Karagdagang Rebyuwer (Tagalog) PDF
Document Details
Uploaded by WorthwhileNewton3226
ELCOM E WHELE 4
Tags
Related
- KABANATA 2 - ANG KAPALIGIRAN at KALAGAYAN NG MGA LIKAS NA YAMAN NG PILIPINAS PDF
- PISIKAL NA HEOGRAPIYA NG TIMOG-SILANGANG ASYA (ARALING PANLIPUNAN 7)
- Tatlong Uri ng Likas na Yaman PDF
- Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral PDF
- Mga Batas na Nakabatay sa Likas na Batas Moral PDF
- Kayamanan ng Bansa PDF
Summary
Ang dokumento ay isang rebyuwer tungkol sa mga likas na yaman sa Pilipinas, tinatalakay ang mga uri ng yamang lupa, tubig at ang kahalagahan ng pangangalaga nito.
Full Transcript
# Karagdagang Rebyuwer ## Likas na Yaman - Ang yaman na nagmumula sa kalikasan at maaaring manatili kahit walang gawing pagkilos ang tao ay ang **Likas na Yaman**. ## Yamang Tubig - Ang yaman na pinagkukunan ng iba't-ibang klase ng mga isda, kabibe ay ang **Yamang Tubig**. ## Yamang Lupa - Ang...
# Karagdagang Rebyuwer ## Likas na Yaman - Ang yaman na nagmumula sa kalikasan at maaaring manatili kahit walang gawing pagkilos ang tao ay ang **Likas na Yaman**. ## Yamang Tubig - Ang yaman na pinagkukunan ng iba't-ibang klase ng mga isda, kabibe ay ang **Yamang Tubig**. ## Yamang Lupa - Ang halimbawa ng **Yamang Lupa** ay punong-kahoy at iba pang mga produktong tulad ng mga troso at muwebles. ## Halimbawa ng Hayop - Ang pilandok uri ng usa ang tinaguriang pinakamaliit sa buong mundo at matatagpuan lamang sa Palawan. ## Kahalagahan ng Yamang Lupa sa Tao - Bakit mahalaga ang yamang lupa sa tao? Dahil nagbibigay ito ng pagkain, materyales para sa paggawa ng bahay, at mga yaman na ginagamit sa industriya. ## Kahulugan ng Yamang Lupa - Ang kahulugan ng yamang lupa ay, mga likas na yaman na matatagpuan sa ibabaw ng lupa tulad ng gubat, lupa, at mineral. ## Layunin ng Pangangalaga sa Yamang Lupa - Ang pangunahing layunin ng tao sa pag-aalaga at pangangalaga sa yamang lupa ay mapanatili ang kalusugan ng kalikasan at mapakinabangan ng mga tao. ## Epekto ng Pagkasira ng Yamang Lupa - Ano ang maaaring mangyari kung patuloy na masisi ra ang mga yamang lupa? Maaaring mababawasan ang mga hayop sa kagubatan. ## Polusyon sa Yamang Tubig - Halimbawa ng sanhi ng polusyon sa yamang tubig ay pagtatapon ng basura at kemikal sa mga ilog at dagat. ## Hakbang sa Pangangalaga ng Yamang Tubig - Isang hakbang upang maprotektahan ang yamang tubig ay pagtatapon ng basura sa tamang lugar at pag-iwas sa kemikal na polusyon. ## Pangangalaga ng Yamang Tubig ng mga Mag-aaral - Halimbawa ng pangangalaga ng yamang tubig ng mga mag-aaral ay sumali sa mga programa sa paglilinis ng mga ilog at lawa. ## Epekto ng Polusyon sa Yamang Tubig - Epekto ng polusyon sa yamang tubig nagreresulta sa pagkaubos ng mga isda at pagkasira ng ekosistema. ## Kahalagahan ng Industriya ng Pangingisda sa Visayas - Bakit mahalaga ang industriya ng pangingisda sa mga lalawigan ng Visayas? Pinagmumulan ito ng pagkain at kita para sa mga mangingisda. ## Halimbawa ng Hanapbuhay sa Urban - Ang mga halimbawa ng hanapbuhay sa urban na bahagi ng NCR ay pagnenegosyo, pagbebenta, at serbisyo sa mga pamilihan. ## Pangunahing Hanapbuhay sa Cagayan Valley - Ang pangunahing hanapbuhay sa rehiyon ng Cagayan Valley ay pagtatanim ng palay at