Araling Panlipunan 8, Unang Markahan, Modyul 1: Katangiang Pisikal ng Daigdig PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
2020
Tags
Summary
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga aralin at gawain para sa Araling Panlipunan, Ikawalong Baitang para sa Unang Markahan, Modyul 1 sa katangiang pisikal ng daigdig. Tinatalakay dito ang konsepto ng heograpiya, limang tema ng heograpiya at ang interaksiyon ng tao sa kanyang kapaligiran.
Full Transcript
8 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1: Katangiang Pisikal ng Daigdig CO_Q1_AP-8_Module 1 Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Module – Self – Learning Modules Unang Markahan – Modyul 1: Katangiang Pisikal ng Daigd...
8 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1: Katangiang Pisikal ng Daigdig CO_Q1_AP-8_Module 1 Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Module – Self – Learning Modules Unang Markahan – Modyul 1: Katangiang Pisikal ng Daigdig Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Mga Manunulat: Emely B. Pactorayan, Elgemary S. Abata Mga Editor: Filipina F. Meehleib, Lileth F. Oliverio, Alfe S. Lito, Lilifreda P. Almazan, Benny T. Abala, Analiza G. Doloricon, John M. Anino, Lalaine S. Gomera, Dan Ralph M. Subla, Fernando Dones, Jr., Carlos Catalan, Jr. Mga Tagasuri: Marino L. Pamogas, Joel P. Plaza, Leowenmar A. Corvera, Edwin C. Salazar, Honorato Mendoza, Edwin G. Capon Tagaguhit: Neil W. Maca Tagalapat: Paul Andrew A. Tremedal Mga Nangasiwa: Francis Cesar B. Bringas, Isidro M. Biol, Jr., Maripaz F. Magno Josephine Chonie M. Obseñares, Karen L. Galanida, Florence E. Almaden, Carlo P. Tantoy, Venus M. Alboruto, Noemi D. Lim, Laarni C. Micayas Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Caraga Region Office Address: Teacher Development Center, J.P. Rosales Avenue, Butuan City, Philippines 8600 Telefax: (085) 342-8207; (085) 342-5969 E-mail Address: [email protected] 8 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1: Katangiang Pisikal ng Daigdig Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mga mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang mga anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsasagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan. Alamin Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan at masusuri ang kahulugan ng heograpiya, ang limang tema na napapaloob dito at kung paano nakikiayon ang tao sa kaniyang pisikal na kapaligiran upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at tuluyang mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na ito ay sistematikong inayos upang mas madaling maunawaan ang daloy ng iyong pag-aaral. May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga gawain sa modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot. Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagtalakay tungkol sa Katangiang Pisikal ng Daigdig na nahahati sa sumusunod na paksa: Paksa 1 - Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya Paksa 2 - Estruktura ng Daigdig Pamantayang Pangnilalaman Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksiyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog sa pamumuhay ng kasalukuyang henerasyon. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon. Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig (AP8HSK-Id-4) Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong: nasusuri ang mga mahalagang konsepto sa katangiang pisikal ng daigdig; nailalarawan ang daigdig base sa nakakapaloob sa teksto; napapahalagahan ang mga biyayang bigay ng kalikasan para sa mga tao; at nakakagawa ng slogan at nakakasulat ng tula tungkol sa pangangalaga ng daigdig. 