Mga Barayti ng Wika PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
STI
Tags
Summary
Ang dokumento ay nagpapaliwanag ng iba't ibang barayti ng wika sa Tagalog. Inaasahan na tatalakayin ang mga konsepto na gaya ng dayalek, idyolek, at sosyolek. Isinasama ng dokumento ang mga halimbawa at paliwanag.
Full Transcript
SH1634 Mga Barayti ng Wika Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng barayti ng wika dahil sa pakikipag-ugnayan ng tao sa kapwa tao mula sa ibang lugar na may naiibang kaugalian at wika. Mula sa pag-uugnayang ito ay may malilinang na wikang may pagkakaiba sa...
SH1634 Mga Barayti ng Wika Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng barayti ng wika dahil sa pakikipag-ugnayan ng tao sa kapwa tao mula sa ibang lugar na may naiibang kaugalian at wika. Mula sa pag-uugnayang ito ay may malilinang na wikang may pagkakaiba sa orihinal o istandard na pinagmulan nito. Mula pa noon hanggang sa kasalukuyan ay sinisikap pag-aralan ang pagkakaroon ng iba't ibang barayti ng wika. Mababanggit dito ang tungkol sa Tore ng Babel mula sa Genesis 11: 1-9, kung saan sinasabing naging labis na mapagmataas at mapagmalaki ng mga tao at sa paghahangad ng lakas at kapangyarihan sila ay nagkaisang magtayo ng toreng aabot hanggang langit. Pinarusahan sila ng Diyos sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng iba't ibang wika. Dahil hindi na sila magkaintidihan, natigil ang pagtatayo ng tore na tinawag na Babel dahil dito naganap ang pagkakaiba-iba ng wika ng mga tao. Sa kasalukuyang panahon ay pinag-aaralan ang isang wika sa loob ng kapaligiran at karanasan ng mga nagsasalita nito. Ito ang nagbubunga ng sitwasyon at mga pangyayaring nagreresulta sa tinatawag na divergence, ang dahilan kung bakit nagkaroon ng iba't ibang uri o barayti ng wika. (Paz, et. al 2003) DAYALEK Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan. Maaaring gumagamit ang mga tao ng isang wikang katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba ang punto o tono, may magkaibang bokabularyo para sa iisang kahulugan, iba ang gamit na salita para sa isang bagay, o magkakaiba ang pagbuo ng mga pangungusap na siyang nagpapaiba sa dayalek ng lugar sa iba pang lugar. Bagama't may pagkakaiba ay nagkakaintindihan naman ang mga nagsasalita ng mga dayalek na ito. Halimbawa, dayalek ng wikang Tagalog ang barayti ng Tagalog sa Morong, Tagalog sa Maynila: at Tagalog sa Bisaya. Ang isang Bisayang nagsasalita ng Tagalog o Filipino, halimbawa, ay may tonong hawig sa Bisaya at gumagamit ng mga leksikon o ilang bokabularyong may pinagsamang Tagalog at Bisaya na tinatawag ding "TagBis" o Tagalog na may kahalong mga wika sa Bisaya tulad ng Cebuano, Ilongo/Hiligaynon, Kinaray-a, Waray, Samarnon, Aklanon, at iba pa. Dito kadalasang pinapalitan ang panlaping um ng mag. Halimbawa, 'Magkain tayo sa mall. Hindi man ito kaparehong-kapareho ng Tagalog sa Maynila na ’Kumain tayo sa mall’ ay tiyak na magkakaintindihan pa rin ang dalawang nag- uusap gamit ang baryasyon ng wika sa kani-kanilang lalawigan o rehiyon. IDYOLEK Kahit iisang dayalek ang sinasalita ng pangkat ng mga tao ay mayroon pa ring pansariling paraan ng pagsasalita ang bawat tao. Ito ang tinatawag na idyolek. Sa barayting ito, lumulutang ang katangian at kakanyahang natatangi sa taong nagsasalita. Sinasabing walang dalawang taong nagsasalita ng iisang wika ang bumibigkas dito nang magkaparehong-magkapareho. Dito lalong napatunayang hindi homogenous ang wika sapagkat may pagkakaiba ang paraan ng pagsasalita ng isang tao sa iba pang tao base na rin sa kani-kanilan indibdwal na istilo o paraan ng paggamit ng wika kung saan higit siyang komportableng magpahayag. Madalas na nakikilala o napababantog ang isang tao nang dahil sa kanyang natatanging paraan ng pagsasalita o idyolek. Kilala ang idyolek ni Marc Logan kung saan mahilig siyang gumamit ng mga salitang magkakatugma sa mga nakatatawang pahayag. Naging viral din sa YouTube ang Pabebe Girls na nakilala at ginaya pa nang marami sa nausong dubsmash dahil sa kanilang ''pabebeng" idyolek. 02 Handout 1 *Property of STI Page 1 of 4 SH1634 Kilala rin ang idyolek ng mga bantog na komentarista sa radyo at telebisyon tulad ni Kabayan Noli De Castro: ''Magandang Gabi. Bayan”; Mike Enriquez: "Hindi namin kayo tatantanan!"; Mareng Winnie: "Bawal ang pasaway kay Mareng Winnie!” Nandyan din ang idyolek ng iba pang kilalang personalidad na madalas nagagaya o nai-impersonate tulad ni Kris Aquino, "Aha, ha, ha! Nakakaloka! Okey! Darla!"; Ruffa Mae Quinto: "To the highest level na talaga ito"; Donya Ina (Michael V): 'Anak, paki- explain. Labyu!"; at marami pang iba. SOSYOLEK Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika. Kapansin-pansing ang mga tao ay nagpapangkat-pangkat batay sa ilang katangian tulad ng kalagayang panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian, edad, at iba pa. May pagkakaiba ang barayti ng nakapag-aral sa hindi nakapag-aral; ng matatanda sa mga kabataan; ng mga may kaya at mahihirap; ng babae sa lalaki, o sa bakla; gayundin ang wika ng preso; wika ng tindera sa palengke; at ng iba pang pangkat. Ayon kay Rubrico (2009), ang sosyolek ay isang mahusay na palatandaan ng istratipikasyon ng isang lipunan, na siyang nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kanilang kinabibilangan. Para matanggap ang isang tao sa isang grupong sosyal, kailangan niyang matutuhan ang sosyolek nito. Kabilang din sa sosyolek ang "wika ng mga beki" o tinatawag ding gay lingo. Ito'y isang halimbawa ng grupong nais mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya naman binabago nila ang tunog o kahulugan ng salita. Halimbawa ang mga salitang “churchill” para sa sosyal, “Indiana Jones” o hindi sumipot, “bigalou” o malaki (big), “Givenchy” o pahingi (give), “Juli Andrews” o mahuli, at iba pa. Ang unang intensiyon sa paggamit nila sa wikang ito ay para magkaroon sila ng sikretong lengguwahe na hindi maiintindihan ng mga taong hindi kabilang sa kanila, subalit sa kasalukuyan, nagagamit na rin ito sa mainstream. Isang patunay ito na ang wika ay buhay at mabilis yumabong. Patunay rin ito na malakas ang impluwensiya ng "gay lingo" dahil hindi na lang sa mga beauty parlor naririnig ang mga ito kundi sa iba't ibang lugar at pagkakataon man. Halimbawa, sa palitan ng patutsadahan ng mga tagapagsalita ng kampo ng Pangulong Aquino at ni VP Binay na nag-ugat sa "True State of the Nation Address" o TSONA ng pangalawang pangulo nagamit ang gay lingo. Tinawag ni Lacierda na 'charot' o isang biro ang TSONA ni VP Binay. Sumagot naman si Joey Salgado, tagapagsalita ng Office of the Vice President ng "imbey ang fez ni Secretarush dahil trulalu ang spluk ni VP Pero ang SONA ng pangulo, chaka ever sa madlang pipol dahil hindi trulalu.'' Maraming magkakaibang komento ang inani ng patutsadahang ito. May mga hindi sumasang- ayon at agad pinuna ang sagutan ng dalawang kampo at ang wikang ginamit. May mga naaliw rin tulad ni dating Commissioner Ruffy Biazon na nag-post sa kanyang twitter account ng ganito, "bonggacious ang tarayan, naloka aqui.” Nabibilang din sa barayting sosyolek ang wika ng mga "coño" na tinatawag ding "coñotic'' o "conyospeak" isang baryant ng Taglish. Sa Taglish ay may ilang salitang Ingles na inihahalo sa Filipino kaya't masasabing may code switching na nangyayari. Halimbawa ay sa pangungusap na "Bilisan mo at late na tayo" kung saan ang salitang Ingles na "late" ay naihalo sa iba pang salita sa Filipino. Sa "coñotic" o "conyospeak" ay mas malala ang paghahalong Tagalog at Ingles na karaniwang ginagamitan ng pandiwang Ingles na "make" na ikinakabit sa mga pawatas na Filipino tulad ng "make basa, make kain, make lakad," at madalas ding kinakabitan ng mga ingklitik sa Filipino tulad ng pa, 02 Handout 1 *Property of STI Page 2 of 4 SH1634 na, lang, at iba pa. Ito ay karaniwang maririnig sa mga kabataang may kaya at nag-aaral sa mga ekslusibong paaralan. Ang ganitong uri ng pagsasalita ay karaniwang ipinagtataas ng kilay ng nakararami. Makikita sa ibaba ang usapan ng magkaibigang gumagamit