DLL-AP 8-WEEK 1_QUARTER 2 PDF

Document Details

CourteousScandium1014

Uploaded by CourteousScandium1014

Bb. Meryll S. Bayaona, LPT

Tags

ancient civilizations Greek history Minoan civilization history

Summary

This document is a lesson plan (DLL) for an 8th-grade class on the ancient Greek civilizations of Minoan and Mycenaean. It details the geographical aspects, societal structures, and significant contributions of these cultures.

Full Transcript

KABANATA 4: ANG MGA KLASIKONG KABIHASNAN NG DAIGDIG 8th Grade KABIHASNANG GRESYA AP 8 QUARTER 2 WEEK 2 ARALIN 1 Inihanda ni: Bb. Meryll S. Bayaona, LPT LAYUNIN Sa pa...

KABANATA 4: ANG MGA KLASIKONG KABIHASNAN NG DAIGDIG 8th Grade KABIHASNANG GRESYA AP 8 QUARTER 2 WEEK 2 ARALIN 1 Inihanda ni: Bb. Meryll S. Bayaona, LPT LAYUNIN Sa pagtatapos ng oras ng talakayan, magagawa ng mga mag-aaral na: a. Matukoy ang batayang heograpiko ng pagkabuo ng kabihasnan sa Gresya; b. Masuri ang klasikong kabihasnan sa Gresya; c. Mailarawan ang mga kabihasnang Minoan at Mycenaean BATAYANG HEOGRAPIKO Ang Gresya ay nagmula sa dagat. Ito ay iniuri ng mga historyador bilang isang thalassocracy, o yaong may sistemang namamayani sa mga katubigan Ang pinakamahalagang dagat para sa kabihasnang ito ay ang Dagat Aegean na nagsilbing pangunahing pinagkukunan ng pagkain ng mga Griyego Nagdurugtong sa mga pulo at nagbigay- daan sa kalakalan Nagsilbing panangga o harang sa mga mananakop Ang pagiging mabundok ng Gresya ang nakatulong sa pag-usbong ng mga pamayanang Griyego. Ang pamayanan ng Gresya ay malayo sa isa’t isa. Kaniya-kaniya ang pagbuo ng pamayanan, kabuhayan, kultura, at lipunan KABIHASNANG MINOAN ARTHUR EVANS- arkeologong nakatagpo sa mga gumuhong estruktura sa isla ng Crete. - Nakita niya ang labi ng isang dakilang palasyo, ang Palasyo ng Knossos, kaya niya napagtanto na ang isla ng Crete ang unang kabihasnan sa rehiyon ng Dagat Mediteraneo Tinawag niya itong Minoan mula sa mga Griyegong Alamat tungkol kay Haring Minos. Pinaniniwalaang si Haring Minos ay namuno sa isla ng Crete at nag-alaga sa isang halimaw na kalahating-tao at kalahating-toro na tinatawag na minotaur MGA AMBAG NG MINOAN Nanirahan sa baybayin ng Crete ang mga Minoan at nakakitaan sila ng husay sa sining tulad ng mga obra sa natagpuang mga labi ng palasyo ng Knossos. Ang mga larawan ay tinatawag na Fresco FRESCO- ipininta gamit ang pamamaraang pareho rin kung tawagin, kung saan pagpipinta ay isinasagawa sa pader o dingding habang basa pa ang emplasto o plaster Natuklasan na pangangalakal, paggawa ng kagamitang hango sa bronse, at paggawa ng mga paso ang mga pangunahing ikinabuhay sa Crete. Natagpuan ang ilang kagamitan mula sa ibang bahagi ng Levant na nagpapatunay sa isang malawak na kalakalan sa Dagat Aegean at Mediteraneo Natagpuan ang ilang paso sa isla ng Crete na galing sa mga lugar sa ibayong dagat tulad ng Cyprus, Ehipto, at Mesopotamia. May natagpuan ding paso na galing sa Crete sa Mesopotamia at Ehipto Natuklasan rin ang mga: Yamang mineral tulad ng tanso at bronse (mula sa Levant at Anatolia) Kalakal naman ng Crete: oliba o langis ng olive, lana, kahoy, at pilak SISTEMANG A o LINEAR A SCRIPT Sistema ng pagsulat ng mga Minoan Isang