1 CO_Q1_AP-8_Module 1 Subukin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang isa sa mga sangay ng agham panlipunan na tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig? A. antropolohiya C. heograpiya B. ekonomiks D. kasaysayan 2. Alin sa sumusunod na tema ng heograpiya ang tumutukoy sa paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar? A. lokasyon C. paggalaw B. lugar D. rehiyon 3. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng rehiyon bilang isa sa mga tema ng pag-aaral ng heograpiya? A. Ang klima ng Pilipinas ay tag-araw at tag-ulan. B. Islam ang opisyal na relihiyon ng Saudi Arabia. C. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog bahagi ng Taiwan. D. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations. 4. Alin sa mga pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya? A. Ang Germany ay miyembro ng European Union. B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano. C. Matatagpuan ang Pilipinas sa Kanlurang ng Karagatang Pasipiko. D. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga mamumuhunan. 5. Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng araw sa buhay ng tao, halaman, at hayop. Ano ang kinalaman ng araw sa kalagayang ito? A. ang araw ang nagbigay ng liwanag sa daigdig B. ang araw ang siyang nagbigay ng liwanag sa buwan C. napapanatili ng araw ang dami ng mga halaman sa kapaligiran D. sa araw kumukuha ng enerhiya ang lahat ng may buhay sa daigdig 6. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga bansang may magandang pasyalan. Ang pahayag na ito ay nagsasaad sa anong tema ng heograpiya? A. interaksiyon C. paggalaw B. lokasyon D. rehiyon 2 CO_Q1_AP-8_Module 1 7. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pagbibigay ng relatibong lokasyon? A. anyong lupa B. anyong tubig C. imahinasyong guhit D. estrukturang gawa ng tao 8. Ilang metro ang taas ng bundok Annapurna? A. 8 091 C. 8 093 B. 8 092 D. 8 094 9. Ang daigdig ay may apat na hating globo o hemisphere. Anong imahinasyong guhit ang humahati sa northern at southern hemisphere? A. equator C. longitude B. latitude D. prime meridian 10. Ano ang pinakamataas na bundok sa buong dagidig? A. Annapurna C. Lhotse B. Everest D. Makalu 11. Ano ang tawag sa bahagi ng estruktura sa daigdig na kung saan may patong na mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito? A. core C. crust B. cover D. mantle 12. Ayon sa datos ng mahahalagang kaalaman tungkol sa daigdig, ilang porsiyento mayroon ang tabang na tubig? A. 1% C. 3% B. 2% D. 4% 13. Anong pamamaraan sa pagtukoy ng lokasyon na ang batayan ay mga lugar at bagay na nasa paligid nito? A. latitude line C. longitude line B. lokasyong absolute D. relatibong lokasyon 14. Ang mundo ay binubuo ng pitong kontinente. Anong kontinente ang may pinakamaliit na sukat kilometro kuwadrado? A. Asia C. Europe B. Australia at Oceania D. South America 15. Ano ang average na lalim mayroon ang Arctic Ocean? A. 3 405 ft. C. 3 407 ft. B. 3 406 ft. D. 3 408 ft. 3 CO_Q1_AP-8_Module 1 Aralin Katangiang Pisikal ng Daigdig 1 Balikan Gawain 1: Maalaala Mo Kaya? Panuto: Sariwain ang mga mahahalagang natutuhan sa nakaraang aralin. Isulat ang mga hinihinging impormasyon sa talahanayan sa sagutang papel. Mga Kontinente ng Mga Karagatan ng Mga Planeta ng Solar daigdig daigdig System Pamprosesong Tanong: 1. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga paglalarawan tungkol sa mga kontinente ng daigdig? 4 CO_Q1_AP-8_Module 1 Tuklasin Gawain 2: Talaan ng Bituing Nagniningning Panuto: Tuklasin ang mga salita na makikita sa loob ng Talaan ng Bituing Nagniningning. Pagkatapos, bumuo ng tanong na ang sagot ay ang salitang makikita sa loob ng bituin. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Talaan ng Bituing Nagniningning Globo Ekwador Daigdig Antarctica Pacific Bundok Ocean Tropikal Latitud Pilipinas Halimbawa: Anong kontinente ang nababalutan ng yelo? (Antarctica) 5 CO_Q1_AP-8_Module 1 Suriin Katuturan at Limang Tema ng Heograpiya Nanggaling ang terminong heograpiya sa wikang Greek na geo o daigdig at graphia o paglalarawan. Sa madaling salita, ang heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng mundo. Anyong Lupa at Anyong Tubig Klima at Likas na Panahon Heograpiya Yaman Distribusyon at interaksiyon Flora (Plant Life) ng tao at iba pang organismo sa kapaligiran Fauna (Animal Life) nito Noong 1984 binanghay ang limang magkakapareha na temang heograpikal na pinangunahan ng National Council for Geographic Education (NCGE) at ng Association of American Geographers (AAG). Intensiyon ng mga temang ito na gawing mas madali at simple ang pag-aaral ng heograpiya bilang isang pagkontrol ng agham panlipunan. Dahil sa mga temang ito, mas madaling maintindihan ng tao ang mundo na kaniyang tinitirhan. Suriin ang kasunod na dayagram. 6 CO_Q1_AP-8_Module 1 Limang Tema ng Heograpiya Ito ay nagsasaad sa mga lugar sa mundo. Lokasyon May dalawang paraan upang malaman ang tamang kinalalagyan ng isang lugar sa mundo. Relatibong Lokasyon-ginagawang basehan ang mga nasa paligid ng isang lugar. Katulad ng mga anyong lupa, anyong tubig, at mga estrukturang gawa ng tao. Lokasyong Absolute-ginagamit ang mga imahinasyong guhit tulad ng longitude at latitude lines na sumasaklaw sa grid. Nagsasaad ito ng mga katangiang naaayon sa isang pook. Lugar Katangian ng Katangian ng mga kinalalagyan tulad taong nananahanan tulad ng wika, ng klima, anyong relihiyon, densidad o lupa, anyong dami ng tao, kultura, tubig, at likas na at mga sistemang yaman. pulitikal. Nagsasaad ito sa mga bahagi ng daigdig Rehiyon na pinag-iisa dahil sa pagkakapareho ng mga katangiang pisikal at kultural. 7 CO_Q1_AP-8_Module 1 Ito ay nagsasaad sa kaugnayan ng tao sa pisikal at katangian na may angkin ng Interaksiyon ng Tao kaniyang kinaroroonan. at Kapaligiran Ang kapaligiran ang siyang pinagkukunan ng pangangailangan ng tao gayon din ang pakikibagay ng tao sa mga pagbabagong nangyayari sa kaniyang ginagalawan. Nagsasaad ito ng pag-alis ng tao mula sa kinalakihang lugar papunta sa ibang Paggalaw lugar; kasama rin dito ang paglipat ng mga bagay at likas na pangyayari, tulad ng hangin at ulan. May tatlong uri ng distansiya ang isang lugar. Time Psycholo- Linear -gaano gical -gaano katagal -paano kalayo ang tinatanaw ang isang paglalak- ang layo lugar bay ng lugar 8 CO_Q1_AP-8_Module 1 Istruktura ng Daigdig Ang daigdig ay isa sa walong planetang umiikot sa isang malaking bituin, ang araw. Sumasaklaw sa katawagan na solar system ang mga ito. Ang lahat ng may buhay sa daigdig – halaman, hayop, at tao ay gumagamit ng enerhiya mula sa araw. Ang pagkakaroon ng buhay sa daigdig ay masasabing sanhi ng eksaktong posisyon nito sa solar system, na siyang basehan ng pag-ikot nito sa sariling aksis at ng paglalakbay paikot sa araw bawat taon. Ang mundo ay binubuo ng crust, mantle at core. Crust - ang matigas at mabatong parte ng daigdig na may kapal na umaabot mula 30-65 kilometro (km) palalim mula sa mga kontinente. Subalit sa mga karagatan, ito ay may kapal lamang na 5-7 km. Mantle - isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito. Larawang-guhit ni titser Neil W. Maca Core - ang kailalimang bahagi ng daigdig na sumasaklaw ng mga metal tulad ng iron at nickel. Ang daigidig ay may apat na hating-globo (Hemisphere): Ang Northern Hemisphere at Southern Hemisphere na hinahati ng Equator, at ang Eastern Hemisphere at Western Hemisphere na hinahati ng Prime Meridian. 