Araling Panlipunan Past Module - Climate Change Q1W3 PDF

Summary

This module, part of the Araling Panlipunan curriculum for Grade 10 in the Philippines, focuses on climate change. It provides information on the issue, its impact, and possible solutions. The module includes various activities such as matching exercises and open-ended questions.

Full Transcript

10 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 3: Climate Change 1 Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Climate Change Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkar...

10 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 3: Climate Change 1 Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Climate Change Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis – Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Maria Felda B. Gamo, Ma. Lina J. Eltanal Editor: Babelina B. Baya Tagasuri: Gemma F. Depositario EdD Tagaguhit: Mark Dave M. Vendiola Tagalapat: Aileen Rose N. Cruz Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin CESO V Rosela R. Abiera Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid Marcelo K. Palispis EdD Elmar L. Cabrera Nilita L. Ragay EdD Carmelita A. Alcala EdD Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117 E-mail Address: [email protected] i Alamin Ang modyul na ito ay ginawa upang iyong matutunan ang mga kaalaman na nararapat ninyong malaman sa nasabing baitang. Dito nakapaloob ang mahalagang impormasyon tungkol sa mga dahilan, sanhi at paano matutugunan ang epekto ng climate change sa ating bansa sa kasalukuyan. Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, maggawa mo ang mga sumusunod: Most Essential Learning Competency Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung pangkapaligiran ng Pilipinas. (AP10KSP-1c-7) Layunin K - Natatalakay ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyung pangkapaligiran ng ating bansa. S - Nasusuri ang mga sanhi at epekto na dulot ng climate change sa bansa lalo na sa epektong pangkalusugan ng mga tao sa ating bansa. A- Napahahalagahan ang pagtugon ng pamahalaan sa isyu ng climate change sa ating bansa. 1 Subukin Sisimulan kung alamin ang iyong kaalaman sa pagsagot sa mga tanong: Handa ka na ba? https://tinyurl.com/y2ex3l53 Panuto: Pagtapat-tapatin ang HANAY A sa HANAY B. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno: HANAY A HANAY B ____ 1. Magtipid sa paggamit ng pinagkukunang- a. Biodiversity yaman _____2. Batas na nagpahintulot sa mga loggers na putulin ang troso sa loob ng dalawamput limang taon b. Senate Bill 73 _____3. Biofuel Act of 2006 c. Republic Act. 9367 _____4. Anniversary ng Zero Waste Month d. Republic Act. 9003 _____5. Nagsulong ukol sa Climate Change para sa mamamayan upang mabigyan ng kaalaman ukol sa malawakang pagbabago ng klima ng bansa e. DOST _____6. Sakit na sanhi ng laptospira na galing sa dumi o ihi ng hayop karaniwang daga f. Leptospirosis _____7. Sakit na kinakalat ng isang uri ng lamok g. Dengue _____8. Tumutukoy sa basurang nagmula sa tahanan, at komersyal na establisimyento, mga basura na makikita sa paligid at iba pa h. Solid Waste _____9. Climate Change Act of 2009 i. Republic Act 9729 _____10. Hanging bumubuo ng carbon dioxide, nitrous oxide, at methane na naiipon sa hangin at bumabalot sa atmospera