Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Modyul 4 (PDF)

Summary

This document contains questions about discrimination against women, men, and LGBTQ+ individuals. It covers various aspects of social studies.

Full Transcript

10 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Modyul 4: Diskriminasyon sa Kababaihan, Kalalakihan at LGBTQ+ Randy D. Estopa Teacher III – Apas National High School Diskriminasyon sa Modyul 4 Kababaihan, Kalalakihan at...

10 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan Modyul 4: Diskriminasyon sa Kababaihan, Kalalakihan at LGBTQ+ Randy D. Estopa Teacher III – Apas National High School Diskriminasyon sa Modyul 4 Kababaihan, Kalalakihan at LGBTQ+ Ikaapat na Linggo Pamantayang Pangnilalaman: Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan. Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay may pang-unawa sa mga epekto ng mga isyu at hamon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging aktibong tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang kasapi ng pamayanan. Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang diskriminasyon at diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at LGBTQ+ (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender) Paksa: Diskriminasyon sa Kababaihan, Kalalakihan at LGBTQ+ Subukin Isa na namang makabuluhang linggo sa inyo mga butihin kong estudyante. Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at handa na namang matuto. Pero bago natin umpisahan ang paglalakbay sa aralin ay subuking sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Paalala: huwag munang buksan ang mga bahagi ng modyul. Mangyari maging tapat sa sarili at pahalagahan ang pag-aaral. PAGPIPILIAN: Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel. 1. Ito ang proseso kung saan ang mga indibidwal o mga tao ay sistematikong hinahadlangang magkaroon ng buong access sa iba’t ibang mga karapatan, pinagkukunang-yaman at oportunidad na normal na natatamasa para sa mga kasapi ng ibang grupo kung saan ang mga ito ay napakahalaga sa panlipunang integrasyon, pagtamasa at pagtupad ng karapatang pantao? A. Social Evolution C. Social Inclusion B. Social Exclusion D. Social Intrusion 2. Siya ay binaril sa ulo ng mga Taliban dahil sa kanyang adbokasya para sa mga babaeng nais makapag-aral A. Mikki Galang C. BB Gandanghari B. Malala Yousafzai D. Rafael Rosell 2 3. Sinong sikat na mang-aawit na hindi nakuha ang lead role sa Eliza Doolittle dahil siya ay isang Asyano. A. Charice Pempengco C. Melchora Aquino B. Lea Salonga D. Regine Tolentino 4. Sa kanilang laro sa Australia, nagkaroon ng kaguluhan dahil tinawag umano sila ng “monkey”. A. Gilas Pilipinas C. Pilipinas Shell B. Philippine Askalz D. The Philippine Star 5. Ang structural marginalization ay tinatawag din na __________ A. social relationship C. social exclusion B. social justification D. social inclusion 6. Siya ang nagsabi na “You cannot detain and persecute people who simply do not exist in the republic. If there were such people in Chechnya, the law- enforcement organs wouldn’t need to have anything to do with them because their relatives would send them somewhere from which there is no returning.” A. Barack Obama C. Ramzan Kardyov B. Pope Francis D. Saddam Hussein 7. Sa media, alin sa sumsusunod ang nakapagpapalala sa diskriminasyon ng