Mga Tala ng Ikalawang Baitang (COR 003) PDF
Document Details
Uploaded by DependablePreRaphaelites
Southwestern University PHINMA
Tags
Related
- Panitikang Pilipino sa Panahon ng Digmaan at Pagkatapos
- Modyul 2- Maikling Kuwento: Kahulugan at Kasaysayan PDF
- Panahon ng Amerikano, Hapon at Bagong Republika PDF
- Pag-aaral ng Panitikan sa Pananakop ng Amerika, PDF
- Panitikang Pilipino- Panahon ng Amerikano hanggang Kasarinlan PDF
- Panitikan ng Pilipinas PDF
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga tala na tungkol sa kasaysayan ng wika at panitikan ng Pilipinas. Nagtatampok ang mga tala ng iba't ibang panahon simula sa Kastila hanggang sa kasalukuyan. Nakatuon din sa mga kilalang manunulat at mga akda mula sa bawat panahon.
Full Transcript
SAS 15: Pagtalakay sa Kasaysayan ng Wika at Panitikan sa Panahon ng Kastila Baybayin o Alibata - katutubong paraan ng pagsulat (native way of writing) - binubuo ito ng labing pitong titik (17 letters): tatlong patinig (3 vowels) at labing-apat na katinig (14 consonants) - ang sinaunang alpabeto n...
SAS 15: Pagtalakay sa Kasaysayan ng Wika at Panitikan sa Panahon ng Kastila Baybayin o Alibata - katutubong paraan ng pagsulat (native way of writing) - binubuo ito ng labing pitong titik (17 letters): tatlong patinig (3 vowels) at labing-apat na katinig (14 consonants) - ang sinaunang alpabeto ng Filipino pagdudulot ng Espanyol at maituro ang alpabetong Romano, mula ito sa pagbaybáy ng Tagalog na nagdudulot ng lupaing na gilid ng dagat - makikita ang mga halimbawa ng baybayin sa Doctrina Cristiana (1593), ang pinakaunang aklat na nailathala sa Pilipinas na isinulat ng mga misyonerong Espanyol SAS 16: Pagtalakay sa Kasaysayan ng Wika at Panitikan sa Panahon ng rebolusyong Filipino *Ito ay saklaw ng taong 1872 hanggang 1903; naging makabayan (patriotic) at mapaghimagsik (rebellious) ang panitikan sa panahong ito Propagandista - may mga angking talino, may damdaming makabayan, may dakilang katapatan at lakas ng loob Jose P. Rizal - siya ay tumungo sa bansang Espanya para ipagpatuloy ang pagkuha ng Medisina; naging manunulat sa pahayagang La Solidaridad gamit ang sagisag- panulat na “Laon-Laan” at “Dimasalang” Noli Me Tangere & El Filibusterismo - naglalarawan ng mga suliranin sa lipunan (social issues), katiwalian sa pamahalaan at simbahan (corruption in the government and church), mga kakulangan sa edukasyon (educational deficiencies) at ang pang-aabuso ng mga makapangyarihan, habang ipinapahayag ang hinaing ng mga mamamayan (abuse of the powerful, while expressing the grievances of the people) *El Filibusterismo ay naglalayon itong buksan ang isipan (opens the mind) at pukawin ang damdamin (arouse the emotions) ng mga mambabasa upang makamit ang tunay na kalayaan (achieve true freedom) at karapatan ng bayan (rights of the people) Marcelo del Pilar (patnugot ng reporma) - na kilala rin bilang "Plaridel," ay naging patnugot ng La Solidaridad at nagtatag ng Diariong Tagalog upang pukawin ang makabayang kaisipan ng mga mahihirap na Pilipino Ang Cadaquilaan nang Dios - isang sanaysay na tumutuligsa sa mga prayle at nagpapaliwanag at pagmamalabis ng mga prayle Graciano Lopez Jaena Fray Botod - isang paglalarawan tumutuligsa sa kabalayan; kamangmangan at pagmamalabis ng mga prayle Andres Bonifacio - siya ang nanguna sa pagtatag ng Katipunan Emilio Jacinto - siya ang utak ng Katipunan at sinulat niya ang Kartilya ng Katipunan Jose V. Palma - siya ang sumulat ng pambansang awit ng Pilipinas Apolinario Mabini - utak ng Himagsikan *Sa panahon ng rebolusyong Pilipino, ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang galit sa mga Kastila at naging maalat ang pambansang damdaming makabayan sa panitikan. Ang mga akda ni Andres Bonifacio at Emilio Jacinto, na isinulat sa wikang Tagalog, ay naglalayong