j. Greenhouse Gases _____11. Panandaliang lagay ng atmospera sa isang tiyak na oras at lugar. k. Panahon _____12. Pagtaas ng temperatura dahil sa greenhouse gas l. Klima _____13. Normal na kalagayan ng panahon m. Greenhouse Effect _____14. Gabay upang mabawasan ang epekto ng climate change n. Reduce, Re- use, Recycle ______15. Paglikha at pagpapakawala ng greenhouse gas sa himpapawid o. Carbon Emission p. Resource Conservation 2 Balikan Ang tinutukoy po natin na epekto sa kapaligiran at lipunan ay ang Climate Change kaya masusi nating pag-aralan ang dulot nito sa tao at sa ating bansa. 3 Tuklasin Google.com/search?q=ano+ang+climate+change+in+tagalog&oq=ANO+ANG+CLIMATE+CHANGE&aqs=chrome.2.0l2j69i59j0l5.17739j0 j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8 Ano ang Climate Change? Ang Climate Change ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng greenhouse gasses na nagpapainit sa mundo. Nagdudulot ito ng baha at tagtuyot, nagkakaroon ng mas maraming bagyo, pagguho ng lupa. Nagkakaroon din ng epekto sa araw-araw na kabuhayan ng tao, pagbaba ng produksyon sa agrikultura, at pagtaas ng bilang ng kaso ng iba’t ibang karamdaman. Ano-ano ang ilang dahilan ng Climate Change? Polusyon na dala ng pagkasunog ng plastic at mga karaniwang basura, usok na nagmumula sa sasakyan, planta, agrikultura, pagkakaingin, mga gases mula sa gamitang pabrika at pagpuputol ng mga puno. Sino-sino ang Apektado ng Climate Change? Mahirap o mayaman- lahat apektado ng pagbabago ng panahon! Ngunit mas apektado ng Climate Change kung: Ang hanapbuhay mo ay deriktang nakasalalay sa likas na yaman gaya ng pangingisda, at pagsasaka Hindi sapat ang iyong kinikita at kulang ang iyong kakayahan na tumugon sa mga pagbabago Kulang ang iyong kaalaman ukol sa Climate Change 4 Sanhi ng Climate Change: Ayon sa pag-aaral, ang dalawang sanhi ng climate change ay ang: 1. Natural na pagbabago ng klima ng buong mundo nitong mga nagdaang matagal na panahon. Ito’y sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, at init na nagmumula sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperatura o init sa hangin na bumabalot sa mundo. 2. Mga gawain ng tao na nagbubunga ng pagdami o pagtaas ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases. Ang GHG’s ang nagkukulong init sa mundo. Ang pagbuga ng carbon dioxide ng mga sasakyang gumagamit ng gasolina, ang pagputol ng mga puno na siya sanang mag-aalis ng carbon dioxide sa hangin, at pagkabulok ng bagay na organic na nagbubunga ng methane ay ilan sa mga dahilan nito. Epektong Pangkalusugan ng Climate Change: Mga epekto sa tao ng matinding init, tagtuyot at bagyo * Pagtaas ng bilang ng kaso ng mga sakit na: - Dala ng tubig o pagkain tulad ng cholera at iba pang sakit na may pagtatae - Dala ng insekto tulad ng lamok, (malaria at dengue) - Malnutrisyon at epektong panlipunan dulot ng pagkasira ng mga komunidad at pangkabuhayan nito - Wildfires, heatwaves, at marami pang iba. Paano mababawasan ang epekto ng Climate Change? Gawing tama ang pagtatapon ng basura at sundin ang mga patakarang naayon sa solid waste management na ipinatutupad sa iyong barangay Gawing gabay ang: ✓ REDUCE (bawasan ang pagkonsumo) ✓ RE-USE (gamitin ulit) ✓ RECYCLE (pakinabangan muli sa ibang anyo) at ✓ RESOURCE CONSERVATION (magtipid sa paggamit ng