kasarian? A. Ipinapakita nila ang kababaihan bilang mga sexual object para sa kalalakihan. B. Ipinapalabas ng media na hindi nagkakamali ang mga kalalakihan at LGBTQ+ C. Ipinapalabas sa media na tanggap na ng buo sa ating lipunan ang mga LGBTQ+ D.pinapakita nila na alam na alam na natin ang puno’t dulo ng mga hamong pangkasarian sa Pilipinas 8. Halimbawa kung kaya ng isang tao ang lahat ng mga tungkulin ng isang trabaho pero hindi siya tinanggap dahil siya ay naka wheel chair, itinuturing itong isang anyo ng diskriminasyon. Anong patakaran ang nilabag nito? A. Safe Spaces Act B. Magna Carta of Women C. Magna Carta for Teachers D. Age Discrimination in Employment Act of 1967 9. Ayon sa teoryang ito, ang gender inequalities ay umusbong mula sa panlipunang estruktura na nagbibigay-daan sa institutionalized conceptions ng pagkakaiba ng gender… A. Structural Marginalization C. Social Stratification B. Institutionalized Conceptions D. Social relationships 10. Kung pagbabasehan ang salik na naging dahilan ng diskriminasyon, anong salik ng diskriminasyon ang naranasan ng ating Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach? A. Trabaho C. Pisikal na kaanyuan B. Edukasyon D. Relihiyon at Kultura 11. Ito rin ang dahilan kung bakit walang karapatan ang mga babae na bumoto at kumandidato sa halalan. Anong salik ang tinutukoy nito? 3 A. Trabaho C. Pisikal na kaanyuan B. Edukasyon D. Relihiyon at Kultura 12. Ang teoryang ito ay isinulong nina Karl Marx at Friedrich Engels A. Social exclusion C. Structural marginalization B. Materialist theory D. Social stratification 13. Ang sanhi ng mababang katayuan ng kababaihan ang pag-uuring panlipunan at ang anyo ng organisasyon ng pamilya na nililikha nito na nakabatay sa patriyarka A. Social inclusion C. Social stratification B. Materialist theory D. Structural marginalization 14. Ang mga sumusunod ay mga diskriminasyon sa trabaho maliban sa A. Hindi pantay na sahod kung nakabatay sa kasarian. B. Hindi makatarungang pagtrato kaugnay ng kapansanan. C. Hindi makatarungang pagtrato kaugnay ng lahing pinagmulan. D. Hindi makatarungang pagtrato tulad ng pagtitiwalag o pagtaas ng ranggo o sahod na naaayon sa kahusayan. 15. Ito ay isang proseso kung saan ang mga indibidwal o mga tao ay sistematikong hinahadlangang magkaroon ng buong access sa iba’t ibang mga karapatan, pinagkukunang-yaman at oportunidad na normal na natatamasa at mayroon para sa mga kasapi ng isang grupo… A. social relationship C. social exclusion B. social justification D. social inclusion Aralin 1: Diskriminasyon sa Kababaihan, Kalalakihan at LGBT Alamin Malugod na pagbati mga mahal kong estudyante, isa na namang makabuluhang paglalakbay ang ating sisimulan sa linggong ito. Matutunghayan mo sa araling ito ang paksang Diskriminasyon sa Kababaihan, Kalalakihan at LGBTQ+. Upang magkaroon ng komprehensibong pagkatuto kayo ay inaasahan na maisagawa ang mga sumusunod: 1. natatalakay ang mga teorya at salik sa pag-usbong ng diskriminasyon sa kasarian; 2. nakikilala ang ilan sa mga personalidad na nakaranas ng diskriminasyon ; at 3. napahahalagahan ang naidudulot ng diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at LGBTQ+. 