Document Details

SoftLily

Uploaded by SoftLily

Tags

Dula Likhang Sining Pagtatanghal Teorya ng Dula

Summary

Ang dokumentong ito ay tungkol sa Dula, isang uri ng likhang sining na itinatanghal sa entablado. Tinatalakay nito ang mga elemento, layunin at mga aspeto ng pagtatanghal. Naglalaman rin ito ng impormasyon tungkol sa mga elemento ng dula, tulad ng banghay, tauhan, at tagpuan.

Full Transcript

DULA ✓ Isang likhang sining na itinatanghal sa entablado. ✓ Elemento nito: Banghay, Tauhan, Tagpuan, at Tunggalian. ✓ Ito ay itinatanghal naipapakita ang sining ng pag-arte, pag-awit, at pagsayaw. ✓ Sa tulong ng dula, masasalamin ang kalagayan ng lipunan. ✓ Nagiging tagpuan at daluyan ang dula ng...

DULA ✓ Isang likhang sining na itinatanghal sa entablado. ✓ Elemento nito: Banghay, Tauhan, Tagpuan, at Tunggalian. ✓ Ito ay itinatanghal naipapakita ang sining ng pag-arte, pag-awit, at pagsayaw. ✓ Sa tulong ng dula, masasalamin ang kalagayan ng lipunan. ✓ Nagiging tagpuan at daluyan ang dula ng ekspresyon, pananaw, at paghulma sa iba’t ibang pagpapahalaga sa pagitan ng mga gumaganap, bumubuo sa produksiyon, at manonood. Dulang Panlansangan - isang pagtatanghal na mayroong tagpo, awit, at sayawan na itinatanghal sa kalye. ✓ Akda na may layuning manggaya sa mga nangyayari sa buhay na ipinalalabas sa tanghalan - Ayon kay Arrogante (1991). Layunin ng Dula A. Magbigay libangan sa mga manonood. B. Magbigay-buhay ang mga tauhan sa kuwento at maitanghal sa entablado. C. Maitanghal ang mga kuwentong maaaring nagmula sa imahinasyon ng manunulat o mga kuwento mula sa realidad ng buhay. D. Maibahagi ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan na itinatampok ang mga isyung panlipunan. Elemento ng Dula A. Tauhan/Aktor- ang nagbibigay-buhay sa kuwento ng dula. B. Tanghalan-Ang lugar kung saan itatanghal ang dula. C. Direktor-Ang nangangasiwa sa kabuoang pagtatanghal at nagpapakahulugan sa iskrip. D. Teknikal- Ang paglalagay ng tamang ilaw at tunog sa bawat tagpo ng dula na angkop sa emosyon ng pagtatanghal. E. Iskrip- Ang iskrip ay pasulat na bersiyon ng dulang pagtatanghal. Dito makikita ang mga diyalogo ng mga tauhan, mga kagamitang kailangan, mga kilos, at mga detalyeng mahalaga sa pagtatanghal ng dula.