pinagkukunang-yaman) Makipagtulungan sa pagsasaayos ng mga kanal at karaniwang daanan ng tubig. Huwag magputol ng mga puno. Magsagawa ng regular Clean-up Drive Makikiisa sa mga isinagawang Tree Planting sa inyong lugar 5 Mga Tugon ng Pamahalaan sa Isyu ng Climate Change Republic Act 10176 https://tinyurl.com/y32o9pvz https://tinyurl.com/yysdjkwv https://tinyurl.com/y63dyxxp Every January as part of R.A. 9003 Anniversary and Zero Waste Month https://tinyurl.com/yysdjkwv https://tinyurl.com/yysdjkwv Ang batas na ito ay hindi https://tinyurl.com/yysdjkwv pagpapahintulot sa mga loggers na putulin ang mga troso sa loob ng dalawamput limang taon. 6 Sa ulat na pinamagatang “Status of the Philippine Forest (2013) ay inisa-isa nito ang mga dahilan at epekto ng deforestation sa Pilipinas. Ito ay ang sumusunod: Gawain Epekto Illegal Logging Ang walang habas na pagputol ng puno ay - Illegal na pagputol sa mga puno nagdudulot ng iba’t-ibang suliranin tulad ng ng kagubatan. Ang kawalan ng baha, soil erosion, at pagkasira ng tahanan ngipin sa pagpapatupad ng mga ng mga ibon at hayop. Sa katunayan, noong batas sa illegal logging sa 2008 ay mayroong 221 species ng fauna at Pilipinas ay nagpapalubha sa 256 species ng flora ang naila sa threatened suliraning ito. list. (National Economic Development Authority, 2011). Migration Nagsasawagawa ng kaingin (slash-and-burn - Paglipat ng pook tirahan farming) ang mga lumilipat sa kagubatan na nagiging sanhi ng pagkakalbo ng kagubatan at pagkawala ng sustansiya ng lupain dito. Mabilis na pagtaas ng populasyon Ang mabilis na pagtaas ng populasyon ng Pilipinas ay nangangahulugan ng mataas na demand sa mga pangunahing produkto kung kaya’t ang mga dating kagubatran ay ginawang plantasyon, subdivision, paaralan at iba pang imprastraktura. Fuel Wood Harvesting Ayon sa Department of Natural Resources - Paggamit ng puno bilang na lumabas sa ulat ng National Economic panggatong. Isang halimbawa Authority (2011), tinatayang mayroong 8.14 ay ang paggawa ng uling gamit milyong kabhayan at industriya ang ang puno. gumagamit ng uling ata kahoy sa kanilang pagluluto at paggwa ng produkto. Ang mtaas na demand sa uling at kahoy ay nagiging dahilan ng pagputol ng mga puno sa kagubatan. Illegal na pagmimina Apwktado ang kagubatan sa pagmimina dahil sa kadalasang ditto natatagpuan ang deposito ng mga mineral tulad ng copper, limestone, nickel, at gold. Kinakailangan putulin ang mga puno upang maging maayos ang operayong ng pagmimina. Nagdudulot din ng panganib sa kalusugan ng tao at iba pang nilalang sa kagubatan ang mga kemikal na ginagamit sa pagpoproseso ng mga nahukay na mineral. Ayon sa DENR, mayroong 23 proyekto ng pagmimina ang matatagpuan sa kabundukan ng Sierra Madre, Palawan at Mindoro. 7 Suriin Isinulong ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (DOST) dito sa rehiyon ukol sa Climate Change para sa mga mamamayan upang mabigyan tayo ng kaalaman tungkol sa malawakang pagbabago ng panahon o klima dito sa bansa. Ang pangunahing sanhi ng climate change ay ang paglaganap ng tinatawag na “greenhouse gases” sa ating kalawakan na kinabibilangan ng carbon dioxide, methane, nitrous oxide at ozone. “Ang mga gases na ito ay nagmumula sa paggamit natin ng maruruming uri ng enerhiya at gasolina, at sa uri ng pamumuhay natin. Ang