gulay. ## Epekto ng Pagtatanim ng Palay sa Central Luzon - Ang rehiyon ng Central Luzon ay tinaguriang "Rice Bowl of the Philippines" dahil sa malaw ak na pagtatanim ng palay. Ano ang magiging epekto nito sa ekonomiya ng rehiyon? Pagkakaroon ng mataas na produksyon ng pagkain at kalakal. ## Epekto ng Industriya ng Tabako sa Ilocos - Sa rehiyon ng Ilocos, ang agrikultura at industriya ng tabako ang mga pangunahing hanapbuhay. Ano ang epekto ng industriya ng tabako sa mga magsasaka sa rehiyon? Pagkakaroon ng kakulangan sa mga taniman ng palay. ## Epekto ng Industriya ng Kopra sa Bicol - Ang rehiyon ng Bicol ay kilala sa pagtatanim ng niyog. Ano ang epekto ng industriya ng kopra sa lugar na ito? Paglikha ng mga trabaho sa paggawa ng langis ng niyog at iba pang produkto. ## Turismo sa NCR - Sa NCR, ang turismo ay isa sa mga sektor na nagdadala ng kita sa rehiyon. Ang epekto nito sa lokal na ekonomiya at komunidad ay ang pagkakaroon ng mas maraming turista at mga negosyo na nagbibigay trabaho. ## Transportasyon sa NCR - Ang sektor ng transportasyon ay isa sa mga pangunahing industriyang mayroon ang rehiyon ng NCR. Halimbawa ng epekto nito ay ang pagtaas ng polusyon at mga usok mula sa sasakyan. ## Pangunahing Hanapbuhay sa Gitnang Visayas - Ang pangunahing hanapbuhay na mayroon sa rehiyon ng Gitnang Visayas ay pagtatanim ng palay. ## Pangunahing Hanapbuhay sa Kanlurang Visayas - Ang pangunahing hanapbuhay sa rehiyon ng Kanlurang Visayas ay pagtatanim ng asukal (sugarcane). ## Turismo sa Visayas - Ang may malaking naiaambag sa industriya ng buong kapuluan ng Visayas ay ang turismo. ## Abaka - Ang isang tanyag na produktong mula sa Bicol na ginagamit sa paggawa ng mga handicrafts ay ang Abaka. ## Ivatan - Ang pangkat etniko na naninirahan sa Batanes ay ang mga Ivatan. ## Epekto ng Pagmimina sa Likas na Yaman - Isang halimbawa ng epekto ng labis na pagmimina sa ating kalikasan at mga komunidad ay ang pagkaubos ng mga likas na yaman at pagkasira ng mga ecosystem. ## Reforestation sa Pilipinas - Isa sa pangunahing layunin ng mga programang pang-reforestation sa Pilipinas ay ang ibalik ang mga kagubatan na nawalan ng puno upang maiwasan ang mga kalamidad tulad ng pagbaha at landslide. ## Pakinabang ng Pangangalaga ng Likas na Yaman - Isa sa pakinabang ng komunidad mula sa matalinong pangangasi wa ng likas na yaman ay ang nakapagbibigay ito ng sapat na likas na yaman na maaring gamitin sa mga susunod na henerasyon. ## Hakbang sa Pangangalaga ng Likas na Yaman - Isa sa mga pinakamahalagang hakbang upang maiwasan ang di-talinong pangangasiwa ng likas na yaman ay ang pagtutok sa mga proteksyon at regulasyon na magpapabuti sa kalikasan at komunidad. ## Renewable Energy sa Pangangalaga ng Likas na Yaman - Ang epekto ng paggamit ng mga renewable energy sources tulad ng solar at wind energy sa pangangalaga ng likas na yaman ay tinutulungan ang bansa na maging mas sustainable at mapababa ang carbon emissions. ## Batas sa Pangangalaga ng Likas na Yaman - Nakakatulong ang mga batas at regulasyon sa pangangalaga ng likas na yaman ng bansa isa na dito ang pagprotekta sa mga endangered species at binabawasan ang polusyon sa kalikasan. ## Magtiwala sa Iyong Sarili! - Magtiwala sa Iyong Sarili! Goodluck sa Pagsusulit!