3rd Quarter Grade 6 Review: Pagbabalik-aral (PDF)
Document Details
Uploaded by WorthwhileNewton3226
ELCOM E WHELE 4
Tags
Summary
This document is a review for a 3rd-quarter exam. It covers topics like the Commonwealth government, the Japanese occupation of the Philippines, and the challenges faced by the nation during the war. Key figures and important dates are mentioned, providing a general overview of the topics for review.
Full Transcript
IKATLONG MARKAHAN: PAGBABALIK - ARAL q PARA SA PAGSUSULIT MGA PAKSA: Aralin 7: Ang Pamahalaang Commonwealth p.132-138 Aralin 8: Pananakop ng Japan sa Pilipinas p.145-153 Aralin 9: Mga Pagbabago sa Pananakop ng Japan. 165-174. Aralin 10: Mga Hamon sa nagsasariling bansa 188-192. PAMAHALA...
IKATLONG MARKAHAN: PAGBABALIK - ARAL q PARA SA PAGSUSULIT MGA PAKSA: Aralin 7: Ang Pamahalaang Commonwealth p.132-138 Aralin 8: Pananakop ng Japan sa Pilipinas p.145-153 Aralin 9: Mga Pagbabago sa Pananakop ng Japan. 165-174. Aralin 10: Mga Hamon sa nagsasariling bansa 188-192. PAMAHALAANG COMMONWEALTH Ito ay isang uri ng pamahalaan na binubuo ng pangkat ng mga tao na may nagkakaisang layunin na mapainam at matulungan ang bawat isa sa kanilang pangangailangan at kagustuhan. Ito ang naging Administrasyon ni dating Pangulo Manuel L. Quezon at Sergio Osmena bilang kaniyang pangalawang pangulo mula 1935 hanggang 1944. Ang sampung taong transisyon ng pagsasarili ng bansa ay dahil sa tulong ng naipasang batas na Tyding Mcduffie ni Pang.Quezon bilang Majority Floor Leader ng Asemblea ng Estados Unidos noon. MANUEL L.QUEZON “The Father of the National Languange” 1. Ika-2 na Pangulo ng Pilipinas (1935-1944). 2. Pinuno ng Pamahalaang Commonwealth. 3. Nagmula sa Baler, Tayabas (Quezon Province). 4. Dating Abogado, Sundalo at Majority Floor Leader ng Assemblea. 5. Butihing asawa ni Aurora Quezon - unang chairperson ng Philippine National Red Cross at mayroong silang tatlong anak. 6. Dineklara niya ang Tagalog bilang Pambansang Wika ng Pilipinas. Ito ay upang magkaroon ng pagkakaisa ang bansa sa ating sinasalitang wika. 7. Siya ay namatay dahil sa Tuberculosis sa New York, USA. ADMINISRASYON NI PANG. QUEZON 1935-1944 MGA PATAKARANG PAMPAMAHALAAN: 1.Court of Industrial Relations -Hukuman na sumusuri sa mga alitan o hindi pagkakaintindihan ng mga mangagawa at kapitalista. Kaya naman naipatupad ang mga sumusunod: Pagsasagawa ng Kontrata, Pagtatalaga ng Minimum Wage o kaukulang sahod ng mga manggagawa, at pagtatakda ng 8- oras na pagtratrabaho. 2. National Development Company -Ahensiya na may tungkuling pag-aralan ang mga patakaran pang-ekonomiya upang matulungan ang bansa sa pag-unlad. 3. National Economic Council - Tagapayo ng pamahalaan hinggil sa mga industriya, pagbubuwis, pangangalakal at pananalapi. ADMINISRASYON NI PANG. QUEZON 1935-1944 MGA PATAKARANG PANG-EDUKASYON: 1.National Council for Education -ahensiya ng pamahalaan na may tungkuling isaayos ang kalidad ng edukasyon sa primarya at sekondaryang lebel ng pagkatuto. Binigyang pokus nito ang pagpapatupad ng Education Act: Pagsisimula sa 7-taong gulang na mag- aaral sa unang baitang, pagtakda ng Taunang Pag-aaral mula Hunyo - Marso, libre edukasyon at pagbibigay diin sa asignaturang Makabayan (A.P). 2.Surian ng Wikang Pambansa - ahensiya ng pamahalaan na may tungkulin na paunlarin at pag-aralan ang ng sariling lengguwahe at dayalektong sinasalita sa ating bansa. 3.Preparatory Military Training - programa ng pamahalaan na nagtatalaga ng pagsasanay - militar sa mga mag-aaral bilang paghahanda sa karagdagang depensang militar dahil sa banta ng Digmaan. IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG 1939-1945 ILANG MGA DAHILAN SA PAGSISIMULA NG DIGMAAN: 1.Treaty of Versailles - isang dokumento na naglalaman ng Kasunduang Pangkapayapaan sa pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig na nilagdaan noong 1919. 2.Militarismo - Ang paniniwala o pagnanais ng isang pamahalaan o mga tao na ang isang bansa ay dapat mapanatili ang isang malakas na kakayahan sa militar at maging handa na gamitin itong agresibo upang ipagtanggol o itaguyod ang pambansang interes. 3. Pag-ambisyon ng mga Ideolohiya - Ang mga bansa ay nagtaguyod ng malalakas na nasyonalismo, na nagtulak sa kanila upang maghangad ng mga teritoryal na pagpapalawak at makamit ang kapangyarihan sa pamamagitan ng digmaan upang mapalakas ang kani-kanilang mga paniniwala at bansa. IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG Dalawang Samahan ng mga Bansa: 1939-1945 1. Allied Forces - Great Britain, U.S.A at Pilipinas, France, Soviet Union at Canada. 2. Axis Power - Germany, Italy at Japan. JAPAN: “Land of the Rising Sun” Matatagpuan sa Silangang Asya. Isang Arkipelagong mayroong 14,125 isla. Mananakop ng Pilipinas mula 1942-1945 Mga Dahilan sa Pananakop: 1. Pang- ekonomiya - Mga likas na yaman o resorses ng Pilipinas. 2. Pampolitika - Mga Base Militar o depensa ng Estados Unidos sa Pilipinas at; 3. Pangkultural - Paniniwalang “Asyano para sa mga Asyano” at ang “Greater Co Prosperity Sphere” na may layuning magkaisa ang mga Asyano tungo sa Pag-unlad. TIMELINE MULA 1935 -1948: 1935 - Pamahalaang Commonwealth ni Pang.Quezon at VP. Sergio Osmena. 1935-1944 1936 - Pinatupad ni Pang.Quezon ang: Surian ng Wikang Pambansa at Philippine Army. 1937 - Pinatupad ni Pang.Quezon ang Wikang Tagalog na Wikang Pambansa. 1939 - Pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Europa. 1941 - Pagkahalal ni Pang. Quezon sa ikalawang termino (Nobyembre 11). 1941 - Pagbomba ng Japan sa Pearl Habor, Maynila at Clark Airfield (Disyembre 8). 1941 - Pag-alis ni Pang.Quezon sa Pilipinas papuntang Washington DC.(Disyembre 8). 1941 - Pagdeklara ni Hen.Douglas MacArthur sa Maynila na Open City. (Disyembre 26) 1942 - Nasakop ng mga Hapones ang Maynila at ganap na pagkontrol dito (Enero 2). 1942 - Patuloy ang paglaban ng USAFFE sa Bataan. (Enero) 1942- Pagsuko ng USAFFE at kanilang Death March mula Bataan to Capas (Abril) 1942 - Pagsuko ng Corregidor sa mga Hapon at ganap na pagbagsak ng bansa. (Mayo) 1943 - Patuloy kinatawan ni Pang.Quezon ang Pilipinas sa Allied Forces para sa Kalayaan. 1943- Pinili ng mga Hapones si Jose P. Laurel bilang Pangulo ng kanilang Pamahalaan. TIMELINE MULA 1935 -1948: 1944 - Namatay si Quezon sa New York dahil sa tuberkulosis. 1944 - Pumalit kay Pang.Quezon ang Pangalawang Pangulo Osmena. 1944 - Pagbabalik nila Pang. Osmena at Hen. Douglas MacArthur sa Leyte. 1944 - Nagkaroon ng serye ng digmaan sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas. 1945 - Ipinahayag ni MacArthur ang ganap na pagpapalaya sa Pilipinas (Hulyo) 1945 - Pormal na sumuko ang Japan sa Allied Forces (Setyembre) 1945 - Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. (Setyembre) 1945 - Hinuli si Laurel ng mga Amerikano sa kasong Pagtataksil (Treason) 1946 - Nahalal si Pang. Manuel Roxas bilang bagong Pangulo hanggang 1948. 