9 CO_Q1_AP-8_Module 1 Prime Meridian Eastern Hemisphere Western Hemisphere Equator Southern Hemisphere Larawang-guhit ni titser Neil W. Maca Napakahina ng paggalaw ng mga plates na ito at umaabot lamang sa 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon. Gayunpaman, ang paggalaw at ang pag- uumpugan ng mga ito ay napakalakas at nagiging sanhi ng mga paglindol, pagputok ng mga bulkan, at pagbuo ng mga kabundukan tulad ng Himalayas. Ito rin ang makapagsasabi kung bakit sa loob ng milyon-milyong taon, ang posisyon ng mga kontinente sa daigdig ay nag-iiba-iba sa paglipas ng panahon. Talahanayan 1.1: Pinakamataas na Bundok sa Daigdig Bundok Taas (sa metro) Lokasyon Annapurna 8 091 Nepal Nanga Parbat 8 125 Pakistan Manashu 8 163 Nepal Dhaulagiri 8 167 Nepal Cho Oyu 8 201 Nepal/Tibet Makalu 8 461 Nepal/ Tibet Lhotse 8 511 Nepal Kangchenjunga 8 586 Nepal/India K-2 8 611 Pakistan Everest 8 848 Nepal/Tibet 10 CO_Q1_AP-8_Module 1 Talahanayan 1.2: Mga Karagatan sa Daigdig Lawak (sa Average na Pinakamalalim na Karagatan kilometro lalim (sa bahagi kwadrado) talampakan) Arctic Ocean 14 056 000 3 407 Eurasia Basin Atlantic Ocean 76 762 000 11 730 Puerto Rico Trench Indian Ocean 68 556 000 12 596 Java Trench Pacific Ocean 155 557 000 12 926 Marianas Trench Southern South Sandwich 20 327 000 13 100 Ocean Trench Talahanayan 1.3: Ang Pitong Kontinente ng Daigdig Kontinente Lawak (kilometro Kwadrado) Australia at Oceania 8 503 000 Europe 10 505 000 South America 12 814 000 Antarctica 14 245 000 North America 24 230 000 Africa 30 218 000 Asya 44 614 000 11 CO_Q1_AP-8_Module 1 Pagyamanin Gawain 3: Anong Tema Mo? Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon kung ito ba ay may kaugnayan sa lokasyon, lugar, rehiyon, interaksiyon ng tao at kapaligiran, at paggalaw. Punan ang patlang ng tamang tema at isulat sa sagutang papel. 1. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations. 2. Malamig na klima ang mararanasan sa Baguio. 3. Ang pangingisda ay isang aktibong kabuhayan ng mga Pilipino dahil napalilibutan ng dagat ang bansa. 4. Ang malaking sahod sa bansang Germany ang nag-eenganyo sa maraming nars na Pilipino na doon magtrabaho. 5. Hinduismo ang pangunahing relihiyon ng bansang India. 6. Ang lumalaking populasyon sa National Capital Region (NCR) sa Pilipinas ang nagbigay-daan upang patuloy na pagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng sistema ng transportasyon at ng pabahay sa lungsod. 7. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga bansang may magagandang pasyalan. 8. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea. 9. Ang Singapore ay nasa 1º 20ʹ hilagang latitud at 103º 50ʹ silangang longhitud. 10. Portuges ang wikang ginagamit ng mga mamamayan ng Brazil. 12 CO_Q1_AP-8_Module 1 Gawain 4: Iguhit Mo! Panuto: Lagyan ng kung ito ay anyong lupa, kung ito ay anyong tubig, kung ito ay kontinente. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. _________1. Everest _________2. South Sandwich Trench _________3. Europe _________4. Australia _________5. Lhotse _________6. Pacific _________7. Marianas Trench _________8. K-2 _________9. Kangchenjunga _________10. Asia 13 CO_Q1_AP-8_Module 1 Isaisip Gawain 5: Dugtung-Salita! Panuto: Dugtungan ng mga salita ayon sa iyong pagkaintindi. Isulat ito sa sagutang papel. 1. Natutuhan ko sa aralin na ang heograpiya ay. 2. Mailalarawan ko ang mundo bilang. 