ebidensiya ang Phaistos Disc na natagpuan sa Phaistos na nakaukit sa bato SISTEMANG A o LINEAR A SCRIPT Ngunit sa kasalukuyan wala pang ebidensiyang sulatin ang naisasalin sa kahit anogn modernong wika. PAGBAGSAK NG KABIHASNAN Hindi tiyak ang dahilan Ilan sa tinitignang dahilan ay natural na kalamidad, tulad ng pagsabog ng bulkan; at migrasyon ng mga mamamayan nito sa ibang panig ng Gresya. KABIHASNANG MYCENAEAN Mula sa Mycenaea-isang lungsod sa peninsula ng Peloponnese na nakadikit o kasama sa pangunahing kalupaan ng Gresya Lumagaanap ng impluwensiya nito sa buong kalupaan ng Gresya at sa mga isal ng Dagat Aegean Ang pinagmulan ng Mycenaea ay nababalot ng mitolohiya ng Gresya. Itinatag ni Perseus, anak ng dakilang diyos na si Zeus Kinikilalang kaharian ni Haring Agamemnon na nagsimula ng Digmaang Trojan Batay sa ebidensiya, ang Mycenaea ay isang lungsod na itinatag sa isang burol sa loob ng Lambak Argolid Ang lungsod ay nagsilbing isang CITADEL na may matataas na pader na nakapalibot sa kanilang pamayanan Mahalagang bahagi ng kanilang lungsod ang MEGARON. Nakikita sa gitna ng isang palasyo at pinaliligiran ng apat na poste MGA AMBAG NG MYCENAEAN Mangangalakal Sistema ng pagsulat na may pagkakahambing sa Linear A script ng Minoan, ang Linear B script PAGBAGSAK NG KABIHASNAN Hindi tiyak ang dahilan Ngunit sinasabing kasabay nito ang pagbagsak ng Edad ng Bronse kung saan maraming kabihasnan ang bigla na lamang humina at bumagsak. ISAISIP NATIN ✓ Ang kabihasnang Minoan at Mycenaean ay naging punadasyon o batayan ng kaalaman at kultura sa pag-usbong ng mga susunod na pamayanan at lipunang Griyego sa peninsula ng Gresya. ✓ Ang mabundok na heograpiya ay naging likas na pader ng mga polis. Ito ay nagsilbing harang sa mga posibleng mananakop. Naging bukod tangi ang mga polis dahil limitado ang interaksyion nila sa ibang mga pamayanan. GAWAIN PANUTO: sa isang ½ crosswise ipasagot sa mga mag-aaral ang katanungan: a. Bakit mahalaga ang pag-usbong ng kabihasnang Minoan at Mycenaean sa kasaysayan at kultura ng mga Griyego? LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin, magagawa ng mga mag-aaral na: a. Maipaliwanag ang mahahalagang pangyayari sa pag- iral at pagbagsak ng mga kabihasnang, Helleniko, at Hellenistiko b. Maunawaan ang estilo ng pamamahala ng mga lungsod-estado sa Sparta at Athens c. Makagawa ng talahambingan bilang pagtunton sa estilo ng pamamahala ng mga lungsod-estado ng Sparta at Athens KABIHASNANG HELLENIKO Ang pagbagsak ng kabihasnang Mycenaean at ang pagkatatag ng mga bagong lungsod ay nagbigay-daan sa pagyabong ng mga lungsod-estado Ang mga lungsod-estado ay mayroong kalayaang pamunuan ang kanilang sarili. Bawat isa ay mayroong sariling uri ng pamumuhay, kabuhayan, at kultura. Ang panahong ito ay tinatawag na panahong Helleniko. Hango ito sa pangalang hellas, ang katutubong wika ng mga Griyego. Itinuturing na panahon ng purong kulturang Griyego. Nanaig ang katangiang Griyego sa rehiyon, particular na ang pagtatatag ng mga polis sa Gresya demokrasya agham literatura KABIHASNANG HELLENIKO Paglawak pilosopiya ng Lumago kaalaman ang sining ANG MGA DORIAN Mga nomadikong mandirigma na naninirahan sa hilagang Gresya at kalaunan ay nanatili rin sa mga lungsod na kanilang itinatag Nawala ang isang sentralisadong pamahalaan Sinakop nila ang tangway ng Peloponnese GREEK DARK AGE- paghinto ng kaunlaran dahil hindi binigyan ng pansin ng mga Dorian ang kultura at sining. Walang naiwang sulatin o palatandaan hinggil sa kasaysayan ng mga lungsod- estado o anumang pangyayari sa Gresya sa naturang panahon. ANG POLIS Ang mga lungsod- estado sa kabihasnang Helleniko ay tinatawag na Polis. Nangangahulugang “bayan” o “lungsod” sa wikang Griyego. Ang pinakamahalagang bahagi ng polis ay ang ACROPOLIS. ito ay ang kadalasang matatagpuan sa mas mataas na bahagi ng polis. Dito matatagpuan ang tahanan ng kanilang pinuno at ang pinakamahalagang templo. Sentro ng politika, relihiyon, at kultura Matatagpuan ang mga Teatro, silid-aklatan, gymnasium o lugar pampalakasan, at agora kung saan nagtitipon ang mga Griyego Sa labas ng polis ay hindi Sa loob ng polis makikita kinikilala bilang mga puro ang marangyang o buong Griyego batay sa pamumuhay ng mga kanilang pamantayan kinikilalang mamamayang Griyego Nagsimulang mangaral ang mga pilosopong Griyego at hudyat ito ng pagsibol ng pilosopiya sa Gresya RELIHIYON SA GRESYA Malaki ang papel ng relihiyon sa buhay ng mga Griyego Naniniwala sila na ang kanilang mga diyos ay mayroong direktang impluwenisya sa kanilang buhay. Politeistikong relihiyon Ang bawat diyos ay may iisang tungkulin o sinasakupan Ang mga diyos ay nagkakatawang-tao at may kaugaliang tao rin. Ito ay tinatawag na anthropomorphism kung saan ikinakabit ang mga pantaong katangian sa kanilang mga diyos. Pinaniniwalaan nila na naninirahan ang kanilang mga diyos sa Mount Olympus. Zeus, Poseidon, Hades, Hera, Aphrodite, Ares , Artemis, Athena, at Hephaestus MGA LUNGSOD ESTADO Naging tanyag na polis sa kasaysayan ng Gresya ang Sparta at Athens MGA LUNGSOD ESTADO Namayagpag din ang ibang lungsod-estado katulad ng Argos, Corinth, Delphi, Rhodes, Syracuse, Thebes, Thrace. RHODES- kilala dahil sa Colossus or Rhodes CORINTH- pinanggalingan ng Corinthian column o poste THEBES- kilala sa Sacred Band, isnag pangkat ng mahuhusay na sundalo SPARTA Matatagpuan sa Laconia, Peloponnese PAMAHALAAN: OLIGARKIYA- piling mga tao lamang ang may kapangyarihan. Mula sa piling mga taong ito au nagkakaroon ng dual kingship kung saan dalawang hari ang sabay na namumuno sa polis. Isa sa mga kilalang katangian ng Sparta ay ang pagsasanay militar. AGOGE- pagsasanay military. Sa murang edad na pito ay ipinadadala na ang mga lalaki sa kampo upang sanayin. Mananatili sila sa kampo hanggang sila ay umabot sa edad na 30 KABABAIHAN Maganda ang katayuan ng kababaihan sa Sparta. Maaari silang magkaroon ng lupain at magdesisyon ukol sa mga patakaran para sa kanilang pamilya. Ang mga lupain ng mga lalaking sundalo ay namamana ng kanilang asawa. Bukod-tangi ang mga babae nila sapagkat silay ay nagbibigay-buhay sa mga lalaki sa Sparta. ATHENS Matatagpuan ang Athens sa hilagang-Silangan ng Sparta. Unang pamayanan na nagpalaganap ng DEMOKRASYA PAMAHALAAN- pinamumunuan ng ilang mga tanyag na pinuno na tinatawag na archon , na nangangahulugan ng “pangunahing pinuno ng polis” ATHENIAN DEMOCRACY- Isang uri ng pamahalaan kung saan ang mga mamamayan- ang nakararami- ang siyang may tunay na kapangyarihan sa kanilang pamayanan. Tumatakbo ang pamahalaan batay sa partisipasyon ng mga mamamayan. Limitado lamang sa kalalakihan na nagmamay-ari ng lupain. Ang kalalakihang ito ay nagtitipon sa asamblea o ekklesia MAMAMAYAN Bawat mamamayan ay may karapatang magsalita at maghain ng kaniyang mungkahi o hinaing Maaaring bumoto ang mga mamamayan sa asamblea upang magtanggal ng isang pinuno kung ito ay Nakagawa ng kasalanan o kaya naman ay nagiging masyado nang makapangyarihan. OSTRAKON- piraso ng sirang paso kung saan isusulat ang taong nais nilang tanggalin SPARTA at ATHENS Ang pagkakaiba ng Athens at Sparta ay ang kanilang heograpiya. ATHENS- masukal at mabundok kaya mahirap ang anumang uri ng sakahan sa naialng lugar SPARTA- pagsasaka naman ang sinauang kabuhayan ng mga taga-Sparta. Kinakailangang manakop ng ibang lupain upang matustusan ang kanilang pagdamia t paglago. MGA DIGMAAN DIGMAANG GRIYEGO-PERSIYANO Isa sa mahabang digmaan sa pagitan ng mga polis ng Gresya at ng Imperyong Persiyano. DAHILAN: pagpapalawak ng teritoryo ng Persia. MGA PINUNO PINUNO PANGYAYARING DIGMAAN NG NG NAGANAP GRESYA PERSIYA Labanan sa Miltiades Darius Mag-isang Marathon (Athens) nilabanan ng V Athens dahil hindi tinulungan ng S Sparta, bunsod ng religious feast at pamahiin. Tagumpay ang Athens MGA PINUNO PINUNO PANGYAYARING DIGMAAN NG NG NAGANAP GRESYA PERSIYA Labanan sa Leonidas Xerxes Ipinagkalulo ni Thermopylae (Sparta) Ephialtes (Sparta) V ang daan tungo sa Thermopyla sa mga S Persiano Natalo ang 300 Spartans. Nakapasok sa Athens ang hukbo ng Persia MGA PINUN PINUNO PANGYAYA DIGMAAN O NG NG RING GRESY PERSIY NAGANAP A A Labanan Themist V Xerxes Labanan sa sa Salamis ocles tubig at lupa (Athens) S Natalo ang mga Persiano MGA PINUNO PINUNO PANGYAYA DIGMAAN NG NG RING GRESYA PERSIYA NAGANAP Labanan Mardonu Xerxes Tuluyan nang sa Plataea s bumalik ang (Athens) V mga Persiano sa S kanilang lupain DIGMAANG PELOPONNESIAN Digmaan sa pagitan ng Athens at Sparta Nagsimula ito nang tangkaing sakupin ng Athens ang polis ng Corinth na kaalyado ng Sparta. Sinakop ng Sparta ang mga Polis na kakampi ng Athens. DIGMAANG PELOPONNESIAN Unang yugto ng digmaan- 10 taon at nagtapos sa isang kasunduang pangkapayapaan (KASUNDUAN SA NICIAS). Babantayan ng dalawang polis ang isa’t isa sa loob ng 50 taon. IKALAWANG YUGTO Nagpadala ng hukbo ang Athens sa isla ng Sicily na kanilang kaalyado sa pananakop ng Syracuse. Hindi ito nagustuhan ng Sparta dahil inisip nila na nagpapalawak ang Athens ng teritoryo. Nagresulta ito ng labanan sa dagat kung saan natalo ang Athens. Huling sagupaan ng dalawang polis. Hindi napangasiwaan ng Sparta ang kanilang nasasakupan tulad ng pamamahala ng Athens. Bumagsak ang Gresya. IMPERYONG MACEDONIAN Sa pamumuno ni Haring Philip II, unti-unti nitong sinakop ang mga karatig-bayan ng Macedon. Nais niyang masakop ang Imperyong Persiano at makuha ang kanilang yaman. Bumuo siya ng isang alyansa kasama ang iba pang Griyegong Polis at tinawag itong League of Corinth o Hellenic League Itinuloy ni Alexander the Great (anak ni Haring Philip) Sinalakay niya ang Persia at Egypt at pagkatapos ay tumungo