Aralin 3: Ang Katangian ng Wika PDF

Summary

Ang dokumento ay naglalaman ng mga katangian ng wika, na nagbibigay-daan sa mga mambabasa na mas maunawaan ang paggana ng wika. Pinag-aaralan nito ang mga aspeto gaya ng sistematikong balangkas, mga tunog, pagpili at pagkakasunud-sunod, at kaugnayan nito sa kultura. Ang mga halimbawa at mga katanungan ay makikita sa buong dokumento.

Full Transcript

Aralin 3: Ang Katangian ng Wika Mga Katangian ng Wika 1. Masistemang Balangkas. Lahat ng wika sa daigdig ay sistematikong nakasaayos sa isang tiyak na balangkas. Walang wika ang hindi nakaayon sa balangkas na ito. Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog. ...

Aralin 3: Ang Katangian ng Wika Mga Katangian ng Wika 1. Masistemang Balangkas. Lahat ng wika sa daigdig ay sistematikong nakasaayos sa isang tiyak na balangkas. Walang wika ang hindi nakaayon sa balangkas na ito. Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog. Mga Katangian ng Wika 1. Masistemang Balangkas. Morpolohiya Ponolohiya [Salitang Sintaksis ugat] + Makabuluhang Tunog Panlapi + Pangungusap Diskurso Morpemang Ponema Ponema Sambitla Morpema Mga Katangian ng Wika 1. Masistemang Balangkas. Ponema - makahulugang tunog ng isang wika Ponolohiya - makaagham na pag-aaral ng ponema. Morpema – Kapag ang mga ponemang ay pinagsama, maaaring makabuo ng maliit na yunit ng salita na tinatawag na morpema. maaaring isang salitang-ugat, panlapi o morpemang ponema katulad ng ponemang /a/ na sa wika natin ay maaaring magpahiwatig ng kasariang pambabae. Morpolohiya – ang makaagham na pag-aaral ng mga morpema. Mga Katangian ng Wika 1. Masistemang Balangkas. Pangungusap - kapag ang mga salita ay ating pinag-ugnay Sintaksis – ang tawag sa makaagham na pag- aaral ng mga pangungusap. Diskurso – ang tawag sa pagkaroon ng makahulugang palitan ng mga pangungusap ng dalawa o higit pang tao. Mga Katangian ng Wika 2. Sinasalitang Tunog. Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang pinakamakahulugang tunog na nililikha natin at kung gayo'y kasangkapan ng komunikasyon sa halos lahat kung hindi man lahat ng pagkakataon ay ang tunog na sinasalita. Mga Katangian ng Wika 2. Sinasalitang Tunog. Ang wikang Pilipino ay may dalawampu't isang ponemang napapangkat sa dalawa: mga ponemang katinig at mga ponemang patinig. Mga Katangian ng Wika Mga Ponemang Katinig PUNTO NG ARTIKULASYON Paraan ng Artikulasyon Ngalangala 2. Labi Ngipin Gilagid Glotal Palatal Velar Sinasalitang Pasara Walang tunog p t k Tunog. May tunog b d g Pailong m n Ñ May tunog Pasutsot s h Walang tunog Pagilid l May tunog Pakatal r May tunog Malapatinig y w May tunog Mga Katangian ng Wika Mga Ponemang Patinig 2. Sinasalitang HARAP SENTRAL LIKOD Tunog. Mataas i u Gitna e o Mababa a Mga Katangian ng Wika 3. Pinipili at Isinasaayos Pinili ka ba? Sa lahat ng pagkakataon, pinipili natin ang wikang ating gagamitin. Madalas, ang pagpili ay nagaganap sa ating subconscious at magkaminsan ay sa ating conscious na pag-iisip. Ang Tanong Bakit lagi nating pinipili ang wikang ating gagamitin? Ang sagot: Upang tayo'y maunawaan ng ating kausap. Hindi maaaring ipagpilitan nating gamitin ang isang wikang hindi nauunawaan ng ating kausap. Gayon din ang ating kausap, hindi niya maaaring ipagpilitan ang wikang hindi natin batid. Mga Katangian ng Wika 3. Pinipili at Isinasaayos Tayo, ang ating kausap o ang pareho ay kailangang pumili ng komong wika kung saan tayo magkakaunawaan. Samantala, upang maging epektibo naman ang komunikasyon, kailangang isaayos natin ang paggamit ng wika. Sa paggamit nito, kailangang isaalang-alang natin ang ilang mga konsiderasyon. Mga Katangian ng Wika 4. Arbitraryo samantalang ang bawat komunidad ay nakabubuo ng mga sariling pagkakakilanlan sa paggamit ng wika na ikinaiiba nila sa iba pang komunidad, bawat indibiduwal ay nakadedebelop din ng sariling pagkakakilanlan sa pagsasalita na ikinaiiba niya sa iba pa, sapagkat bawat indibiduwal ay may sariling katangian, kakayahan at kaalamang hindi maaaring katulad ng sa iba. After all, no two individuals are exactly alike. Mga Katangian ng Wika 5. Ginagamit Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba pang kasangkapan, kailangang patuloy itong ginagamit. Ang isang kasangkapang hindi na ginagamit ay nawawalan na ng saysay, hindi ba? Gayon din ang wika. Idagdag pa na kapag ang wika ay hindi na ginagamit, ito ay unti-unting mawawala at tuluyang mamamatay. Ano ang saysay ng patay na wika? Wala. Ang Tanong Paanong nagkaiba-iba ang mga wika sa daigdig? Dahil sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at mga pangkat. Mga Katangian ng Wika 6. Nakabatay sa Kultura Ito ang paliwanag kung bakit may mga kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa ibang wika sapagkat wala sa kultura ng ibang wika ang kaisipang iyon ng isang wika. Mga Katangian ng Wika 6. Nakabatay sa Kultura Ice Formations Filipino = maaaring yelo at nyebe lamang. Ingles = glacier, icebergs, frost, hailstorm at iba pa. Agrikultura Ingles = Rice Filipino = palay, bigas at kanin Mga Katangian ng Wika 7. Nagbabago / Dinamiko Bakit limitado ang bokabularyong Ingles sa pagtutumbas ng mga salitang kargado ng kulturang agrikultural? Ang sagot, hindi iyon bahagi ng kanilang kultura. Hindi ito maaaring tumangging magbago. Ang isang wikang stagnant ay maaari ring mamatay tulad ng hindi paggamit niyon. Mga Katangian ng Wika 7. Nagbabago / Dinamiko Paano nagbabago ang wika? Ang wika ay maaaring nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng mga tao, maaaring sila ay nakalilikha ng mga bagong salita. Kailangan ding lapatan ng mga katawagan ang mga produkto ng pag-unlad ng teknolohiya at siyensya. Bunga nito, ang ating wika ay nadaragdagan ng mga bagong salita na hindi umiiral noon. Mga Katangian ng Wika 7. Nagbabago / Dinamiko May mga salita ring maaaring nawawala na sapagkat hindi na ginagamit. Samantala, may mga salita namang nagkakaroon ng bagong kahulugan. Halimbawa, ano ang mga orihinal na kahulugan ng salitang bata? Sa ngayon, ano-ano ang iba pa niyong bagong kahulugan? Ang mga iyan ay mga patunay na ang wika ay nagbabago. Aralin 3: Ang Katangian ng Wika