4 Panimulang Gawain PANUTO: Tingnan ang larawan at alamin kung sino sila at isulat sa sagutang papel ang kanilang mga pangalan at sagutin ang mga pamprosesong tanong sa ibaba. BB Gandanghari Malala Yousafzai Gilas Pilipinas Pia Wurtzbach Lea Salonga Rafael Rosell 1. ________________________________ 2. ________________________________ Pinagkunan: https://en.wikipedia.org/wiki/Pia_Wurtzbach#/media/File:Pia_Wu Pinagkunan: rtzbach_-_2019_(cropped).jpg https://dfa.gov.ph/images/PISU/2013/July/29/Wellington_Smart_ Gilas_Pilipinas.jpg 3. ________________________________ 4. ________________________________ Pinagkunan: Pinagkunan: https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Shinz%C5%8D_Abe_a https://en.wikipedia.org/wiki/File:Lea_salonga_2021_2.jpg nd_Malala_Yousafzai_(1).jpg#/media/File:Shinz%C5%8D_Abe_ and_Malala_Yousafzai_(1)_(cropped).jpg 5. _______________________________ 6. _______________________________ Pinagkunan: Pinagkunan: http://profiles.ph/wp-content/uploads/2021/03/BB- https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Rafael_Rosell_at_the_ gandanghari.jpg Star_Magic_Concert_Tour_in_Ontario,_June_2009.jpg 5 Mga Pamprosesong Tanong 1. Kilala ba ninyo ang mga nasa larawan? Sino-sino sila? 2. Nakararanas ba ang mga personalidad na ito ng diskriminasyon? 3. Maiiwasan ba ang diskriminasyon sa kalalakihan, kababaihan at LGBTQ+? Kung hindi, bakit? Kung Oo, paano? Tuklasin at Suriin Sa nakaraang modyul tinalakay natin ang konsepto, anyo at epekto ng diskriminasyon. Bilang pagpapatuloy sa linggong ito, atin namang pag- uusapan ang mga salik at dahilan sa pag-usbong ng diskriminasyon batay sa kasarian, mga personalidad na nakararanas ng diskriminasyon. Tayo na’t magsimula. Ang dalawang teorya na pinagbabatayan sa pinagmulan ng diskriminasyon Materialist theory  isinulong nina Karl Marx at Friedrich Engels na ang gender inequality ay bunga ng pagkakaugnay ng babae at lalaki sa mga estrukturang ekonomiko sa lipunan  ang kontrol at distribusyon ng mahahalagang pinagkukunang-yaman bilang pangunahing tagapag-ambag sa paglikha ng gender stratification  gender stratification ay ang herarkikal na organisasyon ng lipunan kung saan hindi pantay ang distribusyon at access ng babae at lalaki sa kapangyarihan, yaman, pribilehiyo at katanyagan  ang lalaki bilang tagapaghanapbuhay ang nasa itaas dahil sila ang may kontrol sa mga ekonomikong pinagkukunang-yaman samantalang ang mga babae ang nasa ilalim dahil sa kanilang gampanin bilang ina at asawa ay itinuturing na walang halaga sa produksiyong ekonomiko at sa higit na pinahahalagahang pampublikong pinagkukunang-yaman  ang sanhi ng mababang katayuan ng kababaihan ang pag-uuring panlipunan at ang anyo ng organisasyon ng pamilya na nililikha nito na nakabatay sa patriyarka ( sistemang panlipunan kung saan ang mga lalaki ang nagdodomina sa politika, ekonomiya, kultura, ugnayang panlipunan at sa halos lahat ng larangan sa loob at labas ng tahanan at nag-uugat ang sistemang ito sa kasaysayan, tradisyon at kultura.)  karamihan sa mga sinaunang kabihasnan, karaniwang nalilimitahan ng lipunan ang gampanin at tungkulin ng mga babae sa pag-aalaga ng anak at sa mga gawaing bahay, sumusunod, sumusuporta lamang at hindi pinangungunahan ang mga lalaki sa pagpapasiya kaya nagkaroon ng hindi pantay na “power relationships” sa pagitan ng lalaki at babae kung saan ang mga lalaki ang nangingibabaw o makapangyarihan. 