sa silangan at sinakop ang Afghanistan at hilagang India. Nagtatag siya ng imperyo na sumakop sa kabuuan ng kanlurang Asya, Egypt, at India. Pinalaganap niya ang kaisipang Greek sa silangan (Panahong Hellenistiko). Isa sa katangian ng pamamahala ni Alexander ay ang kaniyang pakikiayon sa ibang kultura. Hindi niya ipinilit sa kaniyang mga nasasakupan ang Griyegong kultura, bagkus ay siya pa ang yumakap ng katutubong kultura ng mga ito, katulad ng sa Persia KABIHASNANG HELLENISTIKO Ang kamatayan ni Alexander ang nagdala sa mundo ng Hellenistikong panahon Ito ay nangangahulugang “impluwensiya” o “koneksiyon” sa kulturang Griyego. Umiral ang panahon ng mga hari. Mahalaga ang panahong ito sapagkat dito napalaganap ang kaalamang Griyego sa ibang panog ng daigdig. Lumawak ang impluwensiya ng kulturang Griyego sa mga lugar at teritoryo na sinakop ni Alexander. KAALAMAN Dalawa sa mahahalagang ambag ng mga Griyego ay ang WIKA at ang SISTEMA NG PAGSULAT Pinalitan nila ang pamamaraan ng pagsulat at ang itsura ng alpabetong Phoenician ng kasalukuyang itsura nito. Ang salitang alpabeto ay hango sa unang dalawang letra na alpha at beta. Karamihan sa mga salitang Ingles ay hango rin sa wikang Griyego tulad ng biology na mula sa bio na ang ibig sabihin ay “buhay” at logos na “pag-aaral” o “pagsisiyasat” Namayagpag din ang PILOSOPIYA Galing sa wikang Griyego. Pinagsamang philos na nangangahulugang “pagmamahal” o “pagtangkilik” at sophia na “kaalaman” Ang pilosopiya ay ang pagmamahal o pagtangkilik sa kaalaman. PUNDASYON NG KANLURANING PILOSOPIYA SOCRATES May-likha ng Socratic Method -isang proseso kung saan nagpapalit-palit an tanong at sagot upang matukoy o matunton ang katotohanan. PUNDASYON NG KANLURANING PILOSOPIYA PLATO May akda ng The Dialogues na tumutukoy sa mga aral ni Socrates at ng The Republic na ukol naman sa aniyang perpektong Lipunan. Itinayo niya ang The Academy-pormal na pagtuturo ng pilosopiya PUNDASYON NG KANLURANING PILOSOPIYA ARISTOTLE Itinatag niya ang Lyceum kung saan iya itinuro ang realism o ang katotohanan ng mundo at ng buhay PUNDASYON NG KANLURANING PILOSOPIYA HIPPOCRATES Tinaguriang “Ama ng Medisina” PUNDASYON NG KANLURANING PILOSOPIYA PYTHAGORAS Nagmula sa kanya ang pag-aaral sa heomatriya (Geometry) at ang Pythagorean Theorem na sumusukat sa tatlong gilid ng isang tatsulok. PUNDASYON NG KANLURANING PILOSOPIYA ARCHIMEDES Nakatuklas na nagbabago ang timbang ng tubig batay sa timbang ng isang gamit na ipinapasok dito. Tinawag itong hydrostatics o Archimedes principle PUNDASYON NG KANLURANING PILOSOPIYA EUCLID Kinikilala bilang “Ama ng Heomatriya” sinulat niya ang Optics patungkol sa prinsipyo ng mga ilaw batay sa matematika. PUNDASYON NG KANLURANING PILOSOPIYA ERATOSTHENES Unang nakatuklas sa hugis g daigdig. Nagbigay din siya ng tantiyang sukat nito. SINING AT KULTURA Lumaganap ang teatro sa panahon ng Klasikong Gresya bilang isang uri ng libangan ng mga mamamayan bawat lungsod- estado. Ang teatro ay ginaganap sa mga amphitheater. Sa panahong ito nakilala ang ilang mga manunulat sa larangan ng trahedya at komedya. Ang trahedya ay kuwento o akda hinggil sa pagbagsak Ng pangunahing tauhan, samantalang ang komedya naman ay akda ng