Document Details

BestSellingBeige3576

Uploaded by BestSellingBeige3576

Isabela School of Arts and Trades

Tags

language variation sociolinguistics Filipino language

Full Transcript

Barayti ng Wika Ilan sa mga Salitang Filipino na Nawala?? Anluwage -Karpintero Awangan -Walang hanggan Hidhid - Maramot Hudhod - Ihaplos Napangilakan - Nakolekta Paano nagkaroon ng Barayti ng Wika? Dayale k  Ito ang barayti ng wika na ginagamit ng partikular na pang...

Barayti ng Wika Ilan sa mga Salitang Filipino na Nawala?? Anluwage -Karpintero Awangan -Walang hanggan Hidhid - Maramot Hudhod - Ihaplos Napangilakan - Nakolekta Paano nagkaroon ng Barayti ng Wika? Dayale k  Ito ang barayti ng wika na ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, relihiyon o bayan.  Ito ay varayti ng wika na nalililkha ng dimensiyong heograpiko. Ito ang salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang kinabibilangan. 2. Idyolek Ito ang dayalek na sinasalita ng pangkat ng mga tao na mayroong pansariling paraan ng pagsasalita ang bawat isa. NAKIKILALA MO BA SILA? 3. Sosyolek Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika. Kapansin-pansin ang mga tao nagpapangkat- pangkat batay sa ilang katangian tulad ng kalagayang panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad, atbp. Uri ng Sosyolek a. Wika ng Beki o Gay Lingo Ito’y isang halimbawa ng grupong nais mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya naman binago nila ang tunog o kahukugan ng salita. Halimbawa: churchchill -sosyal Indiana Jones -nang-indyan Tom Jones -Gutom Givenchy -pahingi Juli Andrew -Mahuli b. Coño (Coñotic o Coñospeak) Ito’y isang baryant ng Taglish na may ilang salitang Ingles na Inihalo sa Filipino kaya’t masasabing code switching na nangyayari. Halimbawa: Kaibigan 1: Let’s make kain na. Kaibigan 2: Wait lang. I’m calling Ana. c. Jologs o “Jejemon” Ito ay nagmula sa salitang “jejeje” na isang paraan ng pagbaybay ng “hehehe” at ng salitang Hapon na “pokemon” Halimbawa: Nandito na ako- “D2 na me” MuZtaH -”Kamusta?” iMisqcKyuH -”I miss You” aQcKuHh iT2h -”Ako ito” d. Jargon Ito ang mga natatanging bokabularyo ng particular na pangkat ay may pagkilala sa kanilang trabaho o Gawain. Halimbawa: Lesson Plan, Class Record (Guro) Exhibit, Appeal, Compliant (Abogado) 4. Etnolek Ang salitang ito ay nagmula sa etniko at dayalek na taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng kanilang pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko. Halimbawa: Vakkul-Pantakip sa ulo Bulanon-full moon Kalipay-tuwa o ligaya Palangga-mahal o minamahal 5. Pidjin Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estraktura. Ito ay binansagang “nobody’s native language” ng mga dayuhan. 6. Register Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginamit niya sa sitwasyon sa kausap. Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na tono ng pananalita kung ang kausap niya ay isang taong may mataas na kaungkulan o kapangyarihan, nakatatanda, o hindi niya masyadong kakilala Register a.) Field o larangan – ang layunin at paksa nito ay naayon sa larangan ng mga taong gumagamit nito. b.) Mode o Modo – paraan kung paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon. c.) Tenor – ito ay naayon sa relasyon ng mga nag-uusap. 7. Creole Ang tawag sa wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang wika ng mga batang isinilang sa komunidad kapag ito’y nabuo hanggang sa magkaroon ng pattern o mga tuntuning sinusunod ng karamihan. Barayti ng Wika 1. Idyolek 2. Sosyolek a. gay linggo b. coño c. jejemon d. jargon 3. Dayalek 4. Etnolek 5. Creole 6. Register 7. Pidjin Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Use Quizgecko on...
Browser
Browser