1946 - Binigay ng Amerika ang Ganap na Kalayaan ng Pilipinas. (Hulyo) MGA PERSONALIDAD: Manuel Quezon - 2nd President- Commonwealth Government (1935-1944). Jose Laurel - 3rd Presidente ng Puppet Government (1942-1945). Sergio Osmena- 4th President - Commonwealth Government (1943-1946). Manuel Roxas - 5th Presidente ng Ikatlong Republika (1946-1948). Franklin Roosevelt - Presidente ng Amerika at nagbigay daan sa Commonwealth Hen. Douglas MacArthur - Punong Tagapayo sa Militar ng Pang. Quezon. Hen. Jonathan Wainwright - Pumalit kay Hen. MacArthur sa Pamamahala. Hen. Edward King - Tagapagsanay ng USAFFE sa Bataan (Death March). United States Army Forces in the Far East(USAFFE) - binubuo ng mahigit 80, 000 na mga Pilipino at Amerikanong mga Sundalo. Kempeitai - Sundalo/kapulisang mga Hapon. MGA PERSONALIDAD: Manuel Quezon - 2nd President- Commonwealth Government (1935-1944). Jose Laurel - 3rd Presidente ng Puppet Government (1942-1945). Sergio Osmena- 4th President - Commonwealth Government (1943-1946). Manuel Roxas - 5th Presidente ng Ikatlong Republika (1946-1948). Franklin Roosevelt - Presidente ng Amerika at nagbigay daan sa Commonwealth Hen. Douglas MacArthur - Punong Tagapayo sa Militar ng Pang. Quezon. Hen. Jonathan Wainwright - Pumalit kay Hen. MacArthur sa Pamamahala. Hen. Edward King - Tagapagsanay ng USAFFE sa Bataan (Death March). United States Army Forces in the Far East(USAFFE) - binubuo ng mahigit 80, 000 na mga Pilipino at Amerikanong mga Sundalo. Kempeitai - Sundalo/kapulisang mga Hapon. MABUTING EPEKTO NG PANANAKOP NG JAPAN: Pagpapalakas ng Nasyonalismo- Nagkaisa ang mga Pilipino sa paglaban sa pananakop ng Hapon sa pamamagitan ng kilusang gerilya. Ang panahong ito ay nagpalalim ng diwa ng pagmamahal sa bayan at pagnanais para sa ganap na kalayaan. Pagpapalaganap ng Kultura ng Asya- Binigyang-diin ng Hapon ang diwa ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere, na naglalayong palakasin ang pagkakakilanlan ng mga Asyano sa halip na umasa sa mga Kanluraning kultura.Tinuturuan ang mga Pilipino ng wikang Nihonggo at binigyang-halaga ang mga lokal na kultura at tradisyon. Pagpapakilala ng Ilang Teknikal na Kasanayan- Ipinakilala ng mga Hapones ang ilang kaalaman sa larangan ng agrikultura, transportasyon, at iba pang teknikal na gawain, bagama't limitado ang epekto nito dahil sa panandalian nilang pananatili. Pagpapahalaga sa mga Lokal na Produkto- Dahil sa kakulangan ng imported na produkto, natutong gamitin ng mga Pilipino ang mga lokal na yaman at produkto. MASAMANG EPEKTO NG PANANAKOP NG JAPAN: Matinding Karahasan - Ang pananakop ng Hapon ay isa sa pinakamadugong panahon sa kasaysayan ng Pilipinas. Maraming Pilipino ang nakaranas ng torture, massacres, at iba pang anyo ng kalupitan. Ang mga insidente tulad ng Bataan Death March, kung saan libu-libong sundalo ang namatay sa sapilitang pagmamartsa, ay nag-iwan ng masaklap na alaala. Pagbagsak ng Ekonomiya- Ang ekonomiya ay bumagsak dahil sa pagsira ng mga Hapones sa mga imprastruktura, negosyo, at agrikultura. Maraming Pilipino ang nakaranas ng taggutom dahil sa kakulangan ng pagkain at sapilitang pagkuha ng ani ng mga Hapones para sa kanilang tropa. Kawalan ng Kalayaan at Karapatan- Ang Pilipinas ay naging bahagi ng papet na gobyerno sa ilalim ng Ikalawang Republika, kung saan ang mga patakaran ay kontrolado ng mga Hapones. Ang kalayaan ng mamamayan ay lubos na nalimitahan, at ang sinumang lumaban ay maaaring ipapatay o ipailalim sa matinding parusa. IKALAWANG SANGGUNIAN: MGA VIDEO