AP 7-Q2 LECTURE 1: LIKAS NA YAMAN PDF

Summary

This document discusses natural resources in different parts of Asia, including the types of resources found in each region and their importance. It also explores the different methods used for extracting and utilizing these resources.

Full Transcript

AP 7- Q2 _ LECTURE 1 Talahulugan HILAGANG ASYA- binubuo ng mga bansang Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan. Uzbekistan, Georgia, Armenia, Mongolia, at Siberia. KANLURANG ASYA binubuo ng mga bansang Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq, Kuwait, Yeme...

AP 7- Q2 _ LECTURE 1 Talahulugan HILAGANG ASYA- binubuo ng mga bansang Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan. Uzbekistan, Georgia, Armenia, Mongolia, at Siberia. KANLURANG ASYA binubuo ng mga bansang Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq, Kuwait, Yemen, Oman, United Arab Emirates, Qatar, at Bahrain. OASIS-lugar sa disyerto na nagtataglay ng matabang saan maaaring mabuhay ang mga halaman at hayop. SILANGANG ASYA - binubuo ng mga bansang China, Japan, North Korea, South Kores st Taiwan. YAMANG GUBAT kagubatan mga bagay o hayop na matatagpuan natin sa kagubatan. YAMANG LIKAS - ay mga bagay na natural na matatagpuan sa kapaligiran, mga bagay na nilikha ng Diyos na kapakipakinabang na mapagkukunan ng mga hilaw na materyal na panustos sa mga pangangailangan ng mga tao. YAMANG LUPA mga bagay na makukuha sa mga anyong lupa tulad ng mga pananim, punong kanoy, prutas, at iba pa. YAMANG MINERAL mga bagay na namimina o nakukuha mula sa kabundukan o sa ilalim ng lupa YAMANG TUBIG mga bagay na nakukuha natin sa mga anyong tubig (dagat, lawa, talon, at iba pa.) Likas na Yaman ng Hilagang Asya May malawak na damuhan na mainam pagpastulan ng mga alagang hayop ang Hilagang Asya bagama't dahil sa tindi ng lamig dito ay halos walang punong nabubuhay. Ang mga troso mula sa Siberia ang tanging yamang gubat sa rehiyong ito. Sa yamang pangisdaan, produktong panluwas ng rehiyon ang caviar (itlog) ng mga sturgeon, ang malalaking isdang likas dito. Tinatayang pinakamalaki sa mundo ang deposito ng ginto sa Kyrgyzstan, samantalang ang Tajikistan ay may tatlong uri ng yamang mineral: ang metalikong mineral tulad ng ginto, mineral na panggatong tulad ng natural gas, at industriyal na mineral tulad ng phosphate. Pangunahing industriya ng Turkmenistan ang natural gas, pangalawa sa Russia sa produksiyon nito, at langis samantalang isa sa mga nagunguna sa produksiyon ng ginto sa buong mundo ang Uzbekistan. Sa mga lambak-ilog at sa mabababang burol ng mga bundok may produksiyon ng pagkaing butil na nakatuon sa pagtatanim ng trigo, palay, at barley, gayundin ng bulak, gulay, tabako, sugar beets, sibuyas, ubas, at mansanas, Sa pag- aalaga at pagpaparami ng mga hayop tulad ng baka at tupa nagkakaroon ang mga tao ng lana, kame, at gatas. AP 7- Q2 _ LECTURE 1 Siberia May lawak na 12. 6 milyong kilometro kwadrado, bahagi ng Rusya ang Siberia at matatagpuan sa silangan ng Bundok Ural at hilaga ng Tsina at Mongolia. Nahahati ito sa tatlong pang-heograpiya at pangkabuhayang rehiyon - Kanlurang Siberia, Silangang Siberia at Dulong Silangang Siberia. Mongolia Ang Mongolia, matatagpuan sa Gitnang Asya, ang bansang may pinakamaliit na populasyon sa buong daigdig. Nasa pagitan ito ng dating Unyon Sobyet sa hilaga at Tsina sa silangan. Likas na Yaman ng Silangang Asya Ang yamang lupa ng Silangang Asya ay matatagpuan sa iba't ibang anyo nito, maliban lamang sa mabuhangin o tigang na lupa sa Mongolia. Sakop ng China ang pitong porsiyento (7%) ng lupa sa buong mundo na maaaring bungkalin at ito'y pagtatamnan ng iba't ibang uri ng pananim. Pangunahing pananim nito ang palay, at siyang nangunguna sa produksiyon nito sa buong mundo. Ang pinakamalaking potensyal sa produksyon sa pagsasaka sa daigdig ay matatagpuan sa mga kapatagan at lambak-ilog