Mga Dula PDF
Document Details
![AwesomeGreenTourmaline](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-12.webp)
Uploaded by AwesomeGreenTourmaline
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay isang gabay sa pag-aaral ng dula, na kinabibilangan ng mga konsepto tulad ng mga katangian, elemento, at kahalagahan nito.
Full Transcript
Mga Dula Introduksyon Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga konsepto hinggil sa dula. Karaniwan mong matutunghayan dito ang katangian, element o sangkap maging ang kahalagahan ng dula. Mahalaga rin na malaman mo ang mga pagpapahalaga, ang mga aystetik valyu at mga teoryang nakapa...
Mga Dula Introduksyon Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga konsepto hinggil sa dula. Karaniwan mong matutunghayan dito ang katangian, element o sangkap maging ang kahalagahan ng dula. Mahalaga rin na malaman mo ang mga pagpapahalaga, ang mga aystetik valyu at mga teoryang nakapaloob sa dula. Katuturan ng Dula Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood. Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan. Dula ito ay hango sa salitang Griyego na “drama” nanangangahulugang gawin o ikilos. Dulang ito ay isang pampanitikang panggagaya sa buhay upang maipamalas sa tanghalan. Ang dula ayon kay AristotleIto ay isang imitasyon o panggagagad ng buhay Ang dula ayon kay RubelIto ay isa sa maraming paraan ng pagkukwento. 6 Ang dula ayon kay SaucoIto ay isang uri ng sining na may layuning magbigay ng makabuluhang mensahe sa manonood sa pamamagitan ng kilos ng katawan, dayalogo at iba pang aspekto nito Ang dula ayon kay Schiller at Madame De StaeleIto ay isang uri ng akdang may malaking bisa sa diwa at ugali ng isang bayan. Gaya ng ibang panitikan, karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay. Inaangkin nito ang lahat ng katangiang umiiral sa buhay gaya ng mga tao at mga suliranin. Inilalarawan nito ang mga damdamin at pananaw ng mga tao sa partikular na bahagi ng kasaysayan ng bayan. Katangian, Elemento o Sangkap ng Dula Katangian ng Dula Ang dula, na sa Ingles ay play o drama, ay isang uri ng panitikan kung saan ipinapakita o binubuhay ang mga karanasan at nararamdaman ng bawat tao sa itaas ng entablado o tanghalan. Ilan sa mga katangian ng dula ay ang sumusunod: Iskrip o ang pinaka-idea ng istorya o tagpo Mga tauhan Wika Musika Paraan ng pagtatanghal Mga Sangkap ng Dula Simula Gitna Wakas Kasukdulan Kalutasan Tauhan Tagpuan Tunggalian Kakalasan Suliranin Saglit na Kasiglahan Tauhan Ang mga kumikilos at nagbibigay buhay sa dula. Tagpuan Ang panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinasaad Suliranin Pagpapakilala sa problemang kwento. Pagsasalungatan ng mga tauhan, o kaya’y suliranin ng tauhan na sarili niyang likha o gawa. Saglit na Kasiglaan Ito ay ang saglit napaglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan. Tunggalian Maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyangpaligid, at tauhan laban sa kanyangsarili; maaaring magkaroon ng higitsa isa o patung-patong natunggalian. Kasukdulan Sa puntong ito nasusubok ang katatagan ng tauhan. Dito pinakamatindi at pinakamabugso ang damdamin o ang pinakakasukdulan ng tunggalian. Kakalasan Ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian. Kalutasan Dito nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood 8 Simula Mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin. Gitna Matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan. Wakas Matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan. Elemento ng Dula Iskrip o Banghay Gumaganap o Aktor/ Karakter Dayalogo Tanghalan Tagadirehe o Direktor Manonood Tema Iskrip o Banghay ang pinakakaluluwa ngisang dula. Sa iskrip nakikita ang banghay ngisang dula. Gumaganap o Aktor/ ang nagsisilbing tauhan ng dula at Karakter nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip. Dayalogo ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at maipadama angmga emosyon. Tanghalan ang anumang pook napinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula. Tagadirehe o ang nag-i-interpret sa iskripmula sa pagpasya direktor sa itsura ngtagpuan, ng damit ng mga tauhanhanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan. Manonood saksi sa isang pagtatanghal.Hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao. Tema ito ang pinakapaksa ng isangdula. 9 Apat na Kombensyon ng Dula Ang dula ay isang kathang ang layunin ay ilarawan sa isang tanghalan, sa pamamagitan ng kilos at galaw, ang isang kawili ng mga pangyayaring naghahayag ng isang kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao. Bagamat sinsabing ang dula ay “imitasyon” ng “buhay” hindi pa rin maikakailang mahirap talagang mailarawan ang imitasyong ito sa isang sulang nasusulat o isang dulang itinatanghal. May kasangkapang ginagamit ang isang manunulat ng dula bilag pamalit sa realidad at upang tanggap. a. Ang Kombensyon sa Panahon - naniniwala o kunwaý ang manonood sa loob ng ilang oras ay nabubuhay siya sa loob ng isang araw, lingo o buwan o taon, na kasa-kasama ng mga tauhang kanyang pinanonood sa tanghalan. b. Ang Kombensyon sa Ikaapat na Dingding - tinatangggap ng manonood na tulad sa isang tanghalan, sa totoong buhay ay may tatlong dingding lamang ang isang bahay. Ang ikaapat na dingding ay bukas kung kaya’t namamalas at naririnig niya ang lahat ng mga sinasabi at ikinikilos ng mga nasa loob ng bahay na nasa kanyang harapan. c. Ang Kombensyon ng Pananalita o Wika - tinatanggap ng manonood na kung ano ang pananalitang binibigkas ng mga tauhan sa dula ay gayon ding pananalita ang kanilang binibigkas at ginagamit sa tunay na buhay. d. Ang Kombensyon ng Pagsasalita sa Sarili - ang pagsasalta na parang sa sarili lamang ng tauhan, ay tinatanggap ng manonood na kailangan o mahalaga upanag malaman niya ang iniisip ng isang gumaganap sa tanghalan at upang maunawaan niya ang ilang pangyayaring hindi maaaring ipakita o itanghal. Itinuturing ng manonood na normal lamang sa totoong buhay ang kausapin ng isang tao ang kanyang sarili o kaya nama’y nagsasalita siya sa harap ng ibang tao nanag wala naming tuwirang kinakausap o pinagtutungkulan sa kanyang sinasabi. 10 Ang mga Teoryang Pampanitikan Teoryang Romantisismo Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba't ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan.Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upangmaipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan. Teoryang Markismo/Marxismo Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sarilingkakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan atsuliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukansa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa. Teoryang Sosyolohikal Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugposa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa samagpuksa sa mga katulad na suliranin. Teoryang Moralistiko Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba't ibang pamantayang sumusukat sa moralidadng isang tao - ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya oproposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sapamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito. Teoryang Bayograpikal Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga 11 bahagi sa buhay ng may-akdana siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga "pinaka"na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo. Teoryang Queer Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mgahomosexual. Kung ang mga babae ay may feminismo ang mga homosexual naman ay queer. Teoryang Historikal Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyangmasasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakitana ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo. Teoryang Kultural Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam.Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasa samga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi. Teoryang Feminismo-Markismo Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba't ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sasuliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyonbilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na ito'y kasamaan at suliranin nglipunan. Teoryang Dekonstraksyon Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba't ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo.Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw angnag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang naisiparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo. 12