epekto ng climate change ay nadarama natin sa unti- unting pag-init ng mundo na kadalasan ay tinatawag natin na global warming. “Ito ay makikita din sa pamamagitan ng panunuyo ng lupa, lubos na pagbaha at malakas na ulan o bagyo,”. Ang mga pinakamainam na paraan upang maibsan ang epekto ng Climate Change ayon sa mga eksperto ay ang proper solid waste management, energy efficiency at urban greening. Binigyang diin rin ng mga eksperto na huwag mag-aksaya sa paggamit ng kuryente at tubig at maglakad o mag bisikleta upang makatulong sa pagbawas ng carbon dioxide emission na nagdudulot ng global warming. “Mahalaga ding gawin sa pang araw- araw na buhay ang pag reduce, reuse at re-cycle upang mabawasan ang basura gayundin, ang pagtatanim ng puno”, dagdag nito o di kaya’y magsagawa ng mga alternatibong aksyon na nababagay sa ating mga suliranin ng ating komunidad bilang pagtugon sa climate change. Pagkakaiba-iba ng Klima: Ang likas na pagkakaiba-iba sa klima na mangyayari sa buwan-buwan, panahon sa panahon, taon hanggang taon,at dekada hanggang dekada ay tinutukoy bilang pagkakaiba-iba ng klima(halimbawa, taunang pag-ikot ng wet at dry season sa kanlurang tropical na Pasipiko. Pagkakaiba-iba sa klima sa pagitan ng mga taon ay sanhi ng mga natural na pagkakaiba-iba sa kapaligiran at karagatan, tulad ng El Niño Southern Oscillation (ENSO). Ang ENSO ay dalawang matinding yugto: El Niño at La Niña. Ang El Niño ay posibilidad na magdala ng mas maliliit na hangin ng kalakalan at mas mainit na kondisyon ng karagatan ng Pasipiko, samantalang ang La Niña ay may posibilidad na magdala ng mas malakas na hangin ng kalakalan at mas malamig na kondisyon ng karagatan. Ang pagkakaiba-iba ng likas na klima ay nangyayari kasabay ng pagbabago ng klima (Ibig sabihin, ang droughts at baha na dulot ng ENSO ay patuloy na magaganap at maaaring tumindi dahil sa pagbabago-bago na ito ay dapat ding isaalang-alang kapag nagpaplano para sa hinaharap. 8 Pagyamanin Gawain A. Sagutin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno. 1. Ahensyang nagsusulong ng kaalaman tungkol sa malawakang pagbabago ng panahon o klima dito sa ating bansa. 2. Ito ay epekto na nadarama natin sa unti-unting pag-init ng mundo na kadalasan ay tinatawag nating global warming. 3. Ano ang tawag sa pangunahing sanhi ng climate change na kinabibilangan ng carbon dioxide, methane, nitrous oxide at ozone sa kalawakan. 4 -6. Tatlong bagay na mahalaga nating gawin sa ating mga tahanan sa pang-araw-araw na buhay upang mabawasan ang basura na ating tinatapon sa nakalaang basurahan. 7. Ang mga pinakamainam na paraan upang maibsan ang epekto ng Climate Change ayon sa mga eksperto ay ang ________. 8. Ang batas na ito ay hindi nagpapahintulot sa mga loggers na putulin ang mga troso sa loob ng dalawampu’t limang taon ang gulang ng isang puno. 9. Isang kompuwestong kemikal na binubuo ng dalawang mga atomong oksiheno na kobalenteng nakakawing isang atomong karbono. Ang pormulang kimikal ay CO2. 10. Uri ng sakit na kinakalat ng isang uri ng lamok na kadalasang nangangagat sa umaga, nangingitlog sa malinaw na tubig na makikita sa flower vases at naiipong tubig-ulan sa gulong o basyo ng lata. 11-15. Paano mababawasan ang epekto ng Climate Change? 