Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas: Aralin 7 PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalahad ng sitwasyong pangwika sa Pilipinas gamit ang iba't ibang midya, kabilang ang text messages, telebisyon, social media, internet, at pelikula. Binibigyang-diin nito ang kahalagahan ng code switching at paggamit ng Filipino sa iba't ibang konteksto. Tinalakay din ang epekto ng mga social media at internet sa paggamit ng wika, pati na rin ang papel ng edukasyon sa pag-unlad ng Filipino bilang isang wika.
Full Transcript
SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS TEXT, TELEBISYON, SOCIAL MEDIA AT RADYO, AT PELIKULA INTERNET Sitwasyong Pangwika KALAKALAN AT EDUKASYON PAMAHALAAN SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT Ang pagpapadala at pagtangg...
SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS TEXT, TELEBISYON, SOCIAL MEDIA AT RADYO, AT PELIKULA INTERNET Sitwasyong Pangwika KALAKALAN AT EDUKASYON PAMAHALAAN SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT Ang pagpapadala at pagtanggap ng SMS (short messaging system) na kilala bilang text message ay isang malaking bahagi ng komunikasyon sa ating bansa. Tinagurian ang Pilipinas na “Texting Capital of the World”. SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT CODE SWITCHING pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag. Madalas binabago o pinapaikli ang baybay. Halimbawa D2 Dito Eow Hello Pede pwede SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT INTERNET SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT INTERNET Karaniwan dito ang code switching sa pagpapahayag gayundin ang pagpapaikli ng mga salita o paggamit ng daglat sa mga post at komento. Sa internet, bagama’t marami nang website na mapagkukunan ng mga impormasyong nasusulat sa wikang Filipino at Tagalog, nanatiling Ingles pa rin ang pangunahing wika nito. SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON Ang telebisyon ay itinuturing na pinakamakapangyarihang midya sa kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang gumagamit nito; at Filipino ang nangungunang wika rito. SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA Ang mga lokal na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino at mga varayti nito ay mainit ding tinatangkilik ng mga manonood. Halimbawa: One More Chance, Starting Over Again, It takes A Man and A Woman. SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR PICK-UP LINES May mga nagsasabing ang pick-up lines ay makabagong bugtong na may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas naiiugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay. HALIMBAWA Boy Pick-up: Sana Sabado na lang ako, at ikaw ang Linggo. Neneng B: Bakit? Boy Pick-up: Para ikaw ang kinabukasan ko. SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR HUGOT LINES Ito ay tinatawag ding love lines o love quotes. Ito rin ang isang patunay na sa pamamagitan ng wika ay naipahahayag ng tao ang kaniyang pagiging malikhain. Karaniwang nagmula sa linya sa pelikula o telebisyong nagmarka sa puso’t isipan ng manonood. HALIMBAWA 1. “Sa school nga, wala akong papel, sa buhay mo pa kaya.” 2. “Sa date niyo, lagi kang maaga, eh sa klase, kumusta?” Pa. (2021). HUGOT LINES TUNGKOL SA ESTUDYANTE | #estudyantehugotlines [YouTube Video]. In YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=jBQ8WzE9vTg SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN Nagkakaroon ng tuwirang panghihiram ng salita na kalaunan ay itinuturing nang sariling atin. Halimbawa: keyk, bolpen, kompyuter, atbp. Paggamit ng tatak ng isang produkto bilang generic name. Halimbawa: Colgate sa halip na toothpaste at Pampers sa halip na diaper. SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN Epekto sa mga pahayag o ekspresyon, idyomatiko man o hindi. Halimbawa: No return, no exchange, buena mano, imported, orig, atbp. Pagpapalawak sa kahulugan ng isang salita. Halimbawa: patak – may kinalaman sa tubig o anyong likido ngunit sa kalakalan ay may kinalaman sa presyo. SITWASYONG PANGWIKA SA KALAKALAN Hulog – nangangahulugang pagbagsak ng isang bagay ngunit sa kalakalan ay nangangahulugang bayad sa utang at pagdeposito ng pera sa bangko. Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon Bilingguwalismo sa Sistema ng Edukasyon Multilingguwalismo sa Sistema ng Edukasyon Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino Bilingguwalismo sa Sistema ng Edukasyon Kautusang Pangkagawaran Blg. 25, s. 1974 – Implementing Guidelines for the Policy of Bilinggual Education naglalayon itong makabuo ng lipunang may pantay na kahusayan sa dalawang wikang magiging daan hindi lamang sa pagpapataas ng literasiya sa Pilipinas, kundi inaasahan ding magdudulot sa mga Pilipinong mag-aaral ng kakayahan at kahusayang kapantay ng mga mag-aaral sa mga nangungunang bansa sa mundo. Resolusyon Blg. 73-7 ng Lupon ng Pambansang Edukasyon “Ang Ingles at Filipino ay magsisilbing midyum ng pagtuturo at ituturo bilang mga asignatura sa kurikulum mula Baitang 1 hanggang sa Unibersidad sa lahat ng mga paaralang pampubliko at pribado.” (Bernabe nasa Vega, 2010) Kautusang Pangkagawaran Blg. 50, s. 1975. “Ang mga kurso sa Ingles at Filipino ay dapat maging bahagi ng angkop na kurikulum na ihahain sa mga institusyong tersiyaryo.” “Bilang pagtalima sa polisiyang Edukasyong Bilingguwal: Gayundin, pagsapit ng taong 1984, lahat ng magtatapos mula sa institusyong tersyaryo ay nararapat makapasa sa pagsusulit na nasa Ingles at P(F)ilipino para sa pagganap ng kanilang propesyon.” SULIRANIN Naging negatibo ang mga paaralan sa paggamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ngunit hindi bilang wikang pambansa ng naturang wika (Sibayan at Gonzales, 1987). Nang magkaroon ng bagong Saligang Batas, nanatili ang Patakarang Bilingguwal sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 52, s. 1987. Nagkaroon ng paglilinaw na ang Filipino ay hindi biglaang ipagagamit sa mga hindi Tagalog bagkus ay sa bernakular na wika sisimulan ang pagtuturo. Sa naging pag-aaral ni Fuentes (2000), napag- alamang bigo ang implementasyon ng Edukasyong Bilingguwal sa mga institusyong pantersiyarya sa mga Cebuano at Hiligaynon at napatunayang Ingles ang ginagamit na midyum sa pagtuturo sa halos lahat ng asignatura. Hindi pa man naging patas ang paggamit sa Filipino at Ingles bilang midyum sa edukasyon ay nagkaroon ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 210 – “Pagtatatag ng Polisiya Tungo sa Pagpapalakas ng Ingles Bilang Pangalawang Wika sa Sistema ng Edukasyon”. Multilingguwalismo sa Sistema ng Edukasyon “Kung ang unang wika ay hindi matatag, mahihirapan ang mga mag-aaral na matuto ng pangalawang wika, na magdudulot ng negatibong epekto sa kanilang pagkatuto at tagumpay na akademiko. Ang wika ay hindi hiwalay na natututuhan. Kaakibat ito ng pagpapahalagang kultural, mga paniniwala, tuntunin, at kumbinasyon ng pinagmulan nitong kultura.” – Dr. Ana Taufeulungaki (2004) Multilingguwalismo sa Sistema ng Edukasyon Taong 1999, opisyal na pinagtibay ng UNESCO ang Edukasyong Multilingguwal na tumutukoy sa paggamit ng tatlong wika sa sistema ng edukasyon – ang unang wika o bernakular, ang pambansang wika, at internasyonal na wika. Kalaunan, sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran blg. 74, s. 2009, nagkaroon ng Edukasyong Multilingguwal na nakasalig sa unang wika na nilagdaan ni Kalihim Jesli A. Lapus ng Kagawaran ng Edukasyon. Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino Ang intelektuwalisasyon ng wikang Filipino ay nauukol sa malawakang paggamit nito sa akademiya (Bro. Andrew Gonzales, 1987). Ang isang wikang intelektuwalisado ay nauukol sa wikang magagamit sa edukasyon ng tao sa anumang sangay ng karunungan mula kindergarten tungong pamantasan at higit pa (Dr. Sibayan). Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino Ayon kay Constantino mula sa Artikulong Intelektuwalismo at Wika: “Ipinagmamalaki natin bilang isang bansa ang ating mataas na literacy, ngunit lumilikha tayo ng mga mamamayang walang karanasang intelektuwal tungkol sa kahulugan at layunin ng ating bayan.” Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino Ayon kay Constantino mula sa Artikulong Intelektuwalismo at Wika: “Ipinagmamalaki natin bilang isang bansa ang ating mataas na literacy, ngunit lumilikha tayo ng mga mamamayang walang karanasang intelektuwal tungkol sa kahulugan at layunin ng ating bayan.”