6 Structural marginalization  nakilala din bilang social exclusion  ang gender inequalities ay umusbong mula sa panlipunang estruktura na nagbibigay-daan sa institutionalized conceptions ng pagkakaiba-iba ng gender  higit na binibigyang halaga ang ideya na ang lipunan ay napapangkat batay sa pagkakaugnay ng mga set ng gampanin at pagkakaiba ng mga “function”, kahulugan at layon  kabilang sa mga panlipunang estruktura ang pamilya, relihiyon, batas, ekonomiya, at pag-uuring panlipunan  ang estrukturang panlipunan ay naiimpluwensiyahan ng mga social norms sa pamamagitan ng mayorya at minoriya  kalimitang ikinokonsiderang normal samantalang ang mga nasa panig ng minoriya ay ikinokonsiderang abnormal na lumilikha ng majority- minority relations ng isang hierarchical stratification sa loob ng panlipunang estruktura na pumapabor sa mayorya sa lahat ng aspetong panlipunan na nakaimpluwensiya sa mga sistemang panlipunan gaya ng mga sistemang ekonomiks, legal, political, kultural at iba pa.  sa pag-iral ng social norms batay sa kasarian at gender na naglalagay ng higit na mas mataas na katayuan ang mga lalaki sa lipunan, kaya lalaki ang nabibilang sa pangkat ng mayorya samantalang ang mga babae at transgender ang naging minoriya  ang pagturing sa mga babae at LGBTQ+ bilang minoriya ay isa sa mga nangungunang salik sa patuloy na pananatili ng diskriminasyon sa mga kababaihan at transgender  social exclusion ay isang proseso kung saan ang mga indibidwal o mga tao ay sistematikong hinahadlangang magkaroon ng buong access sa iba’t ibang mga karapatan, pinagkukunang-yaman at oportunidad na normal na natatamasa para sa mga kasapi ng ibang grupo kung saan ang mga ito ay napakahalaga sa panlipunang integrasyon, pagtamasa at pagtupad ng karapatang pantao. hango sa Padayon 10-Mga Kontemporaryong Isyu ni Ronaldo B. Mactal PhD Mga Pamprosesong Tanong: 1. Nakikita o naoobserbahan mo ba ang mga ganitong gawain sa ating lipunan ngayon? 2. Sa tingin mo bakit naging naksanayan na sa iba ang pagtingin sa kababaihan bilang mahina kumpara sa kalalakihan? Ipaliwanag. 3. Ikaw? Naniniwala ka bang may mga mahihinang kasarian? Bakit? 4. Paano kaya ma ipanalo ng mga LGBTQ+ ang kanilang adbokasiyang pagkapantaypantay ng lahat ng kasarian dito sa Pilipinas? 7 Mga Salik Na Naging Dahilan sa Pagkakaroon ng Diskriminasyon sa Kasarian May mga salik na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng diskriminasyon. Ilan ay ang mga sumusunod: Relihiyon at Kultura Edukasyon  maraming mga kultura ang  sa mga nakaraang panahon naglalagay sa mga babae sa may mga kursong ilalim ng mga lalaki maging sa pinaniniwalaang dapat mga Banal na Kasulatan ng kukunin ng mga lalaki o kaya maraming relihiyon ay ng mga babae nagpapahiwatig ng may higit na  halimbawa ang pagiging katayuang kalalakihan abogado at inhinyero ay dating  ito rin ang dahilan kung bakit para sa mga lalaki at ang walang karapatan ang mga nursing naman at dating babae na bumoto at iniaalok lamang sa kababaihan kumandidato sa halalan  may mga bansa rin na  ang tradisyonal na paniniwala ipinagbabawal na makapag- sa maraming kultura na aral ang mga kababaihan sinasang-ayunan ng mga Banal  ang mga ganitong patakaran na Aklat ay dalawa lamang ang ang nagpapaigting sa tanggap na kasarian-ang lalaki paniniwalang hindi at babae ay natural na magkakapantay ang gender at nagbubunga ng diskriminasyon nagkakaroon ng gender sa mga taong lilihis sa discrimination kategoryang