magising, magkaisa, at maghanda ang mga Pilipino para sa minimithing kalayaan, habang nagbibigay ng pampulitikang panunuligsa at payo SAS 17: Pagtalakay sa Kasaysayan ng Wika at Panitikan sa Panahon ng Amerikano *Nagsisimula ang digmaang Kastila laban sa Amerikano sa Mayo, 1898 *Ang paghihimagsik ng mga Pilipino noong 1896-1899 ay nagmulat sa pambansang kamalayan at nagbigay-daan sa pagkakaisa ng mga Pilipino, na nagpatibay sa paggamit ng Tagalog bilang pambansang wika at ito rin ay nagbigay ng kalayaan sa mga manunulat na kumawala sa tradisyonal na paraan ng pagsulat. Mga Katangian ng Panitikan sa Panahon ng Amerikano * Sa paglaya ng mga manunulat mula sa tradisyunal na mga paksa at estilo, nagkaroon ng mas malawak na saklaw ng panitikan, na tumatalakay sa pamahalaan, kalikasan, at personal na sanaysay. Ang pagdami ng mga samahan sa wika ay nagbigay-daan sa masiglang paglinang ng panitikan sa pamamagitan ng iba't ibang paligsahan at palatuntunan *Sa siglong ito, lumitaw ang makatotohanang panitikan na naglalarawan ng tunay na mga pangyayari sa buhay ng tao. Naging tanyag ang mga nobela at aklat na tumatalakay sa pulitika, lipunan, at relihiyon, na may layuning ipakita ang katotohanan sa halip na romansa Mga Manunulat noong Panahon ng Amerikano KASTILLA Cecilio Apostol (1877-1936) - manananggol at makata sa wikang Kastila, manunulat ng El Renacimiento * “Kay Rizal” - isang akda na inialay niya kay Jose P. Rizal Fernando Maria Guerrero (1873-1899) - isang guro, manananggol, mamamahayag, at pintor Manuel Bernabe - mamamahayag, pulitiko, makata at mambibigkas sa Kastila at Latin * Cantos del Tropico (Mga Awit ng Tropiko) - ang aklat na ito, na may 350 pahina, ay naglalaman ng lahat ng kanyang tula na sumasaklaw sa mga paksa tulad ng handog sa Espanya, panrelihiyon, pampilosopiya, pambayan, at pag-ibig Claro M. Recto (1890-1960) - matalinong mambabatas, makata, manunulat at politiko. Pangulo ng lupon ng Saligang batas ng Pilipinas TAGALOG Julian Cruz Balmaceda - sumulat ng Bunganga ng Pating Lope K. Santos - nobelista, makata, mangangatha at mambabalarila. “Apo ng mga Mananagalog” José Corazon De Jesus - kilala sa sagisag na Huseng Batute at tinaguriang, “Makata ng Pagibig” INGLES Jose Garcia Villa - pinakatanyag na Pilipinong manunulat sa Ingles. Kilala sa sagisag na Doveglion. N.V.M. Gonzales - may akda ng “My Island at Children of the Ash Covered Loom” SAS 18: Pagtalakay sa Kasaysayan ng Wika at Panitikan sa Panahon ng Hapon *Nahinto ang pag-unlad ng panitikang Filipino nang sakupin ng Hapon ang Pilipinas noong 1941-1945 * Sa panahon ng pagbabawal sa mga pahayagan at magasin sa Ingles, maliban sa Tribune at Philippine Review, umunlad ang panitikang Pilipino. Maraming manunulat na dating gumagamit ng Ingles, tulad ni Juan C. Laya, ang lumipat sa pagsulat sa Tagalog Dalawang Uri ng Tula: Karaniwan (may sukat at tugma) at Malaya (malayang taludturan, walang sukat at walang tugma) Haiku - isang tula na binubuo ng labing pitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod. (5-7-5)/17 Tanaga - may sukat at tugma; may apat na taludtod at bawat taludtod ay may pitong pantig (7-7-7-7)/28 *Sa panahon ng Hapon, ang dula ay naging tanyag dahil sa makatotohanang paglalarawan ng iba’t ibang paksa. Ang mga dulang isinulat noon ay nagpakita ng matinding damdamin at pagmamahal, tulad ng pagmamahal ng ina sa anak, ng anak sa ina, ng kasuyo sa kasintahan, at ang pag-ibig sa Inang Bayan SAS 19: Pagtalakay sa Kasaysayan ng Wika at Panitikan sa Panahon ng Pagsasarili *Sa panahon ng pagsasarili, Ingles ang naging midyum ng pagtuturo sa mga pampublikong paaralan, na nakatuon sa kasaysayan at kultura ng mga Amerikano, na nagdulot ng kolonyal na mentalidad. Noong 1925, natuklasan ng Komisyong Monroe ang kakulangan sa paggamit ng Ingles bilang wikang panturo. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, muling sumigla ang Panitikang Pilipino dahil sa pagkawala ng sensura, at maraming manunulat ang nagsimulang magsulat sa Pilipino at Ingles. Sa panahon ng Bagong Lipunan, lalo pang sumigla ang panitikang Pilipino sa tulong ng pamahalaan, paaralan, at mga samahan Imelda Romualdez Marcos - siya ay nanguna sa pagpapanibago ng buhay ng panitikang Pilipino Benigno Ramos - isang lider sosyalistang kilala sa panulat na Ben Ruben Teodoro Gener - isang makata at guro Anceto Silvestre - makatang makaluma *"Literature and Society" ay isang kalipunan ng mga sanaysay na nailathala noong 1940 at nagkamit ng unang gantimpala sa timpalak-sanaysay ng First Commonwealth Literary Contest noong 1941. Tinatalakay ng mga sanaysay ang tamang paksain at kahalagahang panlipunan ng mga akdang pampanitikan SAS 21: Pagtalakay sa Kasaysayan ng Wika at Panitikan sa Panahon ng Kasalukuyan Kasaysayan ng Wika at Panitikan noong Panahon ng Pagsasarili *Sa kasalukuyan, bagaman may mga hadlang pa rin sa pagsulong ng wikang Filipino, mabilis ang paglaganap at paggamit nito. Noong ika-5 ng Agosto 2013, itinakda ng KWF ang depinisyon ng Filipino bilang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas sa komunikasyon, parehong pasalita at pasulat. Ang wikang Filipino ay patuloy na lumalago at nagiging mahalagang bahagi ng pambansang identidad. Panitikan sa Panahon ng Hanggang Kasalukuyan *Bagamat ilang buwan pa lamang ang pagkakatatag ng tunay na Republikang Pilipinas, may makikitang pagbabago na sa ating panitikan. Ang mga pagbabagong ito ay madarama sa tula, awiting Pilipino, pahayagan, sanaysay, talumpati, at maging sa mga programa sa telebisyon Maikling Kwento - isang masining na salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at nag-iiwan ng iisang impresyon lamang Elemento sa Maikling Kwento: Tauhan - mga panauhin sa kwento Tagpuan - saan naganap ang kwento Banghay - pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento Limang Bahagi ng Banghay: - Panimula => saan at paano nagsimula ang kwento - Saglit na Kasiglahan => panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa kwento - Kasukdulan => nangyayari ang problema sa kwento - Kakalasan => parte kung saan unti-unti nang maayos ang problema - Wakas => paano nagwakas o natapos ang kwento Kaisipan - mensahe ng maikling kwento sa mambabasa Suliranin - tumutukoy sa problemang kinakaharap ng tauhan sa kwento Tunggalian - tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, o tao laban sa kalikasan Paksang Diwa - pinaka-kaluluwa ng kwento Pormal na Sanaysay - isang seryosong pahayag na karaniwang bunga ng maingat na pag-aaral o pananaliksik ng may-akda. Ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng tao, hayop, bagay, okasyon, o pangyayari, at sinusulat sa seryoso at pormal na tono Di-Pormal na Sanaysay - naglalayong magbigay-aliw ay karaniwang naglalaman ng personal na pananaw ng may-akda at mga paksang malapit sa puso ng mambabasa. Ang estilo ng pagsulat ay may bakas ng personalidad ng may-akda, na parang nakikipag-usap lamang sa isang kaibigan, kaya't hindi gaanong pormal ang mga salitang ginagamit Mga Bahagi ng Sanaysay: Simula - karaniwang nagsisimula sa isang pang-akit na bahagi upang mahikayat ang mambabasa na ipagpatuloy ang pagbabasa Katawan o Gitna - naglalaman ng mahahalagang impormasyon o ideya ng may-akda tungkol sa paksa at nagpapahayag ng kanyang mensahe Wakas - naglalaman ng konklusyon, buod ng sanaysay, o mensaheng habilin ng manunulat na maaaring magbigay ng hamon sa pag-iisip ng mga mambabasa Dula - ginagamit ng manunulat ang teatro upang epektibong maipahayag ang kanilang kaisipan at damdamin, dahil sa pamamagitan ng usapan, tagpo, at kilos ng mga tauhan, malinaw na naipapaabot ang mensahe sa mga manonood