9 Isaisip Bilang mag-aaral, bumuo ng sariling solusyon o paraan upang makatulong sa paglutas ng suliranin ng climate change sa sariling pamayanan: Tapusin ang pangungusap: Ang maaari kung gawin na sariling hakbang upang matugunan ang climate change sa aking pamayanan ay _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 10 Isagawa Gawain 1: Panuto: Basahin at ipaliwanag ng maayos ang katanungan na nasa ibaba. Isulat ito sa inyong kwaderno. Gamiting gabay ang karyaterya sa ibaba. (10 puntos) Tanong: Ano ang epekto ng climate change sa kapaligiran na ating kinagalawan? Krayterya: Pagkakabuo ng ideya – 6 pts Kaayusan at kalinisan sa pagsulat – 4 pts Tayahin Panuto: Kaalaman sa tiyak na bagay. Isulat ang sagot sa kwaderno. 1. Magtipid sa paggamit ng pinagkukunang-yaman A. Re-use B. Reduce C. Re-cycle D. Resource Conservation 2. Batas na ito ay hindi pagpapahintulot sa mga loggers na putulin ang mga troso sa loob ng dalampung taon. A. Senate Bill no. 73 C. Rep. Act. 9003 B. Rep. Act. 9367 D. Rep. Act. no. 10176 3. Patakaran ukol sa pagbabawas ng pagdepende ng bansa sa inaangkat na langis o paggamit ng mga nakalalasong kemikal at pagbuga ng mga greenhouse Gases na nagpapakapal nito sa Ozone Layer. A. Senate Bill no. 73 C. Rep. Act. 9003 B. Rep. Act 9367 D. Rep. Act no. 10176 4. Philippine Ecological solid Waste Management Act of 2000. A. Senate Bill no. 73 C. Rep. Act. 9003 B. Rep. Act 9367 D. Rep. Act no. 10176 5. Kagawaran na nagsulong ng batas upang mabigyan tayo ng kaalaman tungkol sa malawakang pagbabago ng panahon o klima dito sa bansa. A. DTI B. DSWD C. DOST D. DENR 6. Sakit na sanhi ng laptospira na galing sa dumi o ihi ng daga. A. Cholera B. Leptospirosis C. Dengue D. Typhoid fever 7. Sakit na makukuha sa pagkain at inuming tubig na kontaminado ng nasabing bacteria. A. Cholera B. Leptospirosis C. Dengue D. Typhoid fever 8. Tumutukoy sa mga basurang nagmula sa mga tahanan, at komersyal na establisimento, mga basura na makikita sa paligid, mga basura na nagmula sa sector ng agrikultura. A. Biodegradable B. non-biodegradable C. Hazard D. Solid Waste 11 9. Isang polisiya o patakaran at mga planong pagpapaunlad ng lahat ng ahensya ng pamahalaan upang maihanda nito ang mamamayan sa mga maaaring maging dulot ng Climate Change. A. Rep. Act no. 9003 C. Rep. Act no. 9729 B. Rep. Act no. 9367 D. Senate Bill no.73 10. Bawasan ang pagkonsumo. A. Re-use B. Reduce C. Resource Conservation D. Recycle 11. Ang mga sumusunod ay epekto sa tao ng matinding init, tagtuyot at bagyo maliban sa isa HINDI, ano ito? A. Pagtaas ng bilang ng taong nagkakasakit B. Malaking bilang ng mga taong nauubusan ng pagkain lalung-lalo na ang mga magsasaka na umaasa sa kanilang sinasaka C. Nakararanas ng matinding kahirapan ang maraming mamamayan sa kasalukuyan D. Maraming mangangalakal mula sa ibang bansa na gustong mamumuhunan dahil walang bagyo ang pumapasok. 