lalaki at babae. Trabaho Pisikal na kaanyuan  may mga uri ng hanapbuhay o  madalas na maging salik ukol propesyon na parang nilikha sa gender lamang sa mas malakas na  ang mga babae ay kasarian-lalaki na pangkaraniwan nang nakikita nangangailan ng pisikal na bilang mas maliit at mas lakas ng kalalakihan kaya ang mahihina mga trabahong ito ay hindi  kung ang mga brusko ay ibinibigay sa mga babae o sa tanggap na katangian ng mga mga kabilang sa ibang gender lalaki at ang mga kababaihan  sa maraming bansa ang ay inaasahan na maging pagiging abogado at inhinyero mahinhin ay nakalaan lamang sa mga  nagdudulot ang mga lalaki na nagdudulot ng konseptong ito ng diskriminasyon sapagkat diskriminasyon at maging lumalabas na mas malaki ang pang-aabuso sa mga babae oportunidad ng mga lalaki na makahanap ng hanapbuhay hango sa Mga Kontemporaryong Isyu ni Jens Micah de Guzman 8 Diskriminiasyon sa Pilipinas Hindi na bago ang diskriminasyon sa Pilipinas, mula sa panahon ng mga Espanyol hanggang sa panahon natin ngayon. Kahit marami na ang nagbago ay meron pa rin tayong makikitang iba’t ibang uri ng diskrimininasyon. tulad ng sumusunod: Diskriminasyon sa Trabaho Hindi pantay na sahod kung nakabatay sa kasarian. Halimbawa, kung mas mataas ang sahod ng isang lalaking empleyado kaysa sahod ng isang babaeng empleyado kahit na magkapareho lamang ang kanilang trabaho. Nakabatay ito sa patakarang Equal Pay Act of 1963. Hindi makatarungang pagtrato tulad ng pagtitiwalag o pagtaas ng ranggo o sahod nang hindi naaayon sa kahusayan. Halimbawa, kung nagtiwalag ang isang kompanya ng matandang empleyado upang palitan ng isang batang empleyado. Ito ay itinuturing na isang diskriminasyon. Nakabatay sa patakaran na Age Discrimination in Employment Act of 1967. Hindi pantay o hindi makatarungan pagtrato kaugnay sa may kapansanan. Bawal ang diskriminasyon laban sa mga taong may kapansanan kung kaya naman nila ang tungkuling inaatas. Halimbawa kung kaya ng isang tao ang lahat ng mga tungkulin ng isang trabaho pero hindi siya tinanggap dahil siya ay naka wheel chair, itinuturing itong isang anyo ng diskriminasyon. Nakabatay ang patakaran na ito sa Republic Act 9442: An Act Amending Republic Act No. 7277, otherwise known as “The Magna Carta for Disabled Persons and for other Purposes. Diskriminasyon Batay sa Kasarian May pagkakaiba ang mga kilos at gawi na inaasahang gampanan ayon sa kasarian. May mga kilos na kakakaiba sa kanilang seksuwalidad. Hindi pantay ang pagtingin ng ating lipunan sa iba’t ibang kasarian. Maraming mga bansa ay hindi pa rin lubos na kinikilala ang Karapatan ng mga kababaihan at LGBTQ+. May mga estadong tinutuligsa pa rin ang mga homoseksuwal at kababaihan na naglilimita sa kanilang mga karapatan. Sa Politika Sa maraming bahagi ng daigdig, ang kalalakihan ang may pinakamalaking kapangyarihan sa lipunan. Limitado ang nakukuhang serbisyo tulad ng kalusugan, edukasyon, trabaho, suweldo ang mga babae at homoseksuwal kung ikukumpara sa mga kalalakihan. Sa Tahanan Itinuturing na magkaiba ang kakayahan ng kababaihan at kalalakihan sa pagtugon sa pang-ekonomiyang pangangailangan. Sa Media Nakapagpapalala sa diskriminasyon ng kasarian sapagkat ipinapakita nila ang kababaihan bilang mga sexual object para sa kalalakihan. Ang mga pang-aabuso ay mas madalas maranasan ng mga kababaihan at ng mga homoseksuwal kaysa mga kalalakihan. Pinagkunan: Office of the Special Adviser on Gender Issues, Department of Economic and Social Affairs, United Nations 9 Mga Personalidad na Nakaranas ng Diskriminasyon at mga Pangyayari na may kinalaman sa Diskriminasyon PIA WURTZBACH Noong nasa England pa ay nahirapang makakuha ng trabaho dahil sa siya ay isang babae. GILAS PILIPINAS Tinawag na unano at unggoy ang mga manlalaro ng Pilipinas ng mga manlalaro ng basketball mula Australia na naging mitsa upang magkaroon ng gulo sa pagitan ng dalawang team sa FIBA World Cup Asian qualifier LEA SALONGA Kahit may pangalan na sa mundo ng teatro at nanalo ng Tony Award, hindi pa rin nakuha nito ang role na Eliza Doolittle sa “My Fair Lady” dahil siya ay isang Asian. BB GANDANGHARI Nakilala bilang BB Gandanghari at gumawa ng ingay matapos mag-out nito. Tanggap man sa ating lipunan, nakaranas pa rin siya ng diskriminasyon nang di ito papasukin sa isang bar dahil sa pagko-cross dressing. MALALA YOUSAFZAI Lumaban at muntik nang mamatay dahil binaril sa ulo ng mga Taliban dahil sa kanyang adboksiya para sa karapatan ng mga batang babae sa edukasyon sa Pakistan. 10 MIKKI GALANG Isang transgender woman na sumakay sa bahagi ng tren na pambabae hinarang ng guwardiya sa MRT-3. https://www.pinknews.co.uk/images/2018/09/Mikki-Galang-650x651.jpg RAFAEL ROSELL Isang actor na nakaranas ng racism noong naninirahan pa sila sa Norway. DISKRIMINASYON SA IBANG BAHAGI NG DAIGDIG CHECHNYA Ramzan Kadyrov – lider ng Chechnya na nagsabing “You cannot detain and persecute people who simply do not exist in the republic. If there were such people in Chechnya, the law-enforcement organs wouldn’t need to have anything to do with them because their relatives would send them somewhere from which Pinagkunan: (kremlin.ru) there is no returning.” https://en.wikipedia.org/wiki/Ramzan_Kadyrov#/ media/File:Ramzan_Kadyrov_(2018-06-15)_02.jpg  Mahigit 100 pinaghihinalaang gay Chechen ang inaresto at ikinulong sa mga “concentration camp”; marami ay biktima ng EJK  Sila ay binubugbog at suma-sailalim sa electric shock torture  Pinipilit silang “umamin” bilang gay at isumbong ang iba pang kakilala nilang gay o may kaibigang gay  Masasabing nag-uugat ito sa pananaw na may kinalaman sa sex, kasarian, at gender roles 11 Mga Pamprosesong Tanong: 1. Sino si Ramzan Kadyrov? 2. Ano ang mga pinagagagawa ng bansang ito sa mga gay? 3. Bakit may ganitong uri ng pagtrato sa mga gay sa kanilang bansa? 4. Ano ang nararanasan ng mga gay sa bansang ito? 5. Bilang isang mag-aaral, sa iyong pananaw makatarungan ba ang mga pagtrato na ito sa mga gay? Ipaliwanag Isagawa/Pagyamanin Panuto: Buuin ang mapa ng konsepto. Isulat ang salik ng diskriminasyon na nararanasan ng mga piling personalidad sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel. 1. _______________________________________ _______________________________________ 2. _______________________________________ _______________________________________ 3. _______________________________________ _______________________________________ 4. _______________________________________ _______________________________________ 5. _______________________________________ _______________________________________ 12 Isaisip Matapos mong basahin ang nilalaman ng Panuto: Mula sa binasang paksa sagutin ang mga sumusunod sa inyong sagutang papel. 