ng China. Gayunpaman, magtatagal pa bago ito makamtan ng mga Tsino sapagkat sinauna pa ang paraan ng pagsasaka at di gaanong gumagamit ng bagong teknolohiya ang mga magsasaka tulad sa Europa. Ang ilang mga bahagi ng Silangang Asya ay nakatuon din sa pagtatanim at paghahayupan. Sa China at sa ibang mga bansa ng rehiyon, ang malalaking hayop ay ginagamit din bilang katulong sa paghahanapbuhay. Ang mga anyong tubig ay nililinang din para sa kapakinabangan ng mga nakatira rito. Sa Hapon, kaunting lupa lamang ang sinasaka at dito inaani ang palay, trigo, barley, millet, prutas at gulay. Nagtatanim ng punong mulberry na pagkain ng mga uod o silkworm ang mga Hapones kaya nangunguna sila sa industriya ng telang sutla. Sa China, isang bansang nakahihigit sa iba sa likas na yaman. Matatagpuan ang iba't ibang uri ng mineral sa Tsina tulad ng manganese, mercury at tungsten. Malaki ang naitutulong ng mga kayamanang ito sa pag- unlad ng China bilang isang pwersang industriyal. Karbon ang pinakamahalagang pinagkukunan ng enerhiya sa China. Pangatio ang China sa pagmimina sa karbon at sa dami ng deposito ng karbon. Nasa lambak ng Hwang Ho ang pinakamalaking deposito ng karbon at isa sa mga pangunahing minahan ng karbon sa buong daigdig. Bawat lalawigan sa China ay mayroong kaunting pinagkukunan ng karbon. AP 7- Q2 _ LECTURE 1 Yamang-Tubig at Lupa Ang Ilog Yangtze at llog Hwang Ho ay dalawa sa pinakamalaking ilog sa buong mundo. Ang mga ito ay mahalaga sa irigasyon at bilang lagusan patungo sa mga liblib na pook ng China. Ang Ilog Yangtze ay malaki ang posibilidad na magamit para sa lakas haydro-elektrika. Sa kasalukuyan, maraming prinsa ang ginagawa upang mapakinabangan ang potensyal na ito ng Ilog Yangtze. Hilaga at Timog Korea Higit na malaki ang Hilagang Korea kaysa Timog Korea ngunit higit kaunti ang populasyon nito sa Timog Korea. Ang Timog Korea ang pangunahing rehiyong pang-industriya sa tangway at patuloy ang pag-unlad nito. Nagbibigay ng lakas haydro-elektrika ang mga ilog. May graphite at magnesium na namimina sa bansang ito. Palay ang pinakamahalagang produktong agrikultura. Hong Kong Isa sa pinakamalaking lungsod sa buong mundo ang lungsod ng Hong Kong. Ito ay dating kolonya ng Inglatera (Special Administrative region of China ngayon). Binubuo ito ng isang maliit na pulo at isang maliit na bahagi ng baybayin ng China. Taiwan Ang Republika ng Tsina ay itinatag ng mga Nasyonalistang Tsino sa pulo ng Taiwan. Bulubundukin at pawang kagubatan ang pulong ito. Kakaunti lamang ang mga yamang mineral. Ang tulong na nagmula sa mga ibang bansa tulad ng Estados Unidos ang nakatulong upang mabago ang Taiwan mula sa isang pulo ng mahihirap na magsasaka tungo sa isang bansang makabago at industriyalisado. Iniluluwas ang maraming produkto mula sa kagubatan tulad ng kawayan, plywood, tabla troso at papel. Iniluluwas din ang mga produktong semento, pataba, plastic, kemikal, tela at mga pagkaing de-lata. Likas na Yaman ng Kanlurang Asya Ang Kanlurang Asya ay sagana sa yamang mineral partikular na sa langis at petrolyo. Pinakamalaking tagapag-luwas ng petrolyo sa buong daigdig ang Saudi Arabia, at malaki rin ang produksiyon ng langis ng mga bansang Iran, Iraq. United Arab Emirates (UAE), Kuwait, at Oman. Karamihan sa mga bansa ng rehiyong ito ay may natural gas, tanso, bauxite, potash, zinc, magnesium, phosphate at iba pa. Sa agrikultura, nagtatanim ang mga taga-Kanlurang Asya. ng trigo at barley sa mga oasis. Iran, AP 7- Q2 _ LECTURE 1 Ikaanim na bahagi lamang ng lupain ang natatamnan. Ang mga nangungunang produkto ay trigo at barley, Itinatanim din ang palay, bulak, mais, sugar beet, tabako, poppies at mga prutas. Nagunguna naman ang Iraq sa produksiyon ng dates at dalandan ang Israel. Paghahayupan ang karaniwang gawain ng mga naninirahan sa mga lugar na bulubundukin at sa mga disyerto sa Iran, Iraq, Syria, Saudi