katatawanan at panunudyo o satire. Ang tanyag na dramang Oedipus the King ay isinulat ni Sophocles. Ang komedyang The Clouds, isang akdang tumalakay sa buhay ni Socrates, ay isinulat naman ni Aristophanes. Nakilala rin si Homer na siyang may-akda ng isa sa pinakamahahalagang ambag ng literaturang Griyego sa mundo, ang Iliad at Odyssey, na patungkol sa mitolohikal na kuwento ng Digmaang Trojan. nakilala si Aesop na sumulat ng mga pabula, kung saan mga hayop na tila tao ang mga pangunahing karakter. Kabilang din sa mga tanyag na manunulat sa panahong ito si Herodotus, ang tinaguriang "Ama ng Kasaysayan" dahil sa kaniyang pagtatala sa kasaysayan ng Gresya. Si Thucydides naman ay nakilala rin sa kaniyang mga salaysay kabilang na ang Digmaang Peloponnesian. Arkitektura makikita ang mga gusaling itinayo ng mga Griyego hanggang sa kasalukuyan. Isa sa mga kilalang gusali nila ay ang Parthenon sa Athens. Isa ito sa mga disenyong kinopya ng mga sumunod na sibilisasyon. Ngunit ang bukod-tangi rito ay ang mga poste na may tatlong disenyo. Ito ang tinaguriang Greek orders na poste ng kanilang mga gusali. asda ANG OLYMPICS Isa rin sa mga tanyag na ambag ng Gresya ang Olympics, Isa sa mga naunang paligsahan ay ginanap pa sa panahon ng mga Minoan. Ayon sa pagsasaliksik, ang unang Olympics ay ginanap noong 776 BCE Ssa polis ng Olympia, Ito ay isinagawa bilang pagpupugay sa kanilang diyos na si Zeus. Ang mga palaro noong panahong ito ay wrestling, chariot race, boxing, marathon race, discus throw, at ilang paligsahan para sa musika. Binuhay muli ang tradisyong ito taong 1896 at patuloy na isinasagawa hanggang sa ngayon. ISAISIP NATIN ✓ Hanggang ngayon sa kasalukuyan ay nagagamit pa rin ang alpabeto, mga kaalamang ambag, at sistema sa konstruksiyon at inerhiya. ✓ Maraming tradisyon sa kasalukuyan ang nagmula sa kabihasnang Griyego. Ang alpabeto at wika ng Europa ay naimmpluwensiyahan ng Gresya. Ang mga aspektong kultural na teatro, tula at kasaysayan ay galing sa Gresya. Ilang kaalaman sa agham, matematika, at medisina rin ang nagmula sa mga Griyego ISAISIP NATIN ✓ Naiiba ang sistemang pampolitika ng Athens at Sparta batay sa kung paano ginagamit at ginagawad ang kapangyarihang mamuno. Sa athens ay umiiral ang demokarasya kung saan ang mayorya ang siyang kapangyarihan, habang sa Sparta ay nasa kamay ng kanilang hari ang kapangyarihan. GAWAIN PANUTO: sa isang buong papel, (1 whole sheet of pad paper) sagutin ang gawain na SAGUTIN NATIN sa pahina 104 ng inyong mga aklat. Gayahin ang graphic organizer at isulat ang mga impormasyong kinakailangan. 1. Saang isla natagpuan ang ilang paso na galing sa mga lugar sa ibayong dagat? A. Cyprus B. Crete C. Ehipto D. Mesopotamia 2. Paano nakatulong ang heograpiya ng Gresya sa pagbuo ng mga polis? A. Ang dagat ay nagbigay-daan sa mas mabilis na kalakalan. B. Ang kapatagan ay nagbigay ng mas maraming lupa para sa agrikultura. C. Ang klima ay nagpasigla sa pagsasaka sa buong rehiyon. D. Ang bundok ay nagsilbing harang laban sa mananakop. asda asda asda asda asda asda asda asda 11-15. Magbigay ng mga kontribusyon ng Kabihasnang Gresya (Greece) sa kasalukuyang panahon.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser