Katangiang Pisikal ng mga Rehiyon (PDF)
Document Details
Uploaded by VividOxygen
Tags
Related
- AP3 Q1 - Aralin 2 - Study Notes PDF
- Araling Panlipunan 8 Unang Markahan – Modyul 1 Katangiang Pisikal ng Daigdig PDF
- Unang Panahunang Pagsusulit Araling Panlipunan Grade 8 PDF
- Mga Anyong Lupa at Tubig sa Pilipinas PDF
- Geography Philippines PDF
- Readings In Philippine History With Indigenous Week 1 PDF
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa katangiang pisikal ng mga rehiyon sa Pilipinas, kabilang ang mga kapatagan, kabundukan, at baybay dagat. Tinatalakay rin ang mga uri ng hanapbuhay sa bawat rehiyon tulad ng pagsasaka at pangingisda.
Full Transcript
Katangiang Pisikal ng mga Rehiyon Ang katangiang pisikal ng mga rehiyon sa Pilipinas ay magkakaiba. May mga rehiyon na nasa kapatagan habang ang iba ay nasa kabundukan. May mga rehiyon din sa mga baybay-dagat at maging sa mga lambak. Ang mga katangiang ito ang basehan ng uri ng...
Katangiang Pisikal ng mga Rehiyon Ang katangiang pisikal ng mga rehiyon sa Pilipinas ay magkakaiba. May mga rehiyon na nasa kapatagan habang ang iba ay nasa kabundukan. May mga rehiyon din sa mga baybay-dagat at maging sa mga lambak. Ang mga katangiang ito ang basehan ng uri ng kabuhayan ng mga naninirahan sa bawat rehiyong ito. Rehiyon I Ang Rehiyon I ay isang makitid na kapatagan sa pagitan ng Philippine Sea at bulubundukin ng Cordillera. Ang bulubunduking ito ang nagsisilbing panangga sa mga bagyo. Mahirap isagawa ang pagtatanim dito dahil sa mahabang panahon ng tag-init at limitadong lupang taniman. Rehiyon III Ang Rehiyon III ay katatagpuan ng malawak na taniman ng palay, maliban sa Bataan na isang tangway. Ang Nueva Ecija, na isa sa mga lalawigan sa rehiyon, ay itinuturing na “Rice Granary of the Philippines.” Maraming uri ng anyong lupa at anyong tubig sa Timog Katagalugan. Naririto ang mga bundok ng Makiling, Banahaw, Halcon, at Bulkang Taal. Iba’t ibang anyong tubig din ang makikita rito tulad ng look at lawa. Pagsasaka at pangingisda ang pangunahing Hanapbuhay ng mga tagarito. Marami ring industriyang pantahanan na pinagkakakitaan ng mga mamamayan rito. Rehiyon X Ang Rehiyon X o Timog Mindanao ay Isang pangkat ng mga pulo sa Mindanao. Ang rehiyong ito ay napapalibutan ng katubigan tulad ng Pacific ocean, Bohol sea, at Camotes Sea. Mabundok ang Lugar at ay ilang lambak. Dito matatagpuan ang ibat ibang anyong lupa tulad ng bundok, burol, at baybaydagat. Nag-uugnay sa Mindanao sa ibang bahagi ng Pilipinas at sa Mundo dahil sa makabagong paliparan at daungan nito.