Aralin 7: Reaksyong Papel at Repleksyong Papel PDF
Document Details
Uploaded by OptimisticComposite6084
Top Link Global College
Tags
Summary
This document provides guidelines and examples for writing reaction and reflection papers in Filipino. It covers topics like structure, characteristics, and the importance of these types of papers, specifically when discussing a literary work.
Full Transcript
Aralin 7: Reaksyong Papel at Repleksyong Papel Ang reaksyong papel ay ating isinasagawa matapos ang panonood o pagbabasa ng isang bagay. Reaksyong papel ay pag-aaral nang maigi tungkol sa isang impormasyon kung saan ang may-akda ay kinakailangang magbigay ng kanyang sariling kaisipan...
Aralin 7: Reaksyong Papel at Repleksyong Papel Ang reaksyong papel ay ating isinasagawa matapos ang panonood o pagbabasa ng isang bagay. Reaksyong papel ay pag-aaral nang maigi tungkol sa isang impormasyon kung saan ang may-akda ay kinakailangang magbigay ng kanyang sariling kaisipan o opinyon ukol dito. I. Narito ang apat na bahagi ng isang reaksyong papel: 1.Introduksyon - Ito ang pupukaw sa interes ng mga nagbabasa. Sa parteng ito, kailangang ilarawan ang papel at may-akda na iyong pinag-aaralan. Kailangang maglagay ng mga tatlo hanggang apat na mga pangungusap mula sa orihinal na papel na iyong pinag- aaralan. Kailangan ding maglagay ng iyong maikling thesis statement ukol sa papel. 2. Katawan - Ang katawan ay kung saan nakasaad ang iyong mga sariling kaisipan ukol sa mga pangunahing ideya ng papel na iyong pinag-aaralan. Dito sinusuri ang orihinal na papel. 3. Konklusyon - Ang konklusyon ay maikli lamang ngunit naglalaman ng impormasyon ukol sa binasa at mga pangunahing ideya na nasasaad sa reaksyong papel. 4. Pagsipi at pinagmulan ng mga impormasyon - Ito ay ang bahagi kung saan nakalagay ang maikling impormasyon ukol sa pagsipi at pinagmulan ng mga impormasyon na iyong nailahad. Katangian ng Reaksyong Papel 1. Malinaw - maituturing na malinaw kung ito ay agad na mauunawaan ng mambabasa. Mahalagang gumamit ng mga salitang tiyak at tuwirang maghahatid ng mensahe at nakaayos sa pamamaraang madaling masusundan ng mambabasa. 2. Tiyak - Nararapat na ang nagsuri ay magagawang mapanindigan ang kaniyang mga inilahad. 3. Magkakaugnay - sa anumang paglalahad, mahalaga ang maayos na daloy ng kaisipan. 4. Pagbibigay-diin - hindi kailangang matakpan ang pangunahing ideya. Dapat mabigyang diin ang pangunahing kaisipang tuon ng paglalahad. Kahalagahan Nakikita ang kalakasan at kahinaan ng akdang sinuri Nabibigyang katwiran ang sariling reaksyon Nakikilala ang sariling pagkatao at sariling kakayahan sa pagbuo ng mga kaisipan Namumulat ang kaisipan sa mga nangyayari sa lipunan II. Repleksyong Papel – Ay isang pasulat na presentasyon ng kritikal na repleksyon o pagmumuni-muni tungkol sa isang tiyak na paksa. Ang repleksyong papel ay hindi dyornal, bagaman ito ay maaaring gamiting paraan sa pagpoproseso ng mga repleksyong papel. Kadalasan, ginagamit ang unang panauhan (ako, tayo, kami) sa repleksyong papel dahil nirerekord dito ang mga sariling kaisipan, damdamin at karanasan. Ang repleksyong papel ay tala ng mga kaalaman at kamalayan hinggil sa isang bagay. Higit sa lahat, ito ay nag-aanyaya ng self-reflection