINSIPYO NG PAKIKIPAGTULUNGAN (SUBSIDIARITY) Tutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na magawa nila ang makapagpapaunlad sa kanila. Sisiguraduhin nito na walang hahadlang sa kalayaan ng mga mamamayan mula sa mga pinuno sa pamamagitan ng pag- aambag sa estado ng kanilang buwis, lakas, at talino. Ang LIPUNANG PAMPOLITIKA ay isang ugnayang nakaangkla sa pananagutan ng pinuno na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan ng pamayanan. Ang pag-unlad ng isang lipunan ay hindi gawa ng pinuno, gawa ito ng pag-aambag ng talino at lakas ng mga kasapi sa kabuuang pagsisikap ng lipunan. Marahil may magtatanong kung bakit pa siya makikilahok kung sa huli’t huli ay ang mayorya naman ang masusunod. Sasabihin niyo, “Hindi rin naman mahalagang magsalita pa. Nag-iisa lang naman ako. Ang masusunod naman ay ang marami.” Si Martin Luther King ay isang tinig lamang ng mga African- American na sumigaw ng pagkilala sa tao lagpas sa kulay ng balat. Si Malala Yousafzai ay isang tinig ng musmos na naninindigan para sa karapatan ng kababaihan na makapag- aral sa Pakistan sa kabila ng pagtatangka sa kaniyang buhay.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser