Araling Panlipunan Grade 6 Past Paper 2021 PDF
Document Details
Uploaded by LivelySun9588
Halog West Elementary School
2021
DepED
Ernesto G. Ortiza, Jr.
Tags
Related
Summary
This document is a learning module for Grade 6 students in the Philippines, focusing on the Second World War and the Japanese occupation. It presents key events, including discussions on Pearl Harbor and the Bataan Death March. It contains various activities and questions for learning.
Full Transcript
6 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan - Modyul 5: Mga Layunin at Mahahalagang Pangyayari sa Pananakop ng mga Hapones AIRs - LM LU_Q2_AralingPanlipunan6_Modyul 5 ARALING PANLIPUNAN 6 Ikalawang Markahan - Modyul 5: Mga Layunin at Mahahalagang Pangya...
6 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan - Modyul 5: Mga Layunin at Mahahalagang Pangyayari sa Pananakop ng mga Hapones AIRs - LM LU_Q2_AralingPanlipunan6_Modyul 5 ARALING PANLIPUNAN 6 Ikalawang Markahan - Modyul 5: Mga Layunin at Mahahalagang Pangyayari sa Pananakop ng mga Hapones Ikalawang Edisyon, 2021 Karapatang sipi © 2021 La Union Schools Division Region I Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan. Bumuo sa Pagsulat ng Modyul Manunulat: Ernesto G. Ortiza, Jr. Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team Content Reviewer: Teresita P. Libo-on, Marizal Alih C. Dacumos Language Reviewer: Dhoury M. Padillo, Buenafe A. Concubierta Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr. Layout and Design: Servillano O. Galinato Jr. Tagapamahala: Atty. Donato D. Balderas Jr. Schools Division Superintendent Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD Assistant Schools Division Superintendent German E. Flora, PhD, CID Chief Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS Mario B. Paneda, EdD, EPS in Charge of Araling Panlipunan Michael Jason D. Morales, PDO II Claire P. Toluyen, Librarian II Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________ Department of Education – SDO La Union Office Address: Flores St. Catbangen, San Fernando City, La Union Telefax: 072 – 205 – 0046 Email Address: [email protected] 6 Araling Panlipunan Ikalawang Markahan - Modyul 5: Mga Layunin at Mahahalagang Pangyayari sa Pananakop ng mga Hapones Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag- aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan. Sapulin Pumasok sa panibagong yugto ng pakikibaka para sa kalayaan ang mga Pilipino nang sakupin ng mga Hapones ang Pilipinas. Hindi napaghandaan ng Pilipinas ang mga mananakop dahil nakatuon ang mga Pilipino sa pagsasarili sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt sa pamumuno ni Pangulong Manuel L. Quezon. Sa kabila ng magiting na pagtatanggol ng hukbong Pilipino at Amerikano, napasailalim ang Pilipinas ng ikatlong mananakop, ang mga Hapones. Ang modyul na ito ay nakatuon sa Most Essential Learning Competency na: Natatalakay ang mga layunin at mahahalagang pangyayari sa pananakop ng mga Hapones (Halimbawa: Pagsiklab ng digmaan, Labanan sa Bataan, Death March, at Labanan sa Corregidor). (AP6KDP-IIe-5) Inaasahang makakamit mo rin ang mga sumusunod na kaalaman at kasanayan: 1. Naipaliliwanag ang mga dahilan ng pagkakasangkot ng Pilipinas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, 2. Nasasabi ang mga motibo ng Hapon sa pagsakop sa Pilipinas, at 3. Natatalakay ang mga mahahalagang pangyayari sa pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. 1 LU_Q2_AralingPanlipunan6_Modyul 5 Simulan Bago ka magsimula sa bago mong aralin, subukan mo munang sagutan ang mga tanong sa ibaba. Panimulang Pagtataya Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot. 1. Kailan sinalakay at binomba ng bansang Hapon ang Pearl Harbor, ang himpilang pandagat at panghimpapawid ng Estados Unidos sa Hawaii? A. Disyembre 7, 1941 B. Disyembre 8, 1941 C. Disyembre 9, 1941 D. Disyembre 10, 1941 2. Bakit unang binomba ang Pearl Harbor ng America bago sumalakay ang mga Hapones sa Pilipinas? A. Pigilan ang US Pacific Fleet sa paghihimasok sa aksiyong militar ng Imperyo ng Hapon sa Timog Silangang Asya. B. Mas madali itong pabagsakin kaysa sa Pilipinas. C. Malapit lamang ito kaysa sa Pilipinas. D. Wala sa mga nabanggit. 3. Sinong heneral ang nagdeklara sa Maynila bilang isang Open City? A. Masaharu Homma B. Edward P. King C. Douglas MacArthur D. Tomoyuki Yamashita 4. Sino ang huling heneral na nagtanggol sa Bataan laban sa mga Hapones? A. Masaharu Homma B. Edward P. King C. Douglas MacArthur D. Tomoyuki Yamashita 5. Ano ang dahilan ni Heneral Edward King para isuko ang Bataan? A. Kakulangan sa gamot, pagkain at armas. B. Malakas na pwersa ng mga Hapones. C. Mahina na at sugatang mga sundalo. D. Lahat ng nabanggit. 6. Alin sa mga sumusunod ang naging resulta ng pagbagsak ng Bataan? A. Death March B. Military Parade C. Protesta D. Rally 2 LU_Q2_AralingPanlipunan6_Modyul 5 7. Mahina ba ang Estados Unidos kaya nasakop ng Hapon ang Pilipinas? A. Hindi, dahil pataksil na sumalakay ang mga Hapones sa mga base militar ng US. B. Oo, dahil mas angat ang teknolohiya ng mga Hapones kasya sa mga Amerikano. C. Oo, dahil sira-sira naman ang gamit-pandigma nila dito sa Pilipinas. D. Hindi, dahil nakatsamba lang ang mga Hapones sa mga Amerikano. 8. Ang mga prisoners of war o POW ng mga Hapones ay sapilitang pinalakad mula Bataan hanggang Kampo ng O’Donnell. Ano ang ibig sabihin ng pahayag? A. Kahit nanghihina na ang karamihan ay pilit pa rin silang pinalakad na may kaakibat na pagpapahirap. B. Tinulak-tulak sila para makapaglakad patungo sa kanilang piitan. C. Kalayaan ang gantimpala sa mga nais maglakad nang sapilitan. D. Kinaladkad sila ng kanilang mga sasakyang pandigma. 9. Ano ang magandang aral na iniwan sa mundo sa naganap na pambobomba sa Pearl Harbor? A. Hindi natatalo ang mga malalakas na bansa sa anumang istratehiya. B. Maging handa sa lahat ng oras kapag may napipintong digmaan. C. Nadadaan sa digmaan para maayos ang hindi pagkakaunawaan. D. Lahat ng nabanggit. 10. Ano ang naging magandang resulta ng pagbagsak ng Corregidor mula sa mga Hapones? I— Tumakas sina Hen. MacArthur at Pang. Quezon at hindi na bumalik sa Pilipinas. II—Tumindi ang pagnanasa ng mga Pilipino na makalaya ang Pilipinas. III—Lumakas at tumatag na samahan ng mga Pilipino at Amerikano IV—Umusbong ang matatapang na pangkat ng mga gerilya. A. 1-2-3 B. 1-2-4 C. 1-3-4 D. 2-3-4 3 LU_Q2_AralingPanlipunan6_Modyul 5 Lakbayin Pagkakasangkot ng Pilipinas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay labanan sa pagitan ng Allied Forces at Axis Powers. Kabilang sa Allied ang Estados Unidos, samantalang kaanib naman ng Axis ang bansang Hapon. Nabahala ang Estados Unidos sa ginagawang pananakop ng bansang Hapon sa mga bansa sa Asya gaya ng Tsina, Manchuria, at Indo-Tsinang Pranses. Naging maselan ang relasyon ng Estados Unidos at Hapon. Sinikap ng dalawang panig na ayusin ang problema sa pamamagitan ng diplomatikong usapan. Noong Disyembre 7, 1941, habang nag-uusap ang kanilang mga kinatawan, pataksil na inatake at binomba ng bansang Hapon ang Pacific Fleet na nakabase sa Pearl Harbor, Isla ng Oahu, Hawaii. Pinangunahan ang pag-atakeng ito ng dalawang tanyag na Heneral ng Hapon na sina Chuichi Nagumo at Isoroku Yamamoto. Nagdulot ito ng napakalaking pinsala sa panig ng Estados Unidos. Ang pagsalakay ay nilayon upang pigilan ang U.S. Pacific Fleet sa panghihimasok sa mga aksiyong militar ng imperyo ng Hapon sa Timog Silangang Asya. May sabay na pagsalakay ng mga Hapones sa Pilipinas, at sa Imperyong British sa Malaya, Singapore at Hong Kong. Dahil dito, pormal na nagdeklara ng digmaan si Pangulong Franklin Roosevelt ng Amerika laban sa mga Hapones noong Disyembre 8, 1941. Ang pagsalakay na ito ay nagtulak sa Amerika na pumasok sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang Pilipinas bilang kolonya ng Estados Unidos ang naging ugat ng pagkakasangkot nito sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig Makalipas ang apat na oras, matapos bumagsak sa kamay ng mga Hapones ang Pearl Harbor, nagsimula namang bombahin noong Disyembre 8, 1941 ang mga base militar ng Amerika sa Davao, Clark Field, Baguio, Aparri, Nichols Air Base at ang Sangley Point. Noong Disyembre 10, 1941, narating ng mga Hapones ang Aparri, Cagayan at Vigan, Ilocos Sur. Dumaong ang mga puwersa ng mga Hapones sa Lingayen, Pangasinan. Unti-unting sinakop ng mga Hapones ang Pilipinas. Noong Disyembre 26, 1941, upang iligtas sa trahedya ng digmaan ang 4 LU_Q2_AralingPanlipunan6_Modyul 5 Maynila, idineklara ito ni Hen. Douglas MacArthur bilang Open City. Iniutos nito na alisin ang mga kagamitang pandigma sa Maynila at ilipat sa Bataan. Hindi ito binigyang-halaga ng mga Hapones. Binomba pa rin nila ang Maynila hanggang sa ganap na masakop nila ito noong Enero 2, 1942. Lumaganap ang pagsakop ng mga Hapones sa iba’t ibang panig ng bansa. Walang nagawa ang United States Armed Forces in the Far East o USAFFE, ang pinagsanib-puwersa ng mga sundalong Amerikano at Pilipino. Sa payo ni Pangulong Roosevelt, tumakas si Pangulong Quezon at ang kanyang mga pamilya at gabinete mula sa Corregidor papunta sa Australia. Noong Pebrero 20, 1942, iniwan niya ang pamamahala ng Pilipinas kay Jose Abad Santos. Mula sa Australia, dinala siya sa Washington D.C. Labag man sa kanyang kalooban, inilikas ni Hen. MacArthur ang Pilipinas papuntang Australia. Noong Marso 11, 1942, humalili sa kanya bilang pinuno si Jonathan Wainwright. Pagdating sa Australia, ipinahayag niya ang katagang “I Shall Return.” Mga Motibo ng Hapon sa Pagsakop sa Pilipinas Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nilayong sakupin ng mga Hapon, bago pa sumiklab ang Digmaang Pasipiko. Ang mga plano at layunin ng mga Hapon na nakasalig sa kanilang propagandang tinawag na Greater East Asia Co-Prosperity Sphere. Sa pamamagitan nito, layunin nila na: 1. mabigkis ang lahat ng mamamayan ng Silangang Asya upang magkaroon ng kasaganaan at kaunlaran, at 2. palawakin ang kanilang teritoryo upang may pagkuhanan nila ng mga hilaw na materyales at may mapagdalhan ng kanilang mga produkto. Ang mga tunay na dahilan ng pananakop ng bansang Hapon ay kinabibilangan ng: 1. Lumalaki ang populasyon ng Hapon at kailangan ng mas malaking teritoryo na paglilipatan sa kaniyang populasyon, 2. Lumalaki ang kanilang produksyon at kinakailangang magkaroon ng pamilihan ang kanilang mga kalakal, at 3. Ang bansang Hapon ay naghahanap ng makukuhanan ng mga likas na yaman upang gamitin sa paggawa ng mga makabagong teknolohiya at mga kagamitang pandigma (tulad ng bakal, langis at uling). 5 LU_Q2_AralingPanlipunan6_Modyul 5 Mga Mahahalagang Pangyayari sa Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas A. Labanan sa Bataan Matapos masakop ang Maynila, itinuon naman ni Hen. Masaharu Homma ang buong puwersang Hapon sa pagtugis sa mga kalaban sa Bataan. Sinalakay ang Bataan at ibinuhos ang buong puwersa dito. Hindi naging madali sa mga Hapon ang pagpapabagsak sa Bataan. Maraming beses silang nabigo. Subalit sa bandang huli, bumilis ang panghihina ng puwersang USAFFE. Naubusan ng mga armas at bala, gamot at pagkain. Ang hinihintay na suportang pandagat at panghimpapawid at mga kagamitan, gamot at pagkain ay hindi na nakarating. Dahil palubha nang palubha ang sitwasyon, at may panganib nang bumagsak sa kamay ng Hapon ang Pilipinas, inilikas si Pangulong Quezon at ang kanyang pamilya patungong Amerika noong Pebrero 20, 1942. Noong Marso 11, 1942, inatasan si Hen. MacArthur na magtungo sa Australia upang pamunuan ang puwersa doon. Binitiwan ni MacArthur ang katagang “I shall return.” Itinalagang kapalit ni MacArthur si Tinyente Heneral Jonathan Wainwright bilang pinuno ng USAFFE. Pinalitan ang designasyon ni Wainwright bilang pinuno USIP o United States Forces in the Philippines. Sa gitna ng mga pangyayaring iyon, ibinuhos ni Hen. Homma ang lahat ng tropa nito sa Bataan. Unti-unting naramdaman ng mga sundalong Amerikano-Pilipino ang lakas ng Hapon. Unti-unti na ring humina ang kanilang puwersa dahil sa mga pag-atake sa kanila ng mga Hapones. Maliban dito, naging madalang na rin ang pagdating ng mga rasyong pagkain, gamot at sandata mula Estados Unidos, at patuloy na dumarami ang nagkakasakit at napipinsala. Dahil dito, wala ng ibang alternatibo kundi ang pagsuko sa mga Hapon. Isinuko ni Hen. Edward P. King, kumander ng USAFFE sa Bataan, ang mga puwersa nito kay Hen. Masaharu Homma noong Abril 9, 1942. Ang pagbagsak ng Bataan sa araw na ito ang nagwakas ng lahat ng mga organisasyong oposisyon ng U.S. Army Forces Far East sa mananakop. B. Death March Ang labanan sa Bataan ay isa sa mga kilalang pangyayari noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at itinuturing na isa sa mga lugar kung saan matindi ang naging labanan ng mga Hapones, at pinaghalong mga sundalong Pilipino at Amerikano. Isa ang Bataan sa mga natirang okupadong lugar ng mga Allied Forces sa rehiyon at ang pagbagsak nito ay nagresulta sa isa sa mga marahas na yugto ng kasaysayan ng Pilipinas, ang Bataan Death March. 6 LU_Q2_AralingPanlipunan6_Modyul 5 Sa pagsukong ginawa ni Hen. King kay Hen. Homma, ipinaalam niya sa huli na marami sa kanyang pangkat ang may karamdaman at nagugugutom. Dahil dito, iminungkahi ni King kay Homma na siya na mismo ang magdadala sa mga sundalo sa Himpilan ng O'Donnell gamit ang kanilang sasakyang pangmilitar. Ngunit hindi ito inalintana ni Homma, bagkus ay pinanindigan nito na maging ang mga may kapansanan ay kinakailangang makilahok sa martsang magaganap patungo sa kampo na siyang magsisilbing kulungan ng mga bilanggo. Ang mga sumukong sundalo ay pinaglakad nang sapilitan ng 150 kilometro mula sa Mariveles, Bataan hanggang San Fernando, Pampanga. Isinakay sila ng tren patungong Capas, Tarlac at muling pinaglakad hanggang Camp O’Donnell. Sa unang yugto pa lamang ng Death March ay marami na ang nangamatay. Ang mga nanghihina at nabubuwal sa pila ng martsa ay binabayoneta ng mga Hapon, o di kaya’y pinagbabaril. Ang ilan sa kanila ay inaabuso at malabis na sinasaktan, habang ang iba naman ay hinahayaan na lamang masagasaan ng mga rumaragasang sasakyang-militar ng mga Hapones. Tumagal ang pagmamartsang ito ng anim na araw. Gutom at uhaw, ang mga