Ang Greenhouse Effect at Climate Change PDF
Document Details

Uploaded by DiplomaticSymbol3716
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalahad ng mga konsepto tungkol sa "greenhouse effect" at "climate change". Tinalakay rin dito ang iba't ibang palatandaan ng climate change tulad ng pagtaas ng temperatura, epekto sa mga glacier, at pagbaba ng Arctic sea ice. Ang mga impormasyon ay may kaugnayan sa pangangalaga ng kalikasan.
Full Transcript
Ang Greenhouse Effect Ang Greenhouse Effect Mula sa pagtalakay ng greenhouse gases, nalaman nating ito ang dahilan kung bakit naiipon ang init sa atmospera paaano nga ba nangyayari ito ? Araw araw ang atmospera ay tinakdang pasukin ng iba't ibang uri ng solar radiation. Ilan sa mga hal...
Ang Greenhouse Effect Ang Greenhouse Effect Mula sa pagtalakay ng greenhouse gases, nalaman nating ito ang dahilan kung bakit naiipon ang init sa atmospera paaano nga ba nangyayari ito ? Araw araw ang atmospera ay tinakdang pasukin ng iba't ibang uri ng solar radiation. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang liwanag ng araw, ultraviolet (UV)radiation ,at infrared (IR) radiation Noong 2016 , itinala ng Climate Watch ang Pilipinas bilang ika-31 sa mga pinakamalalaking tagapag – ambag ng greenhouse gases sa mundo.Tinatayang 0.45% ng greenhouse gases sa mundo ay mula sa Pilipinas. Schokalsky bay Ang pagkatunaw ng glacier ay nag sisimula sa crevasses o mga bitak kapag humiwalay na ang bitak ng yelo sa mismong kalupaan dito nabubuo ang iceberg. Glacier Ayon sa NASA, inaanod ng current ang mga iceberg na ito. Subalit, kapag naungusan ito ng pagbuhos ng niyebe, maaaaring bumalik sa kalupaan Ang mga iceberg at maging kabahaging uri ng Ang Pagbabago ng Klima (Climate Change) Mula sa literal nitong pakahulugan, tumutukoy ang climate change sa pagbabago ng klima sa isang partikular na lugar sa loob ng mahabang panahon. Mga palatandaan ng Climate Change ayon sa National Aeronautics and Space Administration (NASA), mga tao rin ang may gawa ng Climate Change sa kasalukuyan. 1.Pagtaas ng temperatura Nagdudulot ang pagdami ng greenhouse gases ng greenhouse effect, na siya namang ugat ng global warming. 2. Pag-init ng mga karagatan - napupunta sa mga karagatan at kalupaan ang init na hindi nasasangga ng ozone layer at iba pang bahagi ng atmospera. 3. Pagliit ng mga ice sheet Tumutukoy ang ice sheet sa napakakapal sa masa ng yelong bumabalot sa kalupaan/katubigang may lawak na 50 libong km². Dahil sa lawak nito, tinatawag din itong continental glacier. Dalawa lamang ang ice sheets sa mundo: ang Greenland at Antarctic ice sheets. 4. Glacial retreat Pumapatungkol ito sa pagbaba ng glacier na nasa matataas na altitude. Sa pag-init ng mundo, maging ang mga ice cap na nasa matataas na altitude ay natutunaw- dahilan upang lumiit ang lawak ng glacier sa mga lugar na ito. 5. Pagliit ng snow cover Base sa mga pagsusuri ng NASA gamit ang kanilang mga satellite, maraming lugar na nababalutan ng yelo sa mga nakalipas na dekada ang nakikitaan na ng kalupaan. 6. Pagtaas ng sea level Ang pagtaas ng sea level ay epekto ng mga naunang nabanggit na palatandaan. Ang mga natunaw na yelo mula sa mga glacier at ice sheet ay napupunta sa karagatan. 7. Pagliit ng Arctic sea ice Kapag ang tipak ng yelo ay orihinal na nagmula sa karagatan, tinatawag itong sea ice. Hindi gaya ng glacier at ice sheet, gawa ito sa tubig-alat. Matatagpuan ang malaking bahagi nito sa Arctic Ocean. 8. Matitinding weather events Ang mga pangyayaring climatological at meteorological ay natural sa mundo. Subalit, ang matitinding weather events gaya ng di-normal na tagal ng tag-ulan o tag-init ay maaaring dulot na ng climate change. 9. Ocean acidification Tinatawag na ocean acidification ang pangyayari kung saan nakakakuha ng maraming CO₂ ang katubigan.