Arabia, at Turkey. Ang Talampas Anatolian ang pangunahing rehiyong pansakahan sa Turkey. Ang mga pananim ay trigo at pagkaing butil, Ang igos, oliba at ibang prutas ay itinatanim sa gawing timog-kanluran samantalang ang tabako ay matatagpuan sa kapatagang malapit sa baybayin sale Mga Lupaing Arabyano sa Kanlurang Asya Lubhang nabago ang tanawin at pamumuhay ng Tangway ng Arabia nitong huling 30 taon. Hindi pa rin gaanong matao ang tangway bagaman marami nang mga lungsod na naitatag sa disyerto. Malaki ang naging pagbabago ng kapaligiran bunga ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis na nagbibigay ng maraming salapi sa mga bansang may minahan ng langis. Jordan Isang mahirap na bansa ang Jordan na may kaunting likas na yaman. Mayroong kaunting yamang-mineral ngunit walang anumang langis. Ang nililinang na mineral ay ang phosphate, potash at marmol. Mayroong deposito ng manganese, bakal, sulphur at tanso. Tatlong bahagi ng mga tao ang nabubuhay sa pagsasaka. Pangunahing pananim ang trigo, barley, kahol, olive at gulay. Pangunahing industriya ang pagrerepina ng langis, pagkukulti ng balat. paggawa ng mga produktong elektrikal, semento at sabon. Syria Nakasasapat sa pangangailangan ng Syria ang produksiyon nito sa pagkain. Mahigit sa kalahati ng mga Syrian ang nabubuhay sa pagsasaka. Pangunahing pananim ang trigo, barley, bulak, tabako at prutas. Nag-aalaga rin ng baka at tupa ang mga tao. Pangunahing industriya ang pag-iimbak ng pagkain, paghahabi ng tela at paggawa ng semento Iraq Ang Iraq (Mesopotamia), ang lupain sa pagitan ng dalawang ilog, ay pinagkukunan ng petrolyo, ang pangunahing pinagkakakitaan ng salapi, AP 7- Q2 _ LECTURE 1 Ibang yamang-mineral sulphur, phosphate, asin at gypsum. Mahigit sa kalahati ng populasyon ang nabubuhay sa pagsasaka. Pangunahing pananim ang dates, trigo, barley, palay, tabako at bulak. Nagbibigay ng lana at balat ang mga alagang tupa at baka. Pangunahing industriya ang pagpoproseso ng pagkain at paggawa ng semento, sabon at tela. Turkey sa talampas ng Anatolia. Maraming Matatagpuan ang depositing mineral sa bansang ito ngunit karamihan ay hindi pa nalilinang. Mahigit sa kalahati ng populasyon ang nabubuhay sa pagsasaka. Pangunahing pananim ang mga trigo, tabako, bulak at prutas. Pangunahing industriya ang produksyon ng bakal, pagrerepina ng asukal at paghahabi ng tela. Iran Kilala sa tawag na Persia ang Iran noong unang panahon. Naging opisyal na pangalan ang Iran noong 1935, Isa sa pinakamalaking bansa ang Iran sa Timog-Kanlurang Asya. Disyerto ang malaking bahagi ng Iran kaya ang lupang sakahan dito ay maliit lamang. Pangunahing pananim ng mga tao ang trigo, barley, palay, prutas at bulak. Hindi sapat ang pagkaing inaani upang mapakain ang lahat ng tao sa bansa. Israel Isang maliit na bansa ang Israel na ang kalakihang bahagi ay disyerto. Sa tulong ng irigasyon, nabago ng mga Israelite ang disyerto at naging mga lupang sakahan ito. Inaani ng Israel ang ikatlo hanggang ika-apat na bahagi ng pagkain nito at nagluluwas ng mga prutas tulad ng kahel. Walang anumang malaking deposito ng mineral ang Israel ngunit napagyaman nito ang anumang mayroon sa lupa. Nagtataglay ang Dead Sea ng maraming mineral. Lebanon Pinakamaliit na bansa ang Lebanon sa Timog-Kanlurang Asya. Ang mga pangunahing mineral ng bansa ay bitumen, bakal, apog at asin. Pangunahing industriya ang pagproproseso ng pagkain, pagrerepina ng asukal, at paghahabi ng tela at paggawa ng semento. Ang ikaapat na bahagi ng lupa ay natatamnan ng prutas, gulay at tabako. Karamihan sa kita ng bansa ay nagmumula sa komersyo, pagbabangko at pananalapi. AP 7- Q2 _ LECTURE 1 Gawain 1: INFO-HUNTING Panuto: Gamit ang napulot na kaalaman sa iyong binasa, itala ang yamang likas na matatagpuan sa Hilagang Asya, Silangang Asya at Kanlurang Asya sa talahanayan.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser