Climate Change: Global Warming and Environmental Effects PDF

Summary

This document discusses climate change, specifically global warming, and its effects. It highlights the increase in global temperatures due to greenhouse gases, which are largely caused by human activities like burning fossil fuels and deforestation. The document also touches upon the environmental consequences of climate change, such as rising sea levels, longer summers, and more frequent storms.

Full Transcript

CLIMATE CHANGE Ang pag-init ng daigdig o global warming ay tumutukoy sa nararansang pagtaas ng temperatura ng himpapawid at mga karagatan nitong mga nakaraang dekada. Ayon sa mga siyentipiko, ang nararanasang pag-init nitong huling 50 taon ay gawa ng tao. Pangunahing sanhi ng pag-init ng mundo ang...

CLIMATE CHANGE Ang pag-init ng daigdig o global warming ay tumutukoy sa nararansang pagtaas ng temperatura ng himpapawid at mga karagatan nitong mga nakaraang dekada. Ayon sa mga siyentipiko, ang nararanasang pag-init nitong huling 50 taon ay gawa ng tao. Pangunahing sanhi ng pag-init ng mundo ang pagtaas ng antas ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases na resulta ng pagsunog ng produkto mula sa petrolyong langis, pagkakalbo ng kagubatan, pagsasaka, at iba pang kagagawan ng tao. ANG EPEKTO NG GREENHOUSE GAS SA GLOBAL WARMING Sa siyentipikong pag-unawa, ang global warming ay resulta ng malakihang konsentrasyon o volume ng greenhouse gases sa kalawakan. Ang greenhouse gases ang bumubuong 1% ng kalawakan ng daigdig (earth’s atmosphere). Sa kasalukuyan. patuloy pa rin sa pagtaas ang greenhouse gas emissions na siyang salarin at dahilan sa pagkakaroon ng global warming at patuloy sa paglaki ang konsentrasyon ng greenhouse gases na ito sa kalawakan. Nagpapatuloy ang banta ng panganib na maaari pang idulot ng pagkasira ng ozone tulad ng pag-init ng mundo; pagkatunaw ng glaciers, ice sheets, at sea ice; pagtaas ng tubig-dagat; at iba pang kaganapan sa kalikasan sa panahong kasalukuyan. GLOBAL WARMING Ito ay kinatatangian ng pagtaas ng karaniwang temperatura ng mundo kaya’t nagdudulot ito ng pangkalahatang pag-init ng kalawakan, kalupaan, at karagatan. CLIMATE CHANGE Ito ay malawakang pagbabago ng panahon o klima sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ang epekto nito ay nadarama natin sa unti- unting pag-init ng mundo na kadalasan ay tinatawag nating global warming. CLIMATE CHANGE Ang pangunahing sanhi ng pagbabago ng klima ay ang paglaganap ng GREENHOUSE gases sa ating kalawakan. Ang mga gas na ito ay nagmumula sa paggamit natin ng maruruming uri ng enerhiya at gasolina, at sa uri ng pamumuhay natin na hindi nakatulong sa pagbabawas ng paglaganap ng greenhouse gases. Environmental Effects of Agriculture MGA EPEKTO NG CLIMATE CHANGE PATULOY NA PAGTAAS NG TEMPERATURA PAGHABA NG PANAHON NG TAG-INIT PAGDAGSA NG MARAMING BAGYO PAGTAAS SA ANTAS NG TUBIG DAGAT PAGTAAS NG BILANG NG KASO NG MGA SAKIT MALNUTRISYON

Use Quizgecko on...
Browser
Browser