1. Ano-ano ang mga teorya na nagpapaliwanag sa pag-usbong at pananatili ng diskriminasyon sa kababaihan at LGBTQ+? 2. Ano ang kahulugan ng majority-minority relations batay sa kasarian at gender? Tayahin - improve to HOTS and italicize Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel. 1. Sila ang nagsulong ng ideya na ang gender inequality ay bunga ng pagkakaugnay ng babae at lalaki sa mga estrukturang ekonomiko sa lipunan A. Karl Marx at Friedrich Engels B. Richard Marx at Ramzan Kadyrov C. Malala Yousafzai at Dr. Geraldine Roman D. Dr. Sigmund Freud at Dr. Benjamin Bloom 2. Sino ang nagsulong sa karapatan ng mga babae na makapag-aral sa Pakistan. A. Emma Watson C. Maggie Smith B. Indira Gandhi D. Malala Yousafzai 3. Sino ang hindi pinayagang makapasok sa isang bar dahil sa pagko-cross dressing. A. BB Gandanghari C. Regine Velasquez B. Lea Salonga D. Geraldine Roman 4. Ang structural exclusion ay tinatawag din na _____________. A. Social inclusion C. Social marginalization B. Social localization D. Social relationship 5. Alin sa sumusunod ang sinasabing mga sanhi ng mababang katayuan ng kababaihan: A. kahirapan C. pag-uuring panlipunan B. matriyarka D. pagiging mahinhin 6. Bago maging Miss Universe 2015, aling salik ng diskriminasyon ang naranasan ni Pia Wurtzbach? A. Edukasyon C. Relihiyon at Kultura B. Pisikal na kaanyuan D. Trabaho 13 7. Ayon sa teoryang ito ang estrukturang panlipunan ay naiimpluwensiyahan ng mga social norms sa pamamagitan ng mayorya at minoriya. A. Materialist theory C. Social stratification B. Social inclusion D. Structural marginalization 8. Alin sa mga sumusunod ang masasabing pangunahing salik sa pagpapatuloy ng diskriminasyon sa mga kababaihan at LGBTQ+? Ang pagturing sa mga __________________________________. A. babae at LGBTQ+ bilang minoriya. B. LGBTQ+ bilang superyor sa kababaihan C. kalalakihan bilang mas mahinang kasarian D. wala sa nabanggit 9. Ito ang herarikal na organisasyon ng lipunan kung saan hindi pantay ang distribusyon at access ng babae at lalaki sa kapangyarihan, yaman, pribilehiyo at katanyagan A. Gender Stratification C. Structural Marginalization B. Gender Marginalization D. Social Stratification 10. Sa apat na salik na naging dahilan sa pagkakaroon ng diskriminasyon sa kasarian, alin sa sumusunod ang hindi binibigyang konsiderasyon sa pisikal na kaanyuan A. madalas na maging salik ukol sa materialist theory B. ang mga babae ay pangkaraniwan nang nakikita bilang mas maliit at mas mahihina C. kung ang mga brusko ay tanggap na katangian ng mga lalaki at ang mga kababaihan ay inaasahan na maging mahinhin D. nagdudulot ang mga konseptong ito ng diskriminasyon at maging pang- aabuso sa mga babae 11. Ayon sa teorya ng structural marginalization dahil sa institutionalized conceptions ng pagkakaiba-iba ng gender umusbong ang _____________________. A. gender inclusivity C. social exclusivity B. gender inequalities D. social relationships 12. Ayon sa materialist theory, bakit kadalasang tinuturing na mas mataas sa ibang gender ang mga lalaki? A. bilang tagapaghanapbuhay, sila ang may kontrol sa mga ekonomikong pinagkukunang-yaman B. dahil makisig at matikas ang kanilang pangangatawan. C. dahil hindi sila umiiyak o umaayaw sa lahat nang uri ng laban sa buhay. D. dahil kaya nilang harapin ang lahat ng hamong panlipunan. 13. Ang sumusunod ay halimbawa ng diskriminasyon sa trabaho maliban sa: A. Hindi pantay na sahod kung nakabatay sa kasarian. B. Hindi makatarungang pagtrato tulad ng pagtitiwalag o pagtaas ng ranggo o sahod nang hindi naaayon sa kahusayan. C. Hindi pantay o hindi makatarungan pagtrato kaugnay sa may kapansanan. 14 D. Hindi pantay na sahod na nakabatay sa ranggo at karanasan ng isang regular na manggagawa. 14. Si Kardon a isang kilalang bisexual at magaling na manlalaro ng basketbol, sa Barangay Mapayapa ay hindi pinayagang sumalang sa liga sa kanilang lugar, aniya ng coach “bawal ka dito, umuwi ka nalang”. Ito ay isang halimbawa ng _____________________. A. social relationship C. social exclusion B. social justification D. social inclusion 15. Si Maria at Juan ay nagtatrabaho sa isang pribadong ospital. Nang naging regular na sila sa trabaho si Juan ay binigyan ng PhP 13,000 na buwanang suweldo, samantalang si Maria ay may buwanang sahod na PhP 10,000. Nang tinanong niya ang kanyang amo sabi nito “ganyan talaga dito pag babae mas mababa ang sahod.” Aling batas ang nagbabawal ng ganitong pagtrato sa kababaihan? A. Safe Spaces Act B. Bawal Bastos Law C. Equal Pay Act of 1963 D. Age Discrimination in Employment Act of 1967 Karagdagang Gawain Sa pagtatapos, magbigay ng sariling halimbawa ng diskriminasyon na nararanasan ng kababaihan, kalalakihan at LGBTQ+ sa mga sumusunod na institusyon: Sa paaralan: ________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ Sa Trabaho / Hanapbuhay: __________________________________________________ _____________________________________________________________________________ Sa Tahanan: ________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ 15 Susi sa Pagwawasto 6. Rafael Rosell 5. Pisikal na kaanyuan 5. BBGandanghari 4. Relihiyon at Kultura 4. Lea Salonga 3. Trabaho 3. Malala Yousafzai 2. Trabaho 2. Gilas Pilipinas 1. Pisikal na kaanyuan 1. Pia Wurtzbach ISAGAWA/PAGYAMANIN: Panimulang Gawain: Sanggunian Mga Aklat:  Evangeline M. Dallo, E. D. (2017). Kayamanan - Kontemporaryong Isyu. Quezon City: Rex Printing Company Inc.  Module sa Araling Panlipunan - Kontemporaryong Isyu. (n.d.). Kagawaran ng Edukasyon.  Ronaldo B. Mactal, PhD. Padayon 10- Mga Kontemporaryong Isyu. Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.  Jens Micah De Guzman. Mga Kontemporaryong Isyu. Valenzuela City: JO-ES Publishing House Inc Mga larawan:  BB GANDANGHARI: http://profiles.ph/wp-content/uploads/2021/03/BB- gandanghari.jpg  GILAS PILIPINAS: https://dfa.gov.ph/images/PISU/2013/July/29/Wellington_Smart_Gilas_Pilipi nas.jpg  LEA SALONGA: https://en.wikipedia.org/wiki/File:Lea_salonga_2021_2.jpg  MALALA YOUSAFZAI: https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Shinz%C5%8D_Abe_and_Malala_Yo usafzai_(1).jpg#/media/File:Shinz%C5%8D_Abe_and_Malala_Yousafzai_(1)_(cro pped).jpg  PIA WURTZBACH: https://en.wikipedia.org/wiki/Pia_Wurtzbach#/media/File:Pia_Wurtzbach_- _2019_(cropped).jpg  RAFAEL ROSELL: https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Rafael_Rosell_at_the_Star_Magic_Co ncert_Tour_in_Ontario,_June_2009.jpg  MIKKI GALANG: https://www.pinknews.co.uk/images/2018/09/Mikki- Galang-650x651.jpg  RAMZAN KADYROV: (kremlin.ru) https://en.wikipedia.org/wiki/Ramzan_Kadyrov#/media/File:Ramzan_Kadyrov _(2018-06-15)_02.jpg 16

Use Quizgecko on...
Browser
Browser