3. Ang pagkakaroon ng sapat na anyong lupa at tubig ay patunay na ang daigdig ay. Isagawa Gawain 6: Slogan Making Panuto: Gumawa ng isang slogan tungkol sa mga maaari mong magawa upang mapangalagaan ang daigdig. Gawin ito sa sagutang papel. Rubrik Para sa Paggawa ng Slogan Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan Puntos 4 puntos 3 puntos 2 puntos ng pagsasanay 1 puntos Nilalaman Amg mensahe Bahagyang Medyo magulo Walang ay mabisang naipakita ang ang mensahe. mensaheng naipakita. mensahe. naipakita. Pagkamalikhain Napakaganda Maganda at Maganda Di maganda at at malinaw ang ngunit di malabo ang napakalinaw pagkakasulat. gaanong pagkakasulat. ng malinaw ang pagkakasulat. pagkakasulat. Kaugnayan sa May malaking Bahagyang Kaunti lang Walang Tema kaugnayan sa may ang kaugnayan sa paksa. kaugnayan sa kaugnayan sa paksa. paksa. paksa. Kalinisan at Malinis na Malinis ang Di gaanong Marumi ang kaayusan malinis ang pagkakabuo. malinis ang pagkakabuo. pagkakabuo. pagkakabuo. Kabuuang Puntos 14 CO_Q1_AP-8_Module 1 Tayahin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra ng tamang sagot. Is Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang tawag sa bahagi ng estruktura sa daigdig na kung saan may patong na mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito? A. core C. crust B. cover D. mantle 2. Ayon sa datos ng mahahalagang kaalaman tungkol sa daigdig, ilang porsiyento mayroon ang tabang na tubig? A. 1% C. 3% B. 2% D. 4% 3. Anong pamamaraan sa pagtukoy ng lokasyon na ang batayan ay mga lugar at bagay na nasa paligid nito? A. latitude line C. longitude line B. lokasyong absolute D. relatibong lokasyon 4. Ang mundo ay binubuo ng pitong kontinente. Anong kontinente ang may pinakamaliit na sukat kilometro kuwadrado? A. Asia C. Europe B. Australia at Oceania D. South America 5. Ano ang average na lalim mayroon ang Arctic Ocean? A. 3 405 ft. C. 3 407 ft. B. 3 406 ft. D. 3 408 ft. 6. Ano ang isa sa mga sangay ng agham panlipunan na tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral sa katangiang pisikal ng daigdig? A. antropolohiya C. heograpiya B. ekonomiks D. kasaysayan 7. Alin sa sumusunod na tema ng heograpiya ang tumutukoy sa paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar? A. lokasyon C. paggalaw B. lugar D. rehiyon 8. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng rehiyon bilang isa sa mga tema ng pag-aaral ng heograpiya? A. Ang klima ng Pilipinas ay tag-araw at tag-ulan. B. Islam ang opisyal na relihiyon ng Saudi Arabia. C. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog bahagi ng Taiwan. D. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations. 15 CO_Q1_AP-8_Module 1 9. Alin sa mga pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya? A. Ang Germany ay miyembro ng European Union. B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano. C. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng karagatang Pasipiko. D. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga mamumuhunan. 10. Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng araw sa buhay ng tao, halaman at hayop. Ano ang kinalaman ng araw sa kalagayang ito? A. ang araw ang nagbigay ng liwanag sa daigdig. B. ang araw ang siyang nagbigay ng liwanag sa buwan. C. napapanatili ng araw ang dami ng mga halaman sa kapaligiran. D. sa araw kumukuha ng enerhiya ang lahat ng may buhay sa daigdig. 11. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga bansang may magandang pasyalan. Ang pahayag na ito ay nagsasaad sa anong tema ng heograpiya? A. interaksiyon C. paggalaw B. lokasyon D. rehiyon 12. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pagbibigay ng relatibong lokasyon? A. anyong lupa B. anyong tubig C. imahinasyong guhit D. estrukturang gawa ng tao 13. Ilang metro ang taas ng bundok Annapurna? A. 8 091 C. 8 093 B. 8 092 D. 8 094 14. Ang daigdig ay may apat na hating globo o hemisphere. Anong imahinasyong guhit ang humahati sa northern at southern hemisphere? A. equator C. longitude B. latitude D. prime meridian 15. Ano ang pinakamataas na bundok sa buong dagidig? A. Annapurna C. Lhotse B. Everest D. Makalu 16 CO_Q1_AP-8_Module 1 Karagdagang Gawain Gawain 7: Paggawa ng Tula Panuto: Sumulat ng isang tula na may dalawang saknong at may tig-aapat na taludtud tungkol sa wastong pangangalaga sa ating daigdig. Isulat ito sa sagutang papel. Rubrik Para sa Paggawa ng Tula Katamtamang Nangangailangan Magaling Pamantayan galing ng pagsasanay Puntos 3 puntos 2 puntos 1 puntos Pagpapahayag Naipahayag May kulang (o Hindi naipahayag ng mensahe ang wastong may mali sa nang maayos ang pangangalaga naipahayag sa wastong sa daigdig. wastong pangangalaga sa pangangalaga daigdig. sa daigdig. Masining na Ang Ang tula ay Ang kabuuan ng pagkakagawa pagkakagawa kaaya-aya tula ay halatang ng tula ay subalit ay may kinopya lamang masining mga bahagi mula sa aklat. kung saan itong wari’y ang mga kinuha sa salita ay aklat naaangkop at may mga tugma. Kabuuang Puntos 17 CO_Q1_AP-8_Module 1 CO_Q1_AP-8_Module 1 18 Gawain 4: Iguhit Mo! 1. 2. 3. Pagyamanin Gawain 3: Anong Tema Mo? 4. 1. Rehiyon 5. 2. Lugar 6. 3. Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran 4. Paggalaw 7. 5. Lugar 6. Interkasiyon ng Tao at Kapaligiran 8. 7. Paggalaw 8. Lokasyon 9. 9. Lokasyon 10. Lugar 10. Tuklasin Gawain 2: Talaan ng Bituing Nagniningning 1. Anong planeta sa solar system na kayang makapagpanatili ng buhay? Daigdig. 2. Ano ang tawag sa isang modelo ng daigdig na kung saan makikita ang mga bansa, kontinente at karagatan? Globo. 3. Ano ang tawag sa linya na humahati sag lobo sa hilaga at timog hemisphere? Ekwador. 4. Anong karagatan ang may lalim na 12 926 sa talampakan? Pacific Ocean. 5. Saan makikita ang mga mababangis na hayop? Bundok 6. Ano ang tawag sa distansiyang angular sa pagitan ng dalawang parallel patungo sa hilaga o timog equator? Latitud 7. Anong bansa ang my tropical na klima? Pilipinas 8. Ano ang tumutukoy sa katamtamang kima at nagtataglay ng maraming puno? Tropical Balikan Subukin Gawain 1: Maalaala Mo Kaya? 1. C 2. C Mga Planeta ng Solar Mga Karagatan ng Mga Kontinente ng 3. D System Daigdig Daigdig 4. C 5. D Mercury Pacific Ocean Asia 6. B Venus Atlantic Ocean Africa 7. C Earth Indian Ocean Europe 8. A Mars Southern Ocean North America 9. D Jupiter Arctic Ocean South America 10. B Saturn Antartica 11. D Uranus Australia at Oceania 12. C Neptune 13. D 14. B 15. C Susi sa Pagwawasto CO_Q1_AP-8_Module 1 19 Karagdagang Gawain Tayahin Gawain 7: Paggawa ng Tula 1. D “Mundo’y Ingatan” 2. C Napakalawak ng mundo 3. D Kung iyong titingnan, ito’y napaka-amo 4. B Magandang tanawin, maraming bukirin 5. C Kaya’y mundo na tinitirhan ating ingatan 6. C 7. C Kalikasan ating protektahan 8. D Kapaligiran ating pangalagaan 9. C Sa mga panahong dumadaan 10. D 11. B 12. C 13. A 14. D 15. B Isagawa Gawain 6: Slogan Making Bakuran mo, linisin mo. Panatilihin ang kalinisan para sa ikakabuti ng sambayan. Mundo ay mahalin, bakuran ay linisin Isaisip Gawain 5: Dugtung-Salita! 1. Natutuhan ko sa aralin na ang heograpiya ay pag-aaral ng pisikal na katangian ng daigdig gaya ng klima, lokasyon hugis, topograpiya, anyong tubig, anyong lupa, mineral at iba pa. 2. Mailalarawan ko ang mundo bilang isang magandang planeta sa solar system na kung saan mabubuhay ang lahat ng may buhay sa mundo. 3. Ang pagkakaroon ng sapat na anyong lupa at tubig ay patunay na ang daigdig ay puwedeng mabuhay ang lahat ng may buhay sa daigdig kagaya ng tao at hayop. Sanggunian Blando, Rosemarie C., Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, Kalenna Lorene S. Asis. 2014. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan 8 – Modyul ng mag-aaral. Pasig City, Philippines: Vibal Group Inc. and Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS). 20 CO_Q1_AP-8_Module 1 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]