12. Ang pinakamahalagang gawin upang mababawasan ang epekto ng Climate Change. A. Gawing tama ang pagtatapon ng basura B. Makipagtulungan sa pagsasaayos ng mga kanal at karaniwang daanan ng tubig. C. Magsagawa ng clean-up drive D. Gawing gabay ang Reduce, Re-use, Recycle at Resource Conservation 13. Ang pangunahing sanhi ng Climate Change ay ang paglaganap ng tinatawag greenhouse gases sa ating kalawakan na kinabibilangan ng mga sumusunod, isa dito ay HUNDI, ano ito? A. Carbon dioxide B. methane C. nitous oxide D. nitrogen 14. Pakinabangang muli sa ibang anyo. A. Re-use B. Reduce C. Resource Conservation D. Recycle 15. Ang kabuuan ng lahat ng nabubuhay sa ating planeta, kasama na dito ang mga halaman at hayop na direkta at hindi direktang nakikinabang sa isa’t isa. A. Agriculture B. Fishing C. Biodiversity D. Habitat 12 Karagdagang Gawain Gawain: Suliranin - Sanhi at Epekto - Solusyon Pumili ng isang suliraning pangkapaligiran sa unang kahon, isulat ikalawang kahon ang Sanhi at Epekto nito at sa Ikatlong kahon naman ang posibleng solusyon sa napiling suliranin. 1. Suliranin 2. Sanhi at Epekto 3. Solusyon 13 14 TAYAHIN PAGYAMANIN: Gawain A SUBUKIN: 1. D 1. DOST 1.P 2. Climate Change 2. A 3. Greenhouse Gases 2. B 3. B 4-6. Reduce, Reuse, Recycle 4. C 3. C 5. C 7. Solid Waste Management 6. B 4. D 7. A 8. Senate Bill no. 73 5. E 8. D 9. Carbon Dioxide 9. C 6. F 10. B 10. Dengue 11. D 7. G 12. D 11. Huwag magputol ng mga puno 8. H 13. D 12. Magsagawa ng clean-up Drive 14. D 9. I 15. C 13. Gawing gabay ang 4R’s 10. J 14. Makikiisa sa mga isinagawang Tree Planting sa inyong lugar 11. K 15. Gawing tama ang pagtatapon ng 12. M basura 13. L ISAISIP: Isangguni sa guro ang sagot 14. N ISAGAWA: Gawain 1 15. O Isangguni sa guro ang sagot KARAGDAGANG GAWAIN: (Isangguni sa guro ang sagot) Susi sa Pagwawasto Talasalitaan Dapat Tandaan!! 1. Klima- ay average pattern ng panahon para sa isang particular na lugar sa loob ng mahabang panahon, karaniwang hindi bababa sa 30 taon. 2. Panahon- ay kondisyon ng atmospera tulad ng temperatura at pag-ulan sa loob ng maikling panahon(ilang oras o ilang araw). Ang lagay ng panahon ay kung ano ang naranasan mo araw-araw. 3. Global warming- tumutukoy sa nararanasang pagtaas ng temperatura sa mundo sa mga nagdaang dekada 4. Greenhouse gases- mga hanging bumubuo ng carbon dioxide, nitrous oxide, at methane na naiipon sa hangin at bumabalot sa atmospera. 5. Greenhouse Effect- ang pagtaas ng temperatura dahil sa greenhouse gas 6. Leptospirosis- sakit na sanhi ng laptospira na galing sa dumi o ihi ng hayop (karaniwang daga). Ito ay makukuha kapag ang isang tao ay may sugat o galos na lumusong sa baha o basang lupa na kontaminado ng nasabing bacteria. 7. Cholera-sakit na makukuha sa pagkain at inuming tubig na kontaminado ng dumi ng tao. 8. Solid Waste-tumutukoy sa mga basurang nagmula sa mga tahanan, at komersyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na nagmula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakalalason. 9. Dengue- sakit na kinakalat ng isang uri ng lamok. Ang lamok na ito ay kadalasang nangangagat sa umaga , nangingitlog sa malinaw na tubig na makikita sa flower vases natipong tubig-ulan sa gulong o basyo ng lata. Ang mga lamok ay karaniwang naglalagi sa madilim na lugar. 10. Climate Change-ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa mataas na greenhouse gases na nagpapainit ng mundo. Nagdudulot ito ng baha at tagtuyot, nagkakaroon ng maraming bagyo, pagguho ng lupa. Nagkaroon din ng epekto sa araw-araw na kabuhayan ng tao, pagbaba ng produksyon sa agrikultura, at pagtaas ng bilang ng iba’t ibang karamdaman. 