bilanggo ay lalong naghirap at ang kanilang buhay ay higit na nameligro. Minsan din silang binigyan ng pagkain, ngunit tila hayop silang pinakain ng mga panis na kanin. Nang sapitin nila ang Capas, Tarlac, animo hayop na iginapos ng mga sundalong Hapon ang mga bilanggo. Mahigit kalahati na ang kanilang natatahak nang sila’y ibiyahe sa mga tren. Sa loob ng masisikip at maiinit na kahon ay marami na naman sa kanila ang namatay. Ang mga nakaligtas ay muling pinaglakad hanggang sapitin nila ang Himpilan ng O’Donnell. Humigit kumulang 10,000 sa mga bilanggo ang namatay, 1000 ang Amerikano at 9,000 ang Pilipino, samantalang ang iba ay matagumpay namang nakatakas at narating ang kagubatan. Halos 54,000 na lamang ang nakarating sa kanilang piitan. C. Labanan sa Corregidor Hawak na noon ng mga Hapones ang halos buong Timog Silangang Asya maliban sa Bataan at Corregidor. Kumbaga tayo ang huling bumagsak. Sinabi sa mga tagapagtanggol ng Bataan na may mahabang convoy ng mga bagong gamot, pagkain at mga bala ang paparating upang suportahan sila ngunit, nagdesisyon ang presidente ng Amerika na hindi kayang makipagbakbakan ng Amerika sa dalawang kalaban, sa mga Aleman at sa mga Hapones, kaya nagdesisyon ng “Europe First” at ang mga suplay na dapat ay para sa atin ay ipinadala na lamang sa Europa. Dahil walang dumating na tulong, sumuko na lamang ang mga Pilipino at Amerikanong tagapagtanggol ng Bataan noong Abril 9, 1942. 7 LU_Q2_AralingPanlipunan6_Modyul 5 Itinuloy ang laban sa Corregidor. Isang linggong walang tigil na pagbobomba ang ginawa ng mga Hapones sa Corregidor simula noong Abril 29, 1942. Nagkaroon ng walang tigil na pag-ulan ng mga bala at kanyon noong Mayo 4, 1942. Para sa mga sundalo, ito ang pinakamahirap na araw na kanilang naranasan. At noong Mayo 5, kahit ibinuhos na ng mga Pilipino at Amerikano ang lahat ng kanilang makakaya sa pagtatanggol ng Corregidor, sila ay natalo pa rin ng mga Hapones. Noong Mayo 6, 1942, isinuko ni Hen. Jonathan Wainwrigth ang Corrigedor sa mga Hapones. Inutos din niya na sumuko na ang lahat ng puwersa ng USAFFE. Sa pagsuko ng Corregidor, tuluyan nang napasakamay ng mga Hapones ang buong Pilipinas. Halos 12,000 sundalong Pilipino ang sumuko. Ngunit, kahit napasakamay na ng mga Hapones ang buong Pilipinas, talagang matibay ang hangarin ng mga Pilipino na makamit ang kalayaan. Nagpatuloy ang mga Pilipino sa paglaban bilang mga gerilya. Galugarin Napag-aralan mo na ang mga kaganapan sa pananakop ng bansang Hapon sa Pilipinas, kaya’t handa ka na para pagyamanin ang kaalamang ito. Sagutin ang sumusunod na gawain. Gawain 1: FACT o BLUFF? Panuto: Isulat ang FACT kung ang pahayag ay wasto at BLUFF naman kung ito ay hindi wasto. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ang simula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pasipiko ay nang pataksil na sinalakay at binomba ng mga Hapones ang Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941 (Disyembre 8 sa Pilipinas). 2. Sinakop ng mga Hapones ang Pilipinas para matalo ang mga Amerikano at mailigtas ang mga Pilipino mula sa pagkakaalipin ng mga ito. 3. Kakampi ng mga Pilipino ang mga Hapones. 4. Itinatag ng bansang Hapon ang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere upang magkaisa ang mga mamamayang taga-Silangang Asya para sa kaunlaran. 5. Nasangkot ang Pilipinas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig dahil sa kolonya ito ng bansang Amerika. 8 LU_Q2_AralingPanlipunan6_Modyul 5 Gawain 2: Ayusin Mo! Panuto: Ayusin batay sa pagkakasunud-sunod ng mga kaganapan sa pagsisimula ng pananakop ng bansang Hapon sa Pilipinas sa pamamagitan ng paglalagay ng numero (1-5) sa bawat pangyayari. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Pag-anib ng bansang Hapon sa Axis Powers. 2. Binomba ng mga Hapones ang Pearl Harbor, ang pinakamalaking baseng Amerikano sa Pasipiko. 3. Naganap sa Washington ang negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng bansang Hapon at Estados Unidos. 4. Naganap ang Death March sa Bataan. 5. Binomba at pinasok ng mga Hapones ang iba’t ibang lalawigan sa Pilipinas. Palalimin Gawain 1: Punan Mo Ako! Panuto: Punan ng tamang letra ang bawat kahon upang maibigay ang hinahanap na salita sa bawat bilang.Isulat ang sagot sa sagutang papel 1. Bansang sinakop ng mga Hapones dahil kolonya ito ng bansang Estados Unidos. 2. Dito nakabase ang Pacific Fleet ng bansang Estados Unidos 3. Sa bansang ito nagtungo si Hen. Douglas MacArthur at dito niya binitawan ang katagang “I shall return.” 4. Sa lalawigang ito naganap ang isa sa mga pinakamadilim na bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas. 5. Ang nagsilbing huling tanggulan ng pinagsanib na puwersa ng mga Amerikano at Pilipino. 9 LU_Q2_AralingPanlipunan6_Modyul 5 Gawain 2: Itambal Ako! Panuto: Pagtambalin ang mga aytem sa Kolum A at Kolum B. Isulat ang letra ng sagot sa sagutang papel. Kolum A Kolum B 1. Bansang pinakamalaking A. USAFFE sagabal sa Hapon upang B. Douglas MacArthur maisakatuparan ang C. Pearl Harbor planong Greater East Asia D. Franklin Roosevelt Co-Prosperity Sphere. E. Amerika 2. Dito matatagpuan F. Pilipinas ang punong-himpilan ng U.S. Pacific Fleet na matatagpuan sa Hawaii. 3. Ito ay isang utos militar na binuo ng Estados Unidos sa Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig upang labanan ang bantang mga imperyalistang sundalong hapon. 4. Punong Heneral ng Hukbong Pilipinas nang bombahin ang Pearl Harbor. 5. Pangulo ng US na nagdeklara ng digmaan laban sa bansang Hapon. Sukatin Panghuling Pagtataya: Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot. 1. Anong pandaigdigang kaganapan ang naganap sa Pasipiko noong Disyembre 7, 1941? A. Usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Estados Unidos at Hapon. B. Pagbomba ng bansang Hapon sa Pearl Harbor. C. Pagbomba sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. D. Pagsuko ng Amerika sa bansang Hapon. 10 LU_Q2_AralingPanlipunan6_Modyul 5 2. Unang binomba ang Pearl Harbor ng Amerika bago sumalakay ang mga Hapones sa Pilipinas. Bakit ito ang una nilang ginawa? A. Pigilan ang Pacific Fleet ng Amerika sa paghihimasok sa aksiyong militar ng Imperyo ng Hapon sa Timog Silangang Asya. B. Mas madali itong pabagsakin kaysa sa Pilipinas. C. Malapit lamang ito kaysa sa Pilipinas. D. Wala sa mga nabanggit. 3. Sino ang heneral ang nagtanggol sa Bataan laban sa ng mga Hapones? A. Douglas MacArthur B. Edward P. King C. Masaharu Homma D. Tomoyuki Yamashita 4. Anong siyudad ang idineklara ni Heneral Douglas MacArthur bilang isang Open City? A. Baguio B. Cebu C. Davao D. Manila 5. Alin sa mga sumusunod ang naging resulta ng pagbagsak ng Bataan, na kung saan ang mga POW or prisoners of war ay sapilitang pinalakad? A. Death March B. Military Parade C. Protesta D. Rally 6. Ano ang dahilan ni Heneral Edward King para isuko ang Bataan? A. Kakulangan sa gamot, pagkain at armas. B. Malakas na puwersa ng mga Hapones. C. Mahina na at sugatang mga sundalo. D. Lahat ng nabanggit. 7. Ang mga prisoners of war o POW ng mga Hapones ay sapilitang pinalakad mula Bataan hanggang Kampo ng O’Donnell. Ano ang ibig sabihin ng pahayag? A. Kahit nanghihina na ang karamihan ay pilit pa rin silang pinalakad na may kaakibat na pagpapahirap. B. Tinulak-tulak sila para makapaglakad patungo sa kanilang piitan. C. Kalayaan ang gantimpala sa mga nais maglakad nang sapilitan. D. Kinaladkad sila ng kanilang mga sasakyang pandigma. 8. Ano ang magandang aral na iniwan sa mundo sa naganap na pambobomba sa Pearl Harbor? A. Hindi natatalo ang mga malalakas na bansa sa anumang istratehiya. B. Maging handa sa lahat ng oras kapag may napipintong digmaan. C. Nadadaan sa digmaan para maayos ang hindi pagkakaunawaan. D. Lahat ng nabanggit. 11 LU_Q2_AralingPanlipunan6_Modyul 5 9. Mahina ba ang Estados Unidos kaya nasakop ng Hapon ang Pilipinas? A. Hindi, dahil pataksil na sumalakay ang mga Hapones sa mga base militar ng Estados Unidos. B. Oo, dahil mas angat ang teknolohiya ng mga Hapones kasya sa mga Amerikano. C. Oo, dahil sira-sira naman ang gamit-pandigma nila dito sa Pilipinas. D. Hindi, dahil nakatsamba lang ang mga Hapones sa mga Amerikano. 10. Ano ang naging magandang resulta ng pagbagsak ng Corregidor mula sa mga Hapones? I. Nakatakas sina Hen. Douglas MacArthur at Pang. Manuel Quezon at hindi na bumalik sa Pilipinas. II. Lumakas at tumatag na samahan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano. III. Tumindi ang pagnanasa ng mga Pilipino na makalaya ang Pilipinas. IV. Umusbong ang matatapang na pangkat ng mga gerilya. A. 1-2-3 B. 1-2-4 C. 1-3-4 D. 2-3-4 Maligayang Bati! Matagumpay mong natapos ang modyul na ito. 12 LU_Q2_AralingPanlipunan6_Modyul 5 LU_Q2_AralingPanlipunan6_Modyul 5 13 Palalimin Sukatin Gawain 1 Gawain 2 Panghuling Pagtataya 1. Pilipinas 1. E 1. B 2. Hawaii 2. C 2. A 3. Australia 3. A 3. C 4. Bataan 4. B 4. D 5. Corregidor 5. D 5. A 6. D 7. A 8. B 9. A 10. D Galugarin Simulan Gawain 1 Gawain 2 Panimulang Pagtataya 1. Fact A. 1 1. A 2. Bluff B. 3 2. A 3. Bluff C. 2 3. C 4. Fact D. 5 4. B 5. Fact E. 4 5. D 6. A 7. B 8. A 9. B 10. D Susi sa Pagwawasto Sanggunian A. Mga Aklat Lilia Cas Lanuzo-Abella, 2007. Pilipina sa Makabagong Henerasyon. Manila, Philippines. Vicarish Publication & Trading, Inc., pp.274-295. Gloria P. Barrientos,et.al, 1995. Sibika at Kultura (Pilipinas: Bansang Malaya). Quezon City, Philippines. Vibal Publishing House, Inc., pp. 153-159. Marie Fe P. Bosales, et.al., 2013. Lahing Kayumanggi. Quezon City, Philippines. The LIBRARY Publishing House, Inc., pp. 279-292 Alvenia P. Palu-Ay, 2006. Makabayan: Kasaysayang Pilipino 5. Quezon City, Philippines. LG&M, pp. 180-193. Reynele Bren G. Zafra, 2013. Tala ng Kasaysayan Grade 7. Sampaloc, Manila, Philippines. St. Augustine Publications, Inc., pp. 252-264. B. Iba pang Sanggunian https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6006 (Project EASE, Araling Panlipunan I: Modyul 14 Ang Pilipinas sa Panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig) https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6007 (Project EASE, Araling Panlipunan I: Modyul 15 Pananakop ng Hapon at Reaksyon ng mga Pilipino) https://link.quipper.com/en/organizations/547fdd5bd11ff0000200036e/curriculu m#curriculum https://tl.wikipedia.org/wiki/Pananakop_ng_mga_Hapones_sa_Pilipinas 14 LU_Q2_AralingPanlipunan6_Modyul 5 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – SDO La Union Curriculum Implementation Division Learning Resource Management Section Flores St. Catbangen, San Fernando City La Union 2500 Telefax: 072 – 205 – 0046 Email Address: [email protected] [email protected] 15 LU_Q2_AralingPanlipunan6_Modyul 5