ng “conyo peak.” Kaibigan 1: “Let's make kain na.” Kaibigan 2: Wait lang. I'm calling Anna pa.'' Kaibigan 1: Come on na. We'll gonna make pila pa. It's so haba na naman for sure." Kaihigan 2: I know, right? Sige, go ahead na." Kung ang coño ay sosyolek ng mga "sosyal"o ''pasosyal" na mga kabataan, may isa pang barayti ng sosyolek para naman sa mga kabataang jologs, ang "jejemon" o "jejespeak." Sinasabing ang salitang jejemon ay nagmula sa pinaghalong “jejeje” na isang paraan ng pagbaybay ng “hehehe” at ng salitang mula sa Hapon na pokemon. Ang jejemon o jejespeak ay nakabatay rin sa mga wikang Ingles at Filipino subalit isinusulat nang may pinaghalo-halong numero, mga simbolo, at may magkasamang malalaki at maliliit na titik kaya't mahirap basahin o intindihin lalo na nating hindi pamilyar sa tinatawag na jejetyping. Noong una'y nagsimula lang ito sa kagustuhang mapaikli ang salitang itina- type sa cell phone upang mapagkasya ang ipadadalang SMS o text message na may limitadong 160 titik, letra, at simbolo lang kaya sa halip na “Nandito na ako" pinaiikli at nagiging "d2 na me." Subalit kalaunan sa halip na mapaikili ay napahahaba pa ng mga jejemon ang salita o mensaheng ginagamitan ng mga titik, letra, at mga simbolo. Madalas na nagagamit ang mga titik H at Z sa mga salita ng jejemon. Maliban sa mga nabanggit, ang sosyolek ay maaari ring tumukoy sa pangkat ng isang propesyon, partikular na trabaho, o gawain ng tao. Ang jargon o mga natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat ay makapagpapakilala sa kanilang trabaho o gawain. Halimbawa, ang mga abogado ay makikilala sa mga jargon na tulad ng exhibit, appeal, complaint, at iba pa. PIDGIN AT CREOLE Ang pidgin ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na "nobody's native language” o katutubong wikang di pag-aari ninuman. Nangyayari ito kapag may dalawang (2) taong nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang may magkaibang unang wika kaya't hindi magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa't isa. Halimbawa ay ang nangyari nang dumayo ang mga Espanyol sa Zamboanga at makipag-usap sila sa mga katutubo roon. Dahil pareho silang walang nalalaman sa wika ng bawat isa, nagkaroon sila ng tinatawag na makeshift language. Wala itong pormal na estruktura kaya't ang dalawang (2) nag-uusap na lumilinang ng sarili nilang tuntuning pangwika. Sa kaso ng mga Espanyol at katutubo ng Zamboanga, nakalikha sila ng wikang may pinaghalong Espanyol at wikang katutubo. Pidgin ang tawag sa nabuo nilang wika. Kalaunan, ang wikang ito na nagsimula bilang pidgin ay naging likas na wika o unang wika na ng batang isinilang sa komunidad ng pidgin. Nagamit ito sa mahabang panahon, kaya't nadevelop ito hanggang sa magkaroon ng pattern o mga tuntuning sinunod nang karamihan. Ito ngayon ay tinatawag ng creole: ang wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang wika sa isang lugar. 02 Handout 1 *Property of STI Page 3 of 4 SH1634 REGISTER Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap. Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na tono ng pananalita kung ang kausap niya ay isang taong may mas mataas na katungkulan o kapangyarihan, nakatatanda, o hindi niya masyadong kakilala. Pormal na wika rin ang nagagamit sa mga pormal na pagdiriwang o pangyayari tulad ng pagsimba o pagsamba, sa mga seminar o meeting, sa mga talumpati, sa korte, sa paaralan, at iba pa. Kapag sumusulat ng panitikan, ulat, at iba pang uri ng pormal na sanaysay ay pormal na wika rin ang ginagamit. Ang di-pormal na paraan ng pagsasalita ay nagagamit naman kapag ang kausap ay mga kaibigan, malalapit na kapamilya, mga kaklase, mga kasing-edad, at 'yung matatagal nang kakilala. Nagagamit ito sa mga pamilyar na okasyon tulad kasayahang pampamilya o magbabarkada, gayundin sa pagsulat ng liham pangkaibigan, komiks, sariling talaarawan, at iba pa. Del Rosario, Mary Grace G. (2016). Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing House. Quezon City 02 Handout 1 *Property of STI Page 4 of 4