11. Biodiversity- ang kabuuan ng lahat ng nabubuhay sa ating planeta, kasama na dito ang mga halaman at hayop na direkta at hindi direktang nakikinabang sa isa’t isa. 12. Agrikultura- ang paglinang at pagpaparami ng mga hayop, halaman, at halamang- singaw para gawing pagkain, hibla, panggatong, gamot, at iba pang produkto para gamitin sa pagpapanatili at mapabuti ang buhay ng tao. 15 Sanggunian 1.Learners Module pages 71-76 2. https://www.google.com/search?q=chibi+in+a+class&tbm=isch&ved 3.https://www.google.com/search?q=anime%20chibi%20studying&tbm=isch&tbs=rimg%3AC f-_1oFkfXXqhImBMSSivMqmSa1k- cMGXiX3Xg3assceeJVmPITUWPb6eeq6zWSkGEYiAE0p0HsWd9q 4.https://www.google.com/search?q=tree&oq=tree&aqs=chrome..69i57j0l2j46l3j0l2.13622j0j 7&sourceid=chrome&ie=UTF-8 5.https://www.google.com/search?ei=D13sXtjmB5ivoATY15qoCA&q=birds+flying&oq=BIRD S+FFLYING&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQARgAMgQIABANMgQIABANMgQIABANMgQIABANM gQIABANMgQIABANMgQIABANMgQIABA 6.Google.com/search?q=ano+ang+climate+change+in+tagalog&oq=ANO+ANG+CLIMATE+ CHANGE&aqs=chrome.2.0l2j69i59j0l5.17739j0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8 7. https://www.slideshare.net/arias201625/aralin-3-mga-batas-sa-pagtugon-ng-climate- change 8.https://www.google.com/search?q=batas+tungkol+sa+climate+change+tagalog&oq=Batas +tungkol+sa+climate+change&aqs=chrome.1.69i57j0l7.40204j0j7&sourceid=chrome&ie=UT F-8 9. Teachers’ Guide pages 72-79 10.https://www.google.com/search?q=segregation+of+waste&oq=segra&aqs=chrome.3.69i5 7j0l7.5217j0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8 11.https://www.google.com/search?q=biodegradable+waste+in+tagalog&source=lnms&tbm= isch&sa=X&ved=2ahUKEwjR95zbsI3qAhXJMN4KHXqpDWcQ_AUoAXoECA0QAw&biw=13 66&bih=657 12.https://www.google.com/search?q=bio+hazard+waste+bin&tbm=isch&ved=2ahUKEwiUm cbfsI3qAhVqwIsBHZh2Bk0Q2- cCegQIABAA&oq=hazard+waste&gs_lcp=CgNpbWcQARgHMgIIADICCAAyAggAMgIIADIC CAAyAggAMgYIABAFEB4yBggAEAUQHjIGCAAQBR 13.https://www.google.com/search?q=fossil+fuels&oq=fossil+fuel&aqs=chrome.0.0j69i57j0l6.3852j0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8 14.https://www.google.com/search?q=greenhouse+gasses+pic&oq=gre&aqs=chrome.1.69i5 7j69i59j0l4j46j0.4963j0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8 15.https://www.google.com/search?q=epekto+ng+climate+change+sa+lipunan+kapaligiran+ at+kabuhayan&oq=Epekto+ng+climate+change&aqs=chrome.1.0l2j69i59j0l4j69i60.10486j0j 7&sourceid=chrome&ie=UTF-8 16 16.https://www.google.com/search?q=carbon+emission+effects&source=lnms&tbm=isch&sa =X&ved=2ahUKEwiDiLzNso3qAhWBF4gKHed4DeoQ_AUoAXoECBIQAw&biw=1366&bih=6 57 17.https://www.google.com/search?q=flowers+pictures&oq=flowers&aqs=chrome.1.69i57j0l 7.5092j0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8 18.https://www.google.com/search?q=flying+bird&oq=flyingb&aqs=chrome.2.69i57j0l7.7260j 0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8 19.https://www.google.com/search?q=tree&oq=ttree&aqs=chrome.1.69i57j0l3j46l3j0.4653j0j 7&sourceid=chrome&ie=UTF-8 20.https://www.google.com/search?q=chibi+boys+and+girls&oq=chibi+boys+and+girls&aqs =chrome..69i57.27859j0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8 17 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Schools Division of Negros Oriental Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117 Email Address: [email protected] Website: lrmds.depednodis.net

Use Quizgecko on...
Browser
Browser