ARALIN 1: Kahulugan ng Pagsulat PDF
Document Details
![EasierHippopotamus](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-5.webp)
Uploaded by EasierHippopotamus
Tags
Summary
This document seems to be extracts from a Filipino language learning module or textbook focusing on writing. It discusses the definition of writing and types of academic writing.
Full Transcript
ARALIN 1 KAHULUGAN NG PAGSULAT KAHULUGAN NG PAGSULAT: - Ang pagsulat ay isang transaksyon at interaksyon ng teksto, manunulat, at mambabasa. Ito ay proseso ng pagsasalin ng mga ideya sa papel, nagbibigay ng emosyonal na ekspresyon, at nag-aambag ng kaala...
ARALIN 1 KAHULUGAN NG PAGSULAT KAHULUGAN NG PAGSULAT: - Ang pagsulat ay isang transaksyon at interaksyon ng teksto, manunulat, at mambabasa. Ito ay proseso ng pagsasalin ng mga ideya sa papel, nagbibigay ng emosyonal na ekspresyon, at nag-aambag ng kaalaman. Itinuturing din itong mental na aktibidad na may tiyak na metodo at estruktura. Mga Opinyon ng Kilalang Manunulat tungkol sa Pagsulat William Strunk at E.B. White: Ang pagsulat ang bumubuhay at humuhubog sa ating pagkatao. Kellog: Ang pagsusulat ay isang integral na bahagi ng pag-iisip ang kalidad ng pagsulat ay nakasalalay sa kalidad ng pag-iisip. Xing Jin: Ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahan na nangangailangan ng wastong gamit ng talasalitaan, pagbuo ng kaisipan, at retorika. Helen Keller: Ang pagsulat ay kabuuan ng pangangailangan at kaligayahan. AKADEMIKONG PAGSULAT: Kahulugan - Ang akademikong pagsulat ay makabuluhan at siksik sa impormasyon, na naglalayong pataasin ang kaalaman ng mga mambabasa. Kabilang dito ang mga sulating pang-akademiko gaya ng kritikal na sanaysay, laboratory report, term paper, tesis, at iba pa. Layunin - Pataasin ang antas at kalidad ng pagsulat ng mga mag-aaral sa paaralan at itinuturing na intelektwal na pagsulat. KALIKASAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT 1. KATOTOHANAN - Nagpapakita na ang manunulat ay nakagagamit ng kaalaman at metodo ng disiplinang makatotohanan. 2. EBIDENSYA - Gumagamit ng mga mapagkakatiwalaang ebidensya bilang suporta sa katotohanang inilalahad. 3. BALANSE - Wikang walang pagkiling Seryoso at argumento Di-emosyonal na maging katwiran sa mga nasasalungatang pananaw KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT 1. Kompleks: May mga kinakailangang mataas na antas ng kaisipan at analisis. 2. Pormal: Gumagamit ng pormal na wika at istandard na grammar. 3. Tumpak: Kailangan ng eksaktong detalye, datos, at konklusyon. 4. Obhektibo: Nakabatay sa katotohanan at hindi emosyon. 5. Eksplisit: Dapat malinaw at detalyado ang unang ideya o argumento. 6. Wasto: Ang lahat ng impormasyon at datos ay dapat tama at mapagkakatiwalaan. ARALIN 2 KAHALAGAHAN, PROSESO AT TEORYA NG PAGSULAT KAHALAGAHAN NG PAGSULAT A. Panterapyutika - Ang tao ay may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat para mailabas lamang ang nasa kalooban may babasa man o wala. B. PANSOSYAL - Sumusulat ang tao dahil may namamagitang katahimikan o mga bagay na siyang nagpapalayo sa isang relasyon ngunit likas na sa tao ang magkarelasyon. C. PANG-EKONOMIYA - Ang tao’y sumusulat dahil kailangan para siya’y mabuhay, sa madaling salita ito’y nagiging kanyang hanapbuhay. D. PANGKASAYSAYAN - Ang panulat ay mahalaga sa pagrereserba ng ating kasaysayang pambansa at ang mga maisasatitik ay magsilbing dokumento para sa mga sumusunod na henerasyon. PROSESO NG PAGSULAT A. BAGO SUMULAT Malayang Pagsulat Pagtatanong Paglilista Pagkaklaster Pagbabalangkas B. HABANG NAGSUSULAT - Magsimula sa isang paksang pangungusap. Ayusin at pansinin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya Isulat nang malinaw o error-free ang pangungusap C. PAGKATAPOS MAGSULAT 1. KOHIRENS - Ugnayan ng mga ideya. 2. KAISAHAN - Pag kakaugnay ng mga ideya sa sentral na tema. 3. EMPASIS - Nakahaylayt o pagbibigay-diin sa mahahalagang punto. 4. KASAPATAN - Sapat na detalye at ebidensya. 5. KASANAYAN SA PANGUNGUSAP - Tamang gramatika, bantas, at pormat. MGA YUGTO NG PAGSULAT Prewriting Writing Revising Editing TEORYA NG PAGSULAT 1. Solitari at Kolaboratib - Solitari – ang pagsulat ay maaaring maging gawaing pang-isahan. - Kolaboratib – tumutukoy sa mga proyekto kung saan sa halip na paisa-isa ay sama-samang gumagawa ng likha ang mga manunulat. 2. Pisikal at Mental - Pisikal – gumagamit ang manunulat ng pisikal na kakayahan sa pagsulat. - Mental – isang ehersisyo ng pagsasatitik ng mga ideya ayon sa isang tiyak na metodo ng debelopment at patern ng organisasyon at sa isang istilo ng grammar na naaayon sa mga Gawain ng wikang ginamit. 3. Konsyus at SabkoNsyus - Konsyus – Malayang pagsulat nang walang pag-aalala sa mga pagkakamali. - Sabkonsyus – Ang mga ideya ay patuloy na lumalabas, ngunit may mga sandaling tumitigil ang daloy ng isipan. ARALIN 4 PILOSOPIYA NG PAGSULAT KAHULUGAN - Ito ay isang sining na nagdadala ng kahulugan at diwa sa ating mga salita, isinusulong ang kamalayan, at nagbibigay kulay sa ating karanasan. 1. PROSESO - Ang pagsulat ay naglalayong maging mas organisado, malinaw, at epektibo sa pamamagitan ng mga hakbang na tulad ng: Pag-iisip at pagtatanong Pagpaplano at pagbabalangkas Pagrerebisa at editing Proofreading 2. PRODUKTO - Binibigyang-pansin ang Anyo ng teksto Wastong estruktura ng pangungusap at lohika. Estetika ng sulatin tulad ng kaayusan, presentasyon. 3. DESISYON - Ang pagsusulat ay isang serye ng mga desisyon na nakakaapekto sa kalidad ng akda, gaya ng pagpili ng paksa, lawak, at oras ng pagsulat. 4. PAGTUKLAS - Habang sumusulat ay natutuklasan ng manunulat ang kaugnayan ng mga ideya. Mas malalim na kahulugan ng paksa. Habang nagsasagawa ng pananaliksik ng mga bagong kaalaman at mga ideya 5. PAGTUGON - Pagsulat sa mga tanong at mga isyu Nakabatay sa ugnayan ng manunulat at mambabasa. - Isinasaalang-alang ang pidbak mula sa mambabasa upang mapahusay ang nilalaman. ARALIN 5 ABSTRACT KAHULUGAN NG ABSTRAK Ang abstrak ay isang maikling buod ng mga pananaliksik, tesis, rebyu, o katitikan ng komperensya. Ito ay nagbibigay ng pangkalahatang ideya sa mga mambabasa tungkol sa nilalaman ng isang pananaliksik at nagsisilbing dahilan upang lalong mapalalim ang kanilang pag-unawa sa buong dokumento. LAYUNIN NG ABSTRAK - Ang abstrak ay inilalagay sa unahan ng sanaysay o akademikong papel. Ito ay nagiging daan para makilala ang dokumento sa mga aplikasyon ng copyright, patent, o trademark. Ang layunin nito ay ipakita ang lawak at lalim ng mga pag-aaral sa iba’t ibang larangan at madaling ipaalam ang mga mahahalagang resulta at kongklusyon ng pananaliksik. URI NG ABSTRAK 1. IMPORMATIBO - Naglalaman na ng halos ng mahahalagang impormasyong matatagpuan sa loob ng pananaliksik. Naglalaman ng halos nasa 200 salita. NILALAMAN NG IMPORMATIBONG ABSTRAK A. MOTIBASYON - Sinasagot nito ang tanong kung bakit pinag-aralan ng isang mananaliksik ang paksa. B. SULIRANIN - Kailangan masagot ng abstrak kung ano ang sentral na suliranin o tanong ng pananaliksik. C. PAGDULOG AT PAMAMARAAN - Ipinapaliwanag dito ang mga ginamit na metodolohiya ng pag-aaral. D. RESULTA - Inilalahad kung ano ang kinalabasan ng pag-aaral sa pamamagitan ng natuklasan ng mga mananaliksik. E. KONGKLUSYON - Sasagutin din nito ang mga implikasyon ng pananaliksik batay sa mga natuklasan. NILALAMAN NG DESKRIPTIBONG ABSTRAK 2. DESKRIPTIBO - Mas maikli (karaniwang 100 salita) at naglalaman lamang ng suliranin, layunin, metodolohiya, at saklaw ng pananaliksik. Hindi kasama ang resulta at kongklusyon. NILALAMAN NG KRITIKAL NA ABSTRAK 3. KRITIKAL - Pinakamahabang uri na katulad ng isang rebyu. Nagbibigay ito ng ebalwasyon sa kabuluhan, kasapatan, at katumpakan ng pananaliksik. ARALIN 6 SINTESIS KAHULUGAN NG SINTESIS - Ang sintesis ay proseso ng pagkonekta ng dalawa o higit pang akda. Ito ay nagmumula sa integrasyon ng mga impormasyong nakuha mula sa pagbabasa at pakikinig, pati na rin sa kakayahang gamitin ang mga natutunan upang suportahan ang pangunahing tesis o argumento. Karaniwang ginagamit ang sintesis sa mga tesis at pananaliksik kung saan ang mga ideya mula sa iba't ibang may-akda ay binubuo at pinagsasama-sama. LAYUNIN NG SINTESIS Ipinapahayag ang pananaw ng manunulat. Ipinapakita ang ugnayan ng mga ideya mula sa mga teksto. KATANGIAN NG SINTESIS Nag-uulat ng tamang impormasyon mula sa mga sanggunian gamit ang iba't ibang estruktura. Nagpapakita ng mabuting organisasyon para sa malinaw na presentasyon ng impormasyon. Pinalalalim at pinalalawak ang pag-unawa ng mambabasa sa mga akdang pinag-ugnay. MGA HAKBANG SA PAGBUO NG SINTESIS 1. Linawin ang layunin sa pagsulat 2. Pumili nang mga naaayon sanggunian batay sa layunin 3. Buuin ang tesis ng sulatin 4. Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin 5. Isulat ang unang burador 6. Ilista ang mga sanggunian 7. Rebisahin ang sintesis 8. Isulat ang pinal na sintesis ARALIN 7 PIKTORYAL NA SANAYSAY PIKTORYAL NA SANAYSAY Isang anyo ng pagsulat kung saan ang mensahe o kaisipan ay ipinapahayag sa pamamagitan ng mga larawan. Koleksyon ng mga larawan na may kasamang maikling deskripsyon. Serye ng mga imahe na may kaugnayan sa isang paksa, o anumang kombinasyon ng mga ito. LAYUNIN NG PIKTORYAL NA SANAYSAY Pagpapahayag ng damdamin Pagturo o Pagpapaliwanag Pagbibigay sa pangunahing ideya Pagpapakita ng koneksyon Pagpapakita ng inspirasyon Pagsusuri o Pagtatasa Maipahayag ang kaisipan o mensahe sa paraang mas mabisang nabibigyang-diin ang biswal na aspekto kaysa sa teksto lamang. MGA BAHAGI NG PIKTORYAL NA SANAYSAY 1. Pamagat: Isang makabuluhang pahayag na umaakit sa interes ng mambabasa. 2. Introduksyon: Pangkalahatang ideya ng sanaysay at dahilan ng pagpili ng paksa. 3. Katawan: Paglalarawan sa mga larawan na may kasamang paliwanag hinggil sa koneksyon nito sa pangunahing ideya. 4. Kasaysayan o Paliwanag: Masusing paliwanag tungkol sa mga biswal na elemento. 5. Kongklusyon: Ipinapakita ng may-akda ang kahalagahan ng mga larawan at ang mensahe ng sanaysay. 6. Bibliograpiya (Opsyonal): Listahan ng mga pinagmulan kung kinakailangan. MGA KATANGIAN NG PIKTORYAL NA SANAYSAY Kuwento Uri ng Larawan Pagkakaayos ng larawan Detalyadong paglalarawan o kapsyon Naglalaman ng impormasyon at Emosyon ARALIN 8 REPLEKTIBONG SANAYSAY REPLEKTIBONG SANAYSAY Uri ng pagsulat na naglalaman ng personal na karanasan, opinyon, at damdamin ng may-akda hinggil sa isang partikular na paksa o pangyayari LAYUNIN NG REPLEKTIBONG SANAYSAY 1. Pagpapahayag ng personal na opinyon 2. Paglalarawan ng Kaganapan o Karanasan 3. Pag-aaral ng sariling damdamin 4. Pagtutok sa sariling pag-unlad 5. Pagbibigay ng inspirasyon at payo 6. Pagpapakita ng personal identidad KATANGIAN NG REPLEKTIBONG SANAYSAY A. PERSONAL - Naglalaman ng personal na pananaw at damdamin ng may-akda. B. REPLEKTIBO - Magbigay-diin sa introspeksyon at pagninilay-nilay hinggil sa karanasan o pangyayari. C. MALAYA - Ang may-akda ay may kalayaang ilahad ang kanyang sariling kaisipan at damdamin nang malaya at bukas. D. SUBHEKTIBO - Naglalaman ng personal na opinyon at hindi kinakailangang maging obhetibo. MGA BAHAGI NG REPLEKTIBONG SANAYSAY 1. PAMAGAT - Ang pangalan ng replektibong sanaysay na nagbibigay ng ideya hinggil sa nilalaman nito. 2. INTRODUKSYO - Naglalaman ito ng pagpapakilala sa paksa at pangkalahatang ideya ng replektibong sanaysay. 3. KATAWAN NG SANAYSAY - Binubuo ng mga talata na naglalarawan at naglalahad ng mga aspeto ng karanasan o opinyon ng may-akda. 4. KONGKLUSYON - Naglalaman ng buod ng replektibong sanaysay at maaaring maglaman ng pagpapahayag ng bagong pananaw o pag-unawa hinggil sa paksa. HAKBANG SA PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY 1. Pumili ng paksa 2. Gumawa ng balangkas 3. Simulan ng Introduksyon 4. Isulat ng katawan ng sanaysay 5. I-highlight ang pagnilay-nilay 6. Ilahad ang kongklusyon 7. I-rebisa at i-edit 8. Humingi ng pidbak 9. Ihanda ang pinal na kopya ARALIN 9 BIONOTE KAHULUGAN NG BIONOTE - Ang bionote ay isang pinaikling buod na naglalaman ng mga tagumpay, kakayahan, edukasyon, publikasyon, at mga pagsasanay ng isang may-akda. Karaniwang nakasulat ito sa ikatlong panauhan at may habang 150 hanggang 300 salita, bagamat maaari itong lumampas o mababa depende sa requirements ng proyekto. LAYUNIN NG BIONOTE 1. Ipakilala ang indibidwal. 2. Ilarawan ang edukasyon at propesyonal na background. 3. I-highlight ang mga natamong parangal at tagumpay. 4. Ibahagi ang mga interes. MGA KATANGIAN NG BIONOTE Gumagamit ng ikatlong panauhan Maikli ngunit siksik sa impormasyon Komprehensibo Kinikilala ang may-akda Gumagamit ng baliktad na tagilo Nakatuon lamang sa angkop na katangian at kasanayan MGA NILALAMAN NG BIONOTE 1. Pangalan 2. Pangunahing trabaho 3. Edukasyong natanggap ng may-akda 4. Mga akademikong karangalan 5. gantimpalang natamo 6. dagdag na trabaho o gampanin 7. kinabibilangang organisasyon 8. tungkulin sa pamahalaan o komunidad 9. kasalukuyang proyekto