Araling Panlipunan 5, Ikalawang Markahan, Modyul 1: Kolonyalismo PDF

Document Details

Uploaded by Deleted User

2020

null

null

Tags

colonialism history Philippines social studies

Summary

This module covers the topic of colonialism for 5th-grade students in the Philippines. It includes learning objectives and activities.

Full Transcript

Araling Panlipunan - Ikalimang Baitang Ikalawang Markahan – Modyul 1: Kolonyalismo Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahe...

Araling Panlipunan - Ikalimang Baitang Ikalawang Markahan – Modyul 1: Kolonyalismo Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: LUCY R. LAURIO Editor/Validator: ROSE B. IMPUESTO Tagasuring Teknikal: GEFFREY D. MARTINEZ Tagaguhit: Tagalapat: Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, OIC – Schools Division Superintendent Aurelio G. Alfonso, Ed. D., OIC - Assistant Schools Division Superintendent Victor M. Javeña, Ed. D. Chief – School Governance & Operations Division & OIC – Chief Curriculum Implementation Division Education Program Supervisors 1. Librada L. Agon, Ed. D., EPP/TLE 2. Liza A. Alvarez, Science 3. Bernard R. Balitao, Araling Panlipunan 4. Joselito E. Calios, English 5. Norlyn D. Conde, Ed. D., MAPEH 6. Wilma Q. Del Rosario, LRMS 7. Ma. Teresita E. Herrera,Ed. D., Filipino 8. Perlita M. Ignacio, Ph. D., ESP/SPED 9. Dulce O. Santos, Ed.D., Kinder/MTB 10. Teresita P. Tagulao, Ed. D., Mathematics Department of Education – Dibisyon Ng Pasig City Office Address: Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City Telefax: 864188885 E-mail Address: [email protected] Araling Panlipunan Ikalawang Markahan 5 Modyul para sa Sariling Pagkatuto 1 Ang kolonyalismo Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Araling Panlipunan 5) ng Modyul para sa araling Ang kolonyalismo ! Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si Hon. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang- alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa (Araling Panlipunan 5) Modyul ukol sa (Ang kolonyalismo) ! Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. MGA INAASAHAN Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos mong makympleto ang Modyul. PAUNANG PAGSUBOK Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa paksa. BALIK-ARAL Dito masusukat ang I iyong matutuhan at naunawaan sa mga na unang paksa. ARALIN Tstalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito. MGA PAGSASANAY Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng mga mag-aaral.. PAGLALAHAT Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyan halaga PAGPAPAHALAGA Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang psmpagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.. PANAPOS NA PAGSUSULIT Dto masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral MGA INAASAHAN Pagkatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang natatalakay nila kung ano ang kolonyalismo. PAUNANG PAG-SUBOK Basahin ang mga sumusunod na katanungan ang Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Sino ang manlalayag na nagdulot ng malaking pagbabago sa kasaysayan at buhay ng mga Pilipino? A. Migeul Malvar B. Antonio Pigafeta C. Jose Basco D. Ferdinand Magellan 2. Ano ang dahilan ng kolonyalismo? A. Makipagkaibigan B. Makipagsanduguan C. Mapayaman ang bansa nito D. Magpayaman at mapalawak ang nasasakupan. 3. Bakit isinasagawa ang kolonyalismo ng mga malalakas na bansa? A. Upang lumawak ang nasasakupan. B. Upang makamkam ang yaman ng bansang sinakop. C. Upang maging makapangyarihan sa nasasakupan D. Lahat ay tamang sagot. 4. Sa inyong palagay makakabuti ba ang kolonyalismo sa kanilang kolonya? A. Opo kasi yayaman ito. B. Hindi kasi maghihirap lamang ito. C. Opo kasi magiging Malaya ito. D. Walang epekto sa bansang kolonya ang kolonyalismo. 5. Kung sakali muling sumailalim ang ating bansa sa kolonyalismo, Ano ang magiging reaksiyon mo? A. Wala akong reaksiyon. B. Masaya at masakop tayo ng ibang bansa. C. Malulungkot ako at mawawalan ng kalayaan ang bansa ko. D. Ikakatuwa ko kasi mas yayaman at matatahimik an gating bansa. BALIK ARAL Ano ang tawag sa Diyos na sinasamba ng mga sinaunang Pilipino? Sino ang may kapangyarihan magpangalan sa mga anak? ARALIN KOLONYALISMO Noong 1521 dumating ang manlalayag na si Ferdinand Magellan sa Pilipinas na nagbigay daan sa malaking pagbabagong kakaharapin ng mga Pilipino sa mga dayuhang Espanyol ang pag-iral ng Kolonyalismo. ▪ Ano ang kolonyalismo? ▪ Bakit kaya nanaisin ng isang bansa ang manakop ng ibang lupain? Ang salitang kolonyalismo ay tumutukoy sa isang patakaran ng tuwirang pagkontrol ng isang malakas na bansa sa isang mahinang bansa. Isinasagawa ang kolonyalismo sa pamamagitan ng Pagkontrol sa kalagayan pampolitika ng isang bansa, Paninirahan sa lugar, Pagkontrol sa paglinang ng likas na yaman. Kagamitang nakatulong upang mapabilis ang paglalayag Compass tumutukoy sa direksiyon nga isang lugar. Google.com/images Caravel o barkong mas mabilis at may kakayahang makapaglayag sa kabila ng malakas na alon sa dagat. Google.com/images Nanguna ang Spain at Portugal sa paglalayag at pagtuklas ng mga bagong lupain sa panahon ng paggalugad.Ang Spain at Portugal ang dalawang mahigpit na magkatunggali sa pagtuklas at pananakop ng mga bagong lupain. Google.com/images Google.com/images Hinati ni Pope Alexander VI – ang daigdig para sa dalawang bansang nag-aagawan sa pagtuklas.Mayo 4, 1493 inilabas ng Papa ang Inter Caetera (kasulatan ng Papa) na naghahati sa daigdig sa dalawang bahagi. Haring Ferdinand at Reyna Isabella ng Spain ay naging mapangahas ang mga Espanyol sa paggalugad ng bagong teritoryo sa labas ng Europa. Google.com/images Kanlurang bahagi ng naturang inahinasyong linya ay para sa Spain. Google.com/images 1. 100 league kanluran ng Azores Islands at Cape Verde Islands ay nakalaan para sa Portugal. Google.com/images Haring Ferdinand at Reyna Isabella ng Spain ang namuno kung kaya’t naging mapangahas ang mga Espanyol sa paggalugad ng bagong teritoryo sa labas ng Europa. Google.com/images PAGSASANAY I. Sagutin ng Deal kung tama at No Deal naman kung mali. 1. Si Haring Ferdinand at Reyna Isabella ng Spain ay naging mapangahas ang mga Espanyol sa paggalugad ng bagong teritoryo sa labas ng Europe. 2. Nanguna ang Spain at Korea sa paglalayag at pagtuklas ng mga bagong lupain sa panahon ng paggalugad. 3. Ang salitang kolonyalismo ay tumutukoy sa isang patakaran ng tuwirang pagkontrol ng isang malakas na bansa sa isang mahinang bansa. 4. Caravel o barkong mas mabilis at may kakayahang makapaglayag sa kabila ng malakas na alon sa dagat. 5. Noong 1527 dumating ang manlalayag na si Ferdinand Magellan sa Pilipinas na nagbigay daan sa malaking pagbabagong kakaharapin ng mga Pilipino sa mga dayuhang Espanyol ang pag-iral ng Kolonyalismo. II. Kilalanin ang mga sumusunod na larawan. 1. 3. Google.com/images Google.com/images 2. 4.. Google.com/images Google.com/images PAGLALAHAT Ano ang ibig sabihin ng kolonyalismo? TANDAAN Kolonyalismo tumutukoy sa isang patakaran ng tuwirang pagkontrol ng malakas na bansa sa isang mahinang bansa na isinasagawa sa pamamagitan ng pagkontrol sa Kalagayang pampolitika ng isang bansa,Paninirahan sa lugar, Pagkontrol sa paglinang ng likas na yaman. PAGPAPAHALAGA Mga bata kung sakaling muling umiral ang kolonyalismo at muling masakop ang ating bansa, Ano ang gagawin mo?_____________________ Bakit?_______________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ ____________________________________________________________ PANAPOS NA PAGSUSULIT Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Alin sa mga sumusunod na kagamitan ang lalong nagpalawak sa kolonisasyon ng ibang bansa? A. Mapa at globo B. Krus at Bibliya C. Compass at Caravel D. Eroplano at Barkong pandigma. 2. Ano ang kolonyalismo? A. tuwirang pagkontrol ng malakas na bansa sa isang mahinang bansa B. tuwirang pagbibigay ng tulong sa mahinang bansa. C. tuwirang pagiging magkaibigan ng dalawang bansa. D. Lahat ay maaring sagot. 3. Kailan inilabas ng Papa Alexander ang Inter Caeteria? A. Mayo 1, 1493 B. Marso 16, 1521 C. Mayo 4, 1493? D. Marso 4, 1493 4. Bakit ipinalabas ang Inter Caetera ni Papa Alexander VI? A. Upang mapalaganap ang kristiyanismo. B. Upang maiwasan ang tunggalian ng Portugal at Spain. C. Upang mapadali ang pagsakop. D. Upang mag-away ang dalawang bansa. 5. Sa inyong palagay nakatulong ba sa ating bansa ang kolonyalismo? Bakit? A. Hindi, kasi ang Espanya lang ang nakinabang sa yaman ng Pilipinas. B. Opo, kasi natuto tayo ng wikang Espanyol. C. Opo, naturuan tayo ng magandan. D. Hindi, kasi hindi tayo yumaman. Bilang Isang Bansa. Quezon City: Vival Group, Inc. Gabuat, M. A. P., Mercado, M. M., & Jose, M. D. D. L. (2016). Araling Panlipunan: Pilipinas Sampaloc, Manila , Philippines : Rex Bookstore. Antonio, E. D., Banlaygas, E. L., & Dallo, E. M. (2018). Kayamanan 6' 2018 ed (2017 ed.). Sampaloc, Manila , Philippines : Rex Bookstore. Antonio, E. D., Banlaygas, E. L., & Dallo, E. M. (2018). Kayamanan 5' 2018 ed (2017 ed.)- SANGGUNIAN I. Paunang Pagsubok I Pagsasanay III.Panapos na Pagsubok 1. D 1.Deal 1. C 2. D 2. Deal 2. A 3. D 3. No Deal 3. C 4. B 4. Deal 4. B 5. C 5. No Deal 5. A II Pagsasanay 1. Pope Alexander VI – ang humati sa daigdig para sa dalawang bansang nag-aagawan sa Pagtuklas ang Spain at Portugal. 2. Haring Ferdinand at Reyna Isabella ng Spain ay naging mapangahas ang mga Espanyol sa paggalugad ng bagong teritoryo sa labas ng Europa. 3. Caravel o barkong mas mabilis at may kakayahang makapaglayag sa kabila ng mmalakas na alon sa dagat. 4. Mapa ng Inter Caetera (kasulatan ng Papa) na naghahati sa daigdig sa dalawang bahagi, SUSI SA PAGWAWASTO

Use Quizgecko on...
Browser
Browser