o pagmumuni-muni. Ang Pagsulat ng Repleksyong Papel: Mga Iniisip at Reaksyon – Kapag nagsusulat ng repleksyong papel hinggil sa literatura o karanasan, kailangang maitala ang iyong mga iniisip at reaksyon sa binasa o karanasan. Organisasyon – Ang repleksyong papel ay kailangang maisaayos katulad ng iba pang uri ng pormal na sanaysay. Buod – Hindi simpleng pagbubuod ng binasa o karanasan ang repleksyong papel. Ito ay isang malayang daloy ng mga ideya at iniisip. Gabay sa Pagsulat ng Repleksyong Papel: 1. Bigyan ng pansin ang panahong saklaw ng repleksyon. 2. Isa hanggang dalawang pahina lamang ang repleksyon. 3. Inaasahang hindi na paliguy-ligoy pa. 4. Maaaring gumamit ng wikang pormal o kumbensyunal. 5. Maaaring magbigay ng halimbawa. 6. Laging isaisip na kinakailangang maging maayos at wasto ang pagsulat. 7. Huwag isawalang bahala ang mahahalagang tuntunin bagaman ito ay isang personal na gawain. 8. Ipaloob ang sarili sa micro at macro na lebel ng pagtingin sa mga konseptong tinalakay. 9. Banggitin ang mga sanggunian na nakatulong. 10. Maaaring maglagay ng pamagat. Palawakin natin! SANAYSAY. A. Basahin ang buod ng Geyluv ni Honorio Bartolome De Dios. Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Buod ng Kwento (Geyluv) Unang nakilala ni Mike si Benjie sa media party ng kompanya nito. Pagkatapos ng proyekto nila sa Zambales, sobrang naging malapit ang dalawa sa isa’t isa. Minsan sila ay nag- iinuman, nanonood ng sine o kaya ay simpleng kumakain lang sa labas. Isang beses, habang nasa bar, sinabihan ni Benjie si Mike na mahal niya ito. Hindi sila halos nag-usap buong gabi pagkatapos noon. “Masakit ang ma-reject. Lalo na’t nag- umpisa kayo bilang magkaibigan. Nasawi ka na sa pag-ibig, guilty ka pa dahil you have just betrayed a dear friend and destroyed a beautiful friendship.” Mataray na uri ng bakla si Benjie, dahil ayaw na niyang masaktan pang muli. Ito rin ang dahilan kung bakit takot siyang makipagrelasyon. Sa panahong naging malapit si Mike kay Benjie, katatapos lang nilang maghiwalay ng kasintahan na si Carmi. Madalas Tanong: 1. Anong kapakinabangan ang dulot ng mga miyembro ng LGBT community sa bansa at komunidad natin? 2. Kung sakaling ikaw ay may kapatid na miyembro ng LGBT matatanggap mo ba siya? Bakit oo o bakit hindi? Pangatwiranan. 3. Sa kasalukuyang panahon, marami na ang mga miyembro ng LGBT, paano silang nakatutulong sa ating bansa? B. Sa pamamagitan ng venn diagram, ilahad ang pagkakatulad at pagkakaiba ng reaksyon at repleksyong papel. Gayahin at isulat ang iyong sagot sa papel. (10 puntos) Tayo’y maghanda! Bilang paghahanda sa paggawa ng inyong Pamantayan sa Pagganap, ikaw ay isang mananaliksik na tungkol sa tungkol sa kalayagan ng Edukasyon sa ating Bansa. Naatasan ka ng inyong leader na sumulat ng isang reaksyon at isang repleksyong papel. Kaya naman inumpisahan mo agad ang pagsulat nito. Tatayain ang ginawang sulatin batay sa pamatayan pangnilalaman. Iprint ang iyong sagot sa long bond paper. (50 puntos) Nilalaman Napaka Mahus Katamta Nangangaila Hindi husay ay man ngan ng pinagtuu (25) (20) (15) pagsasanay nan ng (10) pansin (5) Wasto ang mga nilalaman ng sulatin. Maayos ang estilo ng pagsulat. Wastong paggamit ng mga salita. Kabuuan: