AP8_PPT_Q3W5&6 PDF Biñan City Science and Technology High School

Document Details

LawfulSiren6964

Uploaded by LawfulSiren6964

Biñan City Science and Technology High School

2021

Tags

history American revolution French revolution political science

Summary

This document is a set of past papers from Biñan City Science and Technology High School, 2021. It includes multiple-choice and short-answer style questions covering the American and French Revolutions.

Full Transcript

Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano at Pranses. (Week 5 at 6) Pagkatapos ng animnapung minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1.nasusuri ang mahahalagang konsepto ng Rebolusyong Pangkaisipan na may kaugnayan sa Rebolusyong Pranses at Amerikano; 2....

Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano at Pranses. (Week 5 at 6) Pagkatapos ng animnapung minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1.nasusuri ang mahahalagang konsepto ng Rebolusyong Pangkaisipan na may kaugnayan sa Rebolusyong Pranses at Amerikano; 2.natutukoy ang mga pilosopo at ang kanilang impluwensiya sa panahong umunlad ang Enlightenment o Rebolusyong Pangkaisipan; 3.nahihinuha ang mabuti at di mabuting naidulot ng Rebolusyong Pangkaisipan. Alexander Hamilton was a founding father of He led the Continental Army to victory in the Revolutionary the United States, who fought in the American War, helped create the U.S. Constitution, and served as the first Revolutionary War, helped draft the president of the United States. Constitution, and served as the first secretary of the treasury. Gawain sa Pampagkatuto Written works 5: I. Pagpapahalaga (15 points) 1. Sa iyong palagay ano ang direktong naging epekto ng digmaan para sa kalayaan ng Amerika sa mga nasyong naghahangad ng paglaya sa kanilang mga mananakop ng panahong iyon? _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________ 2. Pagbibigay ng sariling opinyon: Sa iyong palagay mabisang paraan ba ng pagtatamo ng kalayaan ang paggamit ng dahas at pakikipaglaban?Bakit? _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________ 3. Think-Pair-Share: Pumili ng kapareha at ibigay ang iyong hinuha (mabuti o di mabuti) naidulot ng Rebolusyong Pangkaisipian at ipaliwanag. Written works 5: II.SINO AKO? (10 POINTS) TUKUYIN ANG PHILOSOPHES O PILOSOPO NA NAGPAHAYAG NG KANILANG IDEYA O KAISIPAN. 1. HININGI KO ANG BIGYAN NG PAGKAKATAON KAMING MGA KABABAIHAN NA MAKAPAG-ARAL. 2. KINIKILALA KO ANG BALANCE OF POWER - DAHIL NAGBIBIGAY ITO PROTEKSIYON SA MAMAMAYAN LABAN SA PANG-AABUSO NG KAPANGYARIHAN SA PAMAHALAAN. 3. PINALAGANAP KO ANG IDEYA NG MGA PHILOSOPHE, SINULAT AT TINIPON KO ANG AKING 28 - VOLUME NA ENCYCLOPEDIA. 4. ANG SOCIAL CONTRACT KO ANG NAGING SALIGAN NG MGA BATAS NG REBOLUSYONG FRANCE NA KUNG SAAN AY NANINIWALA ANKONG MAGKAKAROON LAMANG NG MAAYOS NA PAMAHALAAN KUNG ITO AY NILIKHA AON SA "PANGKALAHATANG KAGUSTUHAN" (GENERAL WILL). 5. ANG PAMILIHAN AY MAAARING DUMALOY NANG MAAYOS NANG HINDI PINAKIKIALAMAN NG PAMAHALAAN. NANINIWALA AKO NA KAILANGAN ANG PRODUKSIYON UPANG KUMITA ANG TAO. Rebolusyong Pranses Week 6 Gawain sa pagganap (by group) Performace task 3(by group) Paksa : Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano at Pranses. Bawat grupo ay magkakaroon ng paglalahad batay sa ibinigay na aralin. Binibigyan ng 6 na minuto upang ilahad sa malayang pamamaraan ang inihandang preparasyon.I-upload sa google classroom ang mga presentasyon. Aralin 1 ang digmaan para sa kalayaan sa amerika Aralin 2 ang rebolusyong pranses. Aralin 3 ang “napoleonic wars” Aralin 4 ang labanan sa waterloo Aralin 5 ang rebolusyon ng mga aliping itim sa Haiti Gawain pampagkatuto Written works 6: I. Pilin ang titik ng tamang sagot. 1.Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa Rebolusyong Pangkaisipan? A.Pagkakaroon ng himagsikan B.Paghihimagsik ng mga Amerikano C.Pagkaroon ng pagbabago sa kaisipan ng mga mamamayan D.Pagkakaroon ng bagong kaisipang politikal at pang-ekonomiya. 2.Sa paanong paraan nakatulong ang mga ideya at paniniwala ng mga pilosopo sa pagbabago ng pananaw ng mga tao? A.Nagkaroon ng kakampi ang mga tao sa katauhan ng mga pilosopo B.Ang paniniwala ng mga pilosopo ang nagbigay ng lakas loob sa mga tao na makipaglaban C.Ang mga ideya ng mga pilosopo ay nakatulong sa mga tao upang mamuhay ng marangal at matiwasay D.Nagkaroon ang mga tao ng pagkakataon at karapatang makapili ng sariling pilosopiya at natutong maging mapanuri. 3.Si Baron de Montesquieu ang nagpakilala ng kaisipang Balance of Power na tumutukoy sa paghahati ng kapangyarihan ng pamahalaan. Batay sa kanyang pananaw, ano ang positibong maidudulot sa mga mamamayan ng pagkaroon ng balance of power? A. Ang pamahalaan ang magkakaroon ng obligasyong suportahan ang mga mamamayan B. Ang mga mamamayan ay mabibigyang pagkakataon na magkaroon ng puwesto sa pamahalaan C. Mabibigyang proteksiyon ang mga mamamayan laban sa pang-aabuso ng kapangyarihan ng pamahalaan D. Ang lahat ng kawani ng pamahalaan at ang mga simpleng mamamayan ay magkakaroon ng pantay-pantay na karapatan. 4.Tinipon ni Denis Diderot ang mga ideya ng mga philosophes at isinulat niya ang 28 volume ng Encyclopedia na tumatalakay sa iba't ibang paksa. Paano nakatulong ang ginawa niyang ito sa mabilis na paglaganap ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Europe at iba't ibang bahagi ng daigdig? A.Marami ang nakabasa ng mga nailimbag na aklat dahil naisalin ito sa iba't ibang wika kung kaya't naimpluwensiyahan ng husto ang paniniwala at pananaw ng tao B.Ang aklat na nailimbag ang nagsilbing gabay ng mga tao upang makapamuhay ng naaayon sa paniniwala ng mga philosophes C.Malakas ang impluwensiyang naidulot ng mga philosophes dahil sa kanilang katanyagan kaya madali nilang napaniwala ang mga tao D.Ang Encyclopedia ang kauna-unahang babasahing nailimbag kung kayat lahat ng nakasulat dito ay mabilis na pinaniwalaan ng mga tao. 5.Sa paanong paraan binago ng Rebolusyong Pangkaisipan ang pagtingin ng mga tao sa pamahalaan? A.Ang rebolusyong pangkaisipan ang nagmulat sa mga tao mula sa tradisyunal na paniniwala B.Dahil sa rebolusyong pangkaisipan, maraming tao ang natutong magtanong sa mga kaugalian at tradisyon na matagal ng sinusunod C.Dahil sa rebolusyong pangkaisipan, mas lumakas ang kapangyarian ng pamahalaan D.Ang rebolusyong pangkaisipan ang nagbukas ng mga iba't ibang talento at sining. Written works 6: II Sino ka dyan! (20 points) Panuto: Ibigay ang sariling kuru-kuro sa pagsulat ng talata (at least 20 sentences). Kung ikaw ay isang Pranses sa panahon ng Rebolusyon sa Pransiya, ano ang posible mong gawin? 1. Sumapi sa hukbong magtatanggol sa bagong tatag na republika. 2. Maging tagapagtanggol ng mga maharlika at nasa Simbahan. 3. Magtago sa mga liblib na pook at huwag makialam sa mga nangyayari sa kapaligiran. Maikling Pagsusulit Week 5 & 6 20 points Salamat sa Pakikinig! See you all at the next meeting. Stay well